NAKAHIGA si Carla sa kanyang kama. Nakatitig siya sa nalulumang kisame nila. Mabigat ang kanyang damdamin; nakakaramdam siya ng lungkot at pag-aalala. Gumilid siya sa kanyang kanan at natanaw ang nakabukas na bintana. Ang liwanag ng buwan; tinitigan niya ang ganda nito. Unti-unting tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Kinuha niya ang unan na nasa paanan at niyakap ito. Sinubsob ang kanyang mukha at tahimik na umiyak. Paulit-ulit niyang sinasabi sa isip niya na “Crying is good for the soul.” At hindi niya na namalayan na siya pala ay nakatulog na. Humahapong nagising si Carla mula sa panaginip niya. Naglalakbay siya doon at sa paglalakad niya ay lagi siyang dinadala sa bahagi ng tubig. Una ay sa lawa, pangalawa sa talon, at pangatlo ay sa dagat, kung saan siya ay biglang inanod at nalunod. Nakatitig lang siya sa kawalan. “Ate! Ate! Ate!&rdquo
Last Updated : 2022-02-20 Read more