Rebecca's Point of View Matagal bago ako bumangon sa kama. Pinakiramdaman ko pa ang sarili, kinapa ko ang katawan at nang maramdaman na sout ko pa rin ang pantulog ay nakahinga ng maluwag. That's good. Pagod na pagod ako kahapon. Lahat naman yata ng tao napagod. Hindi na rin ako nabigyan ng pagkakataon na makausap sila mommy pagkatapos ng ceremony dahil kinailangan kong sumama pauwi kay Nicolas. Madame Sole's wedding gift is a small villa. Sa yaman nila, hindi na nakakapagtaka na ganito kaengrande ang ireregalo niya sa kaniyang apo. I sighs. So this is the first day. The reality. The first day of paying the consequences of my decisions. I have to deal with Nicolas, not just today, but for the rest of my life. Sinuyod ko agad ng tingin ang buong silid. Wala siya. Mas nauna pala siyang nagising. Tumayo ako at inayos ang higaan bago tumuloy
Last Updated : 2022-02-11 Read more