Maingat niyang kinuha sa akin ang anak ko, nag-iingat na hindi magising. Pinanood ko siyang ilipat sa crib si Asher. Kasunod niyon ay ako naman ang inasikaso niya. Pinainom niya ako ng gatas at inalalayang humiga."Ang OA mo. Okay naman ako pero kung makaasikaso ka sa akin ay para ba akong lumpo," natatawa't naiiling kong saway sa kaniya habang kinukumutan niya ako."Mas mainam nang sigurado," simpleng tugon niya kaya napairap ako.Umayos ako ng higa at mariing ipinikit ang mata. Naramdaman ko ang marahan niyang pagsuklay sa aking buhok gamit ang kaniyang kamay."Matulog ka nang mahimbing, Tria. Ako na ang bahala kay Asher."I kept my eyes closed and hummed. Dala na rin ng sobrang pagod sa maghapong pag-aalalaga kay Asher ay mabilis akong dinalaw ng antok pero bago pa man ako tuluyang mahimbing ay narinig ko pa ang mga binitawan niyang kataga..."Kung hindi man ako puwedeng mahulog sa 'yo, hayaan mo na lang akong alagaan kayo hanggang sa abot ng makakaya ko. Hangga't nandito pa kayo.
Muling bumaba ang tingin ko sa anak kong mahimbing na natutulog sa kama. Nakaupo ako sa kaniyang tabi, sinusuklay ang kaniyang buhok at pinagmamasdan ang kaniyang payapa at mahinang niyang paghilik.Samantalang si Elias naman ay nakasandal sa hamba ng pintuan ng kwarto. Magkakrus ang kaniyang dalawang braso at halos mag-isang linya ang makapal na kilay."Huwag mo nga akong tawanan, Tria. Nag-aalala lang talaga ako." Bumungtonghininga siya at inihilamos ang parehong palad sa kaniyang mukha.Natutop ko ang aking bibig, pinipigilan ang sariling mangiti sa kaniyang reaksyon. "Okay lang talaga kami, Elias. Hindi kami nasaktan. Hindi kami nasugatan o kung ano pa man.""Pero hindi mo ako tinawagan agad. Kung hindi pa ako itetext ni Nanay, hindi ko rin malalaman," matigas na tugon pa niya at kung nakakamatay lang ang titig ay kanina pa siguro ako nakahandusay.I reached for his hand, squeezed it, and smiled cutely at him. "Nasa kalagitnaan ka ng trabaho, Elias, ayaw ko lang na magulo ang utak
Nang sumapit ang lunes ay maaga rin akong gumising para sa paghahanda sa unang araw ko ng trabaho sa hotel. Walang paglagyan ang saya sa puso ko.I missed office work, meeting and socializing with different types of people, and even hearing their stories. Just like how I lived my life in Bohol.Alas siyete ang oras ng pasok ko pero hindi kaagad ako makaalis dahil kay Asher. Panay ang iyak niya dahil gusto niyang sumama sa akin.Ang batang 'to, may pagka-clingy talaga!"Mimi, tama ako, plith? Di magkulit si Asher. Sit lang siya..." pagmamakaawa niya habang nakaupo sa sahig at nakayakap sa mga tuhod ko.Punong-puno ng luha ang kaniyang mga mata at maging ang ilong ay namumula na.I heaved a heavy sigh before I squatted my legs to level him. I held his fluffy cheeks and caressed it.Malambot ang mga mata ko siyang tinitigan. "Baby, hindi puwede. Baka mapagalitan si Mama sa work.""Eh 'di galit din ako, Mimi. Protect ka ni Asher!" Itinaas pa niya ang nakakuyom niyang kamao at pinatapang p
"Okay ka lang, Tria?" Umupo sa aking tabi si Elias at inakbayan ako.Malalim na ang gabi pero nandito pa rin ako sa labas ng bahay. Pinapanood ko ang kalmadong pag-alon ng dagat pati na rin ang liwanag ng bilog na buwan habang nakaupo sa buhanginan at may hawak na isang bote ng beer.Hilaw akong ngumisi sa kaniya. "Oo naman." Matagal siyang tumitig sa akin, tila hindi kumbinsido, kaya naman bahagya akong natawa. "Okay nga lang ako."Umingos siya na may halos pagkasarkastiko. "Kilalang-kilala kita, Tria. Alam na alam ko kung kailan ka masaya, malungkot o may problema kaya sinong niloko mo?"Unti-unting nabura ang hilam na ngiti sa aking mukha kasabay ng pag-iwas ng tingin sa kaniya. Para akong napipi at naubusan ng mga salita bilang depensa.Gan'on ba talaga ako kadaling basahin? Gan'on ba ako kahalata?"Kanina ka pa namin napapansin ni Nanay na parang wala ka sa sarili. Mabuti na lang hindi iyon napansin ni Asher dahil masiyadong libang sa binili mong laruan," wika niya.Umihip ang ma
Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pagkalaglag ng aking panga. Ngingisi-ngisi siyang itinapat sa kaniyang tainga ang telepono at para bang aliw na aliw pa habang pinagmamasdan ang reaksyon ko."A-Anne, huwag!" Dala na rin ng adrenaline rush ay dali-dali kong inagaw sa kaniya ang cellphone at pinatay ang tawag.Humalakhak siya ng tawa. "Oh, scared much?"Umigting ang aking panga kasabay paghigpit ng hawak ko sa kaniyang cellphone. At bago ko pa nga madurog iyon ay inagawa na niya sa akin."Just agree with my condition and promise, I'll delete on this phone all the information and pictures of you and your kid..."Mariin kong ipinikit ang mga mata at hinilot ang kumikirot na sentido. "What condition?""I just want us to talk.""Nag-uusap na tayo," I sarcastically uttered.She licked her lips and rolled her eyes. "I mean... privately.""Ano namang pag-uusapan natin at kailangang pribado pa?" Nagsalubong ang aking kilay."Bakit ang dami mong tanong? Kung sasagutin ko 'yan ngayon, wala n
"There were so many things happened while you're gone... but hanggang dito lang ang puwede kong sabihin sa 'yo. Actually, this is not my story to tell nga, eh, pero I just couldn't help myself." She sipped on her coffee and placed it again on the table elegantly. "Kapag nakikita kitang masaya, kumukulo ang dugo ko sa 'yo kasi how the fuck can you peacefully sleep at night knowing that are so many persons longing for you?" tuloy-tuloy na litanya niya."Anne–" I was about to speak when her phone rang."I'll just take this call." She excused herself and went outside.I heaved a heavy sigh as I followed her with my weary gaze. Hindi rin iyon nagtagal at muli kong ibinaling ang tingin sa lamesang nasa aking harapan. Napatulala na lang ako r'on habang ina-absorb ang mga nalaman ko sa kaniya."I have an emergency. I need to go," wika ni Anne nang makabalik at dinampot niya ang bag na nasa kaniyang upuan.Awang ang labi ko siyang tiningala at kapagkuwan ay tumayo na rin. "O-Okay."She gave me
Niyakap ko ang aking parehong tuhod at sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang bumuhos ang masasaganang luha. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman. Hanggang kailan ba ako hahabulin ng anino ng nakaraan? Hanggang kailan ko pa dadanasin ang hirap at bigat ng puso? Mahirap ba talagang ibigay ang kapayapaan at simpleng buhay na hinihingi ko?Ang dami kong pinangako kay Aia noon. Sinabi kong hindi ko pababayaan ang Kuya niya. Na iintindihin ko siya hanggang sa abot ng aking makakaya at marami pang iba.My heart sank when I realized that I had broken all those promises.Itinakip ko ang aking palad sa bibig upang pigilan ang pagkawala ng malalakas na hikbi. "I'm sorry, Aia. I'm sorry. Minahal ko naman siya, napagod lang ako..." I murmured as if that was an enough reason for failing to fulfil all my promises.But that was also the truth. I got tired. Napagod ako hanggang umabot sa puntong naging sarado na ang isip at mata ko na alamin pa ang dahilan ng mga taong nasa pali
Ang kaninang ngiti sa labi ng mga kasamahan ko sa trabaho ay unti-unting napalitan ng pagkalito at pagtataka. Palipat-lipat ang tinging iginawad nila sa amin ni Aziel habang may malaking question mark sa kanilang utak.I chewed the bottom of my lips and hide my shaking hands behind my back. Mas lalo pang naging triple ang kalabog ng dibdib ko nang dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin. Ni hindi siya kumukurap na para bang kapag ginagawa niya iyon ay maglalaho ako."Chantria..." he murmured again and gasped. "Is this real? Is this fucking real?" Halos mapatalon ako nang maramdaman ang masuyong pagdampi ng parehong palad niya sa aking pisngi, sinusuri ang bawat sulok ng aking katawan at mukha.I was given a chance to examine his physical changes. Wala namang masiyadong nagbago sa kaniya bukod sa mas naging mature ang dating at pangangatawan niya. His hair was a bit longer than before. His face also grew some stubbles and his eyes seems so weary. Para bang hindi siya nagkakaroon
"Sir, wala pong nakaregister na Aziel and Chantria Navarro sa marriage certificate."My forehead creased in sudden confusion. "What? Check it again. That's impossible."The lady shook her head again. "Sir, wala po talaga. If you want po, I can give you a copy of your CENOMAR," paliwanag pa niya sa akin.Para na naman akong napunta sa isang malaking bangungungot habang binabasa ang nakasaad sa mga dokumento. Hindi kami totoong ikinasal ni Chantria. Sa mata ng batas at Diyos, hindi kami mag-asawa. Habang nasa loob ng sasakyan ay sinabunutan ko ang aking buhok at ilang beses na pinagsasampal ang sarili, nakikiusap at humihiling na sana'y panaginip lang ang lahat ng ito.Ilang beses kong sinubukang sabihin kay Chantria pero palagi lamang akong nabibigo, lalo na sa tuwing nakikita ko kung paano kumikislap ang kaniyang mata sa labis na saya. Kumikirot ang puso ko sa tuwing pinagmamasdan siya.Tangina naman, bakit baa ng damot sa amin ng mundo? Hindi na ba talaga kami puwedeng maging masaya?
My sister went back to the Philippines for our wedding. Buong akala ko'y kahit papaano ay magiging masaya iyon pero ang hindi ko inaasahan ay ang isang text na galing sa magulang ni Anne na wala na ang mga batang dinadala niya at ako ang sinisisi nila sa nangyari.Anne became depressed and her family wanted me to take all the responsibilities for what happened to their daughter because if not, they would do anything just to ruin our reputation as well as the Saavedra's... at ayaw kong mangyari iyon dahil paniguradong sa huli ay sa akin din mapupunta ang sisi.Naghalo-halo na ang nararamdaman ko noong panahong iyon. Para akong mababaliw sa dami ng iniisip. Gusto kong umiyak at magmukmok dahil pakiramdam ko'y pumalpak ako bilang anak at sinisisi ko rin ang sarili dahil sa nangyari kay Anne at sa bata.I wanted to grieve, to mourn, or even just to fucking breathe for a while, pero hindi iyon nangyari dahil pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay agad na akong sumabak sa trabaho at pag-aaral
Marami kaming pagkakahalintulad kagaya ng pareho kaming walang choice kundi ang sumunod sa mapagdesisyon naming magulang. Tho, ako naman ay hindi natatakot sumuway kapag may pagkakataon. Mas mahirap lamang sa parte niya dahil hindi siya itinuturing bilang pamilya dahil anak 'lamang' daw siya sa labas kaya wala siyang ibang pagpipilian talaga kundi ang sumunod. At habang nakikilala ko nga siya ay hindi ko maiwasang mamiss ang kapatid kong nasa ibang bansa.Chantria... she could pass as my younger sister. But I know and it's obvious that she was feeling differently towards me. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil bata pa siya at paniguradong magbabago pa ang nararamdaman niya.I'm aware of how fucked up and harsh the world is on Chantria; even her own family wanted to get off her, so I made a promise to her that I would protect her the way I protected my sister, Aia. I was silently praying that the world had been gentler for her because she didn't deserve all the hate from the people
Nakita ko ang malambot na pag-angat ng tingin ni Mommy kay Daddy at marahang hinaplos ang kamay nito sa pagbabaka-sakaling mapapaamo niya ang matandang asawa."Sige na, Carlito. Pagbigyan mo na ang mga anak mo..." malumanay na saad ni Mommy Mel."Manahimik ka, Mel. Ako ang lalaki at padre de pamilya. Ako ang nagpapalamon sa inyo kaya ako ang masusunod." Tiim-bagang siyang umiwas ng tingin sa aming lahat at bumalik sa pagkain na parang walang nangyari.Naging mahirap para sa akin ang pangungumbisi sa magulang ko. Idagdag pa na mas lalong gumulo rin ang relasyon namin ni Anne. Sa tuwing magkausap kami sa telepono ay palagi iyong humahantong sa away kaya minsan ay mas pinipili ko na lamang na umiwas at hindi siya kausapin. Kung kakausapin man ay may kinalaman lamang iyon sa pagbubuntis niya. Palagi niya rin akong tinatanong kung kailan ako susunod sa kaniya pero hindi ko iyon mabigyan ng malinaw na kasagutan.Tangina, gustong-gusto ko na ring umalis sa pamamahay na ito. Nakakasakal. Naka
"If you're going to have your first girlfriend, make sure that's Anastacia Del Mundo."From my food, my stare went up to my dad. Kita ko rin ang pag-angat ng tingin ni Louie na nakikiramdam. "Pardon?""Oh, don't make me repeat it. I know you heard me clearly," he muttered with coldness.I laughed ridiculously in my mind as I watched him sip on his coffee. "No fucking way..." I answered him with conviction.Agad naman akong sinaway ni Mommy at pinaalalahanang nasa harap kami ng pagkain pero hindi ako natinag. Ayon na nga, eh. Payapa akong kumakain dito, sarap na sarap pa ako rito sa ngininguya ko tapos bigla na lamang magsasalita ng gan'on? Parang gago. Nakakawalang gana."Stop being hardheaded, young man. Iyon na lang ang gagawin mong tama sa pamilyang 'to," he strictly hissed.Umigting ang panga ko at pabagsak na binitawan ang kutsara't tinidor. Nagpakawala ako ng sarkastikong tawa habang nakatitig sa pinggan ko. Hindi ko pa man nadedepensahan ang sarili ko ay muling bumuwelta si Mom
Another two years have passed in our lives and I can finally say that I am finally healed. As I looked back on the past, I realized how traumas and pains encouraged me to become something I didn't expect I would be.Pareho kaming nagkamali ni Aziel. Hindi naging maayos ang simula at daloy ng pagsasama naming dalawa. Hindi rin naging madali ang mga dagok at pagsubok na ibinato sa amin ng tadhana. Pero sabay kaming nagsisi, natuto, bumangon, at nagsimula muli sa mas tamang paraan. Sa matatag na samahan. Sa mas malalim na pagmamahalan.Ilang beses kaming nagkahiwalay pero kagaya ng isang alon na kahit anong pag-alis, sa huli ay babalik at babalik pa rin kami sa isa't isa. Kagaya ng paglubog ng araw na hindi lamang nangunguhulugan ng pagtatapos kundi pati na rin ng bagong simula. At tila sa malalim na pagkakalunod sa sakit, pait, at pagkadismaya, ngayon ako'y nakaahon na. Hindi ko rin alam kung paano ko nakaya, ngunit ipinagmamalaki kong ngayo'y nasa pampang na at maayos nang nakakahinga.
Mahirap mag-adjust sa simula lalo na para kay Asher, pero nakikita kong masaya at nag-eenjoy naman siya sa bagong buhay niya rito sa Maynila. Si Aziel naman ay bumalik na sa pagtra-trabaho at mas pursigido pa nga sa pagkakataong ito. Kahit madalas siyang abala ay hindi naman niya kami pinapabayaan. Napapansin ko lahat ng effort na ginagawa niya para mas lalo pang makabawi sa amin ni Asher.Bago pumasok sa trabaho ay mayroon nang nakahandang breakfast para sa amin. Nakahanda na rin ang tubig sa bathtub na pampaligo namin ni Asher. Hindi rin siya nakakalimot na tumawag para kumustahin kami o di kaya'y mag-update kung anong ginagawa niya, sinong kasama niya, o kung anong oras siya uuwi.Sinisiguro niyang sapat na oras ang ibinibigay niya sa anak namin at maging na rin sa akin. Hindi naman ako naghahangad ng kahit ano sa kaniya lalo na't alam naman namin pareho kung ano ang estado ng relasyon naming dalawa. Kahit minsan, ipinagtatabuyan ko siya o hindi ko ipinapahalata sa kaniya ang narar
I smiled at her. "Salamat pa rin. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ako mamumulat. Hindi ako magkakaroon ng tapang.""Thank yourself, then. I only gave you advice and it is still up to you if you're gonna listen or not, and fortunately, you did."Wala nang nagsalita pa sa aming dalawa. Pareho lang kaming nakatitig kay Asher na tumakbo na sa kaniyang ama at tinutulungan na siyang pumasok sa loob ng helicopter. Nilingon ako ni Aziel at sinenyasan na aalis na kami kaya umayos na ako ng tindig."I guess everything is settled now? Mauuna na akong umalis sa inyo. I have an important meeting in a few minutes," Anne said.She stood up straight, turned her back, and was ready to leave when I called her name again. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi ako nilingon."Anne... s-si Elias," I whispered, loud enough for her to hear.Nanatili lamang siyang nakatayo at hindi nagsasalita. Akala ko nga ay wala na siyang balak pero nagulat ako nang sumagot siya."Don't worry about him. He's safe with me,"
"Mimi Ganda, what time po uuwi si Papa Pogi? Hindi pa po naka-ready mga clothes niya, eh," tanong ni Asher pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng aking kwarto.Natigilan ako sa paglalagay ng mga damit sa maleta at nagkatinginan kami ni Aziel. Nang ibalik ko ay ang tingin sa anak namin ay nakatunganga pa rin ito at nag-aabang ng sagot namin. Sinubukan kong ibuka ang bibig para magsalita pero wala akong mahanap na tamang kataga.Paano ko ba kasi sasabihin sa kaniya? Kapag nalaman niya, tiyak na iiyak siya nang sobra. Ayaw pa naman ni Aziel na umiiyak si Asher dahil naiiyak din siya."Uhm...""Papa, call mo na siya!""Anak..." I called him in a low voice as I bit my lower lip. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin na siyang ginawa naman niya.Inalalayan siya ni Aziel na umakyat sa kama at umupo sa aking kandungan. Pansamantala muna naming binitawan ang aming ginagawa at ibinigay ang buong atensyon sa anak namin. Sasabihin namin sa kaniya ang totoo na hindi namin kasama si Elias at Nanay