Larissa's P. O. V.“Anong sinasabi niyong kasal? Pumirma po kayo nang hindi ko alam?" gulat kong tanong.Nagkatinginan si Mama at Papa. Nag-init naman ang dugo ko, sa totoo lang ay hindi pa nila nakikilala ang boyfriend ko dahil natatakot akong baka hindi sila pumayag, ngayon ay pag-aasawa mismo ang gusto nila?Padabog akong pumasok sa aking kwarto, ramdam ko naman ang pagsunod sa akin nila Mommy. Hinubad ko ang ID ko at nilapag sa study table ko."Ma, nag-aaral pa po ako, hindi ako pwede mag-asawa!" daing ko."Anak, pwede ka mag-aral habang asawa mo na si Mr. Madrigal. Kayang-kaya niya punan lahat ng pangangailangan mo," ani Mama."Ma, pakiramdam ko po pinapamigay niyo ako..." malungkot kong sabi."Kung ipapamigay ka namin, doon sa taong alam naming masisiguradong maayos ang magiging buhay mo," ani Papa.Napabuntong hininga ako at naupo sa aking kama. Lumapit si Mama at hinawakan ang balikat ko."
Last Updated : 2022-02-12 Read more