“Wala na ba talagang maisasalba, Mang Felipe?”
Sa hawak na napopolbong parte ng tubo nakatitig si Margaux habang nagtatanong kay Mang Felipe, ang pinaka-kanang tauhan ng ama niyang si Deo Samonte. Nilingon niya ang matanda. Katulad niya, namumroblema rin ito. Malalim ang hangin na pinakawalan ni Mang Felipe at naipapailing na tumayo at binitiwan ang abo na nasa palad nito. The ashes scattered on the ground.
“Ikinalulungkot ko, Ma’am pero malaki talaga ang pinasala, Ma’am Margaux.” Dumiretso ang mga mata nito sa mga nakikita nilang nakatayo pa ring puno ng mga tubo mula sa kinaroroonan nila. “’Yang mga nakikita mong nakatayo pa, hindi na rin mapapakinabangan. Tupok na ang mga ugat niyan.
Parang dumilim ang lahat sa kanya. Napatungo siya at napatingin sa hawak ring lupa. Wala siyang alam sa pagsasaka. Ni hindi niya gusto ang naglalagi rito sa farm, pero ngayon, umaapaw sa puso niya ang hangarin na sana ay may magawa siya para matulungan ang ama. Kagabi, nakita niyang halos hindi tumitinag ang amang si Deo Samonte habang hawak nito ang isang bote ng alak.
There was nothing she could do that would console his feelings.
Bumigat lalo ang pakiramdam ni Margaux nang maalala ang tahimik na pagtaas-baba ng mga balikat nito. He wanted so much to help her father. Pero sa anong paraan ba? Tagtuyot ang lahat sa kanila. Ni wala siyang makuhang offer sa modeling. Naisipan na niyang tumawag kay Eli pero alam niyang mag-aalala lang ito para sa kanila. Hindi pwedeng madagdagan ang stress ni Eli.
“Ikinalulungkot ko, Ma’am.”
Matipid na ngiti ang isinagot niya kay Mang Felipe. Pinagpag niya ang mga kamay at pagkatapos ay tinitigan ang kabuuan ng naaabong sakahan.
“Ang daddy mo?”
“Nagkukulong pa rin po sa opisina niya.”
“Ngayon ka mas higit na kailangan ng ama mo, Ma’am margaux. Huwag mo siyang pabayaan at baka kung ano ang magawa.”
Sukat sa sinabi nito ay mabilis siyang gumayak para umuwi. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan. Baka nga kung ano ang gagawin ng daddy niya.
“Ang daddy, Nana Belen?” agaran niyang tanong sa matandang mayordoma at basta na lang initsa sa side table ang mga dala pati na ang suot na straw hat.
“Nasa opisina pa rin, Señorita.”
Mabilis ang hakbang na tinungo niya ang opisina ng ama. Kumatok siya ngunit walang sumagot.
“Dad?”
Inulit niya ang pagkatok but just the same, no one answered. Naalala niya ang sinabi kanina ni Mang Felipe. Lumukob ang ‘di maipaliwanag na kaba sa dibdib niya, Napapasaklolong napatingin siya kay Nana Belen na kaagad namang iniutos sa isang katulong na kunin ang susi. Kaagad niyang binuksan ang pinto nang nasa kanya na ang bungkos ng mga spare keys.
The stench of alcohol welcomed her senses.
Ang dilim sa buong opisina. The blinds were drawn. Tanging ilaw na nagmumula sa maliit na lampshade na nakapatong sa ibaba ng desk nito ang tanging tumatanglaw sa loob. Gawa sa hardwood ang mga mwebles sa opisina kaya naman, mas nadidipina ang dark interior. Hinanap kaagad ng mga maya niya ang ama.
Nakasubsob ito sa desk at may nakapatong na wala nang lamang bote ng alak sa tabi nito.
Dahan-dahan siyang humakbang palapit dito.
“Dad.”
Hindi ito tuminag. Sinilip niya kung gumagalaw ba ang mga balikat nito. She was relieved seeing him hoarsely breathing. Nag-angat ito ng mukha nang maramdaman ang mga kaluskos niya. Her father seemed disoriented. Tumingin ito sa kanya na blangko ang mga mata. Her heart ached upon seeing the pain in his eyes. Ngumiti ito pero ngiting malungkot.
Kinuha niya ang alak at itinabi muna sa paanan ng mesa. Naghila siya ng upuan at tinabihan ang ama. “Daddy, you’ve been drinking too much.” Isinandal niya ang ulo sa balikat nito. Nasamyo niya ang alak sa hininga at katawan ng ama. “Sabi ni Nana, hindi ka pa raw kumakain. Tara nang kumain, Dad. Ipagluluto kita.”
“Bakit, marunong ka ba?”
What a weak attempt of her father to lighten the mood. Kahit paano, natutuwa siya na nakikitang sinisikap nitong maging okay ang pakiramdam.
“Case in point, natuto nap o ako noong nasa Brazil ako.”
May manipis na ngiti na sumilay sa mga labi nito. Tamad na ngiti. “Still, I’m not hungry.” Tumingin ito sa nagkalat na mga dokumento sa mesa. Karamihan doon, notices ng bangkong pinagkakautangan nila. Sinamsam niya ang mga iyon at isinalansan sa drawer.
“Tara na, Dad. Sabay na po tayo.”
Her persuasive skills paid off. Tuluyan itong nagpatianod nang akayin niya patayo. Eksakto namang nakahanda na sina Nana Belen sa komedor. Kahit ang mga katulong, kita sa mga mukha ang saya nang saw akas ay lumabas nan g silid ang daddy niya. Kinindatan pa niya si Nana Belen.
“Have a seat, Dad.”
Pinaghila niya ng upuan ang ama at pinagsilbihan. Sinabayan niya itong kumain. As much as possible, iniwasan niyang banggitin ang kinakaharap na problema.
“Am I a failure as a father, Margaux?”
Napahinto siya sa pagsasalin ng juice sa baso nito at napatitig dito. Anguish was painted in his eyes. “No, Dad, you are not.” Iniwan niya ang ginagawa at iniusog ang upuan palapit dito. Iniyakap niya ang mga bisig sa katawan nito mula sa tagiliran at tiningala ito. “In fact, you are the best father for me. You were never a failure.”
His eyes watered. Ginulo ang buhok niya at ilang ulit na kinintalan ng halik ang kanyang bumbunan.
“Malalampasan din natin ang lahat ng ito, Dad. We will.”
“I don’t know how.”
Sinalubong niya ang mga titig nito. “What if we ask for Lorenzo’s help?”
Mariin ang naging pag-iling ng dad niya. His stand won’t ever change. “Hihingi tayo ng tulong kahit kanino but form any of the Santibañez. Will you promise me that?”
His pride was the only remaining thing that kept holding him together. Hindi niya susuwayin ang ama.
“Can you get me to sleep, sweetheart?”
Paminsan-minsan lang humihiling ang ama niya. Pagbibigyan niya. Akay niya ito paakyat sa itaas at inalalayang makahiga sa kama. She stayed by his side, nakaupo sa upuan habang hawak niya ang kamay nito. Hindi ito bumitaw hanggang sa tuluyan itong igupo ng antok.
“I love you, Daddy.”
Isang mabining halik sa noo ang iniwan niya bago lumabas. She stayed in the terrace for a while. Ang payapa ng gabi dito sa hacienda. Ang daming bituin. Eli would have been delighted if she was here looking up above.
“I missed you, Eli.”
She’s glad that Eli has her happy ending already. She just hopes na sana, balang araw, she would have her own happy ending. That she would marry the man of her dreams. Suddenly, may dumaang imahe sa isip niya.
Ilang minuto pa ang lumipas na nanatiling nakatingala siya sa itaas habang nakahawak sa railing ng terrace. Not until she felt something. Tila may mga matang nakatitig sa kanya. Not again. She has been feeling like this since her twenty-fifth birthday. ‘Yon bang pakiwari na may nakabantay sa kanya nang palihim sa paligid. Ganitong-ganito ang lagi niyang nararamdaman kahit noong nasa Brazil pa siya.
Sinuri niya ang paligid. There was nothing unusual in sight but the fact remains that her heart was once again pounding so fast.
Ginising siya ng sunod-sunod na tunog ng telepono. Nakapikit pa rin ang mga mata na kinapa niya ang nightstand at kinuha ang phone.“Hello?” groggy ang boses na sinagot niya ang tawag.“Margaux, finally, may nag-set ng meeting sa’yo.”Parang nawala ang kahuli-hulihang patak ng antok niya. Kaagad siyang bumangon sa kama at sumandal sa headboard ng kama.“Sino, Polly?” tanong niya sa agent niya.“We will discuss once you’re here.”Finally. May maiaambag na rin siya sa pamilya nila. Kahit sa maliit na paraan. Kahit pa ayaw ng daddy niya. Pwede niya namang pagsabayin ang modeling at pagtulong sa ama sa hacienda. Maikli lang ang naging pag-uusap nila ni Polly. Ipinagpaliban niya muna ang pagtungo sa farm at kaagad na kumilos. Bago umalis, sinigurado niya munang maayos na nakahanda ang almusal ng ama. Natutulog pa rin ito.Alas dies ang usapan nila ni Polly. Maaga pa lang ay nasa daan na siya. Bago mag-aas dies nang narating niya ang Bacolod. Pero sa malas, biglang tumirik ang sasakyan. Ila
Lumipas ang ilang araw nang paghahalughog ng mapagkukunan ng tulong. The bills have piled up. May naririnig-rinig na siyang hingalo ng mga manggagawa. Buong buhay niya, lumaki siyang walang anumang problema sa pera. Ngayon, sagad na sagad ang pakiramdam niya. Sumasakit na ang ulo niya. Help was scarce. Ang mga politikong tinulungan ng dad niya na mailuklok sa pwesto, hanggang sa minsanang pangungumusta lang ang ginagawa. No one even bothered to come and visit him. Tama nga ang kasabihan, ‘You’re as good as you’re needed.’ At ngayon, higit kailanman niya mas naiintindihan ang pinagdadaanan ng mga hikahos sa buhay. Hindi madali. Mas mabuti pa nga noong nasa Brazil siya, may misteryosong kapitbahay na nagpapadala sa kanya ng tulong na kadalasan ay pagkain. “Magbinta na lang kaya tayo ng ibang properties, Dad? I can even sell my jewelries and our paintings.” “No, not the paintings. Sa mommy mo ang mga ‘yon.” Napangiti siya kahit papano. His dad has remained loyal to her mother up until
Sinadya niyang tagalan ang pananatili sa restroom. She was buying time to ease her mind. Hinubad niya ang suot na sweater dahil hindi naman na mapapakinabangan pa ang suot. Kumalat masyado ang dumi sa harapan. Mabuti na lang at dark colored ang damit niya. Medyo malamig pero okay na rin. Kaya niya. Hindi naman siguro magtatagal masyado ang meeting nila ni Tito George.Paglabas niya ng restroom, tinarget kaagad ng mga mata niya ang buong dining.Kahit hindi dapat pero hinanap niya ang lalaking iyon.Nakahinga siya nang maluwag nang hindi ito makita. Bagkus ay ang nakangiting mukha ni Governor ang nahagip ng kanyang mga mata. He was waving at her. Tumayo ito at pinanood ang paglapit niya. Naasiwa siya. Sa kanya lang kasi nakapako ang mga mata nito. Tito ang tawag niya rito pero hindi naman sila ganoon ka-close. Kaya naman, sinadya niyang itabing sa harapan ang kamay na may nakasampay na narumihan sweater at binilisan pang lalo ang paghakbang.“Good evening, Governor,” magalang na bati n
5Margaux woke up with a throbbing pain in her head. Namimigat ang katawan niya nananakit na para bang kagagaling niya lang sa pagbubuhat ng mabibigat na mga bagay. May nauulinigan siyang kaluskos at ingay sa paligid pero hindi niya magawang tuluyang idilat ang kanyang mga mata. Her first attempt made her wince in pain. Nasapo ang ulo. May nasalat siyang tila benda sa kanyang noo, doon mismo sa bahaging kumikirot. Gradually, memories from last night surged in her head.Splash ng tubig ang naalala niya, pagtama ng ulo niya sa isang matigas na bagay, mga kamay na bumuhat sa kanya…at ang demonyong mukha ni governor.Napabalikwas siya ng bangon at iginala ang paningin sa paligid. Nanlaki ang kanyang mga mata, napasiksik siya sa kama habang hinablot ang kumot at itinabing iyon sa nanginginig na katawan. Inatake siya ng takot. ‘Kaninong silid ito?’Mas nanakit ang sentido niya sa nabubuong hinala sa utak.‘No, not with the governor, Dear Lord,’ pipi niyang hiling.Sana, hindi tauhan ni go
Mula sa marina, inihatid siya ng tauhan ng lalaki sa airport. Mayaman sila, sanay siyang nakukuha ang luho pero habang nakaupo ngayon sa eroplano, hindi niya maiwasan ang makaramdam na tila ba bago sa kanya ang lahat ng mga nangyayari sa paligid, ‘yong may ibang taong nagpo-provide ng mga pangangailangan niya. In just a snap of her fingers, tila naging sunud-sunuran siya sa agos ng mga pangyayari. “Maayos na lahat ng kailangan mo.” Pinukaw ng lalaking basta na lang dumating kanina sa yate ang pansin niya. Pormal na pormal ito, walang kangiti-ngiti. Kanina nang ibigay sa kanya ang mga bagong-bagong damit at personal necessities, halata ang distansyang inilalagay nito sa pagitan nila. Nabuo na sa utak niya na baka pinagbabawalan ito. Kahit kasi eye contact, mukhang pinipigilan. “Magagalit ba ang boss mo kung ngumiti ka naman kahit konti?” Walang palatandaan na sasagutin ng lalaking nakasuot ng itim na polo at itim ding pantalon ang tanong niya. Maybe, she’s becoming paranoid alrea
“I was expecting the father but he sent a daughter instead.”Just like that, napukaw ng malamig at pormal na boses ng lalaking nakaupo sa dulo ng mesa ang pagtataka at kaba na nararamdaman sa ngayon. How in the world did she end up meeting this man again? Sa ganitong paraan pa.He motioned for her to sit down. Parang kailangan na nga niyang maupo dahil pakiramdam niya ay nangangatog sa kaba ang mga tuhod niya. Kanina, habang nasa sasakyan, pinraktis niya ang mga sasabihin oras na makaharaop niya ang dapat ay ka-meeting ng daddy niya. Ngauong nakita at nalaman niya na ang lalaking ito pala, parang nakalimutan na niya lahat ng mga dapat sabihin.Confused, she helped herself sit opposite the mysterious man. Komportable ang upuan, tama lang ang lambot sa pang-upo niya, but right now, wala siyang madamang comfort mula sa malambot at sigurado siyang mamahaling upuan. Kahit ang buga ng aircon ay tila hindi niya maramdaman.Bakit ba kasi kapag kaharap niya ang misteryosong lalaking ito, parang
Nagpupuyos ang kalooban ni Margaux habang mahigpit na hawak ang manibela. Sa tindi ng nagbabagang emosyon sa dibdib niya, lumampas pa siya sa speed limit na nararapat. That man went beyond the line. Katulad din pala ito ng governor, mapagsamantala. He was also a predator like Tito George. Ang lahat ng paghanga sa puso niya para sa lalaking iyon, natabunan ng galit sa pagkakataong ito. “Ah!” Malakas niyang binayo ang manibela sa inis at prustrasyon. Kanina, gustong-gusto niyang murahin ang lalaki pero hindi niya ginawa. Mas bababa ang tingin nito sa kanya. Baka mas lalong makasama sa pamilya niya. “Ang kapal ng lalaking ‘yon! Kapal! Sobrang kapal!” Inihimpil niya muna ang kotse sa gilid ng daan at hinamig ang sarili. Pakiramdam niya, sasabog ang dibdib niya. Humarap siya sa talahiban na hinintuan at hinamig ang sarili. She couldn’t keep driving when her heart was raging in anger. Isinandal niya ang ulo sa headrest ng upuan at makailang ulit na bumuga ng hangin. Baka makatulong na
Dalawang araw simula nang ma-confine ang ama, iniuwi na rin niya ito kaagad sa bahay. Bilin ng doctor, iwasan ang stress at masyadong pisikal na trabaho. Quite a challenge for his father to follow. Nasanay itong umikot ang buhay sa hacienda at sa refinery. Wala nang mas makapagpapababa ng morale nito kundi ang hindi nito nagagawa ang nakasanayang gawin simula nang magbinata ito.“I couldn’t imagine a day without doing anything.”Nilingon niya ito. His eyes were weary and sad as he looked out the window. Tinatahak nila ngayon ang natitirang bahagi na may mga bago nang nakatanim na mga tubo.“Dad, come on. Huwag mo munang isipin ‘yan.”Inabot niya ang kamay ng ama. His callous hand said everything- his aspirations, his happiness, the completeness of his being. Her father, as rough as the calluses on his hand, possessed a hidden softness she knew all too well.Pagdating sa bahay, nakaabang na kaagad sina Nanay Belya para i–welcome ang ama niya. May nakahandang masaganang tanghalian per
“Miss Margaux, sigurado po ba kayo na gusto ninyong dumulog sa mesa?”Nalito siyas a tanong ni Ate Celia. But then, when she stepped inside, her feet almost froze at the sight before her. Isang babae ang halos nakakandong sa lalaki at halos naghahalikan ang dalawa. O baka nga naghahalikan na. Ang exposed na likuran ng kung sinumang babae kasi ang mas nakikita niya na may butterfly tattoo pa. At malamang na ang nakaupo sa dining chair.ay ang demonyong walang pangalang lalaki.Talaga bang hindi na makapaghintay ang mga ito na makapagsolo sa isang mas pribadong lugar? Atat na atat?Nababastusan siya sa nakikita. Naieskandalo.She had been in the modeling industry for quite a number of years, yet she had never been this promiscuous. ‘Ang lalandi ng mga ito!’Isang may kalakasang tikhim ang umagaw ng kanyang atensyon. Mula iyon kay Ate Celia. Napatingin siya sa babae. Pati na rin ang dalawang haliparot sa dining room ay naagaw ng sigurado siyang sinadyang ingay ni Ate Celia ang pansin. Pa
She stood her ground. May kapalit mang pera ang ginagawa niya pero hindi siya basta-basta bibigay sa utos nito kung pakiramdam niya ay nalalabag ang pagkatao niya. Hindi siya p****k for God’s sake!“Hindi ako p****k para gawin ang utos mo.”She was surprised by her own bravery. Nag-iisa siya sa balwarteng ito, walang magtatanggol sa kanya. There was no one to call for help anytime soon. The man stared at her with a piercing gaze. Sa totoo lang, nakakatakot ang lalaking ito. Para itong tahimik na bulkan na nakakatakot kapag sumabog. Sa abot ng makakaya, hindi siya nangiming makipagsukatan ng titig kahit na nga binubundol ng kaba ang dibdib.“You are here to do one goddamn job, and that is to pleasure me.”Ginalit niya ang lalaki. He could see it in how his jaw tightened, his eyes narrowed, and his lips were pursed. Yet, she showed no sign of fear. She would never back down. “Kung gusto mo akong ikama, gawin mo, but don’t ever make me do things that violate my worth as a woman.”Kita
Surprisingly, naging mahimbing ang pagtulog niya sa kabila ng katotohanang katabi niya ang lalaking ‘yon. Napanatag na rin kasi ang loob niya nang marinig ang patag na paghinga nito sa kanyang likuran, tanda na nakatulog na rin ito. Maingat pa niya itong nilingon at ganoon na lang ang relief na naramdaman nang matuklasang hindi naman pala totally naked ang katabi niya. May suot na itong jogger pants. Nakaunan sa dalawang braso ang ulo, one leg over the other.At least, nagbihis.The feeling is enough to make her feel at ease.Paggising niya, nag-iisa na lang siya sa kama.It was such a relief.Bumangon siya at nag-ayos ng sarili. Sabi kahapon ni Manang, may mga personal na gamit nang nakahanda para sa kanya. Naghalungkat siya sa walk-in closet. Una niyang nakita ang mga lalagyan ng damit ng lalaki. Black, gray, navy blue and white and pawang kulay na nakikita niya sa mangilan-ngilang nakasabit na suits at polo. Ang mga pantalon naman, puros itim, gray at khaki.“At least, he knows khak
“Eat.” Kanina pa sila nakaupo ng lalaki sa harapan ng sixteen-seater dining table kaharap ang masasarap na mga pagkaing nakahain. Lobsters, Beef, soup. Lahat ng nakahain, pawang masasarap pero hindi niya makuhang ganahang kumain. Tumataas ang anxiety level niya habang lumalalim ang gabi. Natatanaw niya mula sa malalaking French windows ng villa na kinaroroonan sa ngayon na madilim na madilim na nga sa labas. Hanggang sa naakita niya na lang na may laman ng pagkain ang plato niya nang ibalik niya ang tingin sa plato. Awtomatikong napatingin siya sa lalaki. Nasa mukha nito ang disgusto sa ikinikilos niya sa harapan ng pagkain. Paano ba naman kasi siya gaganahang kumain kung ang buong isipan niya ay kinakain din ng lahat ng posibilidad na maaaring mangyari? Para siyang suspect na naghihintay ng hatol. Habang tumatagal na nakaupo siya kasama ang lalaking ito, tumitindi ang pakiramdam na tila sinisilaban ang puwet niya. Kinakabahan siya. “I said eat.” Baka mamaya, magalit niya ang mal