Home / Romance / Falling for the Replacement Mistress / Chapter 101 - Chapter 110

All Chapters of Falling for the Replacement Mistress: Chapter 101 - Chapter 110

211 Chapters

Chapter 79.1 - Kiro Jarvis cont.

Hindi mapagsidlan ang saya ni Kiro habang nasa biyahe sila ng kan’yang ama. Nasasabik na rin siya na makita at makasama ulit ang kaibigan niya na si Dreik. Hindi niya rin alam kung bakit bigla na lamang na hindi pumapasok ang kaibigan niya at nabalitaan na lamang niya buhat sa kan’yang guro na si Dreik ay nag-online classes na. Hindi man siya sigurado, pero alam niya na may partisipasyon ang ina niya sa mga nangyayari. Hindi niya pa rin lubos na maisip kung bakit gano’n na lamang ang galit ng ina niya sa kan’yang kaibigan, kahit na si Dreik nga ang madalas na nagtatanggol sa kan’ya. "Dada, do you think Dreik is mad at me? Do you think he doesn't want to be friends with me anymore?" tanong bigla ni Kiro sa kan’yang ama. Hindi niya sigurado kung nanaisin pa ba siya na maging kaibigan ni Dreik pagkatapos ng mga ginawa ng ina niya sa kaibigan niya. Napasulyap naman si Kenji sa kan’yang anak at kitang-kita niya ang pag-aalala sa itsura ng anak. "Why would you even say that, Kiro? Dreik i
Read more

Chapter 80 - The Truth of His Affairs

Napuno ang shop ng nakabibingi na katahimikan sa kabila ng tensyon buhat sa hindi inaasahan na paghaharap na naman sa pagitan ng tatlong tao na naging sala-salabat na ang buhay. At alam ni Reiko na hindi iyon ang tamang oras at lugar para sa mga pagtatanong at komprontasyon, bagama’t marami ang mga bagay na gumugulo sa isipan niya ngayon. And this is why she chose to keep silent despite the millions of thoughts racing through her head. "Kiro, this is my mom and my dad. Dad, mom, this is Kiro, my best friend. He is the son of Mr. Kenji Jarvis." Hindi naman alintana nina Dreik at Kiro ang mga kaguluhan at tensyon sa kanilang paligid. Masaya pa nila na ipinakikilala sa bawat isa ang kani-kanilang mga magulang na pare-pareho nang hindi maipinta ang mga mukha. Ang mga bata ay napupuno ng kagalakan sa isang pagkakataon na magkasama sila muli at magkakilala ang kanilang pamilya, samantalang ang mga magulang ay kabaligtaran ang nararamdaman. Lahat sila ay may takot sa kanilang puso dahil la
Read more

Chapter 80.1 - The Truth of His Affairs cont.

"Ang kapal mo rin talaga, Arden. Baka nakakalimutan mo kung sino ang gago sa atin dalawa? Bilib na ako sa kakapalan ng pagmumukha mo." Matapang na sagot din ni Kenji. Something is definitely going on between these two men. Hindi na maintindihan ni Reiko kung bakit parang may mga laman ang pag-uusap na iyon ng dalawang lalaki sa kan'yang harapan. It seems that there is a hidden meaning behind every word being spoken. And she has an inkling about it, but she is still too defiant to admit it to herself. Nais niya na lamang na tanggalin sa isipan niya ang mga hinala at pag-aagam-agam niya dahil alam niya na hindi iyon makakatulong sa sitwasyon nila ngayon, pero mas lalo lamang na tumitindi ang mga takot sa puso niya dahil sa nakikita niya sa dalwang lalaki sa harapan niya. "Let’s all be civil enough for our kids here. I don't want to be rude, but at this moment I have no other choice. So, please leave, Mr. Jarvis." ulit ni Reiko. Pasagot na sana si Kenji upang muli na tutulan ang pagpap
Read more

Chapter 80.2 - The Truth of His Affairs cont.

"Reiko, can we talk?" Inaasahan na ni Reiko ang eksena na ito nila ni Arden, pero handa na nga ba siya? Nanginginig ang buong katawan ni Reiko sa patuloy na pagpipigil sa mga emosyon na nararamdaman niya ngayon na nais kumawala sa kan'ya. Ang daming mga tanong sa kan’yang isipan, pero patuloy niya pa rin na pinipili ang manahimik at iwasan muna si Arden. Pinipili niya ang umiwas dahil hindi pa siya handa sa mga bagay-bagay na maaari niya na malaman. Hindi pa siya handa sa mga katotohanan na maaari na kaharapin niya dahil natatakot siya sa mga magiging desisyon niya kung sakali. Iyon ang dahilan kaya simula nang makauwi sila ay pinili niya na magkulong sa kanilang silid sa kabila ng mga pagtatanong ng kan’yang anak na si Dreik. "Reiko, please talk to me. Let's fix this." Nanatili lamang siya na naka-upo at nakatitig sa kawalan. Ang mga nasisira lamang ang inaayos, kung gano'n inaamin ba ngayon ni Arden na nasisira na naman ang relasyon nila? Maayos pa nga ba ang sira na ito sa pagi
Read more

Chapter 80.3 - the Truth of His Affairs cont.

"I cheated on you." Ito ba ang mga bagay na nais na sabihin sa kan’ya ni Kenji? Ito ba ang katotohanan na nais nito na ipaalam sa kan’ya, kaya nasabi ni Kenji sa kan’ya na niloloko lamang siya ni Arden? Tama ba ang lahat ng hinala na nasa isipan niya? Pilit niya na pinagdudugtong-dugtong ang mga impormasyon na kan’yang nakukuha, pero kahit na ano ang gawin niya, ayaw na tanggapin ng isip niya ang mga bagay na nasa harapan na niya. It was so hard for Reiko to accept that she and Arden have been living with a lie all this time. It was so hard to accept that both of them were instrumental in destroying a marriage that was supposed to remain sacred and intact. "You cheated on me with Ica Jarvis? Bakit, Arden? Saan ako nagkulang? Ano ang mali sa akin?" Iyon din ang pareho na mga tanong na malimit na tinatanong ni Arden sa kan’yang sarili. Bakit nga ba niya nagawa na lokohin ang kasintahan niya? Bakit nga ba niya nagawa na maligaw ng landas dahil lamang sa panandalian na kasiyahan na nak
Read more

Chapter 81 - Intertwined Lives

Kanina pa pa-ikot-ikot si Ica sa silid nila na iyon ni Kenji dahil hindi niya alam kung ano ang kan’yang mararamdaman sa ngayon. She came face-to-face with Arden after so many years, and everything just keeps coming back to her. All of the things that she had tried so hard to hide and forget. Napapagod na naupo siya sa may gilid ng kama. Ngayon lamang siya nakaramdam ng matindi na takot sa mga naging pagkakasala niya. She released an exhaustive breath, but despite the fear, there is still something to be thankful for after all. Nagpapasalamat siya na mas pinili ni Kenji na iwasan siya at dalahin ang anak nila na si Kiro sa mga magulang nito. Kailangan niya na mapag-isa at makapag-isip-isip, at ito ang tama na pagkakataon para gawin iyon. Arden Montero is back. Her best friend is back, and Ica doesn't know what to think of it. Her first love returned without much of a warning again, just like how he reappeared in her life the last time. Muli na nanumbalik sa kan’ya ang mga nakaraan ni
Read more

Chapter 81.1 - Intertwined Lives cont.

"Siya ba ang tunay na ama ni Kiro?!" Ang malakas na boses na iyon ni Kenji ang pumutol sa pagbabalik-tanaw ni Ica. Galit na galit ang asawa niya na sinugod siya at pabalang siya nito na itinayo buhat sa pagkakaupo niya. Gulat na gulat naman si Ica na nasa kan'yang harapan ngayon si Kenji. Ang buong akala niya ay hindi siya nito haharapin ngayon, ngunit mukhang matindi ang galit sa mga mata ng asawa niya ngayon dahil sa mga nasaksihan nito kanina. "Kenji, you're hurting me." Natataranta na sagot ni Ica nang isandal siya nito sa pader habang mahigpit na nakahawak sa braso niya ang isang kamay nito. "Putang-ina, Ica! Sagutin mo ang tanong ko. Anak ba niya si Kiro?!" Habang ang isang kamay ni Kenji ay mahigpit na nakahawak sa braso ni Ica, ang isang kamao niya ay naisuntok niya sa pader sa gilid mismo ng mukha ng asawa niya. God knows how much he wanted to hurt her physically, but he couldn't find the strength to do so. Hindi niya magawa na saktan si Ica dahil hindi siya gano’n klas
Read more

Chapter 82 - The Hidden Truth

"What?!" Sigaw ni Gray sa kaibigan niya na si Kenji. Ito na rin ang malimit na reaksyon niya sa bawat araw na magkikita sila ng kaibigan niya at mayroon na sasabihin si Kenji sa kan’ya patungkol sa buhay nito. And every time, he is blown away by how fucked up his friend’s life is. "Ang anak mo ay anak niya, at ang anak niya ay anak mo? Pareho kayo na may anak sa hindi dapat ninyo na inanakan?" Gray knows that those are stupid questions to even ask, but he needs confirmation for everything. Nagkakaubusan na ba ng babae sa mundo o talaga lamang na mapaglaro ang tadhana sa kaibigan niya? Hindi niya na nga alam kung paano kinakaya ni Kenji ang mga katotohanan na kahit siya ay hindi niya lubusan na matanggap. Baka kung siya ang nasa katayuan ng kaibigan niya ay kung ano na ang nagawa niya kay Ica at sa kalaguyo nito. "Will you stop asking nonsense questions, Gray?" Napahilot na lamang si Kenji sa kan’yang sentido dahil sa mga hindi pinag-iisipan na tanong ng kan’yang kaibigan. "You are no
Read more

Chapter 82.1 - The Hidden Truth cont.

Kanina pa nagsusukatan ng tingin sina Arden at Kenji habang magkaharap. Pero hindi gaya sa nauna nila na pagkikita, ang tingin na ipinupukol nila sa isa’t-isa ngayon ay hindi napupuno ng angas, kung hindi nagtatantyahan sa kung sino ba sa kanila ang dapat na mauna na magsalita. Arden knows that since he was the one who initiated this talk, he should therefore be the one to make the first move. At isa lamang ang alam niya na paraan para gawin iyon. "I am sorry." Hindi niya rin alam, pero matapos ang naging pag-amin niya kay Reiko, he feels the need to apologize to Kenji Jarvis as well, kahit pa sabihin na may kasalanan din ang lalaki sa kan’ya. "I am sorry about what happened between me and your wife. Pinilit ko na lumayo, pinilit ko na umiwas, hindi ko man ginusto ang nangyari, pero umabot kami sa punto na hindi dapat. Gusto ko lang sabihin sa’yo ngayon na kung ano man ang nangyari sa amin ni Ica, it was not out of love. Mahal ko ang fiancée ko, mahal na mahal ko si Reiko." The apo
Read more

Chapter 83 - The Reality of Their Lives

It was yet another day for Reiko. Another day where she had to pretend to Dreik that everything was fine for everyone of them, and yet another day for her to hide her pain behind her smiles. Another day had started, but it still felt just like yesterday. Parang kahapon lamang nang mapagtanto niya ang mga sikreto at kasalanan ng nakaraan nila. At ang lahat ng sakit ay patuloy niya na nararamdaman sa kan’yang puso hanggang sa ngayon. At sa panibago na araw na ito ay umiiyak pa rin si Reiko at hindi malaman kung ano ang kan’yang gagawin. Arden agreed to give her the time and space to think things through, pero gano’n pa man ay hindi niya magawa na hanapan ng mga kasagutan ang maraming tanong sa kan’yang isipan. Hindi niya mahanapan ng mga eksplanasyon at mga dahilan kung bakit nila nagawa ang mga bagay na nagawa nila noon. Hindi niya mahanapan ng mga rason kung bakit sa kabila ng pagmamahal na sinasabi nila na nararamdaman nila ni Arden para sa isa’t-isa ay pareho nila na nagawa na mag
Read more
PREV
1
...
910111213
...
22
DMCA.com Protection Status