Home / Romance / The Billionaire's Kryptonite / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of The Billionaire's Kryptonite: Chapter 1 - Chapter 10

86 Chapters

1. Guardian.

"Ate, ang ganda-ganda mo!!! Para kang princess!"  Hangang-hanga at kumikislap pa ang mga matang bulalas ng seven years old na batang babae na si Lara.  Ang ate niya na si Lena ay kasalukuyang nag-ga-gown fitting para sa nalalapit nitong kasal.  "Talaga, Lara?"  Yumuko sa kanya si Lena at pinisil ang magkabila niyang pisngi. "Ikaw talaga ang number one fan ko!"  Malaking ngiti ang tugon niya sa ate niya, showing off her missing front tooth.  Kakalabing walong taong gulang pa lamang ni Lena pero sa isang buwan ay nakatakda na itong ikasal sa kababata nitong si Migo.  
Read more

2. The wedding.

Eleven years later…"Ang aga-aga pa pero 'yang mukha mo, hindi na agad maipinta." Napaangat ng tingin ang nakasimangot na si Lara sa nagsalita. Si Chester Salas, isa sa dalawang best friends niya.  Matangkad, maputi, gwapo at may playboy na aura sa unang tingin pa lang.  "So?" Isang pulgada ang itinaas ng isa niyang kilay.  "May pakialam ako, Señorita. Kasi kapag nakasimangot ka, apektado ang mundo!" Napatampal ito sa noo nito bago siya tinabihan sa bleachers na kinauupuan niya. "Lumayas ka sa harapan ko, Chester! Baka hindi kita matant'ya!" Asik niya. 
Read more

3. Annulment grounds.

"Annulment?" Ulit ni Atty. Baltazar sa sinabi niya na parang isang kalokohan iyon.  "Yes, Atty. Annulment," ulit din niyang kumpirma.  "Mrs. Villareal," sumandal ito sa upuan nito at mataman siyang tiningnan. Wari ba ay inaarok nito ang kanyang isipan.  Sinalubong naman niya ang tingin ng matandang abogado. Kailangan niyang ipakita na seryoso siya. Ilang buwan niyang pinag-isipan iyon at nagawa niyang kumbinsihin ang sarili niyang iyon ang pinakatama niyang gawin.  Alam niyang makukumbinsi rin niya si Atty. Baltazar kapag nakita nito ang determinasyon sa mga mata niya.  "Mrs. Villareal," muli nitong sabi. Pinagsalikop nito ang mga k
Read more

4. Proud

"Lara," ulit ni Migo nang wala na itong narinig mula sa kanya. "Are you still there?"  Hindi na halos maalala ni Lara ang mukha ni Migo, pero nang mga sandaling iyon, base sa tono ng napakaganda nitong boses, parang nakikita niya itong nakapangunot-noo. His voice… It was no longer the same as how she remembered he sounded. Parang mas gumanda? Tunog misteryoso at malamig pero parang may haplos sa puso.  Ah, basta, 'yon na 'yon! Ang hirap e-explain!  "Lara," Miguel started to sound annoyed. "Look, if you don't want to talk, ibalik mo na kay George ang telepono—" "I'm here," putol niyang halos mabingi sa sariling tibok ng puso niya.
Read more

5. Clerical.

Hindi makapaniwala si Lara.  She graduated Summa Cum Laude tapos ay Assistant to the Assistant ang trabaho niya? Clerical!  Gustong mag-walk out ng dalaga. Anong tingin sa kanya ng magaling niyang asawa? Wala siyang kayang gawin? Sige, given nang fresh graduate siya. Tanggap pa niya ang Assistant eh.  Pero iyong maging Assistant siya ng Assistant, aba, masyado atang minamaliit ni Migo ang kakayahan niya?  Ang isa pang nakakainsulto, kaya raw 'yon ang posisyon na in-offer sa kanya ay dahil wala naman daw talagang bakante. Kung hindi lang daw malakas ang backer niya, hindi raw siya tatanggapin doon. Yes! The HR Manager was that straight fo
Read more

6. Memo

"Nakita mo na ba ang CEO?" Lara randomly asked Kylene one boring day while she was photocopying memos to be distributed to the company's various departments. "Si Mr. Villareal? Hindi pa. Kapag may meeting naman kasi, hanggang Manager level lang ang kasama. Saka may sariling elevator si Sir na diretso lang sa floor niya," sagot ni Kylene na kaunti lang ang tanda sa kanya. Pansin niya rin na introvert ito. Hindi ito nakikisali sa mga ibang kasama nila sa department. Sa katunayan, binu-bully ito. Tinatambakan ng paper works na kung tutuusin, hindi na sana nito trabaho. "Misteryoso rin pala siya kahit dito," bulong niya."Ano 'yon, Lara?" "Wala," she said, shaking her head. Inilipat niya sa mesa ang mga papel at inumpisahang mag-sort. "Heto pa. Kailangan ito in thirty minutes!"Nagliparan ang mga inaayos ni Lara dahil pabagsak na inilapag ni Lizzie sa mesa niya ang isang makapal na folder. Kung hindi tumalikod
Read more

7. Chills.

Napangisi si Lara habang sinisingit sa photocopied files para sa CEO ang annulment papers na pirmado na niya. She knew that annulment doesn't work like divorce but at least, the papers that she signed would let him know that she was dead serious about it. Enough is enough. She was so done. If Miguel wouldn't take her seriously, then he should just let her on her own. Hindi na niya ito kailangan dahil malaki na siya. 'That sounds so ungrateful, Lara,' maagap na banat ng isip niya. Oo na. Utang niya kay Miguel lahat ng mayro'n siya ngayon. Pero hindi ba pwedeng hanggang doon na lang? Pabayaan na siya nito so she could live her own life away from him. Tutal naman, wala itong balak magpakita sa kanya!Para saan ba ang pakasalan siya kung ni dulo ng buhok nito, hindi niya masilayan? Ni hindi ba sila pwedeng maging magkaibigan? What was Migo's reason for being so mysterious? Aanuhin niya ba ito? Lara was tired. She didn'
Read more

8. Humiliated.

Napatingala si Lara nang tumigil sa harapan niya si Migo. She could still remember how he was a tall guy when she was just little. Pero bakit gano’n? Parang hindi siya lumaki? Hanggang ngayon ay kailangan pa rin niyang baliin ang leeg niya para tingnan ito sa mukha. Lara realized na matangkad na lalaki si Miguel Villareal. He exuded an intimidating aura. And power, naghuhumiyaw iyon sa tayo pa lang nito. Sa mga tingin nitong parang nagmula pa sa North Pole, and yet despite the coldness, hindi rin maikakaila ang matinding galit sa mga iyon.What did she do that offended him? ‘Duh, Lara, nagtanong ka pa? Look at yourself! You’re a mess! Nahuli ka sa aktong nakikipag-away! Nakakahiya ka. I’m sure, mas lalong hindi papayag si Migo na malaman ng lahat na asawa ka niya!’ “What are you doing?” he asked.Pakiramdam ni Lara, nagkabikig ang lalamunan niya. When she opened her mouth to speak, walang lumabas na boses sa mga labi niya. O talaga lan
Read more

9. Waited.

Dahil bad trip pa rin si Lara, pagkahatid sa kanya sa opisina nang sumunod na araw, hindi siya pumasok. She just made her driver think na nagawa nito ang trabaho nito na ihatid siya sa trabaho.Pero pagkababa niya, nag-taxi siya papunta sa condo ni Anastacia."I'm leaving in an hour," anang kaibigan niya na parang ayaw pa siyang papasukin. Nagpa-plantsa ito ng buhok nito."I need someone to talk to, Tasya!" Kahit hindi siya welcome, pumasok pa rin siya at ibinagsak ang sarili sa kama ng kaibigan na bumalik din agad sa harap ng vanity nito."Okay, shoot. I guess I can multitask," sabi na lang ni Tasya na abala pa rin sa buhok nito.Napabuga naman siya ng hangin. "I've seen Migo," wika niya at bahagya pang napaigtad nang sumigaw ang kaibigan niya. "Ouch!" daing nito na napaso ang sarili dala ng pagkagulat sa sinabi niya. "So, ano itsura ng guardian mo? Pogi ba ang famous pero mysterious
Read more

10. Non negotiable.

Hindi kumikibo si Lara habang kumakain sila ni Miguel. Wala siyang ganang kumain kahit sa totoo lang ay gutom naman talaga siya. Naiinis siya sa kinalabasan nang matagal niyang pangarap na makita muli ito. She had expected to see the gentle Migo who was so in love with her sister back then. Bakit makalipas ang labing-anim na taon ay hindi lang pisikal nito ang nagbago? Gone was the kind and sweet Miguel Villareal she once knew. Napalitan iyon ng nakaka-intimidate at overbearing nitong version. "Why didn't you come to work?" tanong nito habang nagpupunas ng labi. He was already done eating. Samantalang siya naman ay nilalaro na lang ang pagkain sa pinggan niya. "Para ano? You humiliated me, remember? Ano pang mukha ang ihaharap ko ro'n?" She rolled her eyes at him."You are twenty-three, Lara. Hindi ka na bata.  Can't you handle such a small matter?" may bahid ng pagkairita ang tono nito. "How about you? Must you confront me
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status