Home / Romance / High paid Wife of the Billionaire / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of High paid Wife of the Billionaire : Chapter 41 - Chapter 50

65 Chapters

Chapter 40

Chapter 40 Nagsalubong ang dalawang noo ko nang marinig ko ang malakas na sigawan sa loob ng guest room. Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang mapagtantong hindi naman sigawan ang nangyayari roon. Inayos ko na lamang ang pagkakabuhat sa mga damit na hawak ko at mabilis na dumiretso sa maid’s quarters. “Oh, Lin? Anong ginagawa mo ritong bata ka?” Nagising ang diwa ko nang magsalita si Manang Teresita. Mabilis ako nitong dinulugan at kinuha ang mga damit sa kamay ko. Ngunit hindi roon natuon ang atensyon ko, nagtaka ako ng makitang dalawa na lamang ang kama roon at nawawala ang sa akin.“Hala, nasa’n ’yong kama ko?” tanong ko sa kanila, kasi kahapon lang ay nakita ko pa ‘yon rito sa loob, maging ang mga gamit kong naiwan ay wala na rin. “I threw it away.” Napalingon ako sa pinto, roon ay nakasandal si Rivaill. Kaagad naginit ang ulo ko. Ang bilis niyo naman yatang matapos? Gusto ko sanang itanong pero nanatiling tikom ang bibig ko.Hinila ko siya palabas ng maid's quarters, sinili
last updateLast Updated : 2022-05-04
Read more

Chapter 41

Chapter 41Pinanood kong si Mama Elle na ang magligpit ng mga gamit ko. Ni hindi niya nga ako pinatulong sa pagaayos kanina, at sa totoo lang ay nagiinit na pwet ko sa upuan. This is my last day in here, huling shoot na rin naman kaya hindi ako mahihirapang umalis. Kahit pa ayaw ko pang umalis ay wala naman akong magagawa. Still, I was thankful because I helped Stella in some ways. “Tara na anak?” pagaaya sa akin ni Mama Elle. Akmang kukuhanin ko pa ang isang bag sa kaniya nang tapikin niya ang kamay ko. “Hindi ka p’wedeng mapagod, baka mapano si baby,” aniya dahilan ng pagngiti ko. Hindi umabot sa mata at pagod ang ngiting iyon kaya naman kaagad lumamlam ang mga mata niya. “Salamat, Ma,”“Sabihin mo lang anak, itatakas kita roon kung gusto mo,” saad niya determinadong maitatakas niya ako mula kay RivaillKumawala ang isang tawa sa bibig ko. Para namang magagawa niya ‘yon. Siguro bago pa man ako makalabas ng gate ay may humarang na sa akin. “Lin!” Sabay na naagaw ang atensyon nam
last updateLast Updated : 2022-05-13
Read more

Chapter 42

Chapter 42 Sinuot ko ang jacket at saka kinaskas ang dalawang kamay sa magkabilang braso. It’s September now, ramdam na rin ang lamig ng pagpasok ng ‘ber’ months ngayon. “Isang buwan na lang. . .” bulong ko sa sarili bago napagpasiyahang pumasok na sa loob ng mansiyon. Nakita ko pa si Aki na natutulog sa sofa habang yakap yakap ang isang unan. Hindi ko na siya binuhat pa at tumabi na lamang. May kalakihan na ang tiyan ko at medyo halata na rin kahit pa magsuot ako ng malalaking damit. “Aki,” pagtawag ko sa pangalan niya. Walang pang isang minuto ay bumangon siya pero yumakap lang sa akin at natulog muli. “H’wag ka na rito matulog akyat na tayo sa taas," pagaaya ko pero tila wala siya naririnig dahil mas isiniksik lamang niya ang mukha sa dibdib ko. Matapos bumuntong hininga ay hindi na ako nagsalita pa. Hinayaan ko na lang siya tutal ay hindi naman niya naiipit iyong tiyan ko. Ginulo ko ang buhok at mahinang napatawa, kapag umalis ako ay paniguradong hindi ko na siya makikita pa
last updateLast Updated : 2022-05-15
Read more

Chapter 43

Chapter 43 Well, he’s never mine to begin with.Ilang oras akong naghintay pero hindi na siya bumalik, hanggang sa magising ako at makita na lamang siyang pumapasok sa loob ng kwarto niya. Huminto siya at tumingin sa akin. Gamit ang pagod niyang mga mata ay nginitian niya ako. Doon ko lang din napansin ang sugat sa labi niya maging ang noo ulo niya na may tumutulo pang dugo. Nanlaki ang mga mata ko at natatarantang lumapit sa kaniya. “Anong nangyari sa ’yo? Bakit hindi ka pa dumiretso sa ospital?” hiyaw ko bago siya itinulak papasok ng kwarto at paupuin sa kama.Hindi siya nagsalita kaya naman tumakbo na ako palabas para humingi kay Manang Teresita ng first aid kit. Nang makabalik sa kwarto niya ay naabutan ko siyang nakahiga sa kama habang nakapatong ang isang braso sa mukha at tinatakpan ang mga mata niya. Naupo ako sa gilid ng kama bago ipinatong din doon ang first aid kit. Tinapik tapik ko siya. “Bumangon ka muna riyan, kailangan malinisan yang sugat sa ulo mo pagkatapos pumun
last updateLast Updated : 2022-05-17
Read more

Chapter 44

Chapter 44 That day passed by quickly than I expected. Kahit nagpumilit ako ay hindi niya ako hinayaang lumabas ng kwarto. Maging ang naging umagahan, tanghalian, hapunan, ay nagpapadala lamang siya ng pagkain mula kay Lyka o kaya naman kay Manang Teresita.Ang dahilan niya nahihirapan siyang kumilos at kailangan ko siyang alagaan. Even though it was awkward, wala naman akong pagpipilian. “Can you move faster?” Umikot ang dalawang eye balls ko nang pagmadaliin niya ako. Nagtitimpi kong inayos ang sapatos bago sumunod sa kaniya palabas. “Hindi ba p’wedeng ikaw na lang ang pumunta? Hindi naman ako kailangan do’n,” pagpapalusot ko nagbabakasakaling papayag siya. Huminto siya bago humarap sa akin. “No, you have to be there,” pinal niyang ani at saka hinila ako sa baywang. We’re going to a doctor. At hindi ko alam kung bakit kailangan pang kasama ako. Wala naman akong magagawa ro’n bukod sa moral support. Isa pa, hindi ko rin naman kailangan magpa-check up dahil nagawa ko na iyon noon
last updateLast Updated : 2022-05-21
Read more

Chapter 45

Chapter 45 “What are you two doing here?” Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Nilingon ko si Rivaill pero tila ba wala itong balak na magpaliwanag. Nakuha pa nito ng maghikab at taasan ako ng kilay. Tiningnan muna ako ni Annika bago siya lumapit at umangkla sa braso ni Rivaill. Hinila niya ito at huminto sa tapat ko, isinandal ang ulo sa balikat ni Rivaill at saka ngumiti sa akin. “Babe na-miss mo ba ‘ko?” tanong niya kay Rivaill bago sila naglakad dalawa paalis. Hinintay kong lingunin manlang ako ng lalaking iyon pero nagdire-diretso lamang sila hanggang sa makarating sa dulo ng pasilyo. Nakakainis siya.“Tangina ka! Hindi mo na ‘ko maloloko sa susunod!” hiyaw ko nang masigurong tuluyan na silang nakaalis. Iniling iling ko ang ulo, wala naman na akong magagawa pa sa lalaking iyon. Patuloy lang naman siya sa pang-p-prank sa akin, ako namang si tanga marupok, palaging nagpapaloko. Maybe, that's just the way it is. Imbis na sumunod sa kanila ay ibang daan ang tinahak ko, huminto a
last updateLast Updated : 2022-05-23
Read more

Chapter 46

Chapter 46 Pinagmasdan kong liparin ng hangin ang puting kurtina na nakasabit sa sliding door. Hinayaan kong tangayin ng kawalan ang isip ko habang nakamulat pa rin ang mga mata. “You’re awake, are you okay? May masakit ba sa ’yo?” Hindi na ako nagabala pang lumingon at nanatiling nakatitig ang mga mata sa labas. Inilipag niya ang isang tray ng pagkain sa gilid ng maliit na lamesa. Hinimas ko ang tiyan ko, laking pasalamat ko at hindi napa’no ang baby ko. Hindi ko yata kakayanin kung pati siya ay mawala pa sa akin. “You should eat,” ani Rivaill bago ako inalalayang umupo at sumandal sa hamba ng kama. “Try this—” “Ako na, iwan mo na lang diyan. . . salamat,”Naiwan sa ere ang kamay niyang may hawak na kutsara at nakahango ang isang parte ng salmon. “I’m sorry, if I could've come earlier you wouldn't be in this state.” “Ayos lang, ayos na ako. Tumunog ang kutsara ng ilapag niya itong muli sa plato. Hindi ako nagangat ng tingin pero alam kong pinapanood niya ang gagawin ko. Matap
last updateLast Updated : 2022-06-01
Read more

Chapter 47

Chapter 47Nagpalinga linga ako habang nakaupo sa isang mahabang upuan na gawa sa bato. Sa likod ko ay isang malaking fountain. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon, ni hindi ko na rin naitanong kay Shelby kung anong lugar ba itong pinuntahan namin. Iniwan niya kasi ako rito kasi mamimili siya, hindi na niya ako isinama at baka mawala na naman daw ako. Maraming tao ang pabalik balik na naglalakad sa harapan ko. Kung titingnan ay parang isa itong parke, tanaw mula rito ang malaking palasyo na tinutuluyan namin. Akala ko sa loob lang ito malaki pati pala sa labas ay nakakalula itong tingnan. Natatandaan ko pa iyong nai-kwento sa ’kin ni Shelby, dito raw pinanganak si Rivaill. Siguro kaya maaliwalas din ang pakiramdam ko sa lugar na ito at hindi ako masiyadong pinahihirapan ni baby River. Tinanaw ko sa hindi kalayuan ang pwesto ng isang lalaking inutusan ni Shelby para bantayan ako, wala na ito roon. Nagkibit balikat nalang ako, inangat ang ulo at tumingala sa langit. Makapal ang ulap
last updateLast Updated : 2022-06-15
Read more

Chapter 48

Chapter 48 Hindi ako mapakaling pabalik balik sa loob ng kwartong tinutuluyan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa akin iyong sinabi ni Annika. Napakaraming tanong ang bumabagabag sa utak ko. Paanong hindi naging sila, gayong kitang kita mismo ng dalawang mata ko? Pinaglololoko ba nila ’ko? Prank lang ba ’to? O ’di kaya naman ay ganti niya iyon sa ’kin. Napalingon ako sa malaking orasan nang tumunog iyon hudyat na alas dose na ng gabi at hindi pa rin ako makatulog. Masiyadong okupado ang utak ko ngayon kaya naman kahit anong pilit ko ay hindi ako makatulog. Alam ko naman kung saan ko mahahanap ang sagot sa nga tanong kong ito, pero natatakot akong magtanong dahil alam kong hindi ko kakayanin kung sakaling hindi ang inaasahan ko ang magiging sagot niya. Natigil ang paglipad ng utak ko nang tumunog ang seradura ng pinto senyales na may nagbukas noon. Mabilis akong sumampa sa kama at isinaklob ang makapal na kumot hanggang sa ulo ko. A familiar scent filled my nost
last updateLast Updated : 2022-06-30
Read more

Chapter 49

Chapter 49Mabagal lang ang ginawa kong paghakbang habang ninanamnam ang tamis ng manggang hawak ko. Hindi ko pa pala ito naubos, paano ko naman mauubos kung isang sako? Balak niya yata akong patayin sa dami ng binili niya. Dala ang isang plastic ng mangga ay tinungo ko ang daan papunta sa kwarto ni Annika, siya na ang huling hindi ko pa nabibigyan e’. Tapos ko ng dalhan iyong mga chef sa kusina, mga tagalinis na nakasalubong ko, maging iyong tagabantay ng gate ay nabigyan ko na rin. “Si Shelby pa nga pala. . .” pagkausap ko sa sarili at akmang babalik na paakyat pero sa huli ay napagdesisyunan ko ring mamaya nalang siya hanapin. Saan na naman kaya nagsusuot ang lalaki na ’yon? Sabi niya after this week ay kailangan na niyang bumalik sa manila dahil may kaso siyang dapat na asikasuhin. “Argh, fuck!” Mabilis na kumunot ang noo ko ng may marinig akong malakas na hiyaw na nanggagaling sa loob ng kwarto ni Annika, base sa tono ay boses niya ’yon, kailan pa siya nagmura ng gano’n? N
last updateLast Updated : 2022-07-05
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status