All Chapters of Trapped in Vampire Realm (Tagalog): Chapter 11 - Chapter 20

40 Chapters

Kabanata 11 - Livia

"Hindi, sa katunayan ay maaari nila tayong marinig mula rito ngunit sa salamangkang ginawa ni Monica ay hindi nila tayo maririnig." Napatango naman ako, napatingin naman ako sa paligid ko. Nasaan naman kaya 'yung salamangkang sinasabi ni Leonardo?"Wala ka talagang makikita dahil parang isang hangin ang ginawa kong salamangka." Napayuko ako sa sinabi ni Monica. Kailan kaya s'ya magiging malumanay?Tumayo si Prinsipe Lucas. "Sa daan natin itutuloy ang pag-uusap. Mon, panatiliin mo ang ginawa mong salamangka habang tayo ay namimili.""Masusunod, Mahal na Prinsipe."Tumayo na si Leonardo at Monica kaya naman tumayo na rin ako. Nakita ko naman si Mathias na masaganang nakain ng tira namin. Napasapo ako sa aking noo, jusko.Maalikabok ang paligid at puno ng mga tindahan ang kanan at kaliwang parte ng daan. Madungis ang mga batang nagtatakbuhan na titigil at yuyuko kapag nakikita kaming parating na. Nakakahiya ang bawat tingin na ipinupukol nila sa amin lalo na sa akin. Alam kong bago laman
last updateLast Updated : 2022-05-10
Read more

Kabanata 12 - Rialacande

Naramdaman ko ang maliliit na yabag na papalapit sa amin. "Heto na ang mga kasuotan." Napalingon ako kay Livia na daladala ang isang katutak na damit na nakalagay sa isang basket.Pansin ko na kakaiba 'yon sa mga naka-display dito sa labas. "Iyan na ba lahat?" tanong ng prinsipe."Oo mahal na Prinsipe," sagot ni Livia at ibinaba ng walang kahirap-hirap ang dalang basket sa sahig.May dinukot na kung ano si Leonardo sa kanyang bulsa, ginto?"Ito ang aming bayad," wika ni Leonardo sabay abot ng mga ginto sa maruming kamay ni Livia.Nanlaki ang mata ni Livia sa inabot ni Leonardo. "Sobra sobra ito Leonardo," hindi makapaniwalang saad ni Livia."Oo at 'yong sobra ay kabayaran para kalimutan mong nangyari ito sa buhay mo."Nagulat ako sa biglang pag-iba ng tono ng boses ni Leonardo."Wala kang pagsasabihan na nakita mo ang binibining kasama namin ngayon o kahit pumunta kami dito. Ibabaon mo sa hukay ang pangyayaring ito, tandaan mo. Buhay ng iyong ina ang nakasalalay dito." Nanigas ako sa
last updateLast Updated : 2022-05-10
Read more

Kabanata 13 - Forbidden Necklace

"Hiling ko na sana ay mahuli na ang may sala sa pagnakaw ng portal. Hayaan n'yong samahan at alalayan kayo ng ilang Guerrero para marating n'yo ang inyong patutunguhan." Lihim akong napasipol dahil hindi ko kinakaya ang lalim ng boses no'ng malaking bampirang kaharap ng prinsipe.Boses n'ya palang ay nakakatakot na, ano pa kaya kung umbagan ako nito, talagang hihimatayin ako."Salamat pinuno ng mga Guerrero ng Rialacande, ang iyong hukbo ay kakailanganin ko para sa pagtugis sa magnanakaw. Pag-usapan natin ang bagay na ito pagkatapos ng kasiyahan sa loob ng Regno," wika ni Prinsipe Lucas."Walang pag-aalinlangang ibibigay namin ang serbisyo sa 'yo mahal na Prinsipe," sagot nito. "Sino ba kami para tanggihan ang pinaka-sikat at nangungunang bampira sa kahiraan ng Faber.""Nagagalak ako na marinig 'yan, Oswald." Tumungo ang bampirang tinawag ng Prinsipe na Oswald."Kailangan na naming umalis, magkita na lamang tayo sa kasiyahan.""Nauunawaan ko, salamat Mahal na Prinsipe." Walang ano-ano
last updateLast Updated : 2022-05-10
Read more

Kabanata 14 - Like A Cotton

Napaunat ako at napahikab, grabe na ang nararamdaman kong antok. Hindi rin biro ang nilakbay namin ngayong mga nagdaang oras."Ingat kayo sa inyong pagbabalik sa Regno." Napalingon ako kay Cadfael no'ng ito'y magsalita habang kami ay nasa labas ng kanyang tindahan.Hindi tumugon ang dalawang kong kasama kaya ako na lamang ang ngumiti upang tugunan ang kanyang pag-aalala, tumungo ito. "Masaya ako na nabisita n'yo ang aking munting tindahan." Napangiti naman ako, mabuti s'ya na halata naman sa kanyang mukha."Halika na binibini," saad ni Leonardo sa aking tabi habang bitbit ang mga naglalakihang bag na hindi ko na mawari kung anong laman. Gano'n din ang dalawang Guerrero, may bitbit rin sila. Masyadong marami ang gamit na pinamili namin sa tindahan ni Cadfael na hindi ko alam kung magagamit ko ba sa rami.Nagpatuloy kami sa paglalakad, gano'n pa rin ang tagpo sa loob ng Rialacande. Tahimik at walang paki ang mga bampira sa paligid pwera na lang sa t'wing dadaan kami. Iniikot ko ang leeg
last updateLast Updated : 2022-05-10
Read more

Kabanata 15 - Difference

"So, isa kang bampirang may dugong bughaw since mommy at daddy mo ang Rex at Regina?" Mabilis na kumunot ang noo n'ya sa narinig mula sa akin, napatawa naman ako ng bahagya."Ah, ibig kong sabihin ay isang kang bampirang may dugong bughaw kasi ang iyong ina at ama ay ang Rex at Regina?" Napaiwas ito ng tingin, tiningnan ko naman si Leonardo sa aming likod dahil katabi ko na ngayon ang Prinsipe. Umiwas lamang ito ng tingin, ha?"Ang iba pang lahi ay may kakayahan ding mabuhay na matagal katulad ng may mga dugong bughaw kung may sumusuportang banal na dugo na galing sa mga tao. Ngunit imposible na 'yon mangyari. Hindi tulad ng mga may dugong bughaw na kaya nilang mabuhay ng ilang siglo na wala no'n." Napatango na lang ako habang nagdududa ako sa mga ikinilos nila."Ito ay ang mga Rialacande at Ssillacc." Inilagay ko ang kamay ko sa aking likod na parang katulad ng sa Prinsipe at itinuwid ang aking likod at seryosong tumingin sa aking unahan.Argh, ang hirap naman. Ang sakit sa likod."P
last updateLast Updated : 2022-05-10
Read more

Kabanata 16 - The Game

Tumaas ang makapal nitong kilay. "Isa 'yan sa dapat mong tatandaan, kahit kailan ay walang natanggi sa gusto ng mga Prinsipe at Prinsesa gano'n din sa Rex at Regina."Ako naman ang tumaas ang kilay. "Sa inyo 'yong mga bampira pero tao ako, pasensya na," tamad kong tugon sa sinabi n'ya.Lalampasan ko na sana s'ya no'ng mahigpit n'ya akong hawakan sa braso. "Prinsipe Lucas!" Napasigaw ako dahil sa sakit."Hindi ko hinahayaan ang mga matitigas ang ulo na tulad mo sa ilalim ng aking pangalan kaya susunod ka sa akin kahit anong mangyari." Kitang kita ko ang mga gigil n'yang mata."O-oo, nagbibiro lang ako." Binitawan n'ya ako at tiningnan ako ng seryoso. Bakit ba hindi s'ya ma-joke."Susundan mo kami hanggang makarating tayo sa Regno." Nagtaka naman ako."Hindi ba 'yon 'yung kanina ko pang ginagawa?" tanong ko."At kapag nagawa mo 'yon, bibigyan kita ng masarap na pagkain at tulugan." Hindi n'ya sinagot ang tanong ko. Napatawa naman ako, easy."'Yon lang pala," mayabang kong saad."Parte n
last updateLast Updated : 2022-05-10
Read more

Kabanata 17 - Enemy?

Napadako ang mga mata ko sa katawan n'ya. Kulang ang salitang malinis sa porma n'ya ngayon. Tuwid ang tindig nito at mga matang nakakailang. Hindi ko alam kung bakit ganito s'ya tumingin, maganda ang mga mata n'ya pero hindi rin maitatangging nanghuhusga ang mga iyon. Hindi s'ya nagsasalita pero sapat na ang mga mata n'ya para masabi kong pinag-aaralan n'ya ako.Makapal at maganda ang suot n'yang may kulay na pinagternong puti at maroon. Nakakadadag ng karisma n'ya ang malaki n'yang katawan at maliit na labi. Muli akong napaatras sa aking kinakatayuan."Si Leonardo ba ang pakay mo?"Awtomatikong napalaki ang mga mata ko, bakit kilala n'ya si Leonardo? At bakit alam n'ya kung sino ang hinahanap ko? Lihim akong napamura sa aking isip, bakit kasi kailangan pa nila ako iwan? Timo ang nangyayari ngayon."Ipagpaumanhin mo pero wala akong oras na makipag-usap," tugon ko at mabilis na s'yang tinalikuran. Ayokong magkaroon kami ng ugnayan dahil 'yon ang pinakabillin sa akin ng Prinsipe. Saka k
last updateLast Updated : 2022-05-10
Read more

Kabanata 18 - Regno

Isang maliit na ngiti ang ginanti nito sa akin. "Kung ganoon ay bukas ang karwaheng dala namin at handa kayong dalhin sa loob ng Regno para na rin makapag-tanghalian na kayo."Iiling na sana ako para tumanggi ngunit napatigil ako ng hawakan ako ni Atlas sa kamay, mabilis na pala itong napunta sa aking tabi na hindi ko man lang namalayan."Ang iyong alok ay nakaka-engganyo, Kumander Conall. Sakto dahil kumakalam na rin ang aking t'yan sa gutom."Magsasalita na sana ako pero mariing piniga ni Atlas ang kamay ko kaya hindi ko natuloy ang sasabihin ko."Natutuwa ako na tinanggap mo Atlas ang aking alok gayunpaman ay maaari na kayong pumasok sa karwahe."Wala na akong nagawa ng hilahin na ako ni Atlas, sobrang higpit ng hawak n'ya na hindi ko man lang magawang makawala. Umalalay ang ilang Guerrero sa akin na maayos na makapasok sa karwahe pero itong kasama ko ay walang habas lamang akong tinulak paupo at mariing umupo sa aking tabi.Hindi ko na naiwasang mapaikot ang aking mga mata dahil s
last updateLast Updated : 2022-05-10
Read more

Kabanata 19 - Authority

Hindi ako makagalaw ng ayos at nakatimpi lang ako sa aking kinauupuan. Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang pressure sa paligid, ang ngalay ng likod ko at kalam ng tiyan ay ayaw magpaawat. Dahan-dahan ko silang tiningnan ngunit muli kong naibato sa ibang direksyon ang aking tingin, ang pawis ay lalong tumulo sa aking noo at kamay.Oo, nakasama ko na sila pero ang takot ko ngayon ay 'di mawala. Pinaglaruan ko na lamang ang ibang bahagi ng telang nakalagay sa isang maliit na mesa sa aking tabi. Ang ganda ng kwartong ito ay 'di matawaran pero ang kabog ng dibdib ko ay 'di rin matawaran. Napapalibutan ng mga antik na kagamitan ang paligid, ang kwartong aming tinutuluyan ay hindi ganoong kalakihan at hindi rin ganoong kaliitan. Tamang-tama lamang sa bilang namin. May malalaking bintana ito habang may makakapal at niyutral na kurtina. May malaking lamesa sa aming gitna na may mga naka-ukit na ilang anyo ng hayop habang yung apat ay 'di maawat ang tingin sa akin.Medyo madilim ang pali
last updateLast Updated : 2022-05-10
Read more

Kabanata 20 - Preparation

Nabalik ang atensyon ko sa Prinsipe dahil sa sinabi n'ya, ang kabog ng dibdib ko ay lalong domoble dahil baka kung ano ang parusang ibigay n'ya sa akin. Handa naman akong tanggapin 'yon pero hindi naman naaalis ang katotohanang malupit s'ya at baka hindi ko kayanin ang ipagawa n'ya."Alam kung nakarating ka sa Regno pero ang matagpuan si Leonardo sa likod ng kastilyo ay hindi, sa makatuwid hindi mo nagawa ang hamon ko sa 'yo." Unti-unting lumapit sa akin ang Prinsipe na ikinaurong ko. Hindi ko kayang lapitan n'ya ako gayong galit s'ya."Walang pagkain..."Isang mabilis na hangin ang dumaan sa aking tabi. "Walang tulugan."Napako ako sa aking kinatatayuan ng maramdaman ko ang malambot na labi ng prinsipe sa aking leeg at bumulong."Hindi ako marunong magbigay ng konsiderasyon, maging aral sana ito sa 'yo."Napalanghap ako ng hangin dahil pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga ano mang oras. Napakalapit n'ya at ang mainit nitong hininga ay dumadaloy sa aking balat."Ayon naman sa nan
last updateLast Updated : 2022-05-10
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status