LIHIM na napangisi si Mariz, sinadya niyang papungayin ang kanyang mga mata, “Hindi naman magiging problema iyon kay Jay-are. Alam naman niyang trabaho lang ang lahat ng ito, hindi ba Sir Gerald?” Mapanukso ang tonong sabi niya, sinadya pa niyang magpakawala ng isang nakakapang-akit na ngiti sa mga labi.
“Yeah, trabaho lang at pagdating sa trabaho, I am very dedicated,” sabi nitong mas lalong inilapit ang mukha sa tenga niya. Nagdulot iyon ng kakaibang tension sa kanya, nag-iinit ang kanyang buong katawan. Nalalanghap niya ang pangmayamang scent nito. Malayo sa amoy ni Jay-are na palaging babad sa araw.
Napasinghap siya. Tumindig siya ng tuwid dahil parang nanghihina ang mga tuhod niya. Ang bilis-bilis ng pintig ng puso niya. Napangisi si Gerald nang mahalata ang tension sa mukha niya.
“Huwag kang mag-uumpisa ng isang bagay na di mo kayang panindigan,” he teased.
“W-Wala akong inumpisahan na hindi ko kinayang panindigan,” aniya rito.
Biglang napalitan ng pagkaseryoso ang mga mata ni Gerald, “Talaga ba? Kaya ba bigla mo na lang hindi sinasagot ang mga tawag ko?”
Kumunot ang nuo niya, “Tawag? Hindi ba ikaw itong bigla na lang naglaho? Nabalitaan ko na lang na nasa Amerika ka na?” Sumbat niya rito.
“Tinatawagan kita dun sa number na ibinigay mo pero. . .” Bago pa nito maiuloy ang sasabihin ay umawang ang pinto at dumukwang si Jay-are.
“Sir, aalis ba tayo ngayon?” Tanong nito.
“Oo,” sagot ni Gerald saka mabilis ng lumabas ng opisina. Maya-maya ay nilingon siya nito, “Ano pang ginagawa mo dyan? Since secretary na kita, lahat ng lakad ko, dapat kasama ka,” anito sa kanya. Mabilis siyang napasunod dito.
MULA SA REAR VIEW MIRROR ay manaka-nakang napapasulyap si Jay-are kay Gerald at sa kanyang asawa na nakaupo rin sa passenger’s seat katabi nito. Isang dipa ang pagitan ng mga ito ngunit hindi maikukubli ang tension sa pagitan ng mga ito.
Bago pa mamasukan bilang sekretarya ni Sir Gerald Montero si Mariz ay nakapag-usap na silang mag-asawa. Ang totoo, sa kanya nagmula ang plano. Hindi naman lingid sa kanya ang namagitan nuon kina Mariz at Sir Gerald. Alam niyang nagkaroon ng relasyon ang mga ito, seven years ago. Hindi niya alam kung seryoso ang dalawa pero alam niyang attracted si Gerald dito. Hindi naman niya ito masisisi. Talaga namang napakaganda ng kanyang asawa at kahit nga ngayon ay mukha pa rin itong dalagang-dalaga. Hindi mapaghahalatang may seven-year old na itong anak.
Sa bayan ng San Mateo, magpahanggang ngayon ay isa pa rin si Mariz sa masasabing nagtataglay ng pinakamagandang mukha. Kaya nga maraming mga kaibigan niya ang naiinggit sa kanya. Ano raw ba ang ipinakain niya rito at nagpakasal ito sa kanya?
Hindi naman kasi alam ng mga ito ang totoong dahilan kung bakit napilitan siyang pakasalan ni Mariz.
Kaya nang maisipan ni Mariz na pumasok bilang sekretarya ni Gerald ay kaagad siyang nakabuo ng plano.
Baka sakaling magamit ni Mariz ang kagandahan nito para maakit ang amo nila. Kapag nagkataon, madali na nila itong mahuhuthutan, bagay na kaagad naman sinang-ayunan ni Mariz dahil alam niyang matagal na nitong pinapangarap na magkaroon ng magandang buhay.
At mukhang nagtatagumpay naman sila sa kanilang plano. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga palihim na tinging ipinupukol nito sa kanyang asawa, punong-puno ng pagnanasa at pananabik.
Payag naman siyang ipaubaya dito si Mariz, kapalit ng salapi. Basta lang, walang pusong magiging involve. Hindi niya papayagang mahulog ang loob dito ni Mariz. Sa kanya lamang ang puso at kaluluwa nito. Kung makikipag-affair man ito kay Gerald, trabaho lang, walang personalan.
“PINAYAGAN MONG MAGTRABAHO bilang sekretarya ng amo mo ang asawa mo?” Kunot-nuong tanong ng ina ni Jay-are na si Aling Norma, “Nasisiraan ka na ba ng bait, ha Jay-are?”
“Ano naman pong masama kung magtrabaho man si Mariz sa Gerald na iyon?” Patay malisyang sagot niya, idinawdaw niya ang hawak na pandesal sa kapeng tinimpla ng nanay niya. Tuwing umaga kasi ay gawain na niyang ihatid dito ang anak na si Joey bago siya pumasok sa trabaho. Dito na rin silang mag-ama nag-aalmusal since tulog pa si Mariz tuwing inihahatid niya ang bata.
“Anong masama? Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin!” Bulalas nito sa kanya, “Hindi naman kaila saiyo ang usap-usapan nuon na naging magkarelasyon ang dalawang iyon. Hindi ba nga at palihim pa silang nagtatagpong dalawa nuon?”
“’Nay, pitong taon na iyon. Asawa ko na si Mariz ngayon. Saka ikakasal na iyon kay Andrea! Hindi naman siguro sisirain ni Sir Gerald ang pangalan nya ng dahil lang sa isang babae lalo pa at matunog ang balitang tatakbo iyon bilang gobernador sa susunod na election!”
“Kahit pa. Wala pa rin akong tiwala, lalo na sa asawa mo. Alam mo naman kung gaano kataas ang ambisyon ng asawa mo, hindi ba? Kaya nga magpahanggang ngayon. . .” Huminga ito ng malalim, napatingin kay Joey saka muling nagpatuloy ng pagsasalita, this time halos pabulong na lamang, “Hindi ka ba natatakot sa maaring mangyari oras na hinayaan mong magkalapit ang dalawang iyon?”
“’Nay, relax lang. Kung magkanun man, makikinabang rin naman tayo sa perang makukuha ni Mariz sa lalaking iyon!” Nakangising sabi niya sa ina.
“Diyos na mahabagin!” Sabi nitong biglang napa-krus, “Hindi ako makapaniwalang papasok sa utak mo ang mga bagay na ‘yan!”
“Tama si Mariz ‘nay, nakakapagod ng maging mahirap. Kaya kung may darating na pagkakataon, bakit hindi samantalahin?” Makahulugang sabi niya sa ina.
MAAGA pa lamang ay nakabihis na si Mariz. Tiniyak niyang magandang-maganda siya at mabango. Nagpahid siya ng pulang lipstick at manipis na pulbos saka inayos ang kanyang makapal na kilay at mahahabang eye lashes. Ang sabi ng ilan, malaki ang pagkakahawig niya kay Angel Locsin. May mga nagsasabi ring kamukha niya si Alma Moreno at Lorna Tolentino nuong kabataan ng mga ito. Sabi naman ni Jay-are, si Julia Barreto ang kamukha niya. Habang sinisipat ang sarili sa iba’t-ibang anggulo ay napansin niyang marami nga siyang kamukhang artista. Pero iba pa rin ang ganda niya lalo na kapag inilulugay niya ang makapal niyang buhok na hanggang balikat. She stands 5’6. Makinis ang kanyang morenang balat at maganda ang hubog ng kanyang pangangatawan. Kaya nga hindi lingid sa kanyang kaalaman na maraming nagtataka kung bakit si Jay-are ang pinakasalan niya. Kung gugustuhin raw niyang makapag-asawa ng mayaman at guwapo ay hindi naman siya mahihirapan. Wala naman kasing
ABALA ang lahat ng katulong sa mansion ng mga Montero bilang paghahanda sa nalalapit na engagement party nina Andrea Taberna at Gerald Montero. Ang pinakamatandang Montero na si Don Felipe ay masayang-masaya sapagkat pumayag na ang kanyang paboritong apo na magpakasal sa nobya nitong si Andrea. Siya ang pumili kay Andrea para kay Gerald. Alam kasi niyang makakatulong ang dalaga career wise ng kanyang apo. Maganda ang back ground ng pamilya nito, isa pa, nagmula sa prestihiyosang paaralan sa Amerika si Andrea. Maipagmamalaki, hindi gaya ng ibang babaeng dumaan sa buhay ng kanyang apo. Bata pa lamang si Gerald ay hinubog na niya itong sumunod sa mga yapak niya. Alam niyang sa tikas at karisma ng kanyang apo, hindi na kailangang magbayad pa para maipanalo ang pagka-gobernador nito. Kaya mula nuon hanggang ngayon, pinoprotektahan niya ang pangalan ng kanyang apo lalo na at maiingay ang mga kalaban nila sa politika. Gagawin niya ang lahat, para map
“MARIZ?” Napatingin si Andrea kay Gerald, natatanong ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang kasintahan. Hindi naikubli ang selos sa kanyang mukha. Bakit kasama ng nobyo niya ang babaeng ito? Inakbayan ni Gerald si Andrea, “I forgot to tell you, si Mariz na ang bago kong secretary, hindi ba magkakilala naman kayo?” Sabi nito sa kanya. “Hi Andrea,” nakangiting sabi ni Mariz sa kanya, “Akala ko’y alam mo ng dito ako nagtratrabaho,” anitong waring may pananakot sa tono ng pananalita, na para bang nais iparating sa kanya na dapat na siyang kabahan sapagkat any moment ay maari nitong maagaw sa kanya ang kanyang mapapangasawa. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Mariz. Alam niyang napakataas ng ambisyon nito kaya pinagtakhan niya nang mabalitaan niyang maaga itong nag-asawa at ni hindi na nakapagtapos ng college. Kahit naman nuong nasa Amerika siya ay hindi siya nauubusan ng mga nasasagap na balita mula sa kanyang mga kaibigang mas piniling di
MASAYANG NAGTITIPON sa mansion ang buong pamilya at mga kaibigan nina Gerald at Andrea bilang selebrasyon sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib. Abala sina Aling Nenita at ang iba pang mga katulong sa pagdudulog ng mga pagkain sa mesa. Lahat halos ng politicians at mga may sinasabing angkan, hindi lamang sa San Mateo kundi sa buong lalawigan ay naroroon para makipag-celebrate sa mga ito. Kaya natigilan si Aling Nenita nang makita ang anak na si Mariz, pusturang-pustura ito sa suot na red satin dress na hapit na hapit sa katawan, at backless. Kung hindi nga lamang kilalang-kilala niya ang bawat galaw nito ay iisipin niyang ibang tao ang nakikita niya. Mistula itong mula sa angkan ng mga mayayaman ng oras na iyon. Anong ginagawa ng anak niya rito? Bigla siyang kinabahan nang maisip na baka mapagalitan sila ni Don Felipe kapag nakita nitong nakikihalubilo ang anak niya sa mga ito. Pulang-pula ang mukhang nilapitan niya ang anak. “Anong ginagawa mo rito? Bakit gan
HINDI na makaya pa ni Mariz na makita ang kasiyahan sa loob ng mansion, nagmamadali na siyang umalis. Hindi niya maintindihan kung bakit nangingilid ang kanyang mga luha habang papauwi. Siguro ay dahil nanghihinayang siya sa mga sandaling nawala nang dahil sa nangyari sa kanya nuon. Kung hindi kaya siya na-rape, nasaan na kaya siya ngayon? May pag-asa kayang siya ang nasa katayuan ngayon ni Andrea imbes na ito? Ang daming tanong na naglalaro sa isipan niya. Ang daming bakit. Ang daming question marks na nakikita niya sa utak niya. Bakit nga ba hinayaan niyang nakawin ng takot ang mga pangarap niya? Kung ipinagpatuloy sana niya ang pag-aaral niya. Kung hindi sana siya nagpatangay sa agos ng alon at napilitang magpakasal kay Jay-are, baka sakaling hindi ganito ang buhay niya ngayon. Baka sakaling kagaya ni Andrea ay matagumpay na rin siya ngayon. “Kumusta ang party? Aga mo yatang umuwi?” Tanong ni Jay-are sa kanya, nakaupo ito sa c
KANINA PA HINAHANAP NG mga mata ni Gerald si Mariz ngunit bigla na lamang itong nawala sa kanyang paningin. “May hinahanap ka ba?” Tanong ni Andrea nang mapansin ang malilikot niyang mga mata. Pilit ang mga ngiting pinakawalan niya, “Sino naman ang hahanapin ko eh nandito ka na sa tabi ko,” sagot niya rito. Hinapit niya ito sa bewang at iginiya sa dance floor. Napatitig siya sa mukha ni Andrea. Three years na sila ni Andrea. Ang totoo, ang Lolo niya ang pumili para rito. Since may ambisyon siyang pasukin ang politika ay alam niyang tama ang kanyang abuelo, makakatulong si Andrea, career wise. Malakas ang pwersa ng ama nito na ilang beses nang nanalo bilang congressman sa kanilang distrito. May isang beses pa ngang nakalaban nito ang kanyang Uncle Romulo, ang ama ni Dexter. Tinalo nito ang Uncle Dexter niya, landslide. Marami kasi itong magagandang proyekto at malakas rin ang kabig nito sa masa. Kaya nga nang sumunod na halalan ay tumakbo
“HUWAG MO ng uulitin iyon,” Yamot na sabi ni Gerald kay Mariz nang pumasok na siya sa opisina. “Ang alin, sir?” Takang tanong niya. “Iyong bigla ka na lang umaalis nang hindi nagpapaalam!” Singhal nito sa kanya, “At pwede ba, tigilan mo na ang pagtawag sakin ng Sir kung tayo lang ang magkaharap!” Yamot na sabi pa nito sa kanya. Tiningnan niya ito, “Sinasanay ko lang ang sarili kong tawagin kang Sir. Baka kasi matawag kita sa pangalan mo kapag kaharap si Andrea, magwala pa sakin sa selos ang babaeng iyon,” nakangusong sabi niya rito, “Saka bakit kailangan ko pang magpaalam saiyo, halata naming enjoy na enjoy ka sa party kagabi.” “Nagseselos ka?” “Anong karapatan kong magselos,” aniyang lumapit ditto at iniabot ang mga papelis na kailangan nitong pirmahan. Akmang lalabas na siya sa kuwarto nito nang mabilis siya nitong hawakan sa isang braso. Nag-angat siya ng mukha para tingnan si Gerald. “Marami pa akong kailang
“HINDI KO PINATAY SI Jay-are!” Umiiyak na sigaw ni Mariz habang pinupusasan siya ng mga pulis. Duguan ang suot niyang bestida, marami siyang galos sa katawan, magulong-magulo ang kanyang buhok at mababakas ang kalituhan sa kanyang mukha, “Maniwala naman kayo sa akin, oh. Hindi ko pinatay ang asawa ko,”nagsusumamong sabi niya, nilingon niya ang mga magulang ni Jay-are, “’Nay, Tay, alam nyong hindi ko magagawang patayin ang anak ninyo. . .” Ngunit sino nga ba ang maniniwala sa kanya na wala talaga siyang kinalaman sa pagkamatay ni Jay-are gayong natagpuan siya sa kuwarto nilang mag-asawa na duguan ang kanyang kasuotan at punong-puno ng galos ang kanyang katawan habang nakahandusay si Jay-are sa sahig at tadtad ito ng saksak ang dibdib at dead on arrival na nang dalhin sa ospital. Kung paanong nangyaring punong-puno ng dugo ang kanyang kasuotan, at napakarami niyang galos sa katawan ay hindi rin niya alam. Ang sigurado lang niya, hindi niya pinatay ang asawa ni
“HUWAG MO ng uulitin iyon,” Yamot na sabi ni Gerald kay Mariz nang pumasok na siya sa opisina. “Ang alin, sir?” Takang tanong niya. “Iyong bigla ka na lang umaalis nang hindi nagpapaalam!” Singhal nito sa kanya, “At pwede ba, tigilan mo na ang pagtawag sakin ng Sir kung tayo lang ang magkaharap!” Yamot na sabi pa nito sa kanya. Tiningnan niya ito, “Sinasanay ko lang ang sarili kong tawagin kang Sir. Baka kasi matawag kita sa pangalan mo kapag kaharap si Andrea, magwala pa sakin sa selos ang babaeng iyon,” nakangusong sabi niya rito, “Saka bakit kailangan ko pang magpaalam saiyo, halata naming enjoy na enjoy ka sa party kagabi.” “Nagseselos ka?” “Anong karapatan kong magselos,” aniyang lumapit ditto at iniabot ang mga papelis na kailangan nitong pirmahan. Akmang lalabas na siya sa kuwarto nito nang mabilis siya nitong hawakan sa isang braso. Nag-angat siya ng mukha para tingnan si Gerald. “Marami pa akong kailang
KANINA PA HINAHANAP NG mga mata ni Gerald si Mariz ngunit bigla na lamang itong nawala sa kanyang paningin. “May hinahanap ka ba?” Tanong ni Andrea nang mapansin ang malilikot niyang mga mata. Pilit ang mga ngiting pinakawalan niya, “Sino naman ang hahanapin ko eh nandito ka na sa tabi ko,” sagot niya rito. Hinapit niya ito sa bewang at iginiya sa dance floor. Napatitig siya sa mukha ni Andrea. Three years na sila ni Andrea. Ang totoo, ang Lolo niya ang pumili para rito. Since may ambisyon siyang pasukin ang politika ay alam niyang tama ang kanyang abuelo, makakatulong si Andrea, career wise. Malakas ang pwersa ng ama nito na ilang beses nang nanalo bilang congressman sa kanilang distrito. May isang beses pa ngang nakalaban nito ang kanyang Uncle Romulo, ang ama ni Dexter. Tinalo nito ang Uncle Dexter niya, landslide. Marami kasi itong magagandang proyekto at malakas rin ang kabig nito sa masa. Kaya nga nang sumunod na halalan ay tumakbo
HINDI na makaya pa ni Mariz na makita ang kasiyahan sa loob ng mansion, nagmamadali na siyang umalis. Hindi niya maintindihan kung bakit nangingilid ang kanyang mga luha habang papauwi. Siguro ay dahil nanghihinayang siya sa mga sandaling nawala nang dahil sa nangyari sa kanya nuon. Kung hindi kaya siya na-rape, nasaan na kaya siya ngayon? May pag-asa kayang siya ang nasa katayuan ngayon ni Andrea imbes na ito? Ang daming tanong na naglalaro sa isipan niya. Ang daming bakit. Ang daming question marks na nakikita niya sa utak niya. Bakit nga ba hinayaan niyang nakawin ng takot ang mga pangarap niya? Kung ipinagpatuloy sana niya ang pag-aaral niya. Kung hindi sana siya nagpatangay sa agos ng alon at napilitang magpakasal kay Jay-are, baka sakaling hindi ganito ang buhay niya ngayon. Baka sakaling kagaya ni Andrea ay matagumpay na rin siya ngayon. “Kumusta ang party? Aga mo yatang umuwi?” Tanong ni Jay-are sa kanya, nakaupo ito sa c
MASAYANG NAGTITIPON sa mansion ang buong pamilya at mga kaibigan nina Gerald at Andrea bilang selebrasyon sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib. Abala sina Aling Nenita at ang iba pang mga katulong sa pagdudulog ng mga pagkain sa mesa. Lahat halos ng politicians at mga may sinasabing angkan, hindi lamang sa San Mateo kundi sa buong lalawigan ay naroroon para makipag-celebrate sa mga ito. Kaya natigilan si Aling Nenita nang makita ang anak na si Mariz, pusturang-pustura ito sa suot na red satin dress na hapit na hapit sa katawan, at backless. Kung hindi nga lamang kilalang-kilala niya ang bawat galaw nito ay iisipin niyang ibang tao ang nakikita niya. Mistula itong mula sa angkan ng mga mayayaman ng oras na iyon. Anong ginagawa ng anak niya rito? Bigla siyang kinabahan nang maisip na baka mapagalitan sila ni Don Felipe kapag nakita nitong nakikihalubilo ang anak niya sa mga ito. Pulang-pula ang mukhang nilapitan niya ang anak. “Anong ginagawa mo rito? Bakit gan
“MARIZ?” Napatingin si Andrea kay Gerald, natatanong ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang kasintahan. Hindi naikubli ang selos sa kanyang mukha. Bakit kasama ng nobyo niya ang babaeng ito? Inakbayan ni Gerald si Andrea, “I forgot to tell you, si Mariz na ang bago kong secretary, hindi ba magkakilala naman kayo?” Sabi nito sa kanya. “Hi Andrea,” nakangiting sabi ni Mariz sa kanya, “Akala ko’y alam mo ng dito ako nagtratrabaho,” anitong waring may pananakot sa tono ng pananalita, na para bang nais iparating sa kanya na dapat na siyang kabahan sapagkat any moment ay maari nitong maagaw sa kanya ang kanyang mapapangasawa. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Mariz. Alam niyang napakataas ng ambisyon nito kaya pinagtakhan niya nang mabalitaan niyang maaga itong nag-asawa at ni hindi na nakapagtapos ng college. Kahit naman nuong nasa Amerika siya ay hindi siya nauubusan ng mga nasasagap na balita mula sa kanyang mga kaibigang mas piniling di
ABALA ang lahat ng katulong sa mansion ng mga Montero bilang paghahanda sa nalalapit na engagement party nina Andrea Taberna at Gerald Montero. Ang pinakamatandang Montero na si Don Felipe ay masayang-masaya sapagkat pumayag na ang kanyang paboritong apo na magpakasal sa nobya nitong si Andrea. Siya ang pumili kay Andrea para kay Gerald. Alam kasi niyang makakatulong ang dalaga career wise ng kanyang apo. Maganda ang back ground ng pamilya nito, isa pa, nagmula sa prestihiyosang paaralan sa Amerika si Andrea. Maipagmamalaki, hindi gaya ng ibang babaeng dumaan sa buhay ng kanyang apo. Bata pa lamang si Gerald ay hinubog na niya itong sumunod sa mga yapak niya. Alam niyang sa tikas at karisma ng kanyang apo, hindi na kailangang magbayad pa para maipanalo ang pagka-gobernador nito. Kaya mula nuon hanggang ngayon, pinoprotektahan niya ang pangalan ng kanyang apo lalo na at maiingay ang mga kalaban nila sa politika. Gagawin niya ang lahat, para map
MAAGA pa lamang ay nakabihis na si Mariz. Tiniyak niyang magandang-maganda siya at mabango. Nagpahid siya ng pulang lipstick at manipis na pulbos saka inayos ang kanyang makapal na kilay at mahahabang eye lashes. Ang sabi ng ilan, malaki ang pagkakahawig niya kay Angel Locsin. May mga nagsasabi ring kamukha niya si Alma Moreno at Lorna Tolentino nuong kabataan ng mga ito. Sabi naman ni Jay-are, si Julia Barreto ang kamukha niya. Habang sinisipat ang sarili sa iba’t-ibang anggulo ay napansin niyang marami nga siyang kamukhang artista. Pero iba pa rin ang ganda niya lalo na kapag inilulugay niya ang makapal niyang buhok na hanggang balikat. She stands 5’6. Makinis ang kanyang morenang balat at maganda ang hubog ng kanyang pangangatawan. Kaya nga hindi lingid sa kanyang kaalaman na maraming nagtataka kung bakit si Jay-are ang pinakasalan niya. Kung gugustuhin raw niyang makapag-asawa ng mayaman at guwapo ay hindi naman siya mahihirapan. Wala naman kasing
LIHIM na napangisi si Mariz, sinadya niyang papungayin ang kanyang mga mata, “Hindi naman magiging problema iyon kay Jay-are. Alam naman niyang trabaho lang ang lahat ng ito, hindi ba Sir Gerald?” Mapanukso ang tonong sabi niya, sinadya pa niyang magpakawala ng isang nakakapang-akit na ngiti sa mga labi. “Yeah, trabaho lang at pagdating sa trabaho, I am very dedicated,” sabi nitong mas lalong inilapit ang mukha sa tenga niya. Nagdulot iyon ng kakaibang tension sa kanya, nag-iinit ang kanyang buong katawan. Nalalanghap niya ang pangmayamang scent nito. Malayo sa amoy ni Jay-are na palaging babad sa araw. Napasinghap siya. Tumindig siya ng tuwid dahil parang nanghihina ang mga tuhod niya. Ang bilis-bilis ng pintig ng puso niya. Napangisi si Gerald nang mahalata ang tension sa mukha niya. “Huwag kang mag-uumpisa ng isang bagay na di mo kayang panindigan,” he teased. “W-Wala akong inumpisahan na hindi ko kinayang panindigan,” aniya ri
NERBIYOS ANG naramdaman ni Mariz nang muli silang magkaharap ni Gerald. Sa loob ng pitong taon na hindi pagkikita, ganito pa rin ang epekto ng mga tingin nito sa kanya, waring nanunuot hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang mga kalamnan. “Good afternoon, Ge. . .Sir Gerald,” bati niya dito habang nagdarasal na sana’y presentable siya sa paningin nito. Ilang beses kaya niyang sinipat ang sarili sa salamin bago niya niyakag si Jay-are na dalhin siya sa opisina nito para ipasok bilang sekretarya nito. “Sir, siya po iyong sinasabi kong asawa ko na gusto kong ipasok na sekretarya nyo. Since nagpapahanap kayo sakin ng secretary, di na ko naghanap ng iba pa, pihado namang papasa sa inyo ang asawa ko. . .” “Pwede bang iwanan mo muna kami para makilatis kong mabuti ang aplikante ko,” anitong bahagya lamang nilingon si Jay-are saka muling bumalik ang tingin sa kanya na na para bang unti-unti siya nitong hinuhubaran. “O. . .oho Sir,”