Home / Romance / DARK Series 1 - Jeopardy / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of DARK Series 1 - Jeopardy : Chapter 11 - Chapter 20

44 Chapters

CHAPTER 11

Dark Series 1 - JeopardyChapter 11 “Babae, anong balak mo? Bakit ba gusto mong buksan ang case na 'yan? Matagal na panahon na yan. Sarado na ang case na yan. Hindi mo pa rin ba maintindihan? Wala na pakialam ang pamilya ng mga biktima. Pero ikaw?" bumuga ng hangin ito. Inis at hindi niya maintindihan at maisip kung bakit ang makulit niyang partner nais pang buksan ang case na matagal ng sarado at natapos. “Hindi na nga umapila ang anak ng mga biktima. So meaning ay tapos na ang case sarado na. Saka nakalagay diyan. Hindi mo na nabasa? Nahuli na ang mismong suspect. At sa kasamaang palad. Nito lang. Nakita sa banyo ang biktima. Patay na. Paano mo pa kakausapin at tanungin kung bangkay na ang aabutan mo sa kulungan? Wala ka na magagawa. Kaya tigilan mo na ang kabaliwan mo sa pagbubukas ng isang kaso na wala naman maitutulong sayo ng maganda. Andami natin case ngayon na mas dapat mong pagtuunan. Hindi iyang walang kwenta na case na wala naman nangyari kasi... Patay na yung main suspec
last updateLast Updated : 2022-06-17
Read more

CHAPTER 12

Dark Series 1 - JEOPARDYCHAPTER 12“Excuse me! Pwede ba ako makisali sa mga usapan niyo?” napalingon si Jeopardy sa gilid. Nagulat siya. Isang boses ng babae ang lumapit sa kanila upang makisawsaw sa mga kangina pa nila mga pinag-uusapan.Hindi siya makapaniwala na may babae pala na pulis sa lugar ng pinuntahan nila. Ngayon niya lang ito nakita. Sabagay ay bata pa siya non. Nang huli siya na nakatungtong sa police station kung saan ay nakarecord ang pagpatay sa kanyang mga magulang.“Anong kaguluhan iyan?” isang boses muli ang dumating at nagsalita. “Bakit nagkakagulo kayo at nagkukumpulan?” paninita nito. Nagsi-alis na ang ilan sa mga nandoon sa kanilang paligid.“Hi, chief.” Bati ng babae. “Anong nangyayari, Crisanta?” “Ahh, kasi po may bisita tayo.” Turo ng pinahabang nguso ang dalawang lalaki na nakatalikod mula sa chief ng police station.“Sino sila?” buo ang boses tanong nito.“Hi, chief. Natatandaan nyo po ba ako? Tuti po.” Nag isip ang chief.“Diba ikaw ang anak nila—”“Yes
last updateLast Updated : 2022-06-17
Read more

CHAPTER 13

Dark Series 1 - JeopardyChapter 13“Pre, wag mo nang subukan na hanapin ang tunay na salarin. Mapapahamak ka lang. Wag mong i-sugal ang buhay mo para lang matulungan ang batang yon. Isipin mo. May anak ka rin na siyang nangangailan sayo at araw-araw na umaasa, naghihintay sa pag-uwi mo. Alam naman natin na walang awa ang may gawa nito sa pamilya ng bata. Sa mag-asawa na pinaslang ng hindi man lang nakalaban. Ipagpasalamat nalang natin. May tao na siyang mananagot sa pagkamatay nang mag-asawa." pahayag niya sa kaibigan niya.“Hindi pwede! Sa bansa natin walang tamang hustisya dahil lahat nagbubulag-bulagan lang. Nadadala sa pera ng mga mayayaman na abusado sa kapangyarihan. Lalo na sa mga taong tulad ng killer ng mag-asawa na napaslang. Malakas ang kutob ko. Mayamang tao at respetadong tao ang nasa likod ng pagpatay sa mag-asawa. At hindi ako matahimik hangga't hindi mapapalabas ang katotohanan sa kasong pagpatay sa mag-asawa. Napaka bata pa ng anak ng mag-asawang napaslang. Nasa mura
last updateLast Updated : 2022-06-17
Read more

CHAPTER 14

“Pagpasensyahan niyo nalang ang batang yon. Mabait at makulit ang isang yon at nag-iisa na babae dito sa station.” Pahayag ni Chief police.Napansin nga ni Jeopardy na may kakulitan at mapilit ang babae na siyang gusto tumulong sa pagpapabukas niya ulit sa kaso ng kanyang magulang. Napansin niya rin ang kagustuhan nito na siya ng humawak sa kaso. Sakali mula sa labas ang ilang mga nakausap niya ay tumanggi at ayaw siyang tulungan sa pagbubukas ng kaso sa mga namatay niyang magulang.“Okay lang po, pero ayos lang po bang siya na lang din ang kunin ko na makatulong sa pagbubukas ng kaso ng mga magulang ko?” nakita ni Jeopardy ang pagkagulat sa mukha ni Chief. Nabigla ito sa kanyang hiling at proposal.Nagtaka naman din si Jeopardy na tila parang ayaw ng Chief police sa kanyang kahilingan at nasabi. “Hindi po ‘ba pwede?” pahayag niya ulit na tanong. Umayos sa pagkakaupo ang Chief.Napatikhim ito bago magsalita. “Hindi naman sa ganun. Babae kasi siya at ayaw ko sana masangkot siya sa kas
last updateLast Updated : 2022-06-21
Read more

CHAPTER 15

“Pag-iisipan ko ang nais mo. Sa ngayon. Makakaasa ka ng tulong sa akin sa pag-iimbestiga sa kaso ng mga magulang mo. As of now mas mabuti na maging lihim ito. Pipili ako ng mga taong mapagkakatiwalaan natin sa palihim na imbestigasyon na gagawin natin. Wala muna kayo pagsasabihan ng sa ganun manatili na ligtas ang mga buhay niyo, ako at ang iba pa sa mga tao ko.” Buntong hininga na pahayag ng Chief police. Inyos nito ang ilan sa mga kalat sa mesa habang pahayag nito ulit.“Tungkol kay Crisanta. Pag-isipan ko muna talaga. Ayaw ko talaga sana masali siya pero mag-uusap din muna kami para na rin kaligtasan niya, nating lahat. Papapuntahin ko nalang siya sa office mo. Or, tatawagan kita para sa sagot ko sa sinabi mo.” Saad na dagdag muli ng Chief police. Tumango si Jeopardy na may kasama na ngiti at buntong hininga.“Salamat po” pahayag niya na pagpayag at tugon.Nakahinga si Jeopardy matapos ang mahabang usapan ay nakuha din niya ang sagot ng Chief police tungkol sa babaeng nais niya san
last updateLast Updated : 2022-06-21
Read more

CHAPTER 16

May isang oras na rin ng makauwi sila Jeopardy at Tuti from Police Station sa pakikipag-usap nila sa Chief Police na kakilala ng pamilya ni Tuti. Inumpisahan na ni Jeopardy ang pagbubukas sa kaso ng kanyang mga magulang. At iyon ay nag-umpisa nung tumungo sila ng Police Station. Medyo natagalan nga lang sila. Pero naging maayos naman ang kanilang pakay, dahilan ng pagtungo nila sa station. Buti na lang maayos kausap ang Chief police. Muntik na sila madehado at masayang ang kanilang pagpunta sa presinto kung hindi sila nakita ni Chief at makilala. Hindi natatandaan ni Jeopardy ang itsura ng Chief police. Ang kaibigan na tinutukoy nito na humawak sa kaso ng mga magulang niya ang nakilala niya at hanggang ngayon natatandaan pa niya ang mukha nito. Hindi niya makakalimutan ang taong tumulong sa kanya noong panahon na nalugmok siya sa kanyang kalungkutan. Dahil ito sa pagkamatay ng sabay ng kanyang mga magulang. Pero dahil din sa police na yon. Medyo nagkaroon siya ng pag-asa. Binigyan si
last updateLast Updated : 2022-06-23
Read more

CHAPTER 17

“Crisanta, congrats ahh, biruin 'mong mapapayag mo si Chief sa kagustuhan mong hawakan ang kaso na yon. Pero, hindi magiging madali sayo lahat. Lalo na't ang unang humawak ng kaso na 'yon namatay. Mali, balita ko pinatay raw talaga iyon. Pero walang pinalabas na ganung balita." saad na pahayag ng kasama niya. Nagbubuklat si Crisanta ng mga files na nasa ibabaw ng kanyang table.“Alam mo 'bang may naiwan na anak iyong police officer na humawak ng kaso ng magulang noong lalaki? Balita ko nga kung saan-saan yung bata natutulog at tumira. Pinagpasahan ng mga kamag-anak pero wala na ako balita sa batang 'yon sa ngayon. Ewan ko lang si Chief. Best friend niya yung tatay nung batang naiwan ng police na napatay dahil sa kasong gusto mong hawakan." pahayag na wika muli ng lalaking police na kasamahan ni Crisanta.Tahimik lang si Crisanta ngunit nanggagalaiti ang dibdib niya sa galit sa tuwing mabanggit ang lalaking sinasabi nito na napatay ilang taon na ang nakalilipas sa kasagsagan ng imbesti
last updateLast Updated : 2022-07-10
Read more

CHAPTER 18

“Crisanta, tawag ka ni Chief." lumingon sa likod si Crisanta. Nakita niya nakangisi ang tumawag sa kanya.“Bakit raw?" she had a cheeky question sa partner niya na nakaporker face pa ang mukha habang nakabaling ang ulo sa kanya.She also raised an eyebrow. “Niloloko mo ba ako?" galit siya dahil pinagtatawanan siya nito.“Bakit naman kita lokohin?" hawak ang tasa ng kape sa kamay nito sumagot ito ulit. “Puntahan mo pa si Chief saka mo itanong sa kanya kung niloloko na kita... Sa pagpapatawag niya sayo." ito naman ang nagtaas ng kilay.Subalit napalunok ito ng tila nagbara ang kinain niyang toasted bread. Maging ang mga butil ng matigas na bread parang bumara sa lalamunan niya. Pakiramdam niya para siyang nabilaukan sa sinubo niya sa bibig at kinagat ng mga ngipin niya na hindi maayos na nanguya. “Karma is real!" bumagsak ang malakas na bungisngis ni Crisanta sa bibig. Tawang-tawa ito sa partner niya na ang mukha namumutla na. Napabaling ng tingin si Crisanta sa tubig sa kanyang table.
last updateLast Updated : 2022-08-20
Read more

CHAPTER 19

Sabi ko na nga ba! Para silang mga kawawa ngayon. Malapitan nga! Buti nalang pala bumili ako nito, tiyak na nagugutom na sila.Nang matanaw ng mata ni Crisanta ang ilan sa mga kalalakihan na nasagupa niya kagabi. Naisip niya din ang mga kalagayan ng mga ito. Panigurado naisip niya na mga hinahanap na ito ngayon ng mga magulang. Ang ilan naman sa mga ito ay mga pariwala na... Kung baga mga patapon na ang buhay dahil sa kapabayaan din ng pamilya. Marami sa mga kabataan sa lugar nila ang ngayon naiipit nalang sa paggawa ng masama sa kapwa dahil sa kalagayan o antas ng pamilya na pinagmulan. Iba naman sa mga nasagupa ni Crisanta. Mga anak ng mga kilalang opisyal sa lugar nila. Karamihan naman mga galamay ng mga matataas na opisyal sa lugar din nila at mga anak ng mga kilalang mayayaman sa lugar nila.“Oh, bakit ganyan ka makatingin?" paglapit palang ni Crisanta sinita niya ang lalaki na nakahawak sa bakal na rehas. “Hindi mo na ako kilala?" puker face ang lalaki. Ngiti lang ang itinapat
last updateLast Updated : 2022-08-20
Read more

CHAPTER 20

Nakipaglaban si Jeopardy sa lalaking bigla nalang lumabas sa kanyang kwarto matapos niya pumasok. Masyado malakas ang lalaki lalo pa't hindi niya ito masyado maaninag. Madilim sa kwarto niya. Sarado pa ang kanyang mga ilaw sa kwarto. Bumalibag si Jeopardy nangangapa siya ngayon sa dilim ng may tumama sa mukha niya. Ikinahiga niya sa lapag. Tinadyakan siya kung sino man ang nasa loob ng kwarto niya ng hindi niya pa nakikita.Nagkabagsakan ang mga gamit niya sa sahig at gumawa ng malakas na ingay ito. Hindi na makalaban si Jeopardy pakiramdam niya sa kanyang sarili para siyang nabalian ng maraming tadyang sa kanyang katawan. Hindi niya kasi magawang lumaban ng panay iwas ng kalaban niya sa mga ambang suntok niya naiiwasan agad ito.Nakangiwi ang mukha ni Jeopardy ng muli siyang matamaan ng isang malakas na suntok sa tiyan ng subukan niyang maibangon ang kanyang katawan. Napaungol si Jeopardy ng walang kahit anong ingay ang lumabas sa kanyang bibig. Hindi siya makapagsalita o makasigaw
last updateLast Updated : 2022-08-21
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status