ELIHAAko, si Deriba at Deribia ay nakaupo sa upuan habang nakikinig kay Eliza. "Sa ngayon ay kailan muna nating magpalakas," sabi niya na mayroong pagtitimpi. "Sinabi ko na sa inyo na malakas ang mag-asawa, pero ayaw niyong makinig," sambit ni Deribia."Mayroon pa namang ibang araw, hija.""Oo na, Eliza. Tsaka kung aalis ka ngayon, maaari mo bang isama na pauwi ang iyong anak?"Tumango lang si Eliza. Sa wakas! Makakaalis na ako rito.Hinawakan ako ni Eliza at sabay kaming naglaho. Nasa mansyon na niya kami."Ina, maaari na ba akong umuwi sa aking asawa?""Sa tingin mo ba ay papayagan pa kita pagkatapos ng nangyari?""Ina naman! Sinunod ko naman kayo 'di ba? Gusto ko lang makita ang asawa ko at makasama!""Hindi maaari, Elija. Manahimik ka rito sa mansyon.""Ina, nagmahal ka na ba? Naramdaman mo na ba 'yung ganitong pakiramdam na may gusto kang makita at makasama?""Oo naman." Lumayo siya sa akin at may hinalo sa malaking jar. "Pero bakit ganito kayo sa akin?! Naramdaman at naranas
Last Updated : 2022-05-27 Read more