“Sana ay ‘wag mong kalimutan ang sinabi mo sa harap namin— ang mga pangako mo sa anak ko, Demetrius. Anyway, mauuna na ako at ubusin mo na lang iyan.” Hindi na umimik si Demetrius ngunit malalim ang iniisip nito at walang pokus sa pagkain. Napansin iyon kanina ni Beth ngunit piniling isiwalang bahala ito. Sana’y mahimasmasan ito sa mga nangyayari at sa mga ginagawa nito. Hindi niya man nakikita, pero iba ang pakiramdam ng mga babae. Kinunan niya pa kanina ng litrato si Demetrius habang kumakain ito at si-nend sa anak. Pagkatapos ay hinatid na ni Gio paalis si Beth. “Do you think someone was spying on us?” tanong ni Demetrius habang nakatalikod kay Val. “Possible, Don. Posible rin na nandito siya sa loob ng kompanya. Ngunit hindi ko rin masisisi si Mrs. Cabrera at Mrs. Rousanne, matalas ang pakiramdam ng mga babae.” “Do you believe that?” Demetrius said ridiculously. “Sabi ng karamihan. Pero nasabihan ka naman ni Mrs. Cabrera, maybe it was true all along?” Gano’n ba katalas ang
Last Updated : 2023-08-20 Read more