Muling bumaba ang tingin ko sa anak kong mahimbing na natutulog sa kama. Nakaupo ako sa kaniyang tabi, sinusuklay ang kaniyang buhok at pinagmamasdan ang kaniyang payapa at mahinang niyang paghilik.Samantalang si Elias naman ay nakasandal sa hamba ng pintuan ng kwarto. Magkakrus ang kaniyang dalawang braso at halos mag-isang linya ang makapal na kilay."Huwag mo nga akong tawanan, Tria. Nag-aalala lang talaga ako." Bumungtonghininga siya at inihilamos ang parehong palad sa kaniyang mukha.Natutop ko ang aking bibig, pinipigilan ang sariling mangiti sa kaniyang reaksyon. "Okay lang talaga kami, Elias. Hindi kami nasaktan. Hindi kami nasugatan o kung ano pa man.""Pero hindi mo ako tinawagan agad. Kung hindi pa ako itetext ni Nanay, hindi ko rin malalaman," matigas na tugon pa niya at kung nakakamatay lang ang titig ay kanina pa siguro ako nakahandusay.I reached for his hand, squeezed it, and smiled cutely at him. "Nasa kalagitnaan ka ng trabaho, Elias, ayaw ko lang na magulo ang utak
Huling Na-update : 2022-07-22 Magbasa pa