Home / Romance / Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife / CHAPTER 2 -ANG PAGBABALIK NI GERALD MONTERO

Share

CHAPTER 2 -ANG PAGBABALIK NI GERALD MONTERO

Author: Michelle Vito
last update Huling Na-update: 2022-03-27 09:51:20

 FLASHBACK

“T-TALAGA, natanggap kang family driver ng mga Montero?” Excited na tanong ni Mariz sa asawang si Jay-are.  Mag-aanim na buwan na rin kasi itong walang trabaho at talagang nahihirapan na siyang kumayod na mag-isa lalo pa at may seven years old na silang anak na kailangang buhayin.  Magkano lang ba ang kinikita niya bilang sales lady ng isang shopping mall sa bayan nila?

            Hindi naman kasi ganito ang inaasahan niyang magiging buhay niya kay Jay-are.  Mataas ang mga pangarap nito.  Hindi nga ba at kung anu-anong mga ipinangako nito sa kanya nuong bago sila ikasal?

            Huwag nitong sabihin na utang loob niya ang pagpapakasal nito sa kanya dahil kahit na kalian ay hindi naman niya ito pinilit na panagutan ang batang dinadala niya.

            Boluntaryo itong nagprisinta na papakasalan siya kasabay ng pangakong bibigyan siya nito ng magandang buhay kagaya ng pinapangarap niya.  Ngunit kagaya ng iba pa nitong mga pangako, hanggang salita lang ang lahat.  Hindi naman siya umaasa na tuparin nito ang mga pamgarap niya pero man lamang niya itong nagpupursige ay okay na sa kanya.

            Ewan kung anong nangyari.  Parang masyado ng naging kuntento sa kung ano ang dumating.

            “Dun ako kay Gerald Montero magtratrabaho.  Iyong panganay na apo ni Don Felipe,” balita nito sa kanya.

            Biglang dumagundong ang dibdib niya, “D-dumating na si Sir Gerald g-galing Amerika?” halos magkandautal na tanong niya dito.  Hinding-hindi niya makakalimutan ang first encounter niya sa lalaking iyon.  Fourth year high school lang siya nuon. Tuwing summer kasi ay nagbabakasyon si Gerald sa San Mateo.  Palibhasa ay katiwala sa hacienda ang kanyang tatay na si Mang Ruben at katulong naman sa mansion ng mga ito ang kanyang Nanay na si Aling Nenita kaya paminsan-minsan ay nakakatuntong siya sa loob ng mansion para tumulong sa nanay niya lalo na kapag may okasyon duon.

            Madalas kasing may kaganapan sa mansion dahil gobernador sa San Mateo ang Lolo ni Gerald na si Don Felipe.  Nakailang term na ito bilang gobernador ng Quezon.  Nagsasalitan lang ito ng asawa at mga anak.  Tila ayaw bumitaw sa kapangyarihan.  Very powerful ang angkan ng mga ito.  Kilala ang mga Montero sa pagiging berdugo and yet pinagtatakhan niyang palagi pa ring nanalo ang mga ito tuwing election.  May pagkakataon ngang naging gobernador si Don Felipe habang ang asawa nito ay congresswoman ng kanilang distrito at mayor naman ang kapatid nito. 

            Kaya kahit nagtratrabaho ang mga magulang niya sa mga ito ay may lihim silang galit sa mga Montero.  Alam kasi nila kung gaano kasakim at kasama ng ugali ang pamilya nito.  May bali-balita nga na kaya lumawak ng ganuon ang lupain ng mga Montero ay dahil sa dami ng lupaing kinamkam ng mga ito kahit hindi naman sa kanila. 

FLASHBACK- FIRST ENCOUNTER WITH GERALD MONTERO

“ANAK, samahan mo ako sa mansion, dumating raw iyong isang apo ni Don Felipe, dito raw magcecelebrate ng ika-21 na kaarawan,” sabi ni Aling Nenita kay Mariz.

            “21 years old? Wow, siguradong grande na naman ang birthday celebration nun kagaya nung 18th birthday nung isa nyang apo. . .ano nga bang pangalan nun, ‘Nay? Bianca nga ba?” Tanong niya sa ina. Katukatulong rin kasi siya ng ina nang ganapin duon ang kaarawan nito.

            “Oo, si Bianca. Naku pihado mas engrande ngayon dahil balita ko ay ang Gerald na iyon ang paboritong apo ni Don Felipe, malamang ay iyon ang hinuhubog na sumunod sa yapak nya.”

            Napaismid siya, “Gino-groom na maging isang berdugo rin?”

            “Mariz!!!” Pinandilatan siya ng ina, “Wag na ‘wag mong mabanggit banggit ang salitang ‘yan!”

            “Tayo lang naman ang tao dito eh. Wala namang ibang nakakarinig.” Katwiran niya sa ina.

            “Kahit pa!” bakas ang takot sa mukhang sabi nito, “Diyos na mahabagin, malilintikan tayo kapag may nakarinig satin.”

            Sa bayan nila, Diyos ang tingin sa mga Montero.  Ang salita nito ang batas.  Kaya takot ang lahat.  Alam kasi nilang masyado itong makapangyarihan para kalabanin.  Kaya kahit na taliwas sa paniniwala mo ang gusto nila, wala ka ng magagawa kundi maging sunod-sunuran or else ikaw ang mapapahamak.

            Napabuntong hininga siya ng malalim saka nakasimangot na tiningnan ang ina, “Kelan kaya ako makakapagcelebrate ng birthday ko na me handa? Sa 18th birthday ko kaya, ha ‘nay?”

            “Nanaginip ka na naman ng gising!”

            “Bakit kasi wala kayong ambisyon? Kuntento na kayong manilbihan sa mga iyon,” reklamo niya sa ina.  Kaya siya nagsisikap nang husto sa pag-aaral niya ay gusto niyang makaahon sa kahirapan.  Gusto niyang makawala sa ganitong buhay. Nasa fourth year high school na siya at scholar siya ng bayan kaya nagkaroon siya ng pagkakataong makapag-aral sa isang exclusive school dito sa San Mateo.  Kung hindi siguro sa pagpupursige niya, nunkang mapag-aral siya ng mga magulang sa isang mamahaling eskwelahan sa bayan nila.

            Ayaw niyang magaya siya sa Ate Loida niya na nag-asawa ng maagap at kuntento na lamang maging maybahay ng batugan nitong asawa.  Mas lalong ayaw niyang magaya sa mga magulang na hanggang sa tumanda ay naninilbihan sa pamilya ng mga Montero.

            Gusto niya, siya ang pinagsisilbihan.

            Gusto niyang tingalain din siya balang araw sa bayang ito.

            At gagawin niya ang lahat para matupad ang mga pangarap niyang iyon.

           

“ANG GWAPO pala talaga ng Gerald na ‘yan, akala ko eksaherada lang si Nanay,” kinikilig na bulong ni Eloisa kay Mariz habang patago nilang pinanunuod ang nagaganap na birthday party ng apo ni Don Felipe Montero na si Gerald Montero.  Kaedad rin niya si Eloisa at matatawag niyang bestfriend sa lahat ng mga kaibigan niya.  Gaya niya ay nagtratrabaho rin ang ina nito sa mansion ng mga Montero.

            Hindi siya umimik. 

            Libang na libang siya habang pinanunuod ang mga kadalagahan na ang gagara ng mga kasuotan.  Karamihan ay English speaking pa.  Ang kikinis.  Ang puputi.  Halatang mga anak mayaman.

            Para tuloy gusto niyang manliit sa suot niyang tsinelas at kupasing bestida na minana pa niya sa Ate Loida niya.  Ito na yata ang pinaka-disenteng damit na mayroon siya and yet nagmukha pa rin siyang busabos compare sa mga ito.

            Kasalanan bang makaramdam ng inggit?

            O normal lang sa isang teen-ager na gaya niya ang ganitong klase ng pakiramdam?

            “Hi, bakit hindi kayo nagjojoin sa party ko?” Dinig niyang tanong ng boses lalaking tinig mula sa kanilang likuran.  Paglingon niya ay nakita niya si Gerald Montero, matamis ang pagkakangiti sa kanila, lumabas tuloy ang malalim na biloy sa magkabilang pisngi nito.  At ang ganda ng ngipin, puting-puti.  At ang mga mata, nangingislap.  Saka tama bang nakatitig siya sa akin o nag-iiulusyon lang ako?

            “Ay, Sir Gerald!” Bulalas ni Eloisa.  “Naku, hindi naman po kami bisita, anak lang kami ng katulong. . ..”

            Palihim niyang siniko ang kaibigan saka ngumiti sa lalaki, “Ah, nadaan lang kami.  H-hindi naman kami nakabihis para sa occasion.  S-Sayang, kung alam ko lang, nagbihis sana ako ng maayos-ayos.” Pagsisinungaling niya dito kahit ang totoo’y nag-ayos siya ng husto para sa gabing ito.  Kaso’y heto nga at di naman niya kayang sabayan ang mga nagsisipagbonggahang kasuotan ng mga panauhin.

            Bahagyang natawa si Gerald, “Everybody is welcome here, kahit ano pang suot nyo. Come on. . .”

            Gustong-gusto sana niya.  Kaso’y sa lahat ng ayaw niya ay iyong nagmumukha siyang katawa-tawa.  Alam niyang hindi angkop sa okasyon ang mga kasuotan nilang dalawa ni Eloisa. Mas lalo lamang niyang mararamdaman na mukha talaga siyang kaawa-awa.

            “Thank you na lang. Pauwi na rin naman kami, di ba Eloisa?”

            “Ano ka ba, marami pa tayong gagawin pagkatapos nito,” sagot naman ni Eloisa na waring di makahalata habang pinandidilatan niya ito ng mga mata.

            “Okay, okay, I understand.  Para hindi kayo mailang, ikukuha ko na lang kayo ng mga pagkain, then I’ll join you here, okay?” Sabi ni Gerald sa kanila.

            Hindi siya makapaniwala, “T-talaga?”

            “Naku, mapapagalitan kami nina Nanay kapag tumambay. . .”

            Siniko niyang muli si Eloisa, “Ikaw ang bahala, k-kung okay lang saiyo,” sagot niya kay Gerald.

            “Okay, hintayin nyo ko dito, magpapadala ako sa waiter ng mga pagkain, magpapa-set na rin ako ng isang table dito, okay?”

            Tumango siya. 

            “’Wag kayong aalis dito ha, babalik ako kagad,” sabi ni Gerald saka umalis para tawagin ang waiter.

            “Hala, mayayari tayo kina nanay kapag. . .”

            “Ano ka ba? Eto na ang chance nating makipagkaibigan sa isang Montero, papakawalan mo pa ba?” Sita niya sa kaibigan.

            “Mariz, baka nakakalimutan mo kung bakit tayo nandito?” Paalala nito sa kanya.

            Inirapan niya ang kaibigan, “Bahala ka.  Basta sa ngayon, kakalimutan ko munang anak ako ng isang katulong.  Gusto ko lang maramdaman kung paano iyong pakiramdam na bisita ka dito sa mansion instead na naninilbihan, okay? Magalit na si Nanay kung magagalit! Minsan lang naman ito!”

“YOU ARE SO BEAUTIFUL,” Sabi ni Gerald habang nakatitig sa mukha niya.  Naco-concious tuloy si Mariz kaya kahit na napakasarap ng mga pagkaing nakahain sa mesa ay di niya magawang kumain ng marami.  Ganitong buhay ang pinapangarap niya.  Naisip niyang kapag napangasawa niya si Gerald, magbabago ang takbo ng buhay niya.

            “Lahat ba ng mga babaeng nakikilala mo, sinasabihan mo nyan,” sabi niya dito, sinadya niyang salubungin ang mga tingin nito na waring nanunuot hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang katawan.  Gusto niyang mag-iwan siya ng marka sa utak ng binata.  Gagamitin niya ang taglay niyang ganda para maakit niya ito.

            Who knows, baka ito ang magiging daan para makamit niya ang mga pangarap niya?

            “Ano bang palagay mo sakin, playboy?” Tanong nito sa kanya, makahulugan ang pinakawalan nitong ngiti, na para bang ng gabing iyon ay siya na ang pinakamagandang babae sa paningin nito.

            Nagkibit balikat siya, “Kilalang palekero ang mga Montero,” Sagot niya dito.  Syempre, kailangan niyang magplay hard to get.  But she is enjoying the night lalo pa at hindi siya nagtratrabaho ngayon bilang katulong sa mansion kundi bilang espesyal na bisita ni Gerald Montero.  Iyon nga lang, patago ang pwesto ng mesa nila.  Pero sa susunod, ipinapangako niyang hindi na lang siya dito sa madilim na sulok ng mansion nakapwesto.

            Kumunot ang nuo niya nang matanawan niya ang nanay niya mula sa isang sulok, madilim ang mukha habang nakatingin sa kanya.  Alam niyang mapapagalitan na naman siya nito mamaya pagkarating sa bahay.  Nagkunwa siyang di niya ito nakikita sa halip ay ibinaling na lamang niya ang atensyon kay Gerald.

            Nay, ginagawa ko ang lahat ng ito para sa ating pamilya.  Isinusumpa ko, iaahon ko kayo sa kahirapan. . .

“HINDI KA NA NAHIYA, isinama kita sa mansion para magtrabaho, hindi para makipagharutan sa lalaking iyon!” Sita ni Aling Nenita kay Mariz nang makauwi na siya, hatid pa ng sasakyan ni Gerald.

            Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang napansin siya ng isang gaya ni

Gerald.  Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa alapaap ng mga sandaling iyon kaya’t parang di niya napapansin ang pagkayamot ng ina.

            Mapapasakin ka, Gerald Montero!  At gagawin ko ang lahat para mapaibig ka.  Balang araw, magiging part ako ng mga Montero.

            Napangiwi siya nang kurutin siya sa tagiliran ng ina, “Subukan mong makipagkitang muli sa lalaking iyon, tatamaan ka sakin.”

            “’Nay, ano ba? Hindi ba kayo masaya na napansin ako ng isang Montero?” Aniya sa ina, “Ang daming naggagandahang babae pero ako iyong binigyan niya ng atensyon.  Hindi ba nakakaproud iyon, ha Nay?”

            “Anong nakakaproud ang pinagsasabi mo dyan!” Sita nito sa kanya, “Lahi ng mga babaero ang angkang yun!  Palagay mo seseryusuhin nila ang isang gaya mo? Gumising ka nga sa katotohanan, Mariz!  Ngayon pa lang, sinasabi ko na saiyo, iwasan mo ang lalaking yun kung ayaw mong magulo ang buhay mo!”

            “Eksaherada!” Bubulong-bulong na sabi niya nang pumasok sa kanyang kuwarto.  Pinagmasdan niya ang itsura sa salamin.  Hindi naman imposibleng magustuhan siya ni Gerald.  Maraming nagsasabing maganda siya.

            In fact, sa buong San Mateo ay masasabing siya ang pinakamaganda.  Imagine, napansin siya ng isang kagaya ni Gerald?

            Ang totoo, hindi naman siya kinikilig sa ideya na magiging nobyo niya si Gerald.  Ang totoo, hindi nakakaproud ang maging nobyo ng isang Montero lalo pa at balitang-balita sa pagiging palekero ang angkan ng mga iyon.

            Tama naman talaga na mag-aalala ang Nanay niya.  Malamang na paglalaruan lamang naman siya nito kung sakali.  Pero titiyakin niyang mas matalino siya kaysa kay Gerald.  Kapangyarihan at pera ng mga Montero ang pakay niya.

            At gagawin niya ang lahat para matupad ang mga pangarap niya.

“SO TAYO NA?”

            “Hello? One week pa lang tayong nagdi-date, tayo na kagad?” Pasimangot na sagot ni Mariz kahit ang totoo ay kinikilig siya lalo na habang tinititigan niya ito.  Bakit ba paguwapo ng paguwapo si Gerald sa paningin niya.

            “Oh, eh ano naman, dun din naman ang punta nun?” Nakangiting sabi nito sa kanya. Nagulat siya nang nakawan siya nito ng halik sa pisngi.  Parang may mga paru-paru siyang nakitang umalpas mula sa kanyang sikmura.

            Pulang-pula ang pisngi niya. “Malalagot ako kay Nanay kapag. . .”

            Hinalikan na naman siya nito, this time sa kanyang labi pero mabilis na mabilis lang and yet parang nag-iwan iyon ng marka sa kanya.

            “S-Sumusobra ka na ha,” halos paanas lamang na sabi niya.

            “I love you.” Anito sa kanya.

            “I. . .I love you too, Gerald,” sabi niyang hindi na napigilan ang tunay na nararamdaman.

NAGING MADALAS ang lihim nilang pagtatagpo.  At habang tumatagal, pansin niya ay palalim na ng palalim ang pagtingin sa kanya ni Gerald.  Masaya siyang makita na nahuhumaling na ito ng sobra sa kanya.

            Pakiramdam niya ay abot kamay na niyang lahat ng kanyang mga pangarap.

            “Gusto mo bang sumama sakin sa Maynila?” Tanong ni Gerald isang umaga na namamasyal sila sa bayan. “Maraming magagandang shopping mall dun.”

            Na-excite siya.  Gustong-gusto niyang makatapak ng Maynila.

            “Dadalhin mo ko duon?”

            “Bukas ng madaling araw, hintayin mo ko sa labas ng bahay nyo, susunduin kita, ipapasyal kita sa Maynila.”

            “T-Talaga?”

            He kissed her.  Buong puso niyang tinanggap ang mga halik na iyon ng binata.  Hindi siya makapaniwalang ganito katamis ang isang halik.  Pakiramdam niya, dinadala siya nito sa kakaibang dimension.

            Ngunit ng maisip na hindi tamang mahulog ng husto ang loob niya kay Gerald ay kaagad siyang kumalas sa pagkakayakap nito.

            “B-Baka kung san pa mapunta ang h-halik mo na ‘to,” sabi niya rito kahit ang totoo ay hirap na hirap siyang pakawalan ito.  I don’t want to fall in love with you.  Gagamitin lang kita para sa mga pangarap ko.  Focus lang ako sa ambisyon ko.  No more. No less.

“ANG GANDA pala ng Maynila!” Hindi makapaniwalang bulalas ni Mariz nang dalhin siya ni Gerald sa pagkalaki-laking shopping mall.  Pakiramdam niya ay nasa ibang bansa siya habang lumuluwa ang mga mata sa pagkagagandang items naka-display.  Naglalaway siya sa mga naggagandahang damit, bags, jewelries at sapatos.

            Ang gulat niya nang hilahin siya ni Gerald sa loob ng isang mamahaling store, “Mamili ka na dyan ng gusto mong bilhin, ako ng bahala. . .”

            “No.  Ayokong isipin mo na pera lang ang gusto ko saiyo,” kunwang sabi niya kahit ang totoo, takam na takam na siyang makapagsuot ng ganuon kagagarang damit at sapatos.

            “Ano ka ba? Ngayon pa nga lang ako magreregalo saiyo eh.  Sige na, pumili ka na ng kahit na ano.”

            “Pero. . .”

            “Sige na, gusto kong makita kang mas lalong gumanda. . .”

            Excited siyang nagsukat ng mga damit at sapatos.  Nagulat siya sa mga presyo niyon ngunit mas nagulat siya nang bayaran ang mga iyon ni Gerald na ni hindi man lamang tinitingnan ang tag price.

            Gusto niya ng ganun.  Iyong nagsha-shopping at walang pakialam sa tag price.  Mas lalo lamang tumindi ang paghahangad niya na matupad ang kanyang mga ambisyon.

ISANG MALAKAS na sampal ang dumapo sa magkabilang pisngi ni Mariz nang makabalik siya sa bahay bago maghantinggabi.

            “Napakatigas talaga ng ulo mo!” Galit na galit na sabi ng tatay niya, “Palagay mob a seseryosohin ka ng Gerald na iyon?”

            “Tay, bakit nyo ba pinakikialaman ang mga plano ko? Si Gerald ang katuparan ng mga pangarap ko.  Tingnan nyo, nang dahil sa kanya, makakapagsuot ako ng ganito kagagarang damit at sapatos.  Kaya nyo bang ibigay ang ganito sakin, di ba hindi naman?”

            “Mariz!” Dinig niyang sigaw ng nanay niya.

            “Hinding-hindi ako matutulad sa inyo na tumanda na sa pangangatulong sa mga Montero!” Mariing sabi niya sa mga ito, “Iyong buhay na di nyo kayang ibigay sakin, ako na mismo ang tutupad niyon.  Kaya sana, hayaan nyo na lang ako.  Hirap na hirap na ako sa buhay na meron tayo.  Hayaan nyo naman akong makaranas ng maginhawang buhay!” Sabi niya saka nagmamadali nang pumasok sa loob ng kanyang kuwarto.

            Iyak siya ng iyak habang pinagmamasdan ang lahat ng mga mamahaling binili sa kanya ni Gerald.  Kinuha niya ang isang damit na ipinabili niya kay Gerald para sa nanay niya.  Gusto sana niya itong makita sa ganuong kasuotan kahit isang araw lang.

            Pero alam niyang hindi iyon tatanggapin ng ina.

            Naiinis siya sa mga ito dahil huminto na ang mga itong mangarap.  Nakuntento ng maging utusan na lamang ng mga Montero.

            Pinahid niya ang kanyang mga luha.

            Hinding-hindi ako magagaya sa inyo.  Isinusumpa kong gagawin ko ang lahat para makawala sa kahirapang ito.

“CELLPHONE?” Gulat na bulalas ni Mariz nang buksan ang nilalaman ng box.

            “Ipinabibigay po ni Sir Gerald, para madali daw po niya kayong makokontak kapag nakabalik na siya ng Maynila,” anang driver ni Gerald.

            “Nasaan na sya? Bakit hindi mo siya kasama? Hindi ba dapat siya ang personal na mag-aabot nito sakin?” Tanong niya sa lalaki.

            Gusto niyang malaman ni Gerald na hindi siya paris ng ibang mga babae na sa isang cellphone lang ay napapahanga na. 

            Ibinalik niya ang cellphone sa loob ng box saka iniabot iyon sa lalaki, “Pakisabi hindi ako nadadala sa kung anu-anong material na bagay,” nagpapakipot na sabi niya kahit ang totoo, gustong-gusto niya ang cellphone na iyon.  Ni hindi nga niya afford makabili kahit second hand na phone, iyong branded at brand new pa kaya?

            Pero kailangan niyang gawin ito dahil long term ang plano niya.  Hindi siya isang babaeng parang trapo na kapag wala ng pakinabang ay basta na lamang itatapon.  Sisiguraduhin niyang para kay Gerald, siya iyong klase ng babaeng dapat na paghirapan. 

            Gusto niyang isipin nito na hindi siya ordinaryong babae.

            Mind conditioning lang naman yun.  Marami na siyang nabasang libro tungkol sa mga babaeng ganun.  May isa pa ngang ordinaryong diborsyada na  napaibig ang isang hari, hindi ba?   Walang imposible.  Besides, tao rin lang naman ang mga Montero, at kagaya nila, may mga kahinaan rin ang mga ito.  At iyon ang dapat niyang tuklasin.

            Ang kahinaan ni Gerald ang magiging lakas niya.

            “Pero iha, alam mo ba kung magkano ang cellphone na ito?” Gulat na tanong sa kanya ng lalaki.

            Napangisi siya, “Alam kong mamahalin yan.  Pero kung gusto nya kamo akong makausap, siya mismo ang mag-abot sakin nyan,” aniya ditto saka nagmamadali na itong tinalikuran.

            “Pambihira,” dinig pa niyang sabi ng lalaki.  Ngingisi ngising naglakad siya pauwi ng bahay.

            Ngunit lumipas ang nagdaang lingo, wala ng Gerald na nagpakita pa sa kanya.  Para tuloy gusto niyang pagsisihan na nagpakipot pa siya.

            Wala yatang araw na hindi siya naghintay sa muli nitong pagbabalik.  Pero ni anino nito ay di na niya nakita pa pagkatapos niyon.  Nabalitaan na lamang niya na ipinadala ito ni Don Felipe sa Amerika para duon magpatuloy ng pag-aaral.  Iyak siya ng iyak.  Pinaglaruan lamang naman pala ni Gerald ang puso niya.

“ANONG ginagawa mo dito?” Tanong ni Mariz nang pasukin siya ng hindi niya nakikilalang lalaki sa kanyang kuwarto.  Nakamaskara ito kaya’t wala siyang idea kung sino ito.  Ang tanging nakalabas lamang sa mukha nito ay ang mga mata at ang labi.

            Nagulat si Mariz nang bigla na lamang siyang daganan ng lalaki at pilit na hinubaran.

            “Bitiwan mo ko, hayup ka. . .” sumisigaw na sabi niya ngunit parang wala itong naririnig, mistula itong hayup habang pinaghahalikan siya sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.  Nagtataka siyang wala man lamang ni isa sa kanyang mga magulang ang nakakarinig sa malakas na sigaw niya.

            Parang bingi ang lalaki sa palahaw niya.  Hindi niya alam kung sino ang lalaking ito.  Kapag narinig niya ang boses nito, maaring makilala niya ito.  Kaso’y hindi ito nagsasalita.  Kapiraso lang ng mga mata nito ang nakikita niya.  Kapiraso rin lang ng mga labi kaya imposible talagang makilala niya ito.

            “Hayup ka!!!” Umiiyak na sabi niya habang pinagpapalo ito.  Ngunit patuloy lamang ito  sa ginagawa.  At masyado siyang mahina para makapanlaban.

            Ilang beses yata itong naglabas masok sa loob ng kanyang pagkababae.  Napaiyak siya sa sobrang sakit.  Pakiramdam niya ay hindi lang katawan niya ang nawarak kundi ang buong pagkatao niya habang ginagahasa sya nito.

            “Pagbabayaran mo lahat ng ginawa mong ito sakin, hayup ka!!!!”

            Napangisi lamang ang lalaki saka nagmamadaling bumangon, hinagisan pa siya nito ng lilibuhin bago umalis.

            “Hayup ka!”

            Kahit nahihirapan ay pinilit niyang bumangon para hanapin ang mga magulang subalit wala ang mga ito sa loob ng bahay ng gabing iyon.  Takang-taka siya dahil hindi naman lumalabas ng ganitong dis oras ng gabi ang mga ito.  Unti-unti, nakaramdam siya ng pagkahilo at tuluyan na siyang nawalan ng malay tao.

“NAGDADALANTAO ho ang inyong anak. . .” dinig niyang sabi ng doctor sa kanyang nanay matapos lumabas ang resulta ng pagsusuri nito.  Hindi na siya nagulat pa.  Inaasahan na niya iyon.

            Ni wala na ring pumatak na luha sa kanyang mga mata.  Naubos na marahil dahil smula nang mangyari ang panggagahasang iyon sa kanya, wala na siyang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.

            Sa sobrang kahihiyan ng kanyang mga magulang ay hiniling ng mga ito sa kanya na ilihim na lamang nila ang nangyari.  Ang sama-sama ng loob niya dahil siya na nga itong naagrabyado, bakit siya pa ang lalabas na kahiya-hiya para sa mga ito.

            Ngunit naisip niyang marahil nga ay mas makakabuting ilihim na lamang nila ang tungkol sa nangyaring panggagahasa sa kanya, tutal, hindi na rin naman niyon maibabalik ang lahat.  Ngunit hinding-hindi siya titigil hangga’t hindi niya nahahanap ang taong gumawa niyon sa kanya.

            “Diyos na mahabagin,” sambit ng Nanay niya na waring pinagbagsakan ng langit ang itsura habang nakatingin sa kanya, nakita niya ang sumuong na luha sa mga mata nito, “Paano na ang pag-aaral mo? Diyos ko. . .”

            Wala siyang kibo.  Kung siya lamang ang tatanungin, ayaw niyang mabuhay ang bata.  Pero alam niyang hinding-hindi siya papayagan ng kanyang mga magulang kung ipaaabort niya ang bata.  Saka natatakot rin naman siya. 

“PAPANAGUTAN ko po ang bata! Papakasalan ko si Mariz!” Sabi ng kababata niyang si Jay-are.  Ang pamilya nito ang bukod tanging nakakaalam ng kalagayan niya dahil kaibigang matalik ito ng mga magulang niya kung kaya’t parang kapatid na rin ang turing niya kay Jay-are bagama’t nuon pa man ay very vocal ito sa pagsasabing gusto siya nito.

            Gulat na napatingin ang mga magulang nito sa lalaki, pati na rin ang Nanay at Tatay niya.  Wala siyang kibo.  Hangga’t maari ay gusto niyang takpan ang kanyang tainga.  Ayaw niyang marinig ang anumang may kinalaman sa bata dahil nagpapaalala lamang ito ng malupit na sinapit niya sa kamay ng di nakikilalang lalaki.

            “Mahal ko po si Mariz.  Wala akong pakialam kung hindi ako ang ama ng batang ‘yan.  Ituturing ko siyang parang anak ko.” Sabi ni Jay-are.

            “Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” Panigurado ng tatay niya dito.

            Tumango ang binata.  Tahimik lamang ang mga magulang nito.  Wala siyang narinig ni katiting na pagtutol sa mga ito.

           

Kaugnay na kabanata

  • Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife   CHAPTER 3 ANG MULING PAGKABUHAY NG AMBISYON NI MARIZ

    “N-NASA PILIPINAS na si Gerald?” Napangisi si Jay-are, “Kung magsalita ka parang close kayo ah,” pabirong sabi nito sa kanya. Inirapan lamang niya ito. Ayaw niyang magpahalata na parang may mga kabayong nagsipulasan sa kanyang dibdib nang marinig ang pangalan ng lalaki. “K-kailan ka raw magsisimula sa trabaho mo?” Tanong ulit niya. “Sa Lunes. Susunduin ko raw sa airport iyong mapapangasawa ni Sir Gerald,” kwento nito sa kanya. “Mapapangasawa?” Kumunot ang nuo niya. “F-Foreigner siguro?” mapakla ang ngiting tanong niya. “Foreigner ka dyan. Hindi mo ba alam na tiga San Mateo ang girlfriend nun! At dating kaklase mo pa!” “K-Kaklase?” “Si Andrea, kaklase mo siya nung high school, di ba?” Napakurap siya. Bagsak ang kanyang mga balikat. Naalala niya si Andrea. Palagi niya itong nakakalaban sa Quiz Bee at mga beauty pageant na sinasalihan niya nuon dito sa San Mateo. Ito ang lihim niyang karibal dito sa bayan ng San Mateo. Naging konsehal sa San Mateo ang tat

    Huling Na-update : 2022-03-27
  • Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife   CHAPTER 4 ANG MULING PAGTATAGPO

    NERBIYOS ANG naramdaman ni Mariz nang muli silang magkaharap ni Gerald. Sa loob ng pitong taon na hindi pagkikita, ganito pa rin ang epekto ng mga tingin nito sa kanya, waring nanunuot hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang mga kalamnan. “Good afternoon, Ge. . .Sir Gerald,” bati niya dito habang nagdarasal na sana’y presentable siya sa paningin nito. Ilang beses kaya niyang sinipat ang sarili sa salamin bago niya niyakag si Jay-are na dalhin siya sa opisina nito para ipasok bilang sekretarya nito. “Sir, siya po iyong sinasabi kong asawa ko na gusto kong ipasok na sekretarya nyo. Since nagpapahanap kayo sakin ng secretary, di na ko naghanap ng iba pa, pihado namang papasa sa inyo ang asawa ko. . .” “Pwede bang iwanan mo muna kami para makilatis kong mabuti ang aplikante ko,” anitong bahagya lamang nilingon si Jay-are saka muling bumalik ang tingin sa kanya na na para bang unti-unti siya nitong hinuhubaran. “O. . .oho Sir,”

    Huling Na-update : 2022-03-27
  • Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife   CHAPTER 5-ANG PLANO

    LIHIM na napangisi si Mariz, sinadya niyang papungayin ang kanyang mga mata, “Hindi naman magiging problema iyon kay Jay-are. Alam naman niyang trabaho lang ang lahat ng ito, hindi ba Sir Gerald?” Mapanukso ang tonong sabi niya, sinadya pa niyang magpakawala ng isang nakakapang-akit na ngiti sa mga labi. “Yeah, trabaho lang at pagdating sa trabaho, I am very dedicated,” sabi nitong mas lalong inilapit ang mukha sa tenga niya. Nagdulot iyon ng kakaibang tension sa kanya, nag-iinit ang kanyang buong katawan. Nalalanghap niya ang pangmayamang scent nito. Malayo sa amoy ni Jay-are na palaging babad sa araw. Napasinghap siya. Tumindig siya ng tuwid dahil parang nanghihina ang mga tuhod niya. Ang bilis-bilis ng pintig ng puso niya. Napangisi si Gerald nang mahalata ang tension sa mukha niya. “Huwag kang mag-uumpisa ng isang bagay na di mo kayang panindigan,” he teased. “W-Wala akong inumpisahan na hindi ko kinayang panindigan,” aniya ri

    Huling Na-update : 2022-07-03
  • Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife   CHAPTER 6-SEDUCTION

    MAAGA pa lamang ay nakabihis na si Mariz. Tiniyak niyang magandang-maganda siya at mabango. Nagpahid siya ng pulang lipstick at manipis na pulbos saka inayos ang kanyang makapal na kilay at mahahabang eye lashes. Ang sabi ng ilan, malaki ang pagkakahawig niya kay Angel Locsin. May mga nagsasabi ring kamukha niya si Alma Moreno at Lorna Tolentino nuong kabataan ng mga ito. Sabi naman ni Jay-are, si Julia Barreto ang kamukha niya. Habang sinisipat ang sarili sa iba’t-ibang anggulo ay napansin niyang marami nga siyang kamukhang artista. Pero iba pa rin ang ganda niya lalo na kapag inilulugay niya ang makapal niyang buhok na hanggang balikat. She stands 5’6. Makinis ang kanyang morenang balat at maganda ang hubog ng kanyang pangangatawan. Kaya nga hindi lingid sa kanyang kaalaman na maraming nagtataka kung bakit si Jay-are ang pinakasalan niya. Kung gugustuhin raw niyang makapag-asawa ng mayaman at guwapo ay hindi naman siya mahihirapan. Wala naman kasing

    Huling Na-update : 2022-07-03
  • Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife   CHAPTER 7-ANG MATANDANG MONTERO

    ABALA ang lahat ng katulong sa mansion ng mga Montero bilang paghahanda sa nalalapit na engagement party nina Andrea Taberna at Gerald Montero. Ang pinakamatandang Montero na si Don Felipe ay masayang-masaya sapagkat pumayag na ang kanyang paboritong apo na magpakasal sa nobya nitong si Andrea. Siya ang pumili kay Andrea para kay Gerald. Alam kasi niyang makakatulong ang dalaga career wise ng kanyang apo. Maganda ang back ground ng pamilya nito, isa pa, nagmula sa prestihiyosang paaralan sa Amerika si Andrea. Maipagmamalaki, hindi gaya ng ibang babaeng dumaan sa buhay ng kanyang apo. Bata pa lamang si Gerald ay hinubog na niya itong sumunod sa mga yapak niya. Alam niyang sa tikas at karisma ng kanyang apo, hindi na kailangang magbayad pa para maipanalo ang pagka-gobernador nito. Kaya mula nuon hanggang ngayon, pinoprotektahan niya ang pangalan ng kanyang apo lalo na at maiingay ang mga kalaban nila sa politika. Gagawin niya ang lahat, para map

    Huling Na-update : 2022-07-03
  • Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife   CHAPTER 8-ANDREA TABERNA

    “MARIZ?” Napatingin si Andrea kay Gerald, natatanong ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang kasintahan. Hindi naikubli ang selos sa kanyang mukha. Bakit kasama ng nobyo niya ang babaeng ito? Inakbayan ni Gerald si Andrea, “I forgot to tell you, si Mariz na ang bago kong secretary, hindi ba magkakilala naman kayo?” Sabi nito sa kanya. “Hi Andrea,” nakangiting sabi ni Mariz sa kanya, “Akala ko’y alam mo ng dito ako nagtratrabaho,” anitong waring may pananakot sa tono ng pananalita, na para bang nais iparating sa kanya na dapat na siyang kabahan sapagkat any moment ay maari nitong maagaw sa kanya ang kanyang mapapangasawa. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Mariz. Alam niyang napakataas ng ambisyon nito kaya pinagtakhan niya nang mabalitaan niyang maaga itong nag-asawa at ni hindi na nakapagtapos ng college. Kahit naman nuong nasa Amerika siya ay hindi siya nauubusan ng mga nasasagap na balita mula sa kanyang mga kaibigang mas piniling di

    Huling Na-update : 2022-07-03
  • Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife   CHAPTER 9-ENGAGEMENT PARTY

    MASAYANG NAGTITIPON sa mansion ang buong pamilya at mga kaibigan nina Gerald at Andrea bilang selebrasyon sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib. Abala sina Aling Nenita at ang iba pang mga katulong sa pagdudulog ng mga pagkain sa mesa. Lahat halos ng politicians at mga may sinasabing angkan, hindi lamang sa San Mateo kundi sa buong lalawigan ay naroroon para makipag-celebrate sa mga ito. Kaya natigilan si Aling Nenita nang makita ang anak na si Mariz, pusturang-pustura ito sa suot na red satin dress na hapit na hapit sa katawan, at backless. Kung hindi nga lamang kilalang-kilala niya ang bawat galaw nito ay iisipin niyang ibang tao ang nakikita niya. Mistula itong mula sa angkan ng mga mayayaman ng oras na iyon. Anong ginagawa ng anak niya rito? Bigla siyang kinabahan nang maisip na baka mapagalitan sila ni Don Felipe kapag nakita nitong nakikihalubilo ang anak niya sa mga ito. Pulang-pula ang mukhang nilapitan niya ang anak. “Anong ginagawa mo rito? Bakit gan

    Huling Na-update : 2022-07-03
  • Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife   CHAPTER 10-INGGIT

    HINDI na makaya pa ni Mariz na makita ang kasiyahan sa loob ng mansion, nagmamadali na siyang umalis. Hindi niya maintindihan kung bakit nangingilid ang kanyang mga luha habang papauwi. Siguro ay dahil nanghihinayang siya sa mga sandaling nawala nang dahil sa nangyari sa kanya nuon. Kung hindi kaya siya na-rape, nasaan na kaya siya ngayon? May pag-asa kayang siya ang nasa katayuan ngayon ni Andrea imbes na ito? Ang daming tanong na naglalaro sa isipan niya. Ang daming bakit. Ang daming question marks na nakikita niya sa utak niya. Bakit nga ba hinayaan niyang nakawin ng takot ang mga pangarap niya? Kung ipinagpatuloy sana niya ang pag-aaral niya. Kung hindi sana siya nagpatangay sa agos ng alon at napilitang magpakasal kay Jay-are, baka sakaling hindi ganito ang buhay niya ngayon. Baka sakaling kagaya ni Andrea ay matagumpay na rin siya ngayon. “Kumusta ang party? Aga mo yatang umuwi?” Tanong ni Jay-are sa kanya, nakaupo ito sa c

    Huling Na-update : 2022-07-03

Pinakabagong kabanata

  • Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife   CHAPTER 12-QUESTION MARK

    “HUWAG MO ng uulitin iyon,” Yamot na sabi ni Gerald kay Mariz nang pumasok na siya sa opisina. “Ang alin, sir?” Takang tanong niya. “Iyong bigla ka na lang umaalis nang hindi nagpapaalam!” Singhal nito sa kanya, “At pwede ba, tigilan mo na ang pagtawag sakin ng Sir kung tayo lang ang magkaharap!” Yamot na sabi pa nito sa kanya. Tiningnan niya ito, “Sinasanay ko lang ang sarili kong tawagin kang Sir. Baka kasi matawag kita sa pangalan mo kapag kaharap si Andrea, magwala pa sakin sa selos ang babaeng iyon,” nakangusong sabi niya rito, “Saka bakit kailangan ko pang magpaalam saiyo, halata naming enjoy na enjoy ka sa party kagabi.” “Nagseselos ka?” “Anong karapatan kong magselos,” aniyang lumapit ditto at iniabot ang mga papelis na kailangan nitong pirmahan. Akmang lalabas na siya sa kuwarto nito nang mabilis siya nitong hawakan sa isang braso. Nag-angat siya ng mukha para tingnan si Gerald. “Marami pa akong kailang

  • Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife   CHAPTER11-DOUBTS

    KANINA PA HINAHANAP NG mga mata ni Gerald si Mariz ngunit bigla na lamang itong nawala sa kanyang paningin. “May hinahanap ka ba?” Tanong ni Andrea nang mapansin ang malilikot niyang mga mata. Pilit ang mga ngiting pinakawalan niya, “Sino naman ang hahanapin ko eh nandito ka na sa tabi ko,” sagot niya rito. Hinapit niya ito sa bewang at iginiya sa dance floor. Napatitig siya sa mukha ni Andrea. Three years na sila ni Andrea. Ang totoo, ang Lolo niya ang pumili para rito. Since may ambisyon siyang pasukin ang politika ay alam niyang tama ang kanyang abuelo, makakatulong si Andrea, career wise. Malakas ang pwersa ng ama nito na ilang beses nang nanalo bilang congressman sa kanilang distrito. May isang beses pa ngang nakalaban nito ang kanyang Uncle Romulo, ang ama ni Dexter. Tinalo nito ang Uncle Dexter niya, landslide. Marami kasi itong magagandang proyekto at malakas rin ang kabig nito sa masa. Kaya nga nang sumunod na halalan ay tumakbo

  • Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife   CHAPTER 10-INGGIT

    HINDI na makaya pa ni Mariz na makita ang kasiyahan sa loob ng mansion, nagmamadali na siyang umalis. Hindi niya maintindihan kung bakit nangingilid ang kanyang mga luha habang papauwi. Siguro ay dahil nanghihinayang siya sa mga sandaling nawala nang dahil sa nangyari sa kanya nuon. Kung hindi kaya siya na-rape, nasaan na kaya siya ngayon? May pag-asa kayang siya ang nasa katayuan ngayon ni Andrea imbes na ito? Ang daming tanong na naglalaro sa isipan niya. Ang daming bakit. Ang daming question marks na nakikita niya sa utak niya. Bakit nga ba hinayaan niyang nakawin ng takot ang mga pangarap niya? Kung ipinagpatuloy sana niya ang pag-aaral niya. Kung hindi sana siya nagpatangay sa agos ng alon at napilitang magpakasal kay Jay-are, baka sakaling hindi ganito ang buhay niya ngayon. Baka sakaling kagaya ni Andrea ay matagumpay na rin siya ngayon. “Kumusta ang party? Aga mo yatang umuwi?” Tanong ni Jay-are sa kanya, nakaupo ito sa c

  • Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife   CHAPTER 9-ENGAGEMENT PARTY

    MASAYANG NAGTITIPON sa mansion ang buong pamilya at mga kaibigan nina Gerald at Andrea bilang selebrasyon sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib. Abala sina Aling Nenita at ang iba pang mga katulong sa pagdudulog ng mga pagkain sa mesa. Lahat halos ng politicians at mga may sinasabing angkan, hindi lamang sa San Mateo kundi sa buong lalawigan ay naroroon para makipag-celebrate sa mga ito. Kaya natigilan si Aling Nenita nang makita ang anak na si Mariz, pusturang-pustura ito sa suot na red satin dress na hapit na hapit sa katawan, at backless. Kung hindi nga lamang kilalang-kilala niya ang bawat galaw nito ay iisipin niyang ibang tao ang nakikita niya. Mistula itong mula sa angkan ng mga mayayaman ng oras na iyon. Anong ginagawa ng anak niya rito? Bigla siyang kinabahan nang maisip na baka mapagalitan sila ni Don Felipe kapag nakita nitong nakikihalubilo ang anak niya sa mga ito. Pulang-pula ang mukhang nilapitan niya ang anak. “Anong ginagawa mo rito? Bakit gan

  • Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife   CHAPTER 8-ANDREA TABERNA

    “MARIZ?” Napatingin si Andrea kay Gerald, natatanong ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang kasintahan. Hindi naikubli ang selos sa kanyang mukha. Bakit kasama ng nobyo niya ang babaeng ito? Inakbayan ni Gerald si Andrea, “I forgot to tell you, si Mariz na ang bago kong secretary, hindi ba magkakilala naman kayo?” Sabi nito sa kanya. “Hi Andrea,” nakangiting sabi ni Mariz sa kanya, “Akala ko’y alam mo ng dito ako nagtratrabaho,” anitong waring may pananakot sa tono ng pananalita, na para bang nais iparating sa kanya na dapat na siyang kabahan sapagkat any moment ay maari nitong maagaw sa kanya ang kanyang mapapangasawa. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Mariz. Alam niyang napakataas ng ambisyon nito kaya pinagtakhan niya nang mabalitaan niyang maaga itong nag-asawa at ni hindi na nakapagtapos ng college. Kahit naman nuong nasa Amerika siya ay hindi siya nauubusan ng mga nasasagap na balita mula sa kanyang mga kaibigang mas piniling di

  • Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife   CHAPTER 7-ANG MATANDANG MONTERO

    ABALA ang lahat ng katulong sa mansion ng mga Montero bilang paghahanda sa nalalapit na engagement party nina Andrea Taberna at Gerald Montero. Ang pinakamatandang Montero na si Don Felipe ay masayang-masaya sapagkat pumayag na ang kanyang paboritong apo na magpakasal sa nobya nitong si Andrea. Siya ang pumili kay Andrea para kay Gerald. Alam kasi niyang makakatulong ang dalaga career wise ng kanyang apo. Maganda ang back ground ng pamilya nito, isa pa, nagmula sa prestihiyosang paaralan sa Amerika si Andrea. Maipagmamalaki, hindi gaya ng ibang babaeng dumaan sa buhay ng kanyang apo. Bata pa lamang si Gerald ay hinubog na niya itong sumunod sa mga yapak niya. Alam niyang sa tikas at karisma ng kanyang apo, hindi na kailangang magbayad pa para maipanalo ang pagka-gobernador nito. Kaya mula nuon hanggang ngayon, pinoprotektahan niya ang pangalan ng kanyang apo lalo na at maiingay ang mga kalaban nila sa politika. Gagawin niya ang lahat, para map

  • Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife   CHAPTER 6-SEDUCTION

    MAAGA pa lamang ay nakabihis na si Mariz. Tiniyak niyang magandang-maganda siya at mabango. Nagpahid siya ng pulang lipstick at manipis na pulbos saka inayos ang kanyang makapal na kilay at mahahabang eye lashes. Ang sabi ng ilan, malaki ang pagkakahawig niya kay Angel Locsin. May mga nagsasabi ring kamukha niya si Alma Moreno at Lorna Tolentino nuong kabataan ng mga ito. Sabi naman ni Jay-are, si Julia Barreto ang kamukha niya. Habang sinisipat ang sarili sa iba’t-ibang anggulo ay napansin niyang marami nga siyang kamukhang artista. Pero iba pa rin ang ganda niya lalo na kapag inilulugay niya ang makapal niyang buhok na hanggang balikat. She stands 5’6. Makinis ang kanyang morenang balat at maganda ang hubog ng kanyang pangangatawan. Kaya nga hindi lingid sa kanyang kaalaman na maraming nagtataka kung bakit si Jay-are ang pinakasalan niya. Kung gugustuhin raw niyang makapag-asawa ng mayaman at guwapo ay hindi naman siya mahihirapan. Wala naman kasing

  • Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife   CHAPTER 5-ANG PLANO

    LIHIM na napangisi si Mariz, sinadya niyang papungayin ang kanyang mga mata, “Hindi naman magiging problema iyon kay Jay-are. Alam naman niyang trabaho lang ang lahat ng ito, hindi ba Sir Gerald?” Mapanukso ang tonong sabi niya, sinadya pa niyang magpakawala ng isang nakakapang-akit na ngiti sa mga labi. “Yeah, trabaho lang at pagdating sa trabaho, I am very dedicated,” sabi nitong mas lalong inilapit ang mukha sa tenga niya. Nagdulot iyon ng kakaibang tension sa kanya, nag-iinit ang kanyang buong katawan. Nalalanghap niya ang pangmayamang scent nito. Malayo sa amoy ni Jay-are na palaging babad sa araw. Napasinghap siya. Tumindig siya ng tuwid dahil parang nanghihina ang mga tuhod niya. Ang bilis-bilis ng pintig ng puso niya. Napangisi si Gerald nang mahalata ang tension sa mukha niya. “Huwag kang mag-uumpisa ng isang bagay na di mo kayang panindigan,” he teased. “W-Wala akong inumpisahan na hindi ko kinayang panindigan,” aniya ri

  • Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife   CHAPTER 4 ANG MULING PAGTATAGPO

    NERBIYOS ANG naramdaman ni Mariz nang muli silang magkaharap ni Gerald. Sa loob ng pitong taon na hindi pagkikita, ganito pa rin ang epekto ng mga tingin nito sa kanya, waring nanunuot hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang mga kalamnan. “Good afternoon, Ge. . .Sir Gerald,” bati niya dito habang nagdarasal na sana’y presentable siya sa paningin nito. Ilang beses kaya niyang sinipat ang sarili sa salamin bago niya niyakag si Jay-are na dalhin siya sa opisina nito para ipasok bilang sekretarya nito. “Sir, siya po iyong sinasabi kong asawa ko na gusto kong ipasok na sekretarya nyo. Since nagpapahanap kayo sakin ng secretary, di na ko naghanap ng iba pa, pihado namang papasa sa inyo ang asawa ko. . .” “Pwede bang iwanan mo muna kami para makilatis kong mabuti ang aplikante ko,” anitong bahagya lamang nilingon si Jay-are saka muling bumalik ang tingin sa kanya na na para bang unti-unti siya nitong hinuhubaran. “O. . .oho Sir,”

DMCA.com Protection Status