"Trinah's POVAraw iyon ng Sabado, nang dinala ko si Fin sa palengke dahil may emergency kina Dahlia. Walang magbabantay sa anak ko, kaya, ako muna ang nagtitiyagang nagkakarga sa kaniya. Matapos kong bumili ng mga pagkain sa palengke, ay dumiretso na muna ako sa convenience store para bumili ng gatas at iba pang pangunahing kailangan naming mag-ina.Papasok na sana ako sa entrance, nang biglang nagpupumiglas si Fin sa kamay ko at binaklas niya ang pagkakahawak ko sa kaniya. Natumba siya sa senementong lupa. Bago ko siya maipatayo, may lalaking tumigil mismo sa harapan niya ang tumulong sa kaniya tumayo."Okay ka lang ba, baby," sambit ng isang lalaki habang panay punas ng dumi sa kamay ni Fin gamit ang wipes na binunot pa niya sa loob ng kaniyang maliit na bag.Ngumiti si Fin at niyakap siya. Guwapo siya, matipuno ang katawan, may katamtaman lang ang taas, at maputi ang balat; mga katangian niyang bumighani sa aking kumikislap na mga mata. Kasing-tulad niya si Andrew kung tumindig at
Last Updated : 2023-07-05 Read more