Azrael POV NASA condo ako ngayon, sa condo kung saan, kami naglalagi dati ni Aingelle. Sinadya ko talagang bilhin ang condo na ito, para sa aming dalawa ni Aingelle. Ito ang love nest naming dalawa. Pero, wala na si Aingelle. Iniwan na niya ako. Marami kaming mga ala-ala sa condo na ito. Simula ng maging kami ay dito kami naglalagi, lahat ng sulok ng condo na ito ay may ala-ala kaming dalawa ni Aingelle dito. Bumili ako ng condo para walang makaka gulo sa amin. Gusto ko masosolo ko si Aingelle, sa mga oras na bakante ito. Nakapikit ang mga mata ko, kaya di ko namalayan na may pumasok pala sa condo. Umupo ito sa kandungan ko, kaya binuksan ko ang aking mga mata at bumungad sa akin si Angel, ang kapatid ni Aingelle. Nakakandong na ito sa akin. Tinignan niya ito ng masama. "Ano ba Angel, get off!" mahina kong utas dito. kumunot ang noo ko ng may matanto ako. "Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko kay Angel. "Paano mo natunton ang lugar na ito?" tanong kong muli sa kanya. Walang kahi
Last Updated : 2022-05-08 Read more