Chapter: Epilogue (5)"Sir, wala pong nakaregister na Aziel and Chantria Navarro sa marriage certificate."My forehead creased in sudden confusion. "What? Check it again. That's impossible."The lady shook her head again. "Sir, wala po talaga. If you want po, I can give you a copy of your CENOMAR," paliwanag pa niya sa akin.Para na naman akong napunta sa isang malaking bangungungot habang binabasa ang nakasaad sa mga dokumento. Hindi kami totoong ikinasal ni Chantria. Sa mata ng batas at Diyos, hindi kami mag-asawa. Habang nasa loob ng sasakyan ay sinabunutan ko ang aking buhok at ilang beses na pinagsasampal ang sarili, nakikiusap at humihiling na sana'y panaginip lang ang lahat ng ito.Ilang beses kong sinubukang sabihin kay Chantria pero palagi lamang akong nabibigo, lalo na sa tuwing nakikita ko kung paano kumikislap ang kaniyang mata sa labis na saya. Kumikirot ang puso ko sa tuwing pinagmamasdan siya.Tangina naman, bakit baa ng damot sa amin ng mundo? Hindi na ba talaga kami puwedeng maging masaya?
Last Updated: 2022-08-06
Chapter: Epilogue (4)My sister went back to the Philippines for our wedding. Buong akala ko'y kahit papaano ay magiging masaya iyon pero ang hindi ko inaasahan ay ang isang text na galing sa magulang ni Anne na wala na ang mga batang dinadala niya at ako ang sinisisi nila sa nangyari.Anne became depressed and her family wanted me to take all the responsibilities for what happened to their daughter because if not, they would do anything just to ruin our reputation as well as the Saavedra's... at ayaw kong mangyari iyon dahil paniguradong sa huli ay sa akin din mapupunta ang sisi.Naghalo-halo na ang nararamdaman ko noong panahong iyon. Para akong mababaliw sa dami ng iniisip. Gusto kong umiyak at magmukmok dahil pakiramdam ko'y pumalpak ako bilang anak at sinisisi ko rin ang sarili dahil sa nangyari kay Anne at sa bata.I wanted to grieve, to mourn, or even just to fucking breathe for a while, pero hindi iyon nangyari dahil pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay agad na akong sumabak sa trabaho at pag-aaral
Last Updated: 2022-08-06
Chapter: Epilogue (3)Marami kaming pagkakahalintulad kagaya ng pareho kaming walang choice kundi ang sumunod sa mapagdesisyon naming magulang. Tho, ako naman ay hindi natatakot sumuway kapag may pagkakataon. Mas mahirap lamang sa parte niya dahil hindi siya itinuturing bilang pamilya dahil anak 'lamang' daw siya sa labas kaya wala siyang ibang pagpipilian talaga kundi ang sumunod. At habang nakikilala ko nga siya ay hindi ko maiwasang mamiss ang kapatid kong nasa ibang bansa.Chantria... she could pass as my younger sister. But I know and it's obvious that she was feeling differently towards me. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil bata pa siya at paniguradong magbabago pa ang nararamdaman niya.I'm aware of how fucked up and harsh the world is on Chantria; even her own family wanted to get off her, so I made a promise to her that I would protect her the way I protected my sister, Aia. I was silently praying that the world had been gentler for her because she didn't deserve all the hate from the people
Last Updated: 2022-08-06
Chapter: Epilogue (2)Nakita ko ang malambot na pag-angat ng tingin ni Mommy kay Daddy at marahang hinaplos ang kamay nito sa pagbabaka-sakaling mapapaamo niya ang matandang asawa."Sige na, Carlito. Pagbigyan mo na ang mga anak mo..." malumanay na saad ni Mommy Mel."Manahimik ka, Mel. Ako ang lalaki at padre de pamilya. Ako ang nagpapalamon sa inyo kaya ako ang masusunod." Tiim-bagang siyang umiwas ng tingin sa aming lahat at bumalik sa pagkain na parang walang nangyari.Naging mahirap para sa akin ang pangungumbisi sa magulang ko. Idagdag pa na mas lalong gumulo rin ang relasyon namin ni Anne. Sa tuwing magkausap kami sa telepono ay palagi iyong humahantong sa away kaya minsan ay mas pinipili ko na lamang na umiwas at hindi siya kausapin. Kung kakausapin man ay may kinalaman lamang iyon sa pagbubuntis niya. Palagi niya rin akong tinatanong kung kailan ako susunod sa kaniya pero hindi ko iyon mabigyan ng malinaw na kasagutan.Tangina, gustong-gusto ko na ring umalis sa pamamahay na ito. Nakakasakal. Naka
Last Updated: 2022-08-06
Chapter: Epilogue (Aziel's POV)"If you're going to have your first girlfriend, make sure that's Anastacia Del Mundo."From my food, my stare went up to my dad. Kita ko rin ang pag-angat ng tingin ni Louie na nakikiramdam. "Pardon?""Oh, don't make me repeat it. I know you heard me clearly," he muttered with coldness.I laughed ridiculously in my mind as I watched him sip on his coffee. "No fucking way..." I answered him with conviction.Agad naman akong sinaway ni Mommy at pinaalalahanang nasa harap kami ng pagkain pero hindi ako natinag. Ayon na nga, eh. Payapa akong kumakain dito, sarap na sarap pa ako rito sa ngininguya ko tapos bigla na lamang magsasalita ng gan'on? Parang gago. Nakakawalang gana."Stop being hardheaded, young man. Iyon na lang ang gagawin mong tama sa pamilyang 'to," he strictly hissed.Umigting ang panga ko at pabagsak na binitawan ang kutsara't tinidor. Nagpakawala ako ng sarkastikong tawa habang nakatitig sa pinggan ko. Hindi ko pa man nadedepensahan ang sarili ko ay muling bumuwelta si Mom
Last Updated: 2022-08-06
Chapter: Chapter 55.3Another two years have passed in our lives and I can finally say that I am finally healed. As I looked back on the past, I realized how traumas and pains encouraged me to become something I didn't expect I would be.Pareho kaming nagkamali ni Aziel. Hindi naging maayos ang simula at daloy ng pagsasama naming dalawa. Hindi rin naging madali ang mga dagok at pagsubok na ibinato sa amin ng tadhana. Pero sabay kaming nagsisi, natuto, bumangon, at nagsimula muli sa mas tamang paraan. Sa matatag na samahan. Sa mas malalim na pagmamahalan.Ilang beses kaming nagkahiwalay pero kagaya ng isang alon na kahit anong pag-alis, sa huli ay babalik at babalik pa rin kami sa isa't isa. Kagaya ng paglubog ng araw na hindi lamang nangunguhulugan ng pagtatapos kundi pati na rin ng bagong simula. At tila sa malalim na pagkakalunod sa sakit, pait, at pagkadismaya, ngayon ako'y nakaahon na. Hindi ko rin alam kung paano ko nakaya, ngunit ipinagmamalaki kong ngayo'y nasa pampang na at maayos nang nakakahinga.
Last Updated: 2022-08-06