“W-What?” hindi makapaniwalang tanong ni Letitia sa kaniyang ina, lumipat ang kaniyang tingin sa kaniyang ama at sa ina nila Andrew. No! No! Hindi ito totoo, hindi pa patay ang ate niya, hindi pa siya patay. “Mom. Ano ba naman kayo, prank ba ito? Wala akong oras makipagbiruan. Tama na,” ani Letitia, pilit na kinukumbinsi ang kaniyang sarili na biro lang ang sinasabi ng kaniyang ina. “Anak... Si A-Alex,” utal-utal na wika ni Marrisa habang siya ay humihikbi, tumayo siya at hinawakan ang kamay ng anak na ngayon ay nanginginig na. “A-Alex? Kasabwat niyo? Asan na ba 'yang pamangkin ko? You got me, huh. Ang galing niyo umarte, I mean si tita Andrea talagang magaling, sikat na actress nga siya eh. Nasaan ba ang camera?” Hindi umimik ang kaniyang ina o kaya ang kaniyang ama, nanatili lang silang tahimik habang magkayakap at inaalo ang isa'
Terakhir Diperbarui : 2022-01-25 Baca selengkapnya