Home / Romance / The Playboy Next Door / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of The Playboy Next Door: Chapter 1 - Chapter 10

23 Chapters

Chapter 1

“KIT, bumangon ka na diyan. May photoshoot pa tayo,” ani Mikka habang hinihila ang kumot na nakabalot sa natutulog pang kaibigan.     Isang ungol ng pagprotesta ang itinugon ni Kit habang hinihila ang kumot pabalik sa kanya. “Mamaya na… Five minutes pa.”     Naramdaman ni Kit ang pagdagan sa kanya ng matalik na kaibigan at kasamahan sa trabaho, “Ayoko nga. Lagi namang nae-extend yang five minutes mo eh. Ano tayo, nasa computer shop? Bumangon ka na. Baka magalit pa yung kliyente natin, kaltasan pa yung makukuha natin.”     “Paano naman ako babangon, eh nakadagan yang dambuhala mong katawan sa akin? Umalis ka nga dyan!” natatawang sabi ni Kit habang tinutulak ang kaibigang nag-eenjoy na sa pagdagan sa kanya.“Grabe ka sakin! Hindi naman ako dambuhala. Maliit ka lang talaga,” pagdepensa ni Mikka sa sarili, “Ewan ko sayo. Nak
last updateLast Updated : 2022-03-11
Read more

Chapter 2

“WALA ka na bang balak umuwi sa bahay natin, Kuya?” tanong ni Aivi habang tinitingnan ang mga malalaking kahon sa loob ng condominium unit ng nakatatandang kapatid na si Aiden. Sinadya niya muna ang kuya bago pumasok sa trabaho.      Itinulak muna ni Aiden ang sofa sa gusto niyang pwesto nito bago niya binalingan ng tingin ang kapatid, “To be honest, ayoko nang umuwi sa atin. I don’t like it there anymore. Hindi ko magawa ang mga gusto ko. At least kapag may sarili na akong condo unit, may kalayaan na akong gawin ang mga trip ko.”      Sumimangot si Aivi, “So iiwan mo ako dun? Hahayaan mo na lang ako sa bahay na yun?”      “Kung ayaw mo na rin dun eh ‘di umalis ka. Hindi naman magagalit sayo si Dad eh. Mas gusto pa nga niya kung bubukod na tayo. We’re adults now, Aivi. Basta ba huwag ka lang titira dito
last updateLast Updated : 2022-03-11
Read more

Chapter 3

     LATE na nakauwi si Kit, at bakas ang labis na pagod sa mukha niya. Buong araw kasi inabot ang photoshoot, pagkatapos ay may pinuntahan pa siyang event kung kaya hatinggabi na siya nakauwi. Masakit na ang katawan niya, and the only thing she wants is to rest her tired body on her soft bed.      Dumiretso siya sa elevator, at isinandal niya ang likod sa pader nito. Magsasara na sana ang sliding doors nang biglang may isang kamay na lumusot sa siwang upang pigilan ito. To her frustration, ang bago niya pang kapitbahay ang pumasok sa elevator. Awkwardness at hiya ang nararamdaman ni Kit ngayong nakita niya muli ito. Kung pwede lang ay malusaw na lamang siya sa kinatatayuan niya. May kasama itong babae na nakayapos sa kanya. Mukhang galing ang mga ito sa isang bar o sa isang party, at pareho silang nakainom. Alam na ni Kit kung ano ang kahihinatnan nun, pero wala naman siyang pakialam. Kapitbahay lang
last updateLast Updated : 2022-03-11
Read more

Chapter 4

     KAHIT late na natulog si Kit, maaga pa rin siyang nagising, kaya tuloy parang binibiyak na ang ulo niya sa sobrang sakit. Sumasakit kasi ang ulo niya kapag nakukulangan siya sa tulog. Agad siyang lumabas para bumili ng gamot sa pinakamalapit na drugstore, pagkatapos ay dumaan na rin sa isang kainan para bumili ng lugaw. Pagkatapos ay bumalik na siya sa condo unit para magpahinga buong araw. Sakto namang wala siyang lakad kaya pwede siyang matulog kahit gaano pa katagal.      Pagpasok niya sa elevator ay bigla namang sumulpot ang kapitbahay niya na pumasok rin sa loob. Walang lakas para mairita si Kit, kaya tanging malamig na tingin lamang ang ibinigay niya sa lalaki. Hindi niya naman ugali ang maging harsh sa mga kapitbahay niya, pero hindi niya talaga basta mapapalampas ang pag-iingay nito na naging dahilan ng pagsakit ng ulo niya ngayon.      Pero kahit pa nakasimangot siya a
last updateLast Updated : 2022-03-11
Read more

Chapter 5

Buong akala ni Kit ay magpapatuloy na ang katahimikan sa buhay niya, pero ilang araw lamang ang lumipas ay bumalik na naman ang dating ingay na nagmumula sa unit ni Aiden. Pinalampas niya ang unang gabing naulit ang mga ingay, pati na ang pangalawa. Subalit nang sumapit na ang pangatlong gabi ay hindi na talaga nakapagpigil pa si Kit. Napabangon siya sa higaan at galit na lumabas ng silid niya. “Humanda ka talaga sa aking malandi ka,” banta ni Kit habang sinusuot ang tsinelas niya, “Napupuno na ako sayo!” Agad siyang dumiretso sa katabing unit at pinanggigilan ang doorbell ni Aiden. “Hoy lalaki! Lumabas ka nga diyan! Napepeste na ako sa ingay ninyo! Ang kapal na nga nung pader tapos lumulusot pa rin yang mga ingay ninyo papunta sa kwarto ko?! Ayaw niyo talagang papigil, ano?!” Maswerte siya at silang dalawa lamang ang occupants sa floor na iyon, kaya walang dahilan para maeskandalo sila. Mukhang umepekto naman ang pag-iingay ni Kit para mapalabas si Aiden. Nang
last updateLast Updated : 2022-03-11
Read more

Chapter 6

Buong akala ni Kit ay magpapatuloy na ang katahimikan sa buhay niya, pero ilang araw lamang ang lumipas ay bumalik na naman ang dating ingay na nagmumula sa unit ni Aiden. Pinalampas niya ang unang gabing naulit ang mga ingay, pati na ang pangalawa. Subalit nang sumapit na ang pangatlong gabi ay hindi na talaga nakapagpigil pa si Kit. Napabangon siya sa higaan at galit na lumabas ng silid niya. “Humanda ka talaga sa aking malandi ka,” banta ni Kit habang sinusuot ang tsinelas niya, “Napupuno na ako sayo!” Agad siyang dumiretso sa katabing unit at pinanggigilan ang doorbell ni Aiden. “Hoy lalaki! Lumabas ka nga diyan! Napepeste na ako sa ingay ninyo! Ang kapal na nga nung pader tapos lumulusot pa rin yang mga ingay ninyo papunta sa kwarto ko?! Ayaw niyo talagang papigil, ano?!” Maswerte siya at silang dalawa lamang ang occupants sa floor na iyon, kaya walang dahilan para maeskandalo sila. Mukhang umepekto naman ang pag-iingay ni Kit para mapa
last updateLast Updated : 2022-04-24
Read more

Chapter 7

“ANONG oras ba balak dumating ng model natin ngayong araw? 8 AM ang call time, hindi ba? It’s freaking 9 AM! I don’t have the whole day to wait for him!” naiinis na sabi ni Kit. Ayaw na ayaw niya kasing pinaghihintay siya, lalo na kapag related sa trabaho ang gagawin. “Sorry talaga, Kit…” paghingi ng paumanhin sa kanya ng manager ng modelong hinihintay nila, “Tinatawagan ko na rin naman siya eh. Nagriring pero hindi niya lang talaga sinasagot.” Kit gave him a glare, “Wala akong pakialam kung nagriring ang phone niya o hindi. Ang importante sa akin, kung magpapakita pa ba siya dito! Ayokong magsayang ng oras ko!” “P-papunta na siya, Kit. Huwag kang mag-alala – “ “Whatever,” galit na untag ni Kit bago lumabas ng studio at dumiretso ng banyo. Hindi ugali ni Kit ang tumanggi sa trabaho, pero kung binigyan lamang ng pagkakataon ay tinanggihan niya na sana ang photoshoot na ito. Napili kasi siyang maging photographer
last updateLast Updated : 2022-04-25
Read more

Chapter 8

PAG-UWI ni Kit, sakto namang nakasabay niya muli si Aiden sa elevator. Kaya lang, may kausap ito sa phone kaya hindi siya nito kinausap at inistorbo. Bahagyang nakahinga nang maluwag ang dalaga, lalo na’t masyado siyang stressed at pagod para makipagtalo at mainis kay Aiden. But somehow, parang nadisappoint si Kit na hindi siya pinapansin at kinukulit ng lalaki. Pakiramdam niya ay namimiss niya na ang ingay at ang ngiti nito. Madaldal kasi ito at makwento, at kahit pa hindi siya sumasagot madalas ay nakikinig naman siya sa mga sinasabi ng lalaki. Hindi naman siya bingi. Teka nga… Bakit ba ganito ang iniisip ko? Ano ba yan, Kristina! Nababaliw ka na ata. Bakit mo naman namimiss ang kakulitan ng playboy na yan? Napapikit at umiling-iling na lamang si Kit na para bang sinesermunan niya ang sarili sa loob ng isipan niya. Huminga siya nang malalim at itinuon na lamang ang tingin sa sliding doors ng elevator. Hindi niya na lamang papansinin ang binatang kasama. Pagkalabas ng elevator ay
last updateLast Updated : 2022-04-28
Read more

Chapter 9

DUMAAN si Kit sa isang convenience store para bumili ng alak. Balak niya sana itong inumin sa condo unit niya, pero nang makita niya ang text ng ina na hinihintay siya nito roon para makapag-usap sila ay nagdesisyon na lamang siyang inumin ito sa isang park na nasa tapat lang ng condominium building. Kung sakaling malasing siya, madali lang siyang makakauwi. Sigurado naman siyang aalis rin ang nanay niya maya-maya, kaya hihintayin niya na lang na iwan nito ang condo unit niya. Dahil ayaw niyang uminom nang mag-isa, tinawagan niya ang bestfriend na si Mikka. “Mikka…” ani Kit habang sinisimulan na ang pag-inom. “Napatawag ka ata. May kailangan ka ba?” tanong ng kaibigan niya mula sa kabilang linya. “Samahan mo nga akong uminom.” “Uy, iinom ka? Bakit? Anong nangyari? Hoy bruha ka, tigilan mo nga yan! Nasaan ka ba?” bakas sa tinig ni Mikka ang pag-aalala. “Nasa park. Sa tapat ng condominium,” tugon ni Kit bago muling uminom mula
last updateLast Updated : 2022-04-29
Read more

Chapter 10

NAGISING si Kit sa ingay ng musika na umaalingawngaw sa kwarto. Kahit gusto niya pang matulog ay hindi niya na magawa dahil sa malakas na tugtugin na kanyang naririnig. Nang idilat niya ang mga mata ay napatitig siya sa kisame. Alam niyang merong mali. Sa pagkakaalala ko, meron akong malaking ceiling fan sa kisame. Bakit wala na? Oh shoot! Hindi kaya nanakawan ako? Napaupo bigla si Kit, at nang iginala niya ang mga mata sa buong silid ay mas lalo niyang napagtanto na hindi naman siya nanakawan. Wala masyadong gamit sa loob ng kwartong iyon, subalit may ilang malalaking kahon sa may bintana. May flat screen tv at isang couch, at nagkalat na mga damit ng lalaki. Babalik na sana sa pagtulog si Kit, pero nang mapagtanto niyang panlalaki ang mga damit na nakakalat ay nagtaka na siya. Kailan pa siya nagkaroon ng boxers? Nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa paligid. Sa pagkakataon pa lamang na iyon talagang nagising ang diwa ni Kit. Wala siya sa kanyang condo unit! “Hala… Ano bang
last updateLast Updated : 2022-05-01
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status