Home / Romance / CEO's Mistreated Wife (Taglish) / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng CEO's Mistreated Wife (Taglish): Kabanata 1 - Kabanata 10

83 Kabanata

Chapter 1

“Where have you been? Anong oras na, Aziel? Kanina pa kita hinihintay.” Salubong ko sa aking asawa tuluyan na itong makapasok sa aming bahay.Ngunit imbis na sagutin ay tanging tamad na tingin lamang ang ibinigay nito sa akin bago magpatuloy sa paglalakad patungo sa aming kwarto. Mas lalong uminit ang ulo ko dahil doon at hindi makapaniwalang sinundan siya ng tingin.“Aziel!” muling nanggagalaiting sigaw ko bago sumunod sa kaniya gamit ang mabibigat na hakbang.Hanggang sa makarating sa aming silid ay nanatili siyang walang kibo. Pinanood ko siyang hubarin ang suot niyang puting long sleeves pati na rin ang kaniyang grey na slacks at black shoes. Basta na lamang niya iyong inihagis kung saan bago tumalon padapa sa kama.
last updateHuling Na-update : 2022-03-18
Magbasa pa

Chapter 2

 Hindi nga siguro tama kapag pinipilit at minamadali mong mapunta sa iyo ang mga bagay na gusto mo. Dati akala ko ay okay lang. Na masaya kapag agaran kong nakuha. Pero ngayong nasa ganito na akong sitwasyon, napagtanto kong. . .  mali pala. Maling-mali pala. “Aziel, saan ka pupunta? Ang aga mo naman yata?” nagtatakang tanong ko sa kaniya nang makita siyang pababa na sa hagdan, pormal ang kaniyang pananamit mula ulo hanggang paa at tila ba’y nagmamadali. Sa kanang kamay ay mayroon siyang hawak na itim na attache case. Ipinatong ko ang aking nilutong almusal sa lamesa at mabilis na nilapitan siya. Hindi ako magkadaugaga sa pagsuklay ng aking buhok dahil mukha na akong ewan. Sa sobrang aga ko kasing nagising ay nakapaglinis na ako ng bahay at nakapagluto na rin ng almusal nam
last updateHuling Na-update : 2022-03-18
Magbasa pa

Chapter 3

Patuloy ang pag-agos ng aking masasaganang luha habang pinagmamasdan ang kotse niyang papalayo na. At kahit nga nawala na iyon sa aking paningin ay nanatili pa ring nakatayo sa kinatatayuan. Labis na nanghihina. Ni hindi makagalaw.Parang sirang plaka na paulit-ulit ang kaniyang kataga sa aking utak. Gustuhin ko mang magalit at magtanim ng loob sa mga binitiwan niyang mga salita, hindi ko rin maipagkakailang tama siya.Kung mayroon mang dapat sisihin, siguro nga’y ako iyon. Kung mayroon mang dapat magdusa, ako rin iyon. Wala nang iba.Wala akong ibang ginawa noong buong araw na iyon kundi ang magmukmok at umiyak sa silid. Nang mapagod at humapdi ang mga mata ay nagpasya akong itulog na lang ang lahat. Wala rin naman kasi akong ibang gagawin. Napagtapos naman ako
last updateHuling Na-update : 2022-03-18
Magbasa pa

Chapter 4

“Shit. . .”Inihilamos ko ang aking dalawang palad sa mukha. Hindi ko magawang maproseso nang maayos ang utak ko. Dapat ba akong lumapit sa kaniya at ibalandra ang aking presensya? O dapat ay umalis na lang habang hindi pa niya ako tuluyang nakikita.The restaurant was not that huge. Bilang na bilang lang din sa daliri ang mga taong kumakain dito kaya kung mag-aabala man siyang igala ang kaniyang paningin sa kabuuan ng lugar ay positibong mahahagilap ako ng kaniyang mga mata.Dinampot ko ang menu na nakapatong sa lamesa upang gawing panangga. Pilit kong ipinagsiksikan ang sarili roon at pasimple siyang ninakawan ng tingin. Mukha akong tanga sa ginagawa pero hindi ko mapigilan ang usisain kung bakit siya narito. Kung bakit sa dinami-rami ng mga panahong puwede ko
last updateHuling Na-update : 2022-03-18
Magbasa pa

Chapter 5

Lumipas pa ang dalawang araw na walang kahit anino ni Aziel ang umuwi at nagparamdam sa akin. Sinubukan ko siyang tawagan nang maraming beses, minu-minuto pa nga, ngunit nakapatay palagi ang cellphone niya o hindi kaya’y sekretarya niya ang sumasagot.“Full sched po kasi palagi si Sir Aziel, Ma’am. Hindi na rin po niya nagagawang umuwi dahil talagang tambak ang trabaho ngayon. . .” sagot sa akin nang isang pa’y muli akong nagbakasakali.Napatitig ako sa kawalan. Nagdadalawang-isip kung kakagatin ko ba ang paliwanag na iyon o baka naman pinagtatakpan lamang niya ang boss niya. . .Pero ang kasunod niyang sinabi ang siyang nakapagpabuhay sa akin.“Why don’t you pay him a visit
last updateHuling Na-update : 2022-03-18
Magbasa pa

Chapter 6

“Wait me here, Chan. This will be quick.”Awang ang aking bibig habang pinapanood siyang isuot muli ang kaniyang grey na coat. Nirolyo niya pababa ang manggas at sinarado ang butones ng polo.“T-Teka, hindi mo ba muna ito kakainin? Kumain muna tayo.” Itinapat ko ang paper bag sa kaniyang mukha at agad naman siyang umiling bilang pagtanggi.He heaved a deep sigh. “Sorry, Chantria. Our time matters. Kakain ako pagbalik ko pero kung gutom ka na. . .  mauna ka na lang kumain at mas mabuti pang huwag mo na akong hintayin pa.”“Pero–” Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay muling bumukas ang pinto para paalalahanan siya ng kaniyang sekretarya na nagsisimula na ang meeting.
last updateHuling Na-update : 2022-03-18
Magbasa pa

Chapter 7

Akala ay iyon na ang magiging una’t huling pagkikita namin ni Aziel matapos nilang bumisita sa aming bahay, ngunit ang isang beses na iyon ay nasundan pa ng marami. At sa bawat pagkikitang iyon nga ay hindi maiwasang mas lalong mahulog ang aking loob sa kaniya.“If it is okay to ask, why are they treating you like that?” tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin ng pasalubong niyang hamburger.“Sino?” Nilingon ko muna siya bago sumimsim sa juice na bigay din niya.His family was here again. Sa dining area ay naroon ang mga magulang namin na abala na naman sa pag-uusap tungkol sa negosyo. Hindi naman kailangan ang presensya ko roon kaya nagpasya akong dito na lang magpalipas ng oras sa garden. . .  pero ang hindi ko inaasahan ay susuno
last updateHuling Na-update : 2022-04-16
Magbasa pa

Chapter 8

Nagising ako sa sunod-sunod na tapik sa aking braso. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at gan'on na lamang ang gulat ko nang tumambad ang pagmumukha ng sekretarya ng aking asawa."Ma'am Chantria. . ." she uttered in a low voice.Napabalikwas ako sa sofa na aking kinahihigaan. Jusko! Sa tagal ko palang naghihintay ay hindi ko na namalayang natulog na ako! Kahit na medyo lutang pa ay inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng opisina ni Aziel ngunit bigo akong makita kahit ni anino niya."Si Aziel? Hindi pa ba siya bumabalik?" namamaos kong tanong sa kaniyang sekretarya.Matagal siya bago nakasagot. Ilang beses ding bumuka ang kaniyang bibig na para bang nahihirapan kung anong dapat sabihin.
last updateHuling Na-update : 2022-04-16
Magbasa pa

Chapter 9

Matinding katahimikan ang bumabalot sa amin habang kumakain ng hapunan. Tanging tunog ng kubyertos na tumatama sa babasaging pinggan ang naririnig. God knows how much I wanted to ask about his day, his work or even just exchange a random conversation with him. But I'm scared that he might get annoyed.Kaya naman kahit kating-kati na ang dilang kong magtanong ay pinigilan ko pa rin ang sarili. Mas pinili ko na lamang ang manahimik at makiramdam sa kaniyang kilos. At alam kong gan'on din siya sa akin.Kanina ko pa kasi napapansin na panay ang sulyap o titig niya sa akin habang kumakain kami. It was odd and I felt uncomfortable with it. Ilang minuto lang din ay narinig ko ang mahina at mabigat niyang buntonghininga. At mula sa mahabang katahimikan ay siya na ang naunang magsalita.
last updateHuling Na-update : 2022-04-16
Magbasa pa

Chapter 10

"Manang Yeta, this is my wife, Chantria Navarro.""Nice meeting you po." Ngumiti ako sa ginang at magalang na inilahad ang kamay."Ikinagagalak ko ring makilala ka, Mrs. Navarro." Sumulyap siya kay Aziel at binigyan ito ng isang makahulugang ngiti. "Tama nga 'tong ipinagmamalaki sa akin ni Aziel. Napakasimple pero napakaganda mo ngang bata. Para kang anghel."Mas lalong lumawak ang aking ngiti at tila mayroong mainit na palad na humaplos sa aking puso. Nilingon ko rin si Aziel pero tumikhim lamang siya at nagbaba ng tingin sa sahig."Talaga? Sinabi po niya iyon?" namamangha kong tanong.Tumango-tango naman si Manang Yeta, naroon pa rin ang abot langit na ngisi
last updateHuling Na-update : 2022-04-16
Magbasa pa
PREV
123456
...
9
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status