“Wala na ba talagang maisasalba, Mang Felipe?”Sa hawak na napopolbong parte ng tubo nakatitig si Margaux habang nagtatanong kay Mang Felipe, ang pinaka-kanang tauhan ng ama niyang si Deo Samonte. Nilingon niya ang matanda. Katulad niya, namumroblema rin ito. Malalim ang hangin na pinakawalan ni Mang Felipe at naipapailing na tumayo at binitiwan ang abo na nasa palad nito. The ashes scattered on the ground.“Ikinalulungkot ko, Ma’am pero malaki talaga ang pinasala, Ma’am Margaux.” Dumiretso ang mga mata nito sa mga nakikita nilang nakatayo pa ring puno ng mga tubo mula sa kinaroroonan nila. “’Yang mga nakikita mong nakatayo pa, hindi na rin mapapakinabangan. Tupok na ang mga ugat niyan.Parang dumilim ang lahat sa kanya. Napatungo siya at napatingin sa hawak ring lupa. Wala siyang alam sa pagsasaka. Ni hindi niya gusto ang naglalagi rito sa farm, pero ngayon, umaapaw sa puso niya ang hangarin na sana ay may magawa siya para matulungan ang ama. Kagabi, nakita niyang halos hindi tumitin
Huling Na-update : 2023-09-24 Magbasa pa