“I’m Billy Monteza, saying, see you next time. Sana love story ko naman ang ang ipi-feature ko sa susunod,” wika ni Belinda sabay hagikgik matapos niyang i-vlog ang wedding ng kanyang bestfriend na si Anika Sarmiento, na ngayon ay Nolasco na. Of course hindi naman siya seryoso ng sabihin niya ang mga katagang sana love story ko naman ang ang ipi-feature ko sa susunod, dahil 23 years old pa lang naman siya at hindi pa ganoong kadesperado para muling magka-lovelife. Isa pa, tumaas na ang standard niya sa pagpili ng susunod na mamahalin. Kung ang una niyang boyfriend na ipinaglaban pa niya ng husto sa kanyang mga magulang ay masasabing guwapo, matangkad at macho lang, ibig niyang ang susunod niyang magiging kasintahan ay hindi lang may magandang hitsura at tikas kundi may mga
Last Updated : 2022-04-02 Read more