The Secretary POV “Hinalikan ka niya, ‘no?” tanong ni Damon kay Ella nang makarating sila sa parking lot. Napakurap si Ella bago namula ang mukha. “Nakita mo ba?” Alam niyang may maliit na chance na nakita iyon ni Damon dahil nasa kwarto sila ni Javier ng halikan siya ng boss niya, pero wala siyang ibang dahilan na maisip kung paano nito alam. “Nope, but I wish I did.” Damon wiggled his eyebrows, teasing her. “Kitang-kita sa mukha mo, babe. Namumula ka pagkagaling mo sa banyo at ang weird ng kilos mo.” Huminto si Damon and lumukot ang mukha. He clapped his hands. “Oh, at hindi ka makapaghintay na umuwi. ‘Yon ang pinaka-weird.” “Pagod lang ako,” sabi ni Ella. Hindi naman talaga ‘yon kasinungalingan. Emotionally tired na siya mula sa pagpapanggap na hindi apektado sa mga ikinikilos ni Javier. “Pagod ka dahil sa kiss?” asar ni Damon at siniko naman ito ni Ella. “Ow, ‘di mo naman ako kailangan i-harass. Pero seryoso, girl, ganoon
Last Updated : 2022-02-27 Read more