Rebecca's Point of View
"SABI ko masakit." Paala ko sa kaniya nang diinan na naman niya.
Tiningnan niya ako at nagsalubong lalo ang makapal na kilay.
He looks impatient and resentful.
"Ba't mo kasi hinawakan." Bubulong-bulong niya habang nililinis ang sugat.
Wala akong sinabi na siya ang maglinis noon. Kusa siyang lumapit at nilagyan ng alcohol ang bulak bago idampi sa sugat ko.
Mali, hindi pala dampi ang ginagawa. Nadidiinan niya minsan.
"A—"
"Hindi ko na dinidiinan!" Galit niyang sigaw.
Tiningnan ko siya at pinanlakihan ng mata.
"AKO NA. Iyon ang sasabihin ko. Hindi mo kailangan sumigaw Nicolas."
Tinitigan niya ako na siyang ikinarap ko sa hangin. Yes, I rolled my eyes in front of him. Nakita niya iyon kaya itinapon niya sa gilid ko ang alcohol at bulak.
Nakapaka-gentleman talaga.
Maureen cleared her throat when Nicolas sat beside her. Mukhang napansin nito ang pagiging mainitin ng ulo ni Nicolas.
"Bukas naman ang iba." Ani Nicolas.
I looked at him.
"Bakit bukas pa? Pwede pa naman tayong magbukas, mababaw lang naman ang sugat ko. Kailangan lang linisin." Maagap kong tugon.
Maureen shifted on her seat. Mukhang hindi komportable sa amin ni Nicolas.
"Bukas na." He firmly said.
Napaka niya talaga!
Tahimik lamang si Maureen at nakikinig sa amin.
"Kapag nagtanong si Abuela kung ilan ang nabuksan naming regalo, sabihin mong kalaha—"
"Meron pa sa bahay, kuya." Putol ni Maureen.
Humarap si Nicolas sa babae at kumunot ang noo.
"Ang ibigsabihin kailangan mabuksan namin ito lahat dahil may darating na naman bukas?" Tumaas ang boses niya na ikinailing ko.
"Yes, probably. Hindi pa kompleto ang mga gamit niyo sa bahay, iyon ang sabi ni Abuela. Mas maganda raw kung mabuksan niyo na ang mga regalo para makita kung alin ang mga magagamit ninyo." Imporma nito.
Nicolas groaned.
"Paano iyan? May sugat—" nilingon niya ako. "May sugat siya."
"Hindi naman naputol ang kamay ko."
Tinapunan niya ako ng matalim na tingin dahil sa pagkontra ko.
"Sa susunod huwag mo nalang papakialaman ang regalong bubuksan ni ate Rebecca." Marahan na suhistyon ni Maureen na pareho saming nagpatahimik ni Nicolas.
He hissed.
Nicolas grudgingly reached for another gift. Sinulyapan niya pa ako bago iyon buksan.
"Hanapin mo ang regalo ng mga kuya mo, siguraduhin mong hindi niya makukuha." Rinig kong mahinang utos ni Nicolas kay Maureen.
Sumunod naman ang babae at isa-isang tiningnan ang nakalagay na mga pangalan sa regalo. Sa tuwing may kukunin akong regalo, titingnan niya muna iyon at magbubuntong-hininga.
Hinayaan ko siya dahil ayaw ko na rin ng gulo. Tahimik kami sa mga lumipas na oras. Hanggang sa ang natira na lamang ay ang tatlong regalo na itinabi ni Maureen. Sinulyapan ko iyon sa pag-aakalang bubuksan ngayon ni Nicolas ngunit mabilis niya iyong kinuha at umalis ng walang paalam.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang takot niya na makita ko ang laman ng regalong iyon.
Nagkalat ang mga kagamitang pangbahay sa sahig. May ilan na pangdekorasyon at may ilan na panglinis. Tumayo ako at sinimulan ng pulutin isa-isa ang mga dapat ilagay sa kusina.
Tumayo rin si Maureen at kinuha ang ilan.
"Huwag na, Maureen. Kaya ko naman." Pigil ko sa kaniya.
Tahimik at mahinhin si Maureen. Kung may ikukumpara ako sa kaniya, siya iyong modernang Maria Clara.
"I want to help, ate." Aniya, hindi pa rin binibitawan ang ilang mababasaging baso.
Sabay kaming pumasok sa kusina dala ang ilang gamit. Inilapag niya ang dala sa may counter at iniikot ang mga mata sa loob ng kusina.
"This looks cute." She says as her eyes do the wandering.
Medyo maliit nga ang kusina kumpara sa kusina namin sa bahay. This villa is really a place good for small number of people. When I say small number of people, dalawa hanggang tatlo lang siguro ang kaya. Malawak sa labas ng bahay pero kaonti lang ang espasyo sa loob. Lalo na kapag pinuno ng mga dekorasyon at palamuti.
But I like this one.
"Lagi ka bang bibisita rito Maureen?"
Pangalawang balik na namin iyon sa kusina para dalhin ang mga gamit. Mas marami pa rin naman ang dala ko kaysa kaniya dahil baka mabitiwan niya.
She looks soft and composed.
"Kapag may iutos ulit si Abuela." Sagot niya.
Tumango naman ako.
Natahimik kami. Pagkaraan ay tumikhim siya habang inaayos namin ang mga kagamitan sa kusina.
"You're an environmentalist, right?" Mahina niyang tanong.
Tiningnan ko siya at nagtaka na alam niya iyon. Hindi ako madalas sa San Gabriel, sila mommy, daddy at Natasha ang laging narito. I stayed in Little Francisco for my work. Mas malapit iyon sa Santa Monica kaya doon ko napiling mag-trabaho habang paunti-unti kong inaayos ang farm namin sa Santa Monica.
"Yes." I smiled at her.
"I s-saw you before. During my junior high school days, pumunta kayo sa Saint Claire's Private School for us to educate about the environment. Isa ako sa president ng mga club." Aniya.
For my two years in specialization, isa sa goals namin ang maturuan at mabigyan kaalam ang mga bata kung paano alagaan ang kalikasan at kung anong kapalit sa pagsira nito.
Naalala kong isa ang Saint Claire's Private School sa pumayag na magkaroon kami ng conference meeting sa paaralan nila.
Ngunit dahil sa dami ng mga mag-aaral hindi ko na maalala o mamukhaan man lang si Maureen.
Maureen smiled at me. Nakita niyang nakatitig ako sa kaniya dahil gusto kong balikan kung nagkausap man lang kami noon.
"Maraming nagsasabi na mga kaklase ko na crush ka daw ng mga kuya nila." Aniya na medyo nahiya sa pagbanggit ng salitang crush.
I raised my brow.
"Sinabi nila?" Medyo natawa ako.
She nodded. "One of my classmates took pictures of you, ipapakita niya raw sa kuya niya kasi crush na crush ka."
Tuluyan akong natawa. I don't know about that.
"All girls kayo hindi ba?"
"Tumango siya. Pero marami din ang nagkacrush sa inyo."
My eyes widened. Namula ang kaniyang pisngi at nagbaba ng tingin.
"A, I guess it's not something romantic naman po. S-siguro humanga lang kasi ang ganda niyo po." Dagdag niya.
"Maureen?" Si Nicolas na biglang pumasok ng kusina.
Naabutan niya ang pamumula ng pinsan na siyang ikinakunot ng noo.
"Are you going to eat lunch here? O isasabay kita pauwi?" Tanong niya na sa akin naman ibinaling ang tingin.
"Sasabay nalang ako kuya." Si Maureen na humarap sa akin at nagpaalam na aalis na.
I tried to reach for her cheeks and she blushed more. Natatawa ako sa naging reaksyon niya ngunit pinigilan ko na lang din.
"Paano si ate Rebecca?" Rinig kong tanong ng babae nang makalabas sila ng bahay.
"Mabilis lang naman ako."
Nasulyapan ko ang pagsakay ni Maureen sa sasakyan ni Nicolas. Nilingon pa ako ng lalaki bago sumakay at umalis.
I was left all by myself.
Ngayon ay may dala na akong pangdekorasyon sa dingding. These are 3D wallpaper. Iyong madalas kong makita sa opisina noon ng mga kaibigan ko.
Mas sanay akong mag-isa. Mas gusto ko iyon dahil nakakagalaw ako ng ayon sa gusto ko. Dahil wala naman akong pangtali ng buhok, kinuha ko ang isang chopstick na pangdecorate.
I tied my hair using it.
Nalinis ko na ang buong sala at nailagay ko na sa isang maayos na karton ang mga pang-decorate na hindi pa naman magagamit at ang mga kagamitan panglinis ay nailagay ko na rin sa tamang lalagyan.
Pawis na pawis ang noo at leeg ko. Mukhang maliligo ako ngayon sa sarili kong pawis.
For the final touch, kailangan kong ikabit ang makapal na kurtina sa bintana malapit sa salas. Maganda naman ang kulay ng naunang kurtina pero mas gusto ko ang kulay ginto para magandang tingnan.
Kumuha na rin ako ng pwedeng tuntungan para madali na lang ang pagkabit. Nang matapos ako'y agad na napangiti.
"What are you doing?"
"Ay palaka!"
Dahil hindi naman ako nakahawak at medyo mataas ang tuntungan nakalimutan kong ibalanse ang katawan matapos magulat sa biglang pagsulpot ni Nicolas.
Handa na akong makaramdam ng sakit sa katawan dahil sa pagkahulog ngunit pumulupot agad sa katawan ko ang matipuno niyang kamay at braso.
"H*ck woman!" He hissed angrily.
Kumabog ang dibdib ko sa mas matinding kaba nang buksan ko ang mga mata. He's closer than I expected.
Pinakawalan niya ako at dahan-dahan naman akong lumayo sa kaniya.
"Napakalampa." Bubulong-bulong niya.
"Kung hindi ka ba naman kasi sumusulpot bigla-bigla."
He glared at me. Sa isang araw hindi lang isang beses niya akong tiningnan ng masama at kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ako humandusay rito.
"Lampa ka lang." Mahina ngunit rinig kong sabi niya.
I rolled my eyes. Mas maattitude pa siya sa babae.
"Bakla ka naman." I murmured to myself.
Nilagpasan ko siya at balak na siyang iwan nang bigla niyang hatakin ang braso ko dahilan para isang impit na reklamo ang kumawala sa bibig ko.
"Anong sabi mo?" Salubong ang kilay na tanong niya.
Nagkatinginan kami. Matangkad si Nicolas pero hindi rin naman magpapahuli ang height ko. Hanggang leeg niya ako kaya kaonting adjustment lang, pantay na ang mukha naming dalawa.
"Wala."
Sinubukan kong bawiin ang braso sa kaniya ngunit hinigpitan niya lang iyon dahilan para samaan ko siya ng tingin.
He's hurting me now!
"Bitawan mo 'ko, Nicolas." Pigil na sabi ko.
Hindi siya nakinig, lumuwag lang ang hawak niya ngunit hindi niya ako pinakawalan. Dahil sa magkalapit ang mukha naming dalawa mas madali kong makita ang naglalarong emosyon sa kaniyang mga mata.
Ang malamig na mga matang iyon, ngayon ay buhay na.
"Did I already kissed you, Rebecca?" He trailed off.
I froze. Kahapon oo, sa simbahan at isang beses sa reception.
"Tsk." I hissed trying my best to escape from his grip.
"Anong sabi mo kanina?" Hamon na niya ngayon hinuhuli ang tingin ko.
"Akala ko ba narinig mo?"
Nagsalubong muli ang kaniyang kilay. This well-known playboy is now losing his patience on me.
Akala ko ba magaling ka sa babae Nicolas? Gusto ko sana iyong itanong pero marahas niyang binitawan ang braso ko.
Sinamaan ko siya ng tingin ngunit wala din naman masabi. This is our first day, but he's really the meanest husband of the year!
We ate lunch together. I cooked for us.
Pareho kaming tahimik sa hapagkainan. Walang may gustong makipag-usap isa man sa amin.
Buong hapon din akong nasa kuwarto lang at natulog. Hindi naman siya pumasok sa kuwarto at hindi ko na rin nalaman kung saan siya nagpunta dahil dapit hapon na nang magising akong muli.
I went downstairs to cook for our dinner. Isa sa pinaka-ayaw ko ay routine, ayaw ko sa paulit-ulit, ayaw ko sa nakasanayan lang.
Kaya ayaw kong mag-asawa. I don't want to become a house wife only. Gusto ko nagtatrabaho. Iyong may ginagawa at iniisip ako.
Wala si Nicolas sa kusina. Wala rin siya sa salas. Ang harden nalang ang hindi ko natingnan, pero pakiramdam ko wala din siya doon.
Binuksan ko ang refrigerator at kumuha ng mga dapat lutuin. I would love to cook caldereta and pork adobo.
Well, there's still an advantage for being a house wife. I love to cook. Mas madalas akong tumambay sa kusina noon kapag nasa bahay lang dahil gusto kong magluto.
Maybe I can use my skills in cooking now.
"Nicolas?"
Mula sa kusina ay sinilip ko kung sino iyon at nakita ang pagpasok ng dalawang lalaki. The Gazalins.
I knew them. Khallel and Zychi.
Sasalubungin ko palang dapat sila nang mula sa kung saan ay sumulpot si Nicolas.
He came from the garage I guess?
"Anong ginagawa niyo dito?" Iritable niyang tanong.
Sinuyod ng kaniyang mga mata ang bahay pagkatapos tingnan ang mga pinsan. Nang makita niya ako sa bukana ng kusina ay bumaling ulit sa mga pinsan bago hawakan ang dalawa sa braso para itaboy.
"Leave." Madiin niyang sabi.
Naglakad ako palapit para tingnan ang nangyayari ngunit bumalik siya at sinalubong ako.
"Do your things in the kitchen." Utos niya at muli akong pinaharap sa kusina.
Nasulyapan ko ang paghagalpak ng tawa ng kaniyang mga pinsan bago bantulot na sumunod sa kaniyang gusto.
Rebecca's Point of ViewMALAKAS ang tibok ng puso ko dahilan para mamuo ang mga butil ng pawis sa gilid ng aking noo. Hindi pa bumubukas ang pintuan ng simbahan ngunit naririnig ko na ang musika na nagmumula sa loob. Nanlalamig ang dalawa kong kamay at kanina pa sumasakit ang aking mga paa.Samu't saring imahe ang gumugulo sa isipan ko sa mga oras na ito."Please, Rebecca. Spare me. Spare me and my baby." My heart raced inside my ribcage as Natasha's voice echoed inside my head.Spare me and my baby.Iyon ang totoong nagtulak sa akin para magdesisyon sa bagay na ito. Alam kong kapangahasan ang gagawin ko ngunit wala na akong ibang pagpipilian kung hindi ang gawin ito.The door slowly opens. Umawang ang bibig ko dahil sa gulat. It's time for me to walk down the aisle.Pakiramdam ko hihimatayin ako sa kaba. Nanginginig ang mga tuhod ko at m
Rebecca's Point of ViewMatagal bago ako bumangon sa kama. Pinakiramdaman ko pa ang sarili, kinapa ko ang katawan at nang maramdaman na sout ko pa rin ang pantulog ay nakahinga ng maluwag. That's good.Pagod na pagod ako kahapon. Lahat naman yata ng tao napagod. Hindi na rin ako nabigyan ng pagkakataon na makausap sila mommy pagkatapos ng ceremony dahil kinailangan kong sumama pauwi kay Nicolas.Madame Sole's wedding gift is a small villa. Sa yaman nila, hindi na nakakapagtaka na ganito kaengrande ang ireregalo niya sa kaniyang apo.I sighs. So this is the first day. The reality. The first day of paying the consequences of my decisions.I have to deal with Nicolas, not just today, but for the rest of my life.Sinuyod ko agad ng tingin ang buong silid. Wala siya. Mas nauna pala siyang nagising.Tumayo ako at inayos ang higaan bago tumuloy
Rebecca's Point of View"SABI ko masakit." Paala ko sa kaniya nang diinan na naman niya.Tiningnan niya ako at nagsalubong lalo ang makapal na kilay.He looks impatient and resentful."Ba't mo kasi hinawakan." Bubulong-bulong niya habang nililinis ang sugat.Wala akong sinabi na siya ang maglinis noon. Kusa siyang lumapit at nilagyan ng alcohol ang bulak bago idampi sa sugat ko.Mali, hindi pala dampi ang ginagawa. Nadidiinan niya minsan."A—""Hindi ko na dinidiinan!" Galit niyang sigaw.Tiningnan ko siya at pinanlakihan ng mata."AKO NA. Iyon ang sasabihin ko. Hindi mo kailangan sumigaw Nicolas."Tinitigan niya ako na siyang ikinarap ko sa hangin. Yes, I rolled my eyes in front of him. Nakita niya iyon kaya itinapon niya sa gilid ko ang alcohol at
Rebecca's Point of ViewMatagal bago ako bumangon sa kama. Pinakiramdaman ko pa ang sarili, kinapa ko ang katawan at nang maramdaman na sout ko pa rin ang pantulog ay nakahinga ng maluwag. That's good.Pagod na pagod ako kahapon. Lahat naman yata ng tao napagod. Hindi na rin ako nabigyan ng pagkakataon na makausap sila mommy pagkatapos ng ceremony dahil kinailangan kong sumama pauwi kay Nicolas.Madame Sole's wedding gift is a small villa. Sa yaman nila, hindi na nakakapagtaka na ganito kaengrande ang ireregalo niya sa kaniyang apo.I sighs. So this is the first day. The reality. The first day of paying the consequences of my decisions.I have to deal with Nicolas, not just today, but for the rest of my life.Sinuyod ko agad ng tingin ang buong silid. Wala siya. Mas nauna pala siyang nagising.Tumayo ako at inayos ang higaan bago tumuloy
Rebecca's Point of ViewMALAKAS ang tibok ng puso ko dahilan para mamuo ang mga butil ng pawis sa gilid ng aking noo. Hindi pa bumubukas ang pintuan ng simbahan ngunit naririnig ko na ang musika na nagmumula sa loob. Nanlalamig ang dalawa kong kamay at kanina pa sumasakit ang aking mga paa.Samu't saring imahe ang gumugulo sa isipan ko sa mga oras na ito."Please, Rebecca. Spare me. Spare me and my baby." My heart raced inside my ribcage as Natasha's voice echoed inside my head.Spare me and my baby.Iyon ang totoong nagtulak sa akin para magdesisyon sa bagay na ito. Alam kong kapangahasan ang gagawin ko ngunit wala na akong ibang pagpipilian kung hindi ang gawin ito.The door slowly opens. Umawang ang bibig ko dahil sa gulat. It's time for me to walk down the aisle.Pakiramdam ko hihimatayin ako sa kaba. Nanginginig ang mga tuhod ko at m