Share

2

Author: Grace Ayana
last update Huling Na-update: 2023-09-24 20:04:52

Ginising siya ng sunod-sunod na tunog ng telepono. Nakapikit pa rin ang mga mata na kinapa niya ang nightstand at kinuha ang phone.

“Hello?” groggy ang boses na sinagot niya ang tawag.

“Margaux, finally, may nag-set ng meeting sa’yo.”

Parang nawala ang kahuli-hulihang patak ng antok niya. Kaagad siyang bumangon sa kama at sumandal sa headboard ng kama.

“Sino, Polly?” tanong niya sa agent niya.

“We will discuss once you’re here.”

Finally. May maiaambag na rin siya sa pamilya nila. Kahit sa maliit na paraan. Kahit pa ayaw ng daddy niya. Pwede niya namang pagsabayin ang modeling at pagtulong sa ama sa hacienda. Maikli lang ang naging pag-uusap nila ni Polly. Ipinagpaliban niya muna ang pagtungo sa farm at kaagad na kumilos. Bago umalis, sinigurado niya munang maayos na nakahanda ang almusal ng ama. Natutulog pa rin ito.

Alas dies ang usapan nila ni Polly. Maaga pa lang ay nasa daan na siya. Bago mag-aas dies nang narating niya ang Bacolod. Pero sa malas, biglang tumirik ang sasakyan. Ilang bloke pa mula sa kinaroroonan ang meeting place na ibinigay ni Polly.

“Bakit ngayon pa, ha?”

Nangungunsumeng napatitig siya sa umuusok na makina. Mabuti na lang at may shop sa malapit. Halos lakad-takbo na ang ginawa niya. Sa kamalas-malasan, may nagdaan pa talagang parade sa tapat niya. Napahawak siya sa ulo.

“Shit! Mali-late na ako.”

‘Di maiwasang kumawala ang pagmumura ni Margaux. Sa wakas, natapos ang parade. Nakikipag-unahan na siya sa pagtawid sa pedestraian lane nang mabangga siya ng isa ring kagaya niya na nagmamadali sa pagtawid sa kabilang side ng kalsada. She only had ten minutes. Masamang impresyon ang malilikha niya sa ka-meeting kung mahuhuli siya ng dating. Noon, okay lang sa kanya dahil hindi naman dibdiban ang pagmomodelo niya. Ngayon, iba na ang sitwasyon. Siya ngayon ang nangangailangan.

“Walk like this is an important race, Margaux,” she reminded herself.  

Nakahinga siya nang maluwag sa dibdib nang tuluyan nang makapsok sa entrada Sugarland Hotel. She had no time to fix herself kaya, sinusuklay-suklay niya ng kamay ang buhok habang tumatagaktak ang stiletto niya sa sahig ng five-star hotel na kinaroroonan. Nakasabit sa braso niya ang handbag at hawak sa kamay ang kanyang portfolio.

Sinipat niya ang sarili sa naraanang malaking salamin sa lobby. Okay pa naman ang lipstick niya. nasa ayos pa ang white polo na i-t-in-uck-in niya sa straight cut denim. The denim clearly defined her shapely legs. Nasa ganoon siyang ayos nang tumunog ang phone niya.

“Are you here yet?”

Polly is impatient. Nasa tono nito na nanlalaki na ang mga mata at nanggagalaiti sa inis.

 “Yes, yes. Give me a few minutes at nasa harapan mo na ako.”

Kaagad niyang pinatay ang tawag at nagpatuloy sa paglalakad. Sa kanyang pagmamadali ay tukso pa talagang nasagi nahulog ang hawak na file case. Nagmamadali niya iyong pinulot. Papatayo na sana siya nang may mahagip ang tingin ang lalaking nakade-kwatro ng upo sa emperor’s chair sa lobby ng hotel. The man was talking to his phone. Natatakpan ng kamay na ipinanghahawak ng phone nito ang mukha at nakasuot ito ng shades. He was wearing a leather jacket at tanging simpleng relos na sigurado niyang mamahalin ang jewelry an suot nito. Bahagyang natatakpan ng dahon ng malaking ornamental plant na nasa gilid nito pero nasisigurado niyang matangkad ito at matipuno ang pangangatawan.  

Bumagal ang paglalakad niya. Nasa hindi kilalang lalaki na ang buo niyang atensyon.

It was just she was drawn to the man…unexpectedly.

Para kasing ang lakas ng hatak nito sa kanya. She had been with countless male models in the past, but none of them was able to make her forget about anything…about time. And none of them was capable of making her heart beat fast.

Odd.

Ipinilig niya ang ulo at nagpatuloy sa paglalakad at hinanap ang dining ng hotel. Halata ang nerbiyos ni Polly na tumayo pa at sumalubong sa kanya. Bago pa ito tumalak, nauna na siyang humingi ng paumanhin.

“What took you so long, huh?”

“Something came up.”

“Whatever that is, we have to hurry. Hindi basta-basta ang mga makakausap natin ngayon. They’ve got a proposition for you.”

Inakay siya ni Polly sa mesang nasa dulo ng dining. Naratnan niyang nagsisimula nang kumain ang magiging ka-meeting nila, isang babae at isang lalaki. Barbie at Homer ang pakilala ni Polly sa mga ito. Namumukhaan niya ang lalaking kaharap nila. Nagmumula ito sa film industry na paminsan-minsan ay nagri-recruit ng mga modelong kagaya niya.

“I apologize for making you wait,” hinging paumanin niya na bahagya pang yumukod. Alam niya kung gaano kaimportante ang oras. Malaking aral iyon na isinaksak ng mga magulang sa isip niya.

“Please, have a seat, Miss Samonte.” Sa dalawa, ang babae ang mas business like ang tono at pakikitungo. Ang isa, nagmumukhang macho dancer sa ayos. Namumutok ang mga masels, bigotilyo pa at may hikaw pa sa isang tainga.

“I am, Ma’am.”

Pinag-order siya ng mga ito.

“I’ll have coffee na lang, Ma’am. I just had dinner at home already.”

“Well, coffee, then,” sang-ayon ni Barbie at isinarado ang menu. Tinawag nito ang waiter. Habang naghihintay sa kanya-kanyang mga pagkain, may munting usapan na gaganap sa pagitan nina Polly at ng dalawa. Tahimik lang siyang nakikinig. Her attention was drawn to coffee. Ang sarap lang kasi ng kape na iniinom niya.

“I get it. Kape ang sekreto mo.”

Hindi na niya kailangang manghula pa. Alam niya ang tinutukoy ni Homer. Sa dibdib ba naman niya ito nakatitig. Natanggal pala ang unang dalawang botones at humantad ang hiwa sa dibdib niya. Pasimple niyang dinampot ang tasa ng kape at humigop. Sinasadya niyang natatakpan ng kamay ang dibdib.

“I believe we have some business to discuss. We can start with it already.”

May kumakalikot sa utak niya na iba ang maririnig niya mula sa mga ito. Huminto sa pagsubo si Narbie at diretsong tumitig sa mga mata niya. “We are looking for a fresh face to launch.”

Mataman siyang nakinig.

“We were scouting for talents in this city and your name came up. Polly said you badly needed a job so we are offering you one. Mind you, ikaw lang ang kaisa-isang personal naming kinausap na hindi dumaan sa audition.”

She must be honored pero, parang naririnig na niya ang magiging offer nito pero nagtanong pa rin siya. “Ano’ng offer ba ang meron kayo para sa akin, Ma’am?” sa ipinakilalang Barbie siya nagtanong. Mukhang mas matino itong kausap kaysa sa kasama nito.

“You need to star in an adult film.”

Parang nabingi si Margaux sa walang kagatol-gatol na sagot ni Barbie. Nanuyot ang lalamunan niya. Ilang sandali rin niyang hinanap ang sariling sagot. Napatanga siya sa mukha ni Barbie. She was discussing the proposition like it was just a normal thing. This woman just kept on playing her cheesecake with her fork.

Whatever happened to woman empowerment?

Naramdaman niya ang pagsiko ni Polly sa tagiliran niya. Polly had been her agent since the time she started in commercial modeling. Kaibigan niya ito pero hindi niya mapaniwalaang nakakayang lunukin ni Polly ang offer ng dalawang kaharap. Her prospects to finding a job are dwindling, and receiving this kind of offer felt like a low blow.

“So?”

Polly was eager to hear her answer.

“So?” Kaparehong tanong ng nagpakilalang si Homer. Nilukot nito ang manggas ng suot na sweatshirt hanggang sa umabot sa siko. He bent forward and smiled smugly. Inaasahan ng taong ito na o-oo siya.

“I guess…I can’t do it.”

Pinanliitan siya ng mga mata ni Polly. Barbie sighed heavily. Si Homer ay hindi makapaniwalang napatitig sa kanya.

“May I ask how old you are?”

Nagsimula na siyang kilabutan sa paraan ng pagtitig ng lalaki. He was chewing his gum like a shenanigan.

“Twenty five. Almost twenty six.”

Homer scoffed. Nakakairita ang reaksyon nito. Sumandal ito sa upuan nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Ngayon ay may kasama nang paghagod. She hated when men looked at her this way. Nakakawalang respeto. Kinuha nito ang sigarilyo sa ashtray at walang pakundangang humitit. “When you’re twenty six, you are considered a surplus in modeling already.”

“Sa commercial naman ako, hindi sa rampa. Besides, that’s a myth.” Lumabas ang dugong Samonte niya. Hindi niya naiwasang idepensa ang sarili.

Napahinto si Barbie sa pagsubo at inilapag ang tinidor sa gilid ng dinner plate nito. “Then why are you here?”

May laman ang tanong nito. May pangmamaliit. Natameme siya. Ilang subok na ba ang ginawa niya? Ilang padala ng portfolio pero ang nipis ng tsansa na makakita ng trabaho.

Tumikhim si Polly sa tabi niya. “I’m sure my talent will reconsider your offer.”

“There’s no need, Polly,” maagap niyang salag sa sinabi ni Polly na tiningnan ito. Naging alanganin ang ngiti ni Polly. Apologetic itong napatingin sa mga kausap. Nang sa kanya dumako ang paningin nito, nanliit ang mga mata nito. Nasa mga mata nito ang paghingi ng paliwanag. Inunahan na niya ito. Sininop niya ang mga gamit at tumayo. Taas-noo siyang humarap sa dalawang kausap. “I appreciate the time you gave me, but I think there is somebody else better suited for the job you’re offering me.”

Hindi niya naman kailangang maging bastos sa mga kaharap.

“You’re saying no.”

“Yes, Polly.” Humugot siya ng hangin sa dibdib at nagpaalam sa mga kausap. “Thanks for the time. I appreciate that you considered me. Excuse me.”

Mabibilis ang mga hakbang niyang lumayo at lumulan sa elevator. She felt suffocated and her ego was bruised.

“Margaux!”

Sinundan pa talaga siya ni Polly. Napilitan siyang huminto sa kalagitnaan ng lobby ng hotel na kinaroroonan at hinintay ang paglapit nito.

“You’re walking away from fortune and fame.” Tinitimpi ang galit ni Polly.

“I’d rather starve than do it.”

Nang-uuyam ang ngiti at titig ni Polly. “You need a job. You need money and not some goddamn pride.” Halata ang yamot nito. Nangingigil ito sa kanya.

“Hindi ganoong uri, Polly.”

“My God, Margaux! Huwag kang maging choosy,” anitong kumumpas ang mga palad sa ere at napalakad-lakad pa sa harapan niya. Parang nawala bigla ang pagiging bakla nito. May ilang naglalakad sa lobby na napapatitig na sa kanila. They sure made a scene already.

“Kaibigan kita, Polly, pero ikaw pa itong nagtutulak sa akin para gumawa ng isang bagay na alam na alam mong hindi ko kayang gawin.”

“Kaibigan kita, kaya I am putting some sense into your head. Baka nakakalimutan mong malayo ka na sa dating Margaux na pinag-aagawan ng mga agencies? Clients are making a pass on you. Hindi ka maka-landing ni isa mang commercial. Kaya ka nga nagsusumiksik sa akin. Ngayong may nahanap ako, ikaw naman itong nag-iinarte. You are financially unstable, huwag kang umarteng hitik ka sa choices. Your platter is empty, dear. Kung sana lang kasi hindi mo pinairal ang pagiging spoiled brat mo at pumayag na lang na magpakasal sa isang Lorenzo Santibañez, wala ka sanang patong-patong na problema ngayon. Now, go home, if that’s what you really want. Umuwi ka sa probinsya at magmukmok sa naaabo ninyong tubuhan and never bother me at all.”

She couldn’t believe what she heard.

Nasasaktan siya. More than her bruised ego, nasasaktan ang puso niya. Hindi niya inaasahang marinig ang sampal na mga salita mula sa taong itinuturing niyang malapit na kaibigan. Habang hatid ng tanaw ang papalayong si Polly, nangilid naman sa luha ang mga mata niya. Maagap niya iyong pinahid at taas-noong lumabas ng hotel.

She is Margaux Samonte. Margaux doesn’t cry.

Taas-noo siyang naglakad. She looked okay pero sa totoo lang, nagpupuyos ang damdamin niya. Dala ng matinding emosyon, ‘di na niya namalayan pa ang malaking bulto ng katawan na nakakasalubong niya sa gilid ng daan. Naramdaman niya na lang ang pagbunggo niya sa isang matigas na bagay. Tumilapon sa semento ang hawak niyang phone at bag pati na ang panyo dala ng malakas na impact. Nasundan niya na lang ng tingin ang pag-landing ng mga gamit sa semento. Kita niya ang pagkabasag ng tempered glass. Parang umakyat ang lahat ng galit niya sa dibdib.

“Ano ba, ang careless mo!” Binulyawan niya ang hindi kilalang lalaki na dumukwang at pinulot ang nagkalat na mga kagamitan. “Kung tumitingin ka lang sana sa nilalakaran mo, eh. Nakakainis!”

Tila tumatagos lang sa pandinig ng lalaki ang mga sinabi niya. Napahinto na rin siya sa pagtalak. Nakakahiya na rin. Nasa gilid sila ng daan, may mga taong napapalingon sa kanila. Sa kanya, particularly. Nayayamot niyang hinintay na matapos ang pagpulot ng lalaki sa mga gamit niya. Ito ang may kaslaanan, dapat lang na ito ang pumulot sa mga ‘yon.

Sa kawalan ng magawa, natapunan ng mapanuring titig niya ang kabuuan ng nakatalikod na lalaki. Napako ang mga mata niya sa suot nitong leather jacket, sa clean cut hair, sa suot na relo.

Could this be the…

Kasabay nang pagtayo nito ay ang kasagutan sa tanong niya sa isip. Ewan niya ngunit bigla ang pagkabog sa dibdib niya habang nakatanga sa mukha ng lalaki. He was the same man she saw a while ago.

“I believe these are yours.”

Para siyang ginising mula sa mahabang pagninilay-nilay ng baritonong boses na narinig niya. Nasa mismong harapan na pala niya ang lalaki. He was standing tall and towering all over her. Parang naging kulang bigla ang height niya dahil sa pagkakabakod ng matikas nitong katawan sa kanya.

Modelo kaya ito?

Ang dami na niyang nakaparehang gwapo sa mga commercials na ginawa niya. She had developed crushes in some of them, but never in entire life that she became speechless like this. His eyes were so expressive and somewhat mysterious. Parang ang lakas ng kapangyarihan, tila nanghihipnotismo.

“Are you taking your stuff o itatapon ko na lang ulit ang mga ito sa basurahan?”

That woke her up. Completely. Napapahiyang nagbaba siya ng tingin. “P-pasensya na…” Shit! Nauutal ba talaga siya? She never buckled up. Nakakaya niyang harapin ang kahit na sino.

“Did you even hear me?”

Namalayan na lang niyang kinuha nito ang kamay niya at inilipat doon ang mga kanyang mga gamit. Para siyang naalarma sa hawak nito na ewan. May kakaiba kasing dulot sa balat niya. Parang naabot ng kilabot ang puso niya. Pero bago pa man makapagsalita, kusa na itong tumalikod at walang kaabog-abog na umalis.

Like she didn’t exist.

Pero bakit hanggang ngayon, nakatanga pa rin siya sa lumiliit nang bulto ng katawan nito? Up until this very second, hindi niya maputol ang paninitig sa kampante nitong paglalakad like he owned the whole world.

Bigla siyang napahawak sa dibdib.

Nag-iingay pa rin ang kailaliman niyon. Hanggang sa makauwi siya sa kanila sa La castellana. Hindi nawawala sa isip niya ang lalaki. That enigmatic man just troubled her senses in a magnitude she never imagined any man would.

Kaugnay na kabanata

  • Beyond Fallen   3

    Lumipas ang ilang araw nang paghahalughog ng mapagkukunan ng tulong. The bills have piled up. May naririnig-rinig na siyang hingalo ng mga manggagawa. Buong buhay niya, lumaki siyang walang anumang problema sa pera. Ngayon, sagad na sagad ang pakiramdam niya. Sumasakit na ang ulo niya. Help was scarce. Ang mga politikong tinulungan ng dad niya na mailuklok sa pwesto, hanggang sa minsanang pangungumusta lang ang ginagawa. No one even bothered to come and visit him. Tama nga ang kasabihan, ‘You’re as good as you’re needed.’ At ngayon, higit kailanman niya mas naiintindihan ang pinagdadaanan ng mga hikahos sa buhay. Hindi madali. Mas mabuti pa nga noong nasa Brazil siya, may misteryosong kapitbahay na nagpapadala sa kanya ng tulong na kadalasan ay pagkain. “Magbinta na lang kaya tayo ng ibang properties, Dad? I can even sell my jewelries and our paintings.” “No, not the paintings. Sa mommy mo ang mga ‘yon.” Napangiti siya kahit papano. His dad has remained loyal to her mother up until

    Huling Na-update : 2023-09-24
  • Beyond Fallen   4

    Sinadya niyang tagalan ang pananatili sa restroom. She was buying time to ease her mind. Hinubad niya ang suot na sweater dahil hindi naman na mapapakinabangan pa ang suot. Kumalat masyado ang dumi sa harapan. Mabuti na lang at dark colored ang damit niya. Medyo malamig pero okay na rin. Kaya niya. Hindi naman siguro magtatagal masyado ang meeting nila ni Tito George.Paglabas niya ng restroom, tinarget kaagad ng mga mata niya ang buong dining.Kahit hindi dapat pero hinanap niya ang lalaking iyon.Nakahinga siya nang maluwag nang hindi ito makita. Bagkus ay ang nakangiting mukha ni Governor ang nahagip ng kanyang mga mata. He was waving at her. Tumayo ito at pinanood ang paglapit niya. Naasiwa siya. Sa kanya lang kasi nakapako ang mga mata nito. Tito ang tawag niya rito pero hindi naman sila ganoon ka-close. Kaya naman, sinadya niyang itabing sa harapan ang kamay na may nakasampay na narumihan sweater at binilisan pang lalo ang paghakbang.“Good evening, Governor,” magalang na bati n

    Huling Na-update : 2023-09-24
  • Beyond Fallen   5

    5Margaux woke up with a throbbing pain in her head. Namimigat ang katawan niya nananakit na para bang kagagaling niya lang sa pagbubuhat ng mabibigat na mga bagay. May nauulinigan siyang kaluskos at ingay sa paligid pero hindi niya magawang tuluyang idilat ang kanyang mga mata. Her first attempt made her wince in pain. Nasapo ang ulo. May nasalat siyang tila benda sa kanyang noo, doon mismo sa bahaging kumikirot. Gradually, memories from last night surged in her head.Splash ng tubig ang naalala niya, pagtama ng ulo niya sa isang matigas na bagay, mga kamay na bumuhat sa kanya…at ang demonyong mukha ni governor.Napabalikwas siya ng bangon at iginala ang paningin sa paligid. Nanlaki ang kanyang mga mata, napasiksik siya sa kama habang hinablot ang kumot at itinabing iyon sa nanginginig na katawan. Inatake siya ng takot. ‘Kaninong silid ito?’Mas nanakit ang sentido niya sa nabubuong hinala sa utak.‘No, not with the governor, Dear Lord,’ pipi niyang hiling.Sana, hindi tauhan ni go

    Huling Na-update : 2023-10-01
  • Beyond Fallen   6

    Mula sa marina, inihatid siya ng tauhan ng lalaki sa airport. Mayaman sila, sanay siyang nakukuha ang luho pero habang nakaupo ngayon sa eroplano, hindi niya maiwasan ang makaramdam na tila ba bago sa kanya ang lahat ng mga nangyayari sa paligid, ‘yong may ibang taong nagpo-provide ng mga pangangailangan niya. In just a snap of her fingers, tila naging sunud-sunuran siya sa agos ng mga pangyayari. “Maayos na lahat ng kailangan mo.” Pinukaw ng lalaking basta na lang dumating kanina sa yate ang pansin niya. Pormal na pormal ito, walang kangiti-ngiti. Kanina nang ibigay sa kanya ang mga bagong-bagong damit at personal necessities, halata ang distansyang inilalagay nito sa pagitan nila. Nabuo na sa utak niya na baka pinagbabawalan ito. Kahit kasi eye contact, mukhang pinipigilan. “Magagalit ba ang boss mo kung ngumiti ka naman kahit konti?” Walang palatandaan na sasagutin ng lalaking nakasuot ng itim na polo at itim ding pantalon ang tanong niya. Maybe, she’s becoming paranoid alrea

    Huling Na-update : 2024-03-06
  • Beyond Fallen   7

    “I was expecting the father but he sent a daughter instead.”Just like that, napukaw ng malamig at pormal na boses ng lalaking nakaupo sa dulo ng mesa ang pagtataka at kaba na nararamdaman sa ngayon. How in the world did she end up meeting this man again? Sa ganitong paraan pa.He motioned for her to sit down. Parang kailangan na nga niyang maupo dahil pakiramdam niya ay nangangatog sa kaba ang mga tuhod niya. Kanina, habang nasa sasakyan, pinraktis niya ang mga sasabihin oras na makaharaop niya ang dapat ay ka-meeting ng daddy niya. Ngauong nakita at nalaman niya na ang lalaking ito pala, parang nakalimutan na niya lahat ng mga dapat sabihin.Confused, she helped herself sit opposite the mysterious man. Komportable ang upuan, tama lang ang lambot sa pang-upo niya, but right now, wala siyang madamang comfort mula sa malambot at sigurado siyang mamahaling upuan. Kahit ang buga ng aircon ay tila hindi niya maramdaman.Bakit ba kasi kapag kaharap niya ang misteryosong lalaking ito, parang

    Huling Na-update : 2024-03-08
  • Beyond Fallen   8

    Nagpupuyos ang kalooban ni Margaux habang mahigpit na hawak ang manibela. Sa tindi ng nagbabagang emosyon sa dibdib niya, lumampas pa siya sa speed limit na nararapat. That man went beyond the line. Katulad din pala ito ng governor, mapagsamantala. He was also a predator like Tito George. Ang lahat ng paghanga sa puso niya para sa lalaking iyon, natabunan ng galit sa pagkakataong ito. “Ah!” Malakas niyang binayo ang manibela sa inis at prustrasyon. Kanina, gustong-gusto niyang murahin ang lalaki pero hindi niya ginawa. Mas bababa ang tingin nito sa kanya. Baka mas lalong makasama sa pamilya niya. “Ang kapal ng lalaking ‘yon! Kapal! Sobrang kapal!” Inihimpil niya muna ang kotse sa gilid ng daan at hinamig ang sarili. Pakiramdam niya, sasabog ang dibdib niya. Humarap siya sa talahiban na hinintuan at hinamig ang sarili. She couldn’t keep driving when her heart was raging in anger. Isinandal niya ang ulo sa headrest ng upuan at makailang ulit na bumuga ng hangin. Baka makatulong na

    Huling Na-update : 2024-03-09
  • Beyond Fallen   9

    Dalawang araw simula nang ma-confine ang ama, iniuwi na rin niya ito kaagad sa bahay. Bilin ng doctor, iwasan ang stress at masyadong pisikal na trabaho. Quite a challenge for his father to follow. Nasanay itong umikot ang buhay sa hacienda at sa refinery. Wala nang mas makapagpapababa ng morale nito kundi ang hindi nito nagagawa ang nakasanayang gawin simula nang magbinata ito.“I couldn’t imagine a day without doing anything.”Nilingon niya ito. His eyes were weary and sad as he looked out the window. Tinatahak nila ngayon ang natitirang bahagi na may mga bago nang nakatanim na mga tubo.“Dad, come on. Huwag mo munang isipin ‘yan.”Inabot niya ang kamay ng ama. His callous hand said everything- his aspirations, his happiness, the completeness of his being. Her father, as rough as the calluses on his hand, possessed a hidden softness she knew all too well.Pagdating sa bahay, nakaabang na kaagad sina Nanay Belya para i–welcome ang ama niya. May nakahandang masaganang tanghalian per

    Huling Na-update : 2024-03-10
  • Beyond Fallen   10

    “Eat.” Kanina pa sila nakaupo ng lalaki sa harapan ng sixteen-seater dining table kaharap ang masasarap na mga pagkaing nakahain. Lobsters, Beef, soup. Lahat ng nakahain, pawang masasarap pero hindi niya makuhang ganahang kumain. Tumataas ang anxiety level niya habang lumalalim ang gabi. Natatanaw niya mula sa malalaking French windows ng villa na kinaroroonan sa ngayon na madilim na madilim na nga sa labas. Hanggang sa naakita niya na lang na may laman ng pagkain ang plato niya nang ibalik niya ang tingin sa plato. Awtomatikong napatingin siya sa lalaki. Nasa mukha nito ang disgusto sa ikinikilos niya sa harapan ng pagkain. Paano ba naman kasi siya gaganahang kumain kung ang buong isipan niya ay kinakain din ng lahat ng posibilidad na maaaring mangyari? Para siyang suspect na naghihintay ng hatol. Habang tumatagal na nakaupo siya kasama ang lalaking ito, tumitindi ang pakiramdam na tila sinisilaban ang puwet niya. Kinakabahan siya. “I said eat.” Baka mamaya, magalit niya ang mal

    Huling Na-update : 2024-03-19

Pinakabagong kabanata

  • Beyond Fallen   13

    “Miss Margaux, sigurado po ba kayo na gusto ninyong dumulog sa mesa?”Nalito siyas a tanong ni Ate Celia. But then, when she stepped inside, her feet almost froze at the sight before her. Isang babae ang halos nakakandong sa lalaki at halos naghahalikan ang dalawa. O baka nga naghahalikan na. Ang exposed na likuran ng kung sinumang babae kasi ang mas nakikita niya na may butterfly tattoo pa. At malamang na ang nakaupo sa dining chair.ay ang demonyong walang pangalang lalaki.Talaga bang hindi na makapaghintay ang mga ito na makapagsolo sa isang mas pribadong lugar? Atat na atat?Nababastusan siya sa nakikita. Naieskandalo.She had been in the modeling industry for quite a number of years, yet she had never been this promiscuous. ‘Ang lalandi ng mga ito!’Isang may kalakasang tikhim ang umagaw ng kanyang atensyon. Mula iyon kay Ate Celia. Napatingin siya sa babae. Pati na rin ang dalawang haliparot sa dining room ay naagaw ng sigurado siyang sinadyang ingay ni Ate Celia ang pansin. Pa

  • Beyond Fallen   12

    She stood her ground. May kapalit mang pera ang ginagawa niya pero hindi siya basta-basta bibigay sa utos nito kung pakiramdam niya ay nalalabag ang pagkatao niya. Hindi siya p****k for God’s sake!“Hindi ako p****k para gawin ang utos mo.”She was surprised by her own bravery. Nag-iisa siya sa balwarteng ito, walang magtatanggol sa kanya. There was no one to call for help anytime soon. The man stared at her with a piercing gaze. Sa totoo lang, nakakatakot ang lalaking ito. Para itong tahimik na bulkan na nakakatakot kapag sumabog. Sa abot ng makakaya, hindi siya nangiming makipagsukatan ng titig kahit na nga binubundol ng kaba ang dibdib.“You are here to do one goddamn job, and that is to pleasure me.”Ginalit niya ang lalaki. He could see it in how his jaw tightened, his eyes narrowed, and his lips were pursed. Yet, she showed no sign of fear. She would never back down. “Kung gusto mo akong ikama, gawin mo, but don’t ever make me do things that violate my worth as a woman.”Kita

  • Beyond Fallen   11 - Strip

    Surprisingly, naging mahimbing ang pagtulog niya sa kabila ng katotohanang katabi niya ang lalaking ‘yon. Napanatag na rin kasi ang loob niya nang marinig ang patag na paghinga nito sa kanyang likuran, tanda na nakatulog na rin ito. Maingat pa niya itong nilingon at ganoon na lang ang relief na naramdaman nang matuklasang hindi naman pala totally naked ang katabi niya. May suot na itong jogger pants. Nakaunan sa dalawang braso ang ulo, one leg over the other.At least, nagbihis.The feeling is enough to make her feel at ease.Paggising niya, nag-iisa na lang siya sa kama.It was such a relief.Bumangon siya at nag-ayos ng sarili. Sabi kahapon ni Manang, may mga personal na gamit nang nakahanda para sa kanya. Naghalungkat siya sa walk-in closet. Una niyang nakita ang mga lalagyan ng damit ng lalaki. Black, gray, navy blue and white and pawang kulay na nakikita niya sa mangilan-ngilang nakasabit na suits at polo. Ang mga pantalon naman, puros itim, gray at khaki.“At least, he knows khak

  • Beyond Fallen   10

    “Eat.” Kanina pa sila nakaupo ng lalaki sa harapan ng sixteen-seater dining table kaharap ang masasarap na mga pagkaing nakahain. Lobsters, Beef, soup. Lahat ng nakahain, pawang masasarap pero hindi niya makuhang ganahang kumain. Tumataas ang anxiety level niya habang lumalalim ang gabi. Natatanaw niya mula sa malalaking French windows ng villa na kinaroroonan sa ngayon na madilim na madilim na nga sa labas. Hanggang sa naakita niya na lang na may laman ng pagkain ang plato niya nang ibalik niya ang tingin sa plato. Awtomatikong napatingin siya sa lalaki. Nasa mukha nito ang disgusto sa ikinikilos niya sa harapan ng pagkain. Paano ba naman kasi siya gaganahang kumain kung ang buong isipan niya ay kinakain din ng lahat ng posibilidad na maaaring mangyari? Para siyang suspect na naghihintay ng hatol. Habang tumatagal na nakaupo siya kasama ang lalaking ito, tumitindi ang pakiramdam na tila sinisilaban ang puwet niya. Kinakabahan siya. “I said eat.” Baka mamaya, magalit niya ang mal

  • Beyond Fallen   9

    Dalawang araw simula nang ma-confine ang ama, iniuwi na rin niya ito kaagad sa bahay. Bilin ng doctor, iwasan ang stress at masyadong pisikal na trabaho. Quite a challenge for his father to follow. Nasanay itong umikot ang buhay sa hacienda at sa refinery. Wala nang mas makapagpapababa ng morale nito kundi ang hindi nito nagagawa ang nakasanayang gawin simula nang magbinata ito.“I couldn’t imagine a day without doing anything.”Nilingon niya ito. His eyes were weary and sad as he looked out the window. Tinatahak nila ngayon ang natitirang bahagi na may mga bago nang nakatanim na mga tubo.“Dad, come on. Huwag mo munang isipin ‘yan.”Inabot niya ang kamay ng ama. His callous hand said everything- his aspirations, his happiness, the completeness of his being. Her father, as rough as the calluses on his hand, possessed a hidden softness she knew all too well.Pagdating sa bahay, nakaabang na kaagad sina Nanay Belya para i–welcome ang ama niya. May nakahandang masaganang tanghalian per

  • Beyond Fallen   8

    Nagpupuyos ang kalooban ni Margaux habang mahigpit na hawak ang manibela. Sa tindi ng nagbabagang emosyon sa dibdib niya, lumampas pa siya sa speed limit na nararapat. That man went beyond the line. Katulad din pala ito ng governor, mapagsamantala. He was also a predator like Tito George. Ang lahat ng paghanga sa puso niya para sa lalaking iyon, natabunan ng galit sa pagkakataong ito. “Ah!” Malakas niyang binayo ang manibela sa inis at prustrasyon. Kanina, gustong-gusto niyang murahin ang lalaki pero hindi niya ginawa. Mas bababa ang tingin nito sa kanya. Baka mas lalong makasama sa pamilya niya. “Ang kapal ng lalaking ‘yon! Kapal! Sobrang kapal!” Inihimpil niya muna ang kotse sa gilid ng daan at hinamig ang sarili. Pakiramdam niya, sasabog ang dibdib niya. Humarap siya sa talahiban na hinintuan at hinamig ang sarili. She couldn’t keep driving when her heart was raging in anger. Isinandal niya ang ulo sa headrest ng upuan at makailang ulit na bumuga ng hangin. Baka makatulong na

  • Beyond Fallen   7

    “I was expecting the father but he sent a daughter instead.”Just like that, napukaw ng malamig at pormal na boses ng lalaking nakaupo sa dulo ng mesa ang pagtataka at kaba na nararamdaman sa ngayon. How in the world did she end up meeting this man again? Sa ganitong paraan pa.He motioned for her to sit down. Parang kailangan na nga niyang maupo dahil pakiramdam niya ay nangangatog sa kaba ang mga tuhod niya. Kanina, habang nasa sasakyan, pinraktis niya ang mga sasabihin oras na makaharaop niya ang dapat ay ka-meeting ng daddy niya. Ngauong nakita at nalaman niya na ang lalaking ito pala, parang nakalimutan na niya lahat ng mga dapat sabihin.Confused, she helped herself sit opposite the mysterious man. Komportable ang upuan, tama lang ang lambot sa pang-upo niya, but right now, wala siyang madamang comfort mula sa malambot at sigurado siyang mamahaling upuan. Kahit ang buga ng aircon ay tila hindi niya maramdaman.Bakit ba kasi kapag kaharap niya ang misteryosong lalaking ito, parang

  • Beyond Fallen   6

    Mula sa marina, inihatid siya ng tauhan ng lalaki sa airport. Mayaman sila, sanay siyang nakukuha ang luho pero habang nakaupo ngayon sa eroplano, hindi niya maiwasan ang makaramdam na tila ba bago sa kanya ang lahat ng mga nangyayari sa paligid, ‘yong may ibang taong nagpo-provide ng mga pangangailangan niya. In just a snap of her fingers, tila naging sunud-sunuran siya sa agos ng mga pangyayari. “Maayos na lahat ng kailangan mo.” Pinukaw ng lalaking basta na lang dumating kanina sa yate ang pansin niya. Pormal na pormal ito, walang kangiti-ngiti. Kanina nang ibigay sa kanya ang mga bagong-bagong damit at personal necessities, halata ang distansyang inilalagay nito sa pagitan nila. Nabuo na sa utak niya na baka pinagbabawalan ito. Kahit kasi eye contact, mukhang pinipigilan. “Magagalit ba ang boss mo kung ngumiti ka naman kahit konti?” Walang palatandaan na sasagutin ng lalaking nakasuot ng itim na polo at itim ding pantalon ang tanong niya. Maybe, she’s becoming paranoid alrea

  • Beyond Fallen   5

    5Margaux woke up with a throbbing pain in her head. Namimigat ang katawan niya nananakit na para bang kagagaling niya lang sa pagbubuhat ng mabibigat na mga bagay. May nauulinigan siyang kaluskos at ingay sa paligid pero hindi niya magawang tuluyang idilat ang kanyang mga mata. Her first attempt made her wince in pain. Nasapo ang ulo. May nasalat siyang tila benda sa kanyang noo, doon mismo sa bahaging kumikirot. Gradually, memories from last night surged in her head.Splash ng tubig ang naalala niya, pagtama ng ulo niya sa isang matigas na bagay, mga kamay na bumuhat sa kanya…at ang demonyong mukha ni governor.Napabalikwas siya ng bangon at iginala ang paningin sa paligid. Nanlaki ang kanyang mga mata, napasiksik siya sa kama habang hinablot ang kumot at itinabing iyon sa nanginginig na katawan. Inatake siya ng takot. ‘Kaninong silid ito?’Mas nanakit ang sentido niya sa nabubuong hinala sa utak.‘No, not with the governor, Dear Lord,’ pipi niyang hiling.Sana, hindi tauhan ni go

DMCA.com Protection Status