Ang kaninang ngiti sa labi ng mga kasamahan ko sa trabaho ay unti-unting napalitan ng pagkalito at pagtataka. Palipat-lipat ang tinging iginawad nila sa amin ni Aziel habang may malaking question mark sa kanilang utak.I chewed the bottom of my lips and hide my shaking hands behind my back. Mas lalo pang naging triple ang kalabog ng dibdib ko nang dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin. Ni hindi siya kumukurap na para bang kapag ginagawa niya iyon ay maglalaho ako."Chantria..." he murmured again and gasped. "Is this real? Is this fucking real?" Halos mapatalon ako nang maramdaman ang masuyong pagdampi ng parehong palad niya sa aking pisngi, sinusuri ang bawat sulok ng aking katawan at mukha.I was given a chance to examine his physical changes. Wala namang masiyadong nagbago sa kaniya bukod sa mas naging mature ang dating at pangangatawan niya. His hair was a bit longer than before. His face also grew some stubbles and his eyes seems so weary. Para bang hindi siya nagkakaroon
Nang masiguro ko nang maayos ang kalagayan ni Asher ay iniwan ko na ulit siya kay Aling Naneth. Sunod kong pinuntahan si Nanay Vicky na sa awa naman ng Diyos ay maayos na ang kalagayan. Iyon nga lang ay mayroon siyang tahi sa kaniyang bandang noo at may mga gamot din siyang kailangang inumin para sa kirot niyon."Pero kailangan muna niyang manatili rito sa hospital, Tria, dahil marami pang test ang kailangang gawin sa kaniya," sabi sa akin ni Elias at matamlay akong tumango, hindi ko inaalis ang titig sa ginang na payapang natutulog sa hospital bed.I glanced at him and gave him a faint smile. "Kampante naman ako kasi nandito ka. Alam kong hindi mo papabayaan si Nanay Vicky.""Iniisip ko lang kung paano si Asher? Sinong magbabantay at mag-aalalaga sa kaniya?" He heaved a sigh. "Hindi naman din palaging puwede sina Aling Naneth o Jojo kasi may trabaho rin sila...""Huwag mo nang isipin iyon, Elias, ako na ang bahala sa anak ko," paninigurado ko sa kaniya, dahilan para ibaling niya ang
Umingos ako at binitawan ang kamay niyang hindi ko napapansin na hawak ko pa pala. Kita ko ang pagbaba ng tingin niya roon at pati na rin ang kaniyang pagsimangot."Why did you let me go?" he questioned me, still frowning.My eyes automatically rolled heavenwards."Hindi naman required na maghawak kamay habang magkausap," I answered. "At isa pa, baka kung anong isipin ng ibang taong makakita sa atin."His brows furrowed as if he was not getting my whole damn point. "And so?"Hindi ako sumagot at nagtiim bagang lang na tumitig sa kaniya. Bumuntonghininga siya."I see. Baka magalit ang asawa mo..." Tipid siyang ngumiti ngunit mababakas ang pait sa kaniyang tinig.Saglit akong natigilan. So he really believed that I have a husband, huh? Muntik na akong matawa pero nagawa ko pa ring panatilihing walang emosyon ang aking mukha, bagkus ay dumiretso na ako sa tunay kong pakay."How did you find me here?" walang preno kong tanong at ngayon ay siya naman ang hindi nakapagsalita. "Did Anne tell
"Papasok ka na? Maaga pa, ah?" bungad sa akin ni Elias pagkalabas na paglakabas ko sa kwarto. Naabutan ko siyang umiinom ng kape sa kusina habang nagbabasa ng diyaryo.Naniningkit ang kaniyang mga matang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot na kasi ako ng uniporme at handan nang pumasok kahit medyo basa pa ang aking buhok.Pinigilan ko ang sariling mapatawa. "Seriously, Elias? Nagbabasa ka pa rin ng diyaryo?""Eh ano naman?" Simangot niya. "Mas mabuti na 'to. Masiyadong masakit sa mata ang paggamit ng cellphone."I sheepishly laughed and shook my shoulders. May pagka-old fashioned talaga si Elias kahit kailan. Sabagay, understandable naman. Maybe because he's already thirty-two kaya mas prefer niya talaga ang nakasanayang pagbabasa ng mga ganito kaysa sa kung ano mang teknolohiyang nauuso ngayon."Huwag mong ibahin ang usapan, Tria. Anong nakain mo't maaga kang pumapasok ngayon? Ilang araw ko nang napapansin iyan," istriktong tanong pa niya.Tumalikod ako at dumir
Hindi ako nakasagot agad at ilang sandali pa siyang tinitigan. Nang si Asher na mismo ang nangulit sa akin ay wala na akong nagawa pa. Bumuntonghininga ako at hinayaan siyang sumama kay Anne.That woman has a soft spot when it comes to kids. Wala akong nararamdamang pag-aalinlangan o pangambang ilalagay niya sa kapahamakan ang aking anak.Dumiretso na ako sa restobar. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ay natanaw ko na agad si Aziel na abala sa ginagawa. Nakatalikod siya sa aking gawi kaya hindi niya napansin ang pagdating ko. Nakaupo siya sa paborito niyang puwesto, iyong malapit sa glasswall. May kaharap siyang laptop at mga papeles. Seryoso rin ang kaniyang mukha habang may kausap sa telepono.Palihim na lamang akong napailing. Palagi pa rin niyang naisisingit ang trabaho kahit na nasa gitna siya ng bakasyon.Habang nagsusuot ng apron ay nilapitan ko ang isa kong kasamahan para tanungin. "Umorder na ba siya?" Nginuso ko ang direksyon ni Aziel."Hindi pa, eh. Hihintayin ka
I just stood in front of him. I didn't confirm nor deny. His eyes were on the verge of crying and almost begging for an answer. Kaunting-kaunti na lang ay babagsak na ang kaniyang mga luha at hindi na rin niya maitago ang emosyong dumadaan sa kaniyang mga mata.Awang ang kaniyang labi habang papalit-palit ang tingin sa aming dalawa ng anak kong mahigpit lang na nakayakap sa akin at tila wala pang alam na nasa harapan na niya ang kaniyang tunay na ama. Matindi ang pagkakalingkis ng maliliit niyang mga braso sa aking batok habang nakabaon ang mukha sa aking balikat."Sumagot ka naman, Chantria, please..." Aziel's voice cracked and his hope was evident in his eyes.Nakakuyom ang kaniyang kamao at bakas sa kaniyang mukha ang labis na pag-asa at panghihina."Oo o hindi lang. Huwag mo naman akong baliwin ng ganito," dagdag na pagmamakaawa pa niya at sinubukan pang humakbang papalapit sa amin.My heart was thumping exaggeratedly inside of my chest. For a moment, everything surrounding us sto
Nanlalambot ang tuhod ko habang papalapit kami nang papalapit sa direksyon kung nasaan malaya kong natatanaw ang aking anak. Nasa isang nipa hat cottage siya na malapit lang sa restobar. Kasama niya si Anne at batid kong mayroon silang piang-uusapan dahil kitang-kita ko ang pagkamangha sa mukha ng aking anak.Pabilis nang pabilis ang pintig ng aking puso. Nanlalamig ang aking buong sistema at ramdam ko ang butil-butil na pawis na tumutulo sa gilid ng aking noo."You okay, babe? Sa ating dalawa, mukhang ikaw ang mas kailangang huminga," Aziel commented from behind, as if naman na hindi rin siya kinakabahan.Nilingon ko siya at inismiran. "Coming from you na nanginginig na ang boses at kulang na lang ay maihi na sa pantalon?""How'd you know?" He chuckled a bit. "Pilit ko na ngang itinatago 'tong kaba ko. Napansin mo pa rin?"I shook my head and gave him a sardonic smile. "Maloloko mo ang kahit na sino pero hindi ako, Aziel. Mula ulo hanggang paa, kilala kita."He roared with laughter a
Nang marinig namin ang mahinang hilik ni Asher ay sabay na lang kaming natawa. Nagpresinta siyang dalhin muna sa kaniyang kwarto ang bata at hindi naman ako tumanggi. Nagpaalam naman akong babalik sa trabaho at susunduin na lang si Asher kapag tapos na ako sa shift ko. Maganda rin iyon para magkaroon rin sila ng mahaba pang oras."Hatid na kita," alok niya at hindi naman ako tumanggi.Gamit ang isang braso ay buhat-buhat niya si Asher at ang isang kamay naman niya ay maingat na nakaalalay sa akin. Wala kaming imikan hanggang sa makarating sa restobar. Tanging isang matipid na ngiti lamang ang iginawad ko sa kaniya at akmang papasok sa loob nang pigilan niya ako."Chantria," panimula niya.Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Ano 'yon?"Marahas siyang lumunok bago muling nagsalita. "I just want to thank you again.""Thank you? Para saan?""Dito..." Binasa niya ang pang-ibabang labi at buong amo akong tinitigan. "Dito sa tiyansang ibinigay mo na makilala ko ang anak natin. After all the pains
"Sir, wala pong nakaregister na Aziel and Chantria Navarro sa marriage certificate."My forehead creased in sudden confusion. "What? Check it again. That's impossible."The lady shook her head again. "Sir, wala po talaga. If you want po, I can give you a copy of your CENOMAR," paliwanag pa niya sa akin.Para na naman akong napunta sa isang malaking bangungungot habang binabasa ang nakasaad sa mga dokumento. Hindi kami totoong ikinasal ni Chantria. Sa mata ng batas at Diyos, hindi kami mag-asawa. Habang nasa loob ng sasakyan ay sinabunutan ko ang aking buhok at ilang beses na pinagsasampal ang sarili, nakikiusap at humihiling na sana'y panaginip lang ang lahat ng ito.Ilang beses kong sinubukang sabihin kay Chantria pero palagi lamang akong nabibigo, lalo na sa tuwing nakikita ko kung paano kumikislap ang kaniyang mata sa labis na saya. Kumikirot ang puso ko sa tuwing pinagmamasdan siya.Tangina naman, bakit baa ng damot sa amin ng mundo? Hindi na ba talaga kami puwedeng maging masaya?
My sister went back to the Philippines for our wedding. Buong akala ko'y kahit papaano ay magiging masaya iyon pero ang hindi ko inaasahan ay ang isang text na galing sa magulang ni Anne na wala na ang mga batang dinadala niya at ako ang sinisisi nila sa nangyari.Anne became depressed and her family wanted me to take all the responsibilities for what happened to their daughter because if not, they would do anything just to ruin our reputation as well as the Saavedra's... at ayaw kong mangyari iyon dahil paniguradong sa huli ay sa akin din mapupunta ang sisi.Naghalo-halo na ang nararamdaman ko noong panahong iyon. Para akong mababaliw sa dami ng iniisip. Gusto kong umiyak at magmukmok dahil pakiramdam ko'y pumalpak ako bilang anak at sinisisi ko rin ang sarili dahil sa nangyari kay Anne at sa bata.I wanted to grieve, to mourn, or even just to fucking breathe for a while, pero hindi iyon nangyari dahil pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay agad na akong sumabak sa trabaho at pag-aaral
Marami kaming pagkakahalintulad kagaya ng pareho kaming walang choice kundi ang sumunod sa mapagdesisyon naming magulang. Tho, ako naman ay hindi natatakot sumuway kapag may pagkakataon. Mas mahirap lamang sa parte niya dahil hindi siya itinuturing bilang pamilya dahil anak 'lamang' daw siya sa labas kaya wala siyang ibang pagpipilian talaga kundi ang sumunod. At habang nakikilala ko nga siya ay hindi ko maiwasang mamiss ang kapatid kong nasa ibang bansa.Chantria... she could pass as my younger sister. But I know and it's obvious that she was feeling differently towards me. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil bata pa siya at paniguradong magbabago pa ang nararamdaman niya.I'm aware of how fucked up and harsh the world is on Chantria; even her own family wanted to get off her, so I made a promise to her that I would protect her the way I protected my sister, Aia. I was silently praying that the world had been gentler for her because she didn't deserve all the hate from the people
Nakita ko ang malambot na pag-angat ng tingin ni Mommy kay Daddy at marahang hinaplos ang kamay nito sa pagbabaka-sakaling mapapaamo niya ang matandang asawa."Sige na, Carlito. Pagbigyan mo na ang mga anak mo..." malumanay na saad ni Mommy Mel."Manahimik ka, Mel. Ako ang lalaki at padre de pamilya. Ako ang nagpapalamon sa inyo kaya ako ang masusunod." Tiim-bagang siyang umiwas ng tingin sa aming lahat at bumalik sa pagkain na parang walang nangyari.Naging mahirap para sa akin ang pangungumbisi sa magulang ko. Idagdag pa na mas lalong gumulo rin ang relasyon namin ni Anne. Sa tuwing magkausap kami sa telepono ay palagi iyong humahantong sa away kaya minsan ay mas pinipili ko na lamang na umiwas at hindi siya kausapin. Kung kakausapin man ay may kinalaman lamang iyon sa pagbubuntis niya. Palagi niya rin akong tinatanong kung kailan ako susunod sa kaniya pero hindi ko iyon mabigyan ng malinaw na kasagutan.Tangina, gustong-gusto ko na ring umalis sa pamamahay na ito. Nakakasakal. Naka
"If you're going to have your first girlfriend, make sure that's Anastacia Del Mundo."From my food, my stare went up to my dad. Kita ko rin ang pag-angat ng tingin ni Louie na nakikiramdam. "Pardon?""Oh, don't make me repeat it. I know you heard me clearly," he muttered with coldness.I laughed ridiculously in my mind as I watched him sip on his coffee. "No fucking way..." I answered him with conviction.Agad naman akong sinaway ni Mommy at pinaalalahanang nasa harap kami ng pagkain pero hindi ako natinag. Ayon na nga, eh. Payapa akong kumakain dito, sarap na sarap pa ako rito sa ngininguya ko tapos bigla na lamang magsasalita ng gan'on? Parang gago. Nakakawalang gana."Stop being hardheaded, young man. Iyon na lang ang gagawin mong tama sa pamilyang 'to," he strictly hissed.Umigting ang panga ko at pabagsak na binitawan ang kutsara't tinidor. Nagpakawala ako ng sarkastikong tawa habang nakatitig sa pinggan ko. Hindi ko pa man nadedepensahan ang sarili ko ay muling bumuwelta si Mom
Another two years have passed in our lives and I can finally say that I am finally healed. As I looked back on the past, I realized how traumas and pains encouraged me to become something I didn't expect I would be.Pareho kaming nagkamali ni Aziel. Hindi naging maayos ang simula at daloy ng pagsasama naming dalawa. Hindi rin naging madali ang mga dagok at pagsubok na ibinato sa amin ng tadhana. Pero sabay kaming nagsisi, natuto, bumangon, at nagsimula muli sa mas tamang paraan. Sa matatag na samahan. Sa mas malalim na pagmamahalan.Ilang beses kaming nagkahiwalay pero kagaya ng isang alon na kahit anong pag-alis, sa huli ay babalik at babalik pa rin kami sa isa't isa. Kagaya ng paglubog ng araw na hindi lamang nangunguhulugan ng pagtatapos kundi pati na rin ng bagong simula. At tila sa malalim na pagkakalunod sa sakit, pait, at pagkadismaya, ngayon ako'y nakaahon na. Hindi ko rin alam kung paano ko nakaya, ngunit ipinagmamalaki kong ngayo'y nasa pampang na at maayos nang nakakahinga.
Mahirap mag-adjust sa simula lalo na para kay Asher, pero nakikita kong masaya at nag-eenjoy naman siya sa bagong buhay niya rito sa Maynila. Si Aziel naman ay bumalik na sa pagtra-trabaho at mas pursigido pa nga sa pagkakataong ito. Kahit madalas siyang abala ay hindi naman niya kami pinapabayaan. Napapansin ko lahat ng effort na ginagawa niya para mas lalo pang makabawi sa amin ni Asher.Bago pumasok sa trabaho ay mayroon nang nakahandang breakfast para sa amin. Nakahanda na rin ang tubig sa bathtub na pampaligo namin ni Asher. Hindi rin siya nakakalimot na tumawag para kumustahin kami o di kaya'y mag-update kung anong ginagawa niya, sinong kasama niya, o kung anong oras siya uuwi.Sinisiguro niyang sapat na oras ang ibinibigay niya sa anak namin at maging na rin sa akin. Hindi naman ako naghahangad ng kahit ano sa kaniya lalo na't alam naman namin pareho kung ano ang estado ng relasyon naming dalawa. Kahit minsan, ipinagtatabuyan ko siya o hindi ko ipinapahalata sa kaniya ang narar
I smiled at her. "Salamat pa rin. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ako mamumulat. Hindi ako magkakaroon ng tapang.""Thank yourself, then. I only gave you advice and it is still up to you if you're gonna listen or not, and fortunately, you did."Wala nang nagsalita pa sa aming dalawa. Pareho lang kaming nakatitig kay Asher na tumakbo na sa kaniyang ama at tinutulungan na siyang pumasok sa loob ng helicopter. Nilingon ako ni Aziel at sinenyasan na aalis na kami kaya umayos na ako ng tindig."I guess everything is settled now? Mauuna na akong umalis sa inyo. I have an important meeting in a few minutes," Anne said.She stood up straight, turned her back, and was ready to leave when I called her name again. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi ako nilingon."Anne... s-si Elias," I whispered, loud enough for her to hear.Nanatili lamang siyang nakatayo at hindi nagsasalita. Akala ko nga ay wala na siyang balak pero nagulat ako nang sumagot siya."Don't worry about him. He's safe with me,"
"Mimi Ganda, what time po uuwi si Papa Pogi? Hindi pa po naka-ready mga clothes niya, eh," tanong ni Asher pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng aking kwarto.Natigilan ako sa paglalagay ng mga damit sa maleta at nagkatinginan kami ni Aziel. Nang ibalik ko ay ang tingin sa anak namin ay nakatunganga pa rin ito at nag-aabang ng sagot namin. Sinubukan kong ibuka ang bibig para magsalita pero wala akong mahanap na tamang kataga.Paano ko ba kasi sasabihin sa kaniya? Kapag nalaman niya, tiyak na iiyak siya nang sobra. Ayaw pa naman ni Aziel na umiiyak si Asher dahil naiiyak din siya."Uhm...""Papa, call mo na siya!""Anak..." I called him in a low voice as I bit my lower lip. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin na siyang ginawa naman niya.Inalalayan siya ni Aziel na umakyat sa kama at umupo sa aking kandungan. Pansamantala muna naming binitawan ang aming ginagawa at ibinigay ang buong atensyon sa anak namin. Sasabihin namin sa kaniya ang totoo na hindi namin kasama si Elias at Nanay