"Lara," ulit ni Migo nang wala na itong narinig mula sa kanya. "Are you still there?"
Hindi na halos maalala ni Lara ang mukha ni Migo, pero nang mga sandaling iyon, base sa tono ng napakaganda nitong boses, parang nakikita niya itong nakapangunot-noo.
His voice… It was no longer the same as how she remembered he sounded. Parang mas gumanda? Tunog misteryoso at malamig pero parang may haplos sa puso.
Ah, basta, 'yon na 'yon! Ang hirap e-explain!
"Lara," Miguel started to sound annoyed. "Look, if you don't want to talk, ibalik mo na kay George ang telepono—"
"I'm here," putol niyang halos mabingi sa sariling tibok ng puso niya. Para ngang hindi rin siya makahinga. O kinakabahan lang siya kaya siya nagpa-palpitate?
She waited so long for this. For this one phone call. For this chance to hear his voice! Finally!
"Well, good," sumeryoso ulit ang tono ni Migo. "I want you to prepare your credentials and go to the office tomorrow."
"Sa office mo?" Hindi siya makapaniwala.
For years, she was tempted to go to his office unannounced just to see him. Kaso good girl siya. She was told to never set foot in his office unless he asks her too. At obedient siyang bata kaya naman kahit alam niya kung saan ito nag-oopisina, hindi siya kailanman nagpunta.
Okay. Joke lang 'yon. Hindi niya talaga alam. Or else, nakita na niya sana ito, 'di ba? Madali lang kayang mag-abang sa baba ng building kung sakali. She could play detective if she wanted to.
Miguel Villareal owns a chain of malls. And in the metro alone, nasa sampu na ang malls nito. Hindi niya alam kung saan sa mga iyon nag-oopisina si Migo o kung nasa separate na building ba ito.
He never told her. Uncle George and Auntie Rosette didn't tell her either as if it was top secret.
"Yes, Lara," parang nakakunot-noo na naman ito. "Look for Ms. Salvacion, the HR manager."
"Wait, are you telling me that I'm going to work in your company?" Tanong niyang medyo na-excite. Naka-adjust na rin siyang kausap niya si Migo after sixteen long years!
"Do you want to work elsewhere?" May pagka-iritable sa tinig nito. “Didn’t we already talk about this in the past?”
“Yes. I just cannot believe it’s already happening now,” malapad ang ngiti niya kahit na hindi siya nito nakikita.
“It’s about time. And congratulations for graduating with the highest honor. I am so proud of you,” he added, siguro nahimigan nito ang saya sa tinig niya kaya nawala na rin ang pagkairita nito.
Siya naman ay maluha-luha sa sinabi ni Migo. He said he was proud of her. She made her guardian proud! Ay, husband pala. Gustong matawa ni Lara sa sarili. Paano kasi, sa paraan ng pagkakasabi ni Migo ng pagka-proud nito sa kanya, pakiramdam niya, tatay niya ang kausap niya.
Well, Migo raised her. He raised his wife.
“Thank you!” sambit niya.
“So, get ready. Pass the phone to George, I’ll give him instructions.”
“Wait—” pigil niya. Gusto pa niya itong makausap eh.
“Yes?”
“Uhmn, am I going to see you at work?” Hopeful niyang tanong.
Narinig naman niya ang pagbuntong hininga ni Migo sa kabilang linya. “We will get there, Lara.”
“When?” pangungulit pa niya.
“By the way, Atty. Baltazar called me about your concern,” his voice suddenly turned cold and serious. Napalunok naman si Lara. Ano pa nga bang concern iyon kundi ang isinadya niya pa sa Abogado kanina? “My answer is no. So don’t ever bring it up again, do you understand?”
Dahil parang natakot siya sa tono nito, napa-yes siya nang wala sa loob niya.
“Now, pass the phone to George,” sabi pa nito.
Hindi na nakasagot si Lara. Mabigat ang loob na ipinasa niya kay Uncle George ang telepono.
Alam na ni Migo ang tungkol sa paghahamon niya ng annulment. Iyon din kaya ang dahilan kaya bigla nitong naisip na pagtrabahuin na siya sa kompanya nito? Iniisip kaya nitong baka bored lang siya sa buhay niya? Na kapag naabala siya, makakalimutan niyang makipaghiwalay rito?
‘Kung ano pa man ang dahilan, just be grateful, Lara. At least, you will have the chance to see him again if you will work for him.’
Sige, pansamantala, kalilimutan muna niya ang annulment issue niya. She smiled a little to herself as she waited for Uncle George to finish his conversation with Migo.
Masyadong seryoso si Uncle George na nagti-take down pa ng notes na para bang presidente ng bansa ang kausap nito at hindi pwedeng may ma-miss out itong impormasyon sa mga iniuutos ni Migo.
“Yes, consider it done, Mr. Villareal.” Nang matapos makipag-usap si Uncle George kay Migo ay nagulat pa ito nang makitang hindi pa siya umaalis. Gano’n ito ka-absorb sa pakikipag-usap kanina sa asawa niya. “‘Andito ka pa, Miss Lara?”
She grinned at the old man. “Uncle, saan ang office ni Migo?”
“Ipahahatid kita ro’n bukas. Kaya ‘wag mo nang tanungin pa. Ang mabuti pa ay ayusin mo na ang mga kailangan mo. Pinaka-ayaw ni Mr. Villareal sa lahat ay ang taong nali-late.”
Ngumuso naman siya pero tumayo naman at sumunod dito.
“You are expected to be there by eight o’clock in the morning.”
“Oo na po.”
She sighed nang magtungo sa kwarto niya. Konsolasyon na lang talaga niya na malapit na niyang makita si Migo.
---
Naunahan ni Lara ang alarm clock niya kinabukasan. She was that excited. Kailangan ay malaman ni Migo na early riser siya. Ayaw nito sa nali-late? Walang problema!
Nagulat pa nga si Auntie Rosette na maaga siyang bumaba sa dining room.
“Good morning, Auntie!” nakangiti niyang bati.
“Good morning! Aba, ang aga mo yata?” napatingin pa ang matanda sa relo nito. “Hindi pa tapos lutuin ang almusal.”
“It’s okay po,” sabi niya. “Maghihintay po ako.”
“Excited ka,” sabi ni Auntie Rosette. “Naayos mo ba ang portfolio mo?”
“Oo naman, Auntie. I’m sure, walang dahilan si Migo para magalit sa akin.”
“Hmn, kumusta naman ang pag-uusap ninyo ng asawa mo?” Syempre, alam nitong unang beses na usap nila iyon ni Migo pagkalipas ng maraming taon. Kaya naman, may bahid ng panunuksko ang tinig ng matanda.
“Ang ganda ng boses ni Migo, Auntie. Parang iba na sa pagkakatanda ko,” matapat namang tugon niya.
“Bata ka pa kasi noon. Si Mr. Villareal din naman ay dise-nueve pa lang nang dalhin ka niya rito. Hay naku, kay bilis ng panahon! Ikaw ay talaga namang lumaking napakaganda! Siguradong mas hahanga sa ‘yo ang asawa mo kapag nakita ka niya nang personal!”
Napakunot noo siya dahil parang kinikilig si Auntie Rosette. Gayunpaman ay hinayaan na lang niya. Mas concern siya sa sinabi nitong kapag nakita siya ni Migo nang personal.
“Nakikita ako ni Migo?”
“Miss Lara,” ngumiti si Auntie Rosette habang nginunguso nito ang CCTV camera sa dining room. “Walang audio ang mga iyan para sa privacy mo. Pero nakikita ka ng asawa mo.”
Namilog ang mga mata niya. So, the cameras were really working???
‘Gosh, Lara! Nakakahiya ka! Ano naman sa tingin mo? Mag-iinstall ng camera tapos hindi gumagana? Gano’n ka cheap ang tingin mo sa bilyonaryo mong asawa?’
Tapos naalala niyang sinabi nga pala ni Atty. Baltazar na pwede niyang i-check ang mga recordings para mapatunayan niyang umuwi nga ng limang beses doon si Migo pagkatapos ng kasal nila.
“Auntie,” aniya. “Alam mo rin bang umuuwi rito si Migo?”
“Ah,” parang napatda ito pero nakabawi rin. “Miss Lara, ‘wag mong sabihing nakikipaghiwalay ka sa asawa mo? Iyon lang ang dahilan kaya nalaman mo ang bagay na iyan.”
“So, totoo po? Kailan? Bakit hindi ko po alam?” parang gusto niyang magtampo. “Ibinigay sa akin ni Atty. Baltazar ang time stamp. Pwede ko po bang i-check sa mga recordings?” Tama, baka nga sa pamamagitan noon ay makita niya ang mukha ni Migo.
“‘Kung para makita lang ang mukha niya, ‘wag na. Wala ka ring makikita.”
Lumabi siya. Bakit ba basang-basa siya ni Autie Rosette? Hindi bale na nga. Ngayon naman ay makikita na rin niya sa wakas si Miguel Villareal!
Makapaghihintay pa siya ng ilang oras.
Hindi makapaniwala si Lara.She graduated Summa Cum Laude tapos ay Assistant to the Assistant ang trabaho niya? Clerical!Gustong mag-walk out ng dalaga. Anong tingin sa kanya ng magaling niyang asawa? Wala siyang kayang gawin? Sige, given nang fresh graduate siya. Tanggap pa niya ang Assistant eh.Pero iyong maging Assistant siya ng Assistant, aba, masyado atang minamaliit ni Migo ang kakayahan niya?Ang isa pang nakakainsulto, kaya raw 'yon ang posisyon na in-offer sa kanya ay dahil wala naman daw talagang bakante. Kung hindi lang daw malakas ang backer niya, hindi raw siya tatanggapin doon.Yes! The HR Manager was that straight fo
"Nakita mo na ba ang CEO?" Lara randomly asked Kylene one boring day while she was photocopying memos to be distributed to the company's various departments. "Si Mr. Villareal? Hindi pa. Kapag may meeting naman kasi, hanggang Manager level lang ang kasama. Saka may sariling elevator si Sir na diretso lang sa floor niya," sagot ni Kylene na kaunti lang ang tanda sa kanya. Pansin niya rin na introvert ito. Hindi ito nakikisali sa mga ibang kasama nila sa department. Sa katunayan, binu-bully ito. Tinatambakan ng paper works na kung tutuusin, hindi na sana nito trabaho. "Misteryoso rin pala siya kahit dito," bulong niya."Ano 'yon, Lara?" "Wala," she said, shaking her head. Inilipat niya sa mesa ang mga papel at inumpisahang mag-sort. "Heto pa. Kailangan ito in thirty minutes!"Nagliparan ang mga inaayos ni Lara dahil pabagsak na inilapag ni Lizzie sa mesa niya ang isang makapal na folder. Kung hindi tumalikod
Napangisi si Lara habang sinisingit sa photocopied files para sa CEO ang annulment papers na pirmado na niya. She knew that annulment doesn't work like divorce but at least, the papers that she signed would let him know that she was dead serious about it. Enough is enough. She was so done. If Miguel wouldn't take her seriously, then he should just let her on her own. Hindi na niya ito kailangan dahil malaki na siya. 'That sounds so ungrateful, Lara,' maagap na banat ng isip niya. Oo na. Utang niya kay Miguel lahat ng mayro'n siya ngayon. Pero hindi ba pwedeng hanggang doon na lang? Pabayaan na siya nito so she could live her own life away from him. Tutal naman, wala itong balak magpakita sa kanya!Para saan ba ang pakasalan siya kung ni dulo ng buhok nito, hindi niya masilayan? Ni hindi ba sila pwedeng maging magkaibigan? What was Migo's reason for being so mysterious? Aanuhin niya ba ito? Lara was tired. She didn'
Napatingala si Lara nang tumigil sa harapan niya si Migo. She could still remember how he was a tall guy when she was just little. Pero bakit gano’n? Parang hindi siya lumaki? Hanggang ngayon ay kailangan pa rin niyang baliin ang leeg niya para tingnan ito sa mukha. Lara realized na matangkad na lalaki si Miguel Villareal. He exuded an intimidating aura. And power, naghuhumiyaw iyon sa tayo pa lang nito. Sa mga tingin nitong parang nagmula pa sa North Pole, and yet despite the coldness, hindi rin maikakaila ang matinding galit sa mga iyon.What did she do that offended him? ‘Duh, Lara, nagtanong ka pa? Look at yourself! You’re a mess! Nahuli ka sa aktong nakikipag-away! Nakakahiya ka. I’m sure, mas lalong hindi papayag si Migo na malaman ng lahat na asawa ka niya!’ “What are you doing?” he asked.Pakiramdam ni Lara, nagkabikig ang lalamunan niya. When she opened her mouth to speak, walang lumabas na boses sa mga labi niya. O talaga lan
Dahil bad trip pa rin si Lara, pagkahatid sa kanya sa opisina nang sumunod na araw, hindi siya pumasok. She just made her driver think na nagawa nito ang trabaho nito na ihatid siya sa trabaho.Pero pagkababa niya, nag-taxi siya papunta sa condo ni Anastacia."I'm leaving in an hour," anang kaibigan niya na parang ayaw pa siyang papasukin. Nagpa-plantsa ito ng buhok nito."I need someone to talk to, Tasya!" Kahit hindi siya welcome, pumasok pa rin siya at ibinagsak ang sarili sa kama ng kaibigan na bumalik din agad sa harap ng vanity nito."Okay, shoot. I guess I can multitask," sabi na lang ni Tasya na abala pa rin sa buhok nito.Napabuga naman siya ng hangin. "I've seen Migo," wika niya at bahagya pang napaigtad nang sumigaw ang kaibigan niya. "Ouch!" daing nito na napaso ang sarili dala ng pagkagulat sa sinabi niya. "So, ano itsura ng guardian mo? Pogi ba ang famous pero mysterious
Hindi kumikibo si Lara habang kumakain sila ni Miguel. Wala siyang ganang kumain kahit sa totoo lang ay gutom naman talaga siya. Naiinis siya sa kinalabasan nang matagal niyang pangarap na makita muli ito. She had expected to see the gentle Migo who was so in love with her sister back then. Bakit makalipas ang labing-anim na taon ay hindi lang pisikal nito ang nagbago? Gone was the kind and sweet Miguel Villareal she once knew. Napalitan iyon ng nakaka-intimidate at overbearing nitong version. "Why didn't you come to work?" tanong nito habang nagpupunas ng labi. He was already done eating. Samantalang siya naman ay nilalaro na lang ang pagkain sa pinggan niya. "Para ano? You humiliated me, remember? Ano pang mukha ang ihaharap ko ro'n?" She rolled her eyes at him."You are twenty-three, Lara. Hindi ka na bata. Can't you handle such a small matter?" may bahid ng pagkairita ang tono nito. "How about you? Must you confront me
"Lara!" natutuwang bati ni Kylene nang makita siya. "Akala ko pati ikaw ay sinisante! Mabuti naman at suspension lang sa 'yo!"Napakunot-noo siya. Suspension? Suspended ba siya dapat? Iyon ba ang pinalabas ni Migo sa opisina?Gayunpaman ay hindi na siya nagsalita pa tungkol doon. Alangan namang sabihin niya rito na wala lang siya sa mood kaya hindi siya pumasok."Sino ang natanggal?" aniya."Si Lizzie. Pati na si Kendra," tugon nito. "One-third ng department natin suspended kahapon." Napaisip si Lara. Paano nalaman ni Migo ang nangyayari sa kanya roon eh kagabi lang naman siya nagsabi? At dahil lang sa naiinis siya. But he had fired them in the morning when she hadn't said a word to him yet. Totoo nga kaya ang sinabi nito? Na may pakialam ito sa nangyayari sa kanya roon dahil asawa siya nito?'Dapat lang, Lara. Siya ang nagpasok sa 'yo sa sitwasyong ito. He should be responsible,' sabi ng makatwiran niyang ut
Migo didn't come home that night. But it wasn't like he was supposed to anyway. Sixteen years nga itong hindi umuwi, 'di ba? Magtataka ba siya dapat sa isang gabi? Lara tossed and turned on her bed hanggang sa mag-umaga na lang na hindi siya nakakatulog. What's wrong with her?It was just that she kept thinking about Miguel the whole night without a reason why. Lutang na bumangon siya at naligo. "Miss Lara, may sakit ka ba?" Puna ni Auntie Rosette habang sinisilbi ang almusal niya. Dinama pa nito ng likod ng palad nito ang noo niya."Wala po," nangalumbaba siya. "Did Migo come home, Auntie?" "Hindi," binigyan siya nito nang nagtatakang tingin. "Wala naman siyang sinabi na uuwi siya. Malamang ay nasa condo niya siya." "Saan ang condo niya, Auntie?" tanong niyang kumukuha ng pagkain kahit na alam naman niyang hindi sasabihin sa kanya ni Auntie Rosette kung saan umuuwi si Migo. "May problema ka ba, Miss Lara?" sa halip ay nananantiyang tanong nito
Seventeen years ago, Lara did not understand why she survived a massacre and her family didn’t. Even when her mind was etched with the face of their killer, all she ever thought was giving justice to their deaths. She knew she would see him again. And she was not wrong. Almost two decades passed, their paths crossed again. Now that she stood at the witness stand and she could see the horror in Stefano’s eyes, Lara was convinced that God allowed her to live for that very purpose. To make Stefano pay for the crimes he committed. Kanina, nang makita siya ng lalaki, labis ang gulat nito. Siguro nga, talagang inisip nito na patay na siya. Well, hindi niya ito masisisi. Nakita nito ang kalagayan niya noon dahil ito ang may kagagawan kaya siya tinamaan ng bala. Pero sorry na lang ito, hindi pa niya oras. Lara swore an oath to tell only the truth. At iyon din naman ang ginawa niya. But she was surprised by her own composure. She didn’t break down even when she recalled everything that happ
“Stop crying, I’m not dead yet.” Hindi malaman ni Lara kung matatawa siya o madadamay sa pag-iyak ng dalawa niyang emosyonal na mga kaibigan. After a week and a half since she almost died, Miguel finally allowed her friends to know about what happened to her and visit her.“Shut up!” nagkukusot pa ng mga matang ani Tasya. “You always do this to us! I’m scared the next time, we’ll just be mourning over your dead body!”“Lara, how could you not tell us? We get it that we might not be able to protect you like your husband could, but aren’t we your friends? At least let us know about what’s going on with you,” seryoso na dagdag ni Chester. His eyes were red from tears earlier. “I’m sorry,” aniya. “Hindi ko naman sadya na hindi talaga sabihin—”“I asked you!” agaw ni Tasya. “You didn’t tell me! Kung alam ko lang na delikado ang gagawin mo no’n, I should have never agreed to help you! Nagsisisi ako na hinayaan ko na hindi ko alam ang plano mo!”“Tash, sorry na… I didn’t want to tell you
“I think our baby is moving…”Lara laughed softly at what Miguel said. Nasa tiyan niya ang kamay nito at dinadama iyon kahit hindi pa umuumbok. “Is that so?” Alam naman niyang imposible iyon dahil ilang linggo pa lang naman ang sanggol sa sinapupunan niya. But she didn’t have the heart to correct him. Migo was just excited. “Then get ready, Migo. I’m sure paglabas niya ay isa siyang makulit at malikot na bata!”“Maganda rin, mabait, matalino, matapang at mana sa mama…” Miguel smiled gently at her. That warmed her heart. Lara was happy, so happy. “You want a daughter?” “Kahit son o daughter, ayos lang. Ang importante, pareho kayong maging maayos ng anak natin.” Umusod ito para masuyo siyang hawakan sa kanyang pisngi. “I love you, sweetheart…”“I love you too, Miguel…” Miguel bent to kiss her lips softly. Gustong maiyak ni Lara. She could feel her husband’s love for her and she was ashamed that she caused him to worry too much then. Pero sa kabila nang padalos-dalos na pagpayag n
“Sometimes I wonder why I am still alive. Is it for you to spoil me with visits like this?” Meredith rolled her eyes at him. Nakasandal lang ito sa headboard ng hospital bed nito nang abutan niya. “Araw-araw kang narito, Migo.”“It’s for you to realize that there’s someone who is not yet ready to lose you,” Miguel answered, lightly pinching his friend’s cheek. “As if!”Hindi fatal ang mga gunshot wounds nito dahil nakasuot naman ito ng bulletproof vest. Pero tinamaan kasi ito sa braso at balikat. She was just recovering now from her wounds. Pero ang sakit nito, patuloy na lumalala. “Have you made up your mind yet?”Meredith sighed. “Matagal na akong nakapagdesisyon, you know it. So, I don’t understand why you’re still trying to convince me every day.”“Mer, until you’ve tried everything, it’s not yet over. Besides, do you really want to leave me now?” pangongonsensya niya.“Cut it out,” natatawa nitong saway. “Hindi mo ako madadala sa ganyan. Alam ko na masaya ka na. Hindi mo na ako
“You should’ve just killed me,” mapait pero unremorseful na sabi ni Stefano.“We’re not the same, Stefano. I am not a killer,” tugon niya. Kalalabas lang sa ospital ng pinsan niya, pero sa kulungan ito idiniretso. Stefano’s arms were both gone. Gayunpaman, hindi kakikitaan ng pagsisisi ang lalaki sa lahat ng ginawa nito.“You are so full of yourself, Miguel. Darating din ang araw mo!” “Ang mahalaga, dumating na ang sa ‘yo. Show even a little remorse, Stefano. You killed not only the woman you claim to love, but also your own blood!”His cousin laughed bitterly. “You killed them.”“I didn’t. It was your selfishness and love for money that killed them. You killed them, Stefano.”“I’m the bad guy now?” Tila naiimposiblehan pa ito.“You’ve always been,” sagot niya. “Even before we met, you already ruined Lolo’s trust in you. Wala akong kinalaman sa lahat ng sinasabi mo na naging pagbabago. You made all the changes yourself.”Tumawa ulit ito. “Pwede kang tumanggi, Miguel. You didn’t. You
“Lena… It’s you… Lena!”Lara was utterly confused. Mistulang baliw na biglang naging maamong tupa si Stefano na nakaluhod pa habang gagap ang mga kamay niya. He was calling her by her sister’s name repeatedly. “Lena, I’m sorry. I’m sorry!” Kinalagan nito ang posas niya at pinaghahalikan ang mga kamay niya. “Are you hurt?” Diring-diri si Lara, but she was too afraid to do anything that might trigger Stefano to do something dangerous to her. “I knew that you’re alive!” He stood up and hugged her. “They all lied to me, Lena!” Nang yakapin siya nito at bahagyang mahila ang buhok niya, that was when it dawned to Lara. Her hair was down. Hindi niya namalayan ang paghulagpos no’n sa pagkakatali niya kanina. At kapag nakalugay ang buhok niya ay kamukhang-kamukha niya ang ate niya. Stefano was not able to differentiate her from her sister for a reason unknown to Lara. What was going on with him?“Alam ko na babalik ka!” Ikinulong nito sa mga palad nito ang mukha niya. Lara couldn’t say
“Stefano!!! Leave my wife alone!!!!!!!!!!”Tawa lang ang naging sagot sa kanya ni Stefano.“Do not hurt her!” “I’ll say it again, Miguel. From this time on, susundin mo lahat ng sasabihin ko. I’ll call you again.”Tapos ay tinapos nito ang tawag. Napasuntok siya sa manibela. Hawak ni Stefano si Lara. It was his fault! Dapat ay sa kinaroroonan ng asawa niya siya sumama. He could have protected her! “Location, Jaxen?” baling niya sa kasama na nasa backseat. His assistant was monitoring their distance from Lara’s last known location. Pagdating nila sa safehouse, mga tauhan niyang paisa-isa na lang ang hininga ang inabutan nila. The traitor knew where to shoot to kill. But what he was not aware of was that one of his comrades was able to plant a tracking device on him. Iyon ang sinusundan nila ngayon hoping na hindi pa nito iyon napapansin at inalis na para iligaw sila. Stationary ito sa kasalukuyan which meant that they were no longer moving. Kung base sa tawag ni Stefano na kasama
Lara was beginning to feel uncomfortable that she was too comfortable. She was being treated nicely and there was still no sign of Stefano even after arriving for several minutes already. Lima ang bantay niya sa loob ng isang may kaluwagang silid ng isang safe house. Ang dalawa ay nasa may pintuan, nagbabantay. Ang isa na mukhang lider ng mga ito ay nasa may bintana at panaka-nakang tsini-check ang paligid sa pamamagitan ng binocular. Ang dalawa naman ay nasa sulok, naglalaro ng cards. Habang siya ay tahimik lang na nakaupo sa sofa at pinaglilipat-lipat ang tingin sa mga ito na wari ba’y nalilito.Hindi iyon ang address na pinadala ni Stefano sa kanya. Nevertheless, it could just mean that he was trying to confuse her. After all, wala namang may alam ng lakad niya kundi silang dalawa lamang. But then the question was, where the heck was Stefano? Bakit siya nito pinaghihintay?She was calm a while ago, pero nang magsimulang maglabas ng baril ang nasa bintana at sipat-sipatin nito iyon
“Are you sure you are going to do this?” “Ngayon ka pa mag-aalala? Please, Miguel, I’m not a child.” Parang nakita pa niyang nagroll eyes si Meredith kahit na boses lang nito ang naririnig niya. She was not a child indeed. Pero hindi niya maiwasang mag-alala. She was going to do a dangerous mission for him and Lara. “Remember to prioritize your safety, Mer.”“You know that I have nothing to lose anymore. This might just give meaning to my life…” “I want you back safe and sound,” tugon naman niya. Alam niya kung ano ang tinutukoy ni Meredith. A few days ago, she confessed everything to him. And he was saddened a great deal. He was losing a friend to a terminal disease. Not that Meredith didn’t fight it. She did. Alone. She didn’t tell anyone until doctors already gave up on her. “If i’ll be back, I want you for myself, Migo. So, don’t ask for it,” biro nito. He let out a low chuckle. Pero totoong malungkot siya. When she told him about her condition, he was shattered. Meredith