“Mukhang ayos na ang dalawa. Sabi ko na nga at kailangan lang nila mag-usap,” komento ni Roman pagkatapos tumingin sa bintana kung saan nakatulog na ang anak sa piling ni Demetrius. Tumingin siya sa panganay na anak na tila hindi pa humuhupa ang inis sa brother-in-law nito kaya napailing siya. Mas sobra pa ang pagiging protective nito kay Rousanne kaysa sa kanya. “Tss. Binigay niyo agad ang tiwala niyo sa kanya, Pa. Hindi natin masisiguro ang kaligtasan ni Rousanne.” Nilagay ni Roman ang kamay nito sa balikat ng anak. “Naiintindihan kita, pero walang kasiguraduhan ang mundo. Palaging may magbabago at hindi natin hawak ang buhay ng isa’t-isa. Huwag mo namang ipagkait sa kapatid mo ang sayang dala ni Demetrius. Hindi kita pipigilan sa gagawin mo kung alam mong mali ang ginawa ni Demetrius, pero bago ka lumusob, eh, mag-isip-isip ka muna.” Ngumiti si Roman. “Tingnan mo nga kung gaano kakikisig ang mga tauhan niya? Isipin mo rin ang kalagayan mo.” Tumingin si Ymar kung nasaan sina Alex
Read more