Home / Romance / Reddish Tulips / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Reddish Tulips: Chapter 11 - Chapter 20

96 Chapters

Chapter 10

      Matapos ng nangyari sa labas kanina ay naging tahimik na silang muli, naiilang sila pareho. Pero umakto pa rin sila na parang wala lang ding nangyari. Inasikaso na muli nila ang pinamili nila kanina at sabay nila itong inayos, habang nag-aayos sila ay hindi na ring naiwasan na mag-usap silang dalawa tungkol sa nangyari sa araw na ito.     Puro tawanan at ingay nilang dalawa ang naririnig at dahil mayroon pang natitira sa kotse ni Louis na pinamili nila ay nagprisinta si Allison ito na siya na ang kukuha. Lumabas na muna si Allison mula sa kusina at saka papalabas, habang naglalakad siya papunta roon ay may nakita siyang mga bulaklak sa gilid, at chocolates, at marami pang iba sa sala.     "Kanino 'to?" bulong ni Allison at saka tinignan niya ito nang mabuti, inisa-isa niya pa kung ano pa 'yong iba. Nakita niya 'yong iba pang pagkain, 'tulad ng ice cream, at sobrang dami n
Read more

Chapter 11

      Allison's POV. Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa ibaba, itinakip ko ang mukha ko gamit ang unan dahil sa ingay na iyon. Ang aga-aga nag-iingay naman kaagad si Louis. Panigurado ay siya lang naman iyon, siya lang naman ang maingay palagi. Natawa naman ako dahil sa iniisip ko na iyon. Sinubukan ko pa ang sarili ko na matulog pero hindi na talaga ako makatulog.     Tumingin ako sa kisame habang iniisip ang mga nangyari kahapon sa amin ni Louis. Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa masasayang nangyari kahapon, naging malungkot din ako kaagad dahil kahapon din kung paano tumawag ang magulang ko sa akin. Malalim akong bumuntonghininga at saka inisip na lang kung paano naging masaya ang alaala na nangyari sa amin ni Louis.     Napangiti naman muli ako nang wala sa oras. Doon ko mas lalong nakilala si Louis, unang-una na kung paano si
Read more

Chapter 12

      Dahil sa l*ntek na lalaki na iyon ay parang wala na ako sa aking sarili ngayon. Lutang ako sa lahat ng bagay dahil unang-una iyong pagkakita niya sa akin na tanging towel lang ang mayroon ako, actually naka-move on na ako kanina no'n, eh. Pero hindi ko talaga maiwasan na isipin 'yon. Napapikit naman ako nang mariin habang inaalala iyon.     Iyong pangalawa na 'yong sa pagkain niya, parang nagutom ako bigla. Tinignan ko ang paper bag na kanina ko pa gustung-gustong tingnan pero pinipigilan ko ang aking sarili na huwag 'yon tignan, at surprise dapat iyon kapag lunch na namin. Sa ngayon ay hinihintay ko ang oras na umusad at nakatitig pa ako mismo sa orasan na mayroon kami rito.     Habang iniisip ko 'yon ay nalipat naman ang isip ko sa nangyari kanina sa parking area, iyong pagtawag niya sa akin ng Wife, iyong pagbigay niya sa akin nitong hinanda niyang pagkain par
Read more

Chapter 13

      Inalis ko na sa isipan na muna ang text ng lalaking 'yon at kailangan kong mag-focus sa trabaho ko. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari 'yon, pero nakatapos ako ng trabaho na sa dami na hindi ko inaasahan. Ang dami kong nagawa, ang dami kong na-contact na kliyente namin na ang sinasabi kong mapapaaga ang pagtatapos ng pinapagawa nilang damit.     Mayroon din akong nasagot na inqueries na gustong bumili ng orders namin na out of stock, at sinasabi kong magre-restock kami within one week. Hindi ko alam kung bakit itong lahat ay nangyayari sa akin, pati si Amiel ay nagulat dahil sa sobrang dami kong nagawa ngayon.     "Hello! Good afternoon, this is A.A. Studio! How may I help you?" bungad ko pagkasagot na pagkasagot ko ng tawag. Ayon ang pangalan ng aming clothing line, A.A. na ibig sabihin na Amiel at Allison. Pinagsama lang namin ni Amiel ang aming ngalan dito.&nbs
Read more

Chapter 14

      "Oh my g! Mga anak!" sigaw ni Tita, Mommy ni Louis sa amin. Napangiti naman ako dahil sa pagtawag niya rin sa akin ng anak. It sounds music to my ears calling me that, how I missed it.      Nakipagbeso naman siya sa amin, at pagkatapos ay niyakap naman kaagad ni Louis ang Mommy niya. Ang gandang panoorin ng ganitong scenario, talagang Mommy's boy talaga siya kahit ilang taon na 'tong lalaking 'to. Nag-usap lang sila nang tahimik at ako naman ay pumunta kay Tito dahil nasa tabi lang din siya at nakipagbesuhan din ako sa kanya.     "Kumusta kayo ng anak ko?" nakangiting tanong ni Tito at napangiti rin naman ako kaagad.     "Okay naman po, Tito. Maayos naman po. Nagulat pa nga po pala ako dahil ang galing po magluto ni Louis." Tumawa naman nang malakas si Tito, at hindi ko maiwasan na matawa rin dahil nakakatawa kung paano siya tumawa.
Read more

Chapter 15

      Ilang linggo na ang nakakaraan at talagang hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon. At dahil din sa araw na 'yon ay natakot ako, hindi ko alam kung bakit. Pero natakot ako, alam ko na itong nararamdaman ko o namin. Inaamin ko 'man, oo sa sarili ko. Pero hinding-hindi ko ito sasabihin. Alam ko naman sa sarili ko na hindi pa ako fully moved on sa nakaraan ko.     Alam ko naman sa sarili ko na unahin ko munang muling buuin ang aking sarili. Ayaw kong gumamit ng ibang tao para lang ma-fulfill ko kaagad iyon any time soon. Nang dahil doon ay medyo naiilang na rin ako kapag kasama ko si Louis. Sa kanya ay okay na okay ang pakikitungo niya pero sa akin ay iwas na iwas ako sa kanya.     Pero sinusubukan ko pa rin namang maging normal at maayos ang pakikitungo ko sa kanya. Ayaw ko namang makahalata siya o may isipin na iba. Hangga't maaari ay huwag na muna, umiwas na muna. Kahit i
Read more

Chapter 16

      "So now, tell me... are you avoiding me? And if yes, why?" malambing niyang tanong at ako naman ay rinig na rinig ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Sobrang bilis at lakas nito, hindi ko mapakalma ang aking sarili kaya napikit na muna ako ng aking mga mata at saka ko muling minulat.     Kitang-kita ko ang guwapo niyang mukha na nag-aalala ang kanyang inosenteng mga mata. Hinawi niya ang buhok ko nang dahan-dahan dahil humangin at nilagay niya ito sa likod ng aking tainga. Hindi ko tuloy maiwasan na maisip na baka kung baka mayroong dumi sa mukha ko, o baka may kung anong mayroon sa mukha ko at nakakahiya lalo't titig na titig sa akin si Louis.      "Wife?" tawag niya sa akin na lalo nagpabilis sa aking puso. Binuka ko na ang aking bibig, sasagutin ko na dapat siya pero walang kahit anong salita at kung ano 'man ang aking nais sabihin na maririnig dahil natigilan ak
Read more

Chapter 17

      Nagtagal pa ang aming yakapan dahil ninamnam namin pareho ang pagkakataon, dahil pagkatapos nito ay hindi na ito mauulit pa, sana. Lalo lang ako maiilang, lalo lang magiging awkward ang lahat. Dahil kahit ano pa 'man ang mangyari, nakakontrata naman ang lahat ng 'yon, lahat ng ito.      Napikit naman ako nang mariin dahil hindi ko nga pala binasa nang buo ang mga nakasaad sa kontrata na 'yon. Itatanong ko na lang sa kanya kung nasaan, at muli kong mabasa 'yon. Para alam ko na 'yon nang buo. Hindi ko rin kasi alam kung kailan ito matatapos, at sa tingin ko ay tapos na rin naman kami.     Pero hindi pa tapos ang benefit na nakukuha niya sa akin kaya tuluy-tuloy lang na ganito. Hindi ko na rin alam ang sunod na magkikita-kita kami ng magulang niya. Nang gusto ko nang putulin ang aming yakapan ay mahina kong nai-tap ang kanyang likod upang sabihin sa kanya na bumitaw na
Read more

Chapter 18

      Humarap na ako sa kanya at naputol niya na ang yakap niya sa akin. Kahit naiilang ako at hindi ko alam kung namumula pa rin ba ako hanggang ngayon ay matapang ko siyang hinarap. Dahil ano ba kami? Kasal lang kami under contract, bakit parang kung makaatas siya akala mo mayroong ibang ibig sabihin at talagang mahal namin ang isa't isa?     Kitang-kita ko ang inosenteng mata ni Louis at ang napakaguwapo niyang mukha. Hindi ko maiwasan na pagmasdan lamang ang kanyang mukha. Iyong mata niyang brown, mahahabang pilik-mata, makapal niyang kilay, 'yong matangos niyang ilong, iyong medyo mapula niyang labi, iyong makinis niyang pisngi, at iyong buhok niyang pang-bad boy.     Gayunpaman, iyong titig niya sa akin ay parang tinitignan niya na rin pati ang kaluluwa ko na rin. Nilabanan ko ang titig niya at kumuha na ako ng maraming lakas ng loob para magsalita. Kahit na nakakatakot s
Read more

Chapter 19

      Nagising ako dahil sa liwanag na ng araw na sumasalubong sa aking mukha. Inusod ko pa muna ang mukha ko para hindi ako mailawan dahil sobrang liwanag at ang init. Gusto ko pang matulog at inaantok pa ako. Pagkausod na pagkausod ko ay parang mayroon akong katabing malaking unan, pero unan ba ito? Hinawak-hawakan ko pa ito upang masuri talaga.     Ang tigas at ang laki naman nito masyado. Umusud-usod pa ako upang malaman kung ano ba ito habang nakapikit pa ako dahil alam ko kapag minulat ang mata ko ay hindi na ako makakatulog pang muli. Nang hindi ko malaman kung ano ba ito ay dahan-dahan ko nang minulat ang mata ko at naiirita pa.     "Oh my gosh!" sigaw ko pero kaagad ko ring tinakpan ang bibig ko. Napasigaw ako dahil narito lang naman si Louis. Anong ginagawa niya rito?! Nanlaki pa lalo ang mata ko nang makitang wala pa siyang suot na pang-itaas. Pinikit ko pa ang mata
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status