“HINDI KO PINATAY SI Jay-are!” Umiiyak na sigaw ni Mariz habang pinupusasan siya ng mga pulis. Duguan ang suot niyang bestida, marami siyang galos sa katawan, magulong-magulo ang kanyang buhok at mababakas ang kalituhan sa kanyang mukha, “Maniwala naman kayo sa akin, oh. Hindi ko pinatay ang asawa ko,”nagsusumamong sabi niya, nilingon niya ang mga magulang ni Jay-are, “’Nay, Tay, alam nyong hindi ko magagawang patayin ang anak ninyo. . .” Ngunit sino nga ba ang maniniwala sa kanya na wala talaga siyang kinalaman sa pagkamatay ni Jay-are gayong natagpuan siya sa kuwarto nilang mag-asawa na duguan ang kanyang kasuotan at punong-puno ng galos ang kanyang katawan habang nakahandusay si Jay-are sa sahig at tadtad ito ng saksak ang dibdib at dead on arrival na nang dalhin sa ospital. Kung paanong nangyaring punong-puno ng dugo ang kanyang kasuotan, at napakarami niyang galos sa katawan ay hindi rin niya alam. Ang sigurado lang niya, hindi niya pinatay ang asawa ni
Terakhir Diperbarui : 2022-03-27 Baca selengkapnya