I start hating the hospital to be honest, ilang beses na ba ako pabalik-balik sa ospital, ilang beses na ba ako napahamak dahil sa kagagawan ni Nila. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako sinasaktan.Pero sa lahat ng ginawa n'ya, ito ang pinaka malala, kasama roon ang pagkalaglag ng anak ko, dahil hinulog n'ya ako sa hagdan, at ngayon nasa ospital na naman ako, nakasandal at may suwero. Kakatapos lang ako salinan ng dugo, si Navi ay kausap ng doctor, may mga guards sa labas ng room ko.Sa ngayon, nagtatago si Nila at nakatakas, gawa ng binaril din ang doctor, inuna akong dalhin ni Navi sa opisital, pero tumawag ito ng pulis, at ng makarating ang mga pulis ay wala na si Nila sa bahay.Dalawang araw na ako sa ospital, ngayon ay tahimik lang si Navi at parang ang lalim ng iniisip n'ya, bihira akong kausapin, bihira na asikasuhin, laging nasa labas at kapag nakikita n'ya na gising ako ay saka tatawag ng nurse.I sigh and look at the window, nag-uumpisa na lumiwanag ang paligid, nasika
Baca selengkapnya