Home / Romance / Their Broken Dreams / CHAPTER 1: Laughter To Tears

Share

Their Broken Dreams
Their Broken Dreams
Author: AngelicHeart_Beat

CHAPTER 1: Laughter To Tears

last update Last Updated: 2022-01-25 17:39:48

Malakas at nakakabinging tugtog ng nakakaindak na musika ang sumasalubong sa mga tao na pumapasok sa nightclub na pagmamay-ari ni Letitia Ellis.

Maraming mga tao ang pumupunta sa nightclub upang makihalubilo sa ibang tao, makipagkita sa kanilang mga kaibigan o ano pang ibang dahilan upang sila ay makapagsaya na umaabot pa hanggang madaling araw.

Ang mga tao ay nagtatawanan kasama ang kani-kanilang kaibigan, ang iba ay nasa dance floor at masayang umiindak o nagsasayaw habang ang karamihan ay nasa kanilang lamesa at nag-iinuman na para bang wala ng bukas.

"YOLO o You only live once" sabi nga sa karatula na nasa labas lang ng nightclub ni Letitia.

“Hey, miss. What's up?” bati naman ng isang gwapo at matipunong lalaki kay Letitia, nakatayo ito habang nakatanday ang isa niyang siko sa mataas na lamesa.

Liningon naman siya ni Letitia saka tinitigan, sinuri ni Letitia ang kaniyang mukha saka inilibot ang kaniyang paningin mula ulo hanggang paa.

‘Is he new here? I guess? Well, mukha naman siyang presintable. Mukhang mayaman, maganda ang katawan at ang kaniyang pananamit, hindi siya sobrang gwapo pero hindi rin naman siya pangit. P'wede na rin,’ ani Letitia sa kaniyang sarili saka ibinalik ang kaniyang tingin sa mata ni Mr. Stranger.

Matamis siyang ngumiti saka hinawi ang kaniyang itim at bagsak na buhok gamit ang kaniyang maganda at malalambot na kamay. “Hey! I'm just... Chilling,” wika ni Letitia saka marahan na umiling bago abutin ang kaniyang inumin sa lamesa.

Ngumiti naman ang lalaki saka umupo sa tabi ni Letitia at nagsalita. “Bakit naman mag-isa ka lang na nakaupo rito? Wala ka bang kasama? Did your friends leave you or something?” sabi ng lalaki habang nakatingin kay Letitia.

“Hmm, yes. I think umalis na sila... Kasama yung lalaking kausap nila,” wika ni Letitia saka ininom ang tequila sunrise niya habang nakatitig sa mga mata nitong lalaki.

“Bartender, I'd like a blue lagoon and another glass of tequila sunrise for the lady and put her drinks on my tab,” sabi ng lalaki habang nakangiti at saka kumindat sakaniya.

“You don't have to buy me a drink,” wika ni Letitia habang nakapatong ang kaniyang baba sa palad at pinapanood ang interaksyon ng dalawang lalaki sa harap niya.

‘Sinubukan ko lang naman ang tequila sunrise but I guess I'll have it again, thanks to this guy na hindi man lang ako tinanong kung ano ang gusto ko.’

“It's all right. I'll pay for it,” aniya saka muling kumindat.

Tumango lang si Letitia at ibinaling ang kaniyang atensyon sa mga taong nagsasayaw sa dance floor, karamihan ay mga bagong mukha pero marami rin ang mga regular na sa nightclub niya.

“If you're lonely then,” wika ng lalaki gamit ang kaniyang mapangakit na tono saka inilapit ang kaniyang mukha kay Letitia, “I can keep you company,” bulong niya pa.

Mahina namang natawa si Letitia sa sinabi ng lalaki at napa-iling. “Oh? Is that so? Sure,” wika ni Letitia, “pero bago ang lahat, may I... Know your name?” Bumaba ang tingin niya mula sa mata ng lalaki papunta sa labi nito saka dahan-dahan na ibinalik ang paningin sa mapungay nitong mga mata.

“I'm Gael Chavez, nice to meet you. How about you, beautiful? What's your name?” tanong naman nito habang nakangisi at nakatitig sa mata ni Letitia.

‘Gael Chavez? Hindi ba 'yon ang pangalan nung ex-boyfriend ni Aida na fiance pala ni Jaya? What a coincidence,’ wika ni Letitia sa sarili saka inilayo ang mukha sa lalaki at inabot ang kaniyang inumin.

“So, your name is Gael Chavez, huh. That's a nice name,” wika ni Letitia saka ininom ang tequila sunrise na nasa kamay niya.

“Well, thank you. Malaking bagay para sa akin ang makatanggap ng papuri mula sa isang magandang babae na tulad mo,” sagot nito, “pero hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung ano ang pangalan mo.”

Inilahad ni Letitia ang kaniyang kamay upang pormal na makipagkilala saka siya nagsalita. “I'm Letitia, Letitia Ellis. Nice to meet you, Gael Chavez. How's your engagement going?” tanong ni Letitia sa lalaki gamit ang kaniyang nang-aasar na tono habang matamis pa rin na nakangiti.

Letitia Ellis, isa sa pinakamagandang babae na makikilala mo. 

Ang mala-anghel niyang itsura, ang kaniyang porselana at mamula-mulang balat, malagong bagsak na itim na buhok, mapungay at nangungusap niyang mga mata, matangos at maliit na ilong, mapupulang labi at ang kaniyang makurbang katawan.

Isang tingin mo lamang sa kaniya'y agad kang mabibighani dahil sa kaniyang angkin na kagandahan.

Ngunit huwag kang basta bastang magtitiwala sa kaniyang mapanlinlang na itsura, mukha man siyang anghel ay 'wag kang sasama kung ayaw mong magdusa lalo na't lahat ng masama na ginawa mo ay may parusa.

Natigilan naman si Gael at agad-agad na tumayo. “I... Uhm, hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Hindi ako engaged, baka nagkakamali ka lang,” wika ni Gael saka siya umiwas ng tingin.

Dahan-dahan namang binawi ni Letitia ang kaniyang nakalahad na kamay  at natawa dahil sa reaksyon nito kaya naman naisipan niyang magsaya kahit ilan pang minuto. 

“Well, baka nga tama ka? Gael Chavez, hindi naman unique name 'yon kaso,” wika ni Letitia saka ibinalik ang kaniyang tingin kay Gael, “isa lang naman ang Gael Chavez na may tattoo sa leeg na hugis bungo tapos may number six sa loob at iisa lang din naman ang Gael Chavez na nanloko sa mga kaibigan ko.”

“Shit!” sambit ni Gael bago niya sinubukang tumakbo.

Ihinarang ni Letitia ang kaniyang paa dahilan para madapa ito.

Namatay naman ang musika at biglang tumahimik ang kapaligiran. Tumigil sa pagsasayaw ang ibang mga tao at nagtatakhang inilibot ang kanilang mga mata, tila hinahanap kung ano ang naging rason para mamatay o matigil ang musika.

Huminto ang kanilang paningin sa gawi ni Letitia at Gael na ngayon ay sinusubukan namang tumayo.

“Shit! Shit! Shit!” Hinarang ni Gael ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mukha dahil na rin siguro sa hiya lalo na't lahat ng mata ay sakaniya nakatingin.

Tumayo naman si Letitia at marahas na hinatak si Gael upang hindi ito makatakbo pa. “I asked you a question, bakit hindi mo muna ako sagutin bago ka umalis? Hindi ka ba nasisiyahan? Parang kanina lang ay nilalandi mo ako, ayaw mo na agad?” wika ni Letitia, habang kunwaring humihikbi.

‘You punk, akala mo makakaalis ka rito ng matiwasay? No! Sinaktan mo ang mga kaibigan ko? Humanda ka sa akin ngayon,’ wika ni Letitia sa kaniyang sarili saka pilit siyang inupo.

“Kumusta? Masaya ba maging fiance ni Jaya habang girlfriend mo si Aida?” tanong ni Letitia kay Gael na halata namang kinakabahan na.

Napasinghap naman ang ibang mga tao na nakarinig sa sinabi ni Letitia.

“Fiance siya ni Jaya habang girlfriend niya si Aida?” sabi ng isang babae habang bumubulong sa katabi niya.

“Pinagsabay niya? Ang kapal ng mukha, hindi naman siya gwapo.”

“Kilala ko 'yan eh! Gael Chavez, heartthrob nga 'yan sa school namin dati, playboy. Narinig ko nga sa kaibigan ko na engage siya kay Jaya kaya nga nagulat ako nang makita ko siyang kasama si Aida then nalaman ko na lang na ginamit lang pala niya si Aida para sa pera.” 

“Tsk, tsk. Kanina nga, kinausap ako niyan tapos nang hindi ko siya pinansin, nagalit.”

“Oh? Sikat ka pala? Nice!” wika ni Letitia saka ipinalakpak ang kaniyang dalawang kamay.

‘Mas sisikat ka pa ngayon, thank me later.’

“Alam mo, naisahan mo ako, eh. Akala ko mayaman ka kasi puro branded at mamahalin suot mo tapos ang lakas mo pang mag 'put her drinks on my tab', although hindi naman mahal yung drinks but sure, balato ko na 'yon sa'yo. Don't get me wrong, masama ang loob ko, hindi mo man lang kasi ako tinanong kung ano ang gusto ko! Order ka nang order, hindi mo man lang inisip na tanungin ako kasi baka ayaw ko no'n!” wika ni Letitia habang padabog na ipinadyak ang dalawa niyang paa.

“Shut up! Ano ba ang gusto mo, huh?! Drinks?! Money?! Gold digger!” sigaw ni Gael na nakatalikod na habang nakatakip pa rin ang mukha at naghahanap kung saan siya may p'wedeng lusutan.

Nilabas na kasi ng ibang customers ang kanilang mga cellphone at nag-umpisang i-record ang nangyayari sa kanila.

“Jaya and Aida, kaibigan ko sila. Those two... Laging magkadikit, hindi mo mapaghihiwalay kahit anong gawin mo and then all of a sudden, nagbago na sila. Nagtataka nga ako at bakit parang hindi na sila nag-uusap then nalaman ko na dahil pala 'yon kay Gael Chavez, Aida's boyfriend and Jaya's fiance. Nag-iisip nga ako kung paano ko sila mapag-aayos kanina tapos dumating ka at,” wika niya saka inabot muli ang kaniyang inumin, “pinadali ang buhay ko.”

“Shut up! Ano bang pakielam mo?! Umupo ka na lang d'yan at mag-abang ng bagong bibili ng drinks mo! Bitch!”

Tumawa nang malakas si Letitia. “Yes, yes! Gagawin ko 'yon. I'll make sure na mamaya, ang bibili ng drinks ko ay hindi kuripot at manloloko like you,” wika niya.

“Ohhhh!” 

“Manloloko ka naman pala, eh!”

“Burn!”

Sari-sari na sigaw at hiyaw ng mga tao sa club na nanonood sa kanila.

“If manloloko ka, make sure na hindi magkakilala at kung lalandi ka pa, make sure ulit na hindi ulit magkakilala. Hina mo, eh. Practice ka pa,” wika ni Letitia saka ngumisi at ibinuhos sa ulo ni Gael ang natitirang tequila sunrise na nasa baso niya, “kung may mukha ka pang ihaharap ngayong sikat na sikat ka na.”

Marami ang nagulat dahil sa ginawa ni Letitia. Nakabibinging katahimikan naman ang bumalot sa buong nightclub, ang iba ay nanlalaki ang mga mata, napatakip ng kanilang bibig, at nagpipigil ng kanilang tawa. 

Hinawi ni Letitia ang kaniyang buhok saka Itinaas ang hawak niyang baso saka sumigaw. “Let's celebrate Mr. Gael Chavez's debut as a rookie but deadly asshole! Your drink is on me!” tuwang-tuwa na wika ni Letitia.

Agad namang napahiyaw sa tuwa ang mga tao at kasabay nito ang pagtuloy ng nakakabingi dahil sa lakas na musika.

Ibinaba ni Letitia ang hawak niyang baso sa lamesa saka tumingin kay Gael at ngumiti. “Bartender, put his drinks on my tab,” sabi niya sa Bartender na nakatayo sa kabila ng lamesa.

“Yes, ma'am.”

Ngumiti naman ulit si Letitia at nagpaalam. “Bye! I hope nag-enjoy ka Mr. Chavez! Kasi ako? Pinasaya mo ang gabi ko!” sigaw ni Letitia bago pumunta sa dance floor.

“Tia!”

“Tia!”

“Tia!”

“Tia!”

“Who's Tia? It's me! Who's Tia? That's me!” tuwang-tuwa na sigaw ni Letitia habang masiglang sumasayaw kasabay ang iba pang regular na sa nightclub niya.

Patuloy lang sila sa pagsayaw at pag-inom, kitang-kita sa kanilang mga mukha ang saya habang gumigiling at umiindak sila.

Isang lalaki naman ang lumapit kay Letitia mula sa likod at humawak sa kaniyang balikat, dahilan upang siyang lumingon sa gawi nito.

“Oh, Owen?! What's up?! Ang tagal mo! Huli ka na tuloy, tapos na ang exciting na part! Come,” wika ni Letitia saka hinawakan ang kamay ng kaibigan na si Owen Greyson para yayain sumayaw.

“Uhm... T-Tia, may tumatawag kasi sa phone mo, eh. B-Baka mahalaga?” utal-utal na wika ni Owen, habang nakayuko at nakalahad ang kamay na hawak ang telepono niya.

“Ano?! Hindi kita marinig!” sigaw ni Letitia, tuloy pa rin ang kaniyang pagsayaw.

“M-May tumatawag sa 'yo,” bulong ni Owen habang inililibot niya ang kaniyang tingin.

“What?!”

“MAY TUMATAWAG SA 'YO!” sigaw ni Owen.

Tumawa naman si Letitia at pumwesto sa likod ng kaniyang kaibigan saka ito niyakap mula sa likod. “Buhatin mo ako,” wika niya saka hinigpitan ang kaniyang yakap.

“T-Tia!” saway naman ni Owen saka umiwas ng tingin dahil sa pamumula ng kaniyang pisngi.

Tumawa si Letitia at inabot ang kaniyang telepono bago humiwalay kay Owen. “All right. Hawak ko na at sasagutin ko na so chill ka lang d'yan. Okay?” wika ni Letitia saka lumakad pababa ng dance floor.

“I-I'm chill!” sagot naman ni Owen saka ipinagkrus ang kaniyang mga braso at umiwas ng tingin.

Tumawa lamang ulit si Letitia at pumasok sa kaniyang opisina sa first floor ng club, kasunod niya ang kaibigan na si  Owen.

Umupo si Letitia at sinagot ang tawag mula sa hindi pamilyar na numero. “Hello? Who's this?” bati niya.

“This is Andre—”

Hindi na hinayaan ni Letitia na matapos pa ni Andrew ang kaniyang sasabihin at inunahan na ito. “Wrong number ka ata?” walang gana na wika ni Letitia.

“I'm not, just liste—”

“So, bakit ka napatawag?” tanong ni Letitia.

“Patapusin mo kaya ako! Kanina ka pa salita nang salita, eh. Just shut up and listen to me,” wika ni Andrew mula sa kabilang linya.

“Yeah, yeah. Sabihin mo na agad, naiinip na ako, oh.”

“Kanina ka pa raw tinatawagan ng parents mo pero walang sumasagot kaya ako na ang pinatawag nila sa 'yo. Pumunta ka raw sa Arrellano Hospital. Room 104 daw, as soon as possible,” sabi naman ni Andrew.

“Hmm? Arrellano Hospital? Bakit? Ano naman ang gagawin ko roon?” mataray at bagot na tanong ni Letitia.

“Huwag ka na ngang magtanong, pumunta ka na lang. Pinapahirap mo pa ang buhay ko, eh.”

Napatayo naman si Letitia dahil sa narinig na sinabi ni Andrew. “What the hell?! Pati ba hirap ng buhay mo isisisi mo sa akin?! Gago ka ba?!” galit na wika ni Letitia.

Letitia and Andrew, hindi naman sila okay kahit noon pa. Pareho naman silang inis sa isa't isa pero ang hindi maintindihan ni Letitia ay kung bakit galit na galit ito sa kaniya. Wala naman siyang ginawang masama kay Andrew kaya bakit galit na galit ito sa kaniya.

Hindi na sumagot si Andrew at basta na lang niyang ibinaba ang tawag.

“Hah! Look at this despicable man! Bastos! Kinakausap pa tapos ibinaba na ang tawag?! At ano nga ulit ang sabi niya?! Pinapahirap ko ang buhay niya?! Hah! Siya nga sinasayang ang oras ko, nagreklamo ba ako?!” galit na wika ni Letitia sa sarili habang ipinapasok sa kaniyang bag ang kaniyang gamit.

“What happened? A-Are you all right?” nag-aalalang tanong ni Owen sa kaniyang kaibigan habang pinapanood itong padabog na inililigpit ang kaniyang gamit.

Tumingin sa kaniya si Letitia at huminga nang malalim. “I'm okay. May emergency lang, Owen. Kailangan ko na umalis kaya ikaw na muna ang bahala rito. Their drinks is on me so ako na ang bahala sa gastos tonight,” paalala ni Letitia saka nagmamadaling lumabas ng opisina.

Paglabas ng club ay nakasalubong niya ang iba pang mga customer. Binati niya ang mga ito saka nagmamadali siyang sumakay sa kaniyang sasakyan at ito'y pinaandar.

Dahil late na ay wala na gaanong sasakyan at traffic kaya naging mabilis at maayos naman ang naging biyahe ni Letitia papunta sa Arrellano Hospital.

Nang makarating siya sa kaniyang destinasyon ay naghanap siya ng malapit na parking space at nang makahanap siya'y dapat ipa-park niya na ang kotse ngunit may nauna sa kaniya.

‘What the...’

Tumingin siya sa likod at nang makita niyang wala namang kotse ang paparating ay inilabas niya ang kaniyang ulo sa bintana saka sumigaw. “Excuse me?! Nauna ako!” sigaw niya sa driver ng kotse.

Lumabas ang driver at hindi na rin naman siya nagulat noong makita niya kung sino ito.

“Nauna ka? Eh, bakit kotse ko ang nakaparada?” malamig ang boses na wika ng lalaki habang walang emosyon na nakatingin sa kaniya.

Hindi naman agad nakapagsalita si Letitia dahil may sense ang sinasabi nitong lalaki. “Seriously?! Why are you doing this?! Ang dami namang bakante at mas malapit pa sa 'yo!” inis na tanong niya.

“Ganito rin naman ang ginawa mo sa akin noong binyag ni Alexander, hindi ba?”

“What?! Anim na taon na ang nakakalipas simula nang mangyari 'yon! Move on!” sigaw ni Letitia sa lalaking nakatayo sa harap ng kotse niya.

“You started this war, hindi ko hahayaang matapos 'yon ng gano'n na lang kadali. Be prepared,” wika nito gamit ang nagbabantang tono.

“Nasa harap lang naman kita, bakit hindi na lang kaya kita sagasaan? Tapos sasabihin ko na aksidente lang ang lahat at hindi kita napansin kasi hindi ka naman kapansin-pansin. In wars, kadalasan matira matibay kaya kung wala ka na, sigurado na ang panalo ko 'di ba?”

Ngumisi lang ito saka sumagot. “Sure, kung gusto makulong why not?” wika nito saka lumakad papalayo.

“ANDREW! I HATE YOU! SANA MADAPA KA!” sigaw niya saka  muling pinaandar ang kaniyang sasakyan.

‘That piece of shit! Just you wait, may araw ka rin sa akin.’

Matapos mag-park ay tumakbo siya papasok sa entrance nang ospital at agad naman siyang sinalubong ni Andrew.

“Ay palaka!” gulat na wika ni Letitia, “talagang hinintay mo pa ako? Nang-aasar ka ba talaga? Ano ba ang gusto mo? Away o gulo?”

“I'm not waiting for you because I want to, sa emergency room daw.”

“Nagtataka ako, paano mo nalaman na ako 'yon? Paano mo nalamang kotse ko 'yon?!” inis na tanong ni Letitia.

“Shut up, maglakad ka na lang. Wag mo na pahirapin pa ang buhay ko,” bagot na wika ni Andrew habang  deretso ang kaniyang tingin.

“Hah! Pahirapin ang buhay mo?! Sa pagkakatanda ko, ako yung inagawan mo ng parking space. Isa pang tanong, saan mo nakuha ang number ko?!” 

“From your parents, obviously.”

“Dapat siguro sinagasaan na lang talaga kita,” nanghihinayang na wika ni Letitia habang umiiling pa.

“Dapat talaga, para p'wede kitang kasuhan at bukas himas rehas ka na.”

“Sino ba ang nagsabing mabubuhay ka pa?” mataray na tanong ni Letitia.

“Sino ba ang nagsabing mapapatay mo ako?” sagot naman ni Andrew.

“Sabagay, masamang damo ka nga pala,” wika ni Letitia saka umirap at pinagkrus ang kaniyang dalawang braso.

Natahimik ang dalawa at nagpatuloy nalamang sa paglakad hanggang makarating sila sa kanilang destinasyon. Nadatnan nila ang kanilang mga magulang na lugmok at umiiyak, dahilan para mapatakbo sila.

“Mom!” sigaw ni Andrew, bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses.

“Mommy! Daddy! What happened?! Tita Andrea? Bakit kayo umiiyak?” nagtatakhang tanong ni Letitia.

“L-Lea and Andrei... P-Patay na sila.”

Related chapters

  • Their Broken Dreams   CHAPTER 2: Mommy and Daddy?

    “W-What?” hindi makapaniwalang tanong ni Letitia sa kaniyang ina, lumipat ang kaniyang tingin sa kaniyang ama at sa ina nila Andrew.No! No! Hindi ito totoo, hindi pa patay ang ate niya, hindi pa siya patay.“Mom. Ano ba naman kayo, prank ba ito? Wala akong oras makipagbiruan. Tama na,” ani Letitia, pilit na kinukumbinsi ang kaniyang sarili na biro lang ang sinasabi ng kaniyang ina.“Anak... Si A-Alex,” utal-utal na wika ni Marrisa habang siya ay humihikbi, tumayo siya at hinawakan ang kamay ng anak na ngayon ay nanginginig na.“A-Alex? Kasabwat niyo? Asan na ba 'yang pamangkin ko? You got me, huh. Ang galing niyo umarte, I mean si tita Andrea talagang magaling, sikat na actress nga siya eh. Nasaan ba ang camera?”Hindi umimik ang kaniyang ina o kaya ang kaniyang ama, nanatili lang silang tahimik habang magkayakap at inaalo ang isa'

    Last Updated : 2022-01-25
  • Their Broken Dreams   CHAPTER 3: They Have To Get Married

    “Baby,” wika ni Letitia gamit ang kalmadong tono saka umupo sa tabi ng kama ni Alexander,”hindi kami ang mommy and daddy mo.” Hinawi niya ang buhok ni Alexander at hinalikan ang noo nito.‘There's no way na kami ang mommy and daddy mo, hindi kami kasal at hindi kami magpapakasal. Isa pa, product ng love ang baby, hate ang nararamdaman namin para sa isa't isa,’ wika ni Letitia sa kaniyang sarili saka pilit na ngumiti.“M-Mommy... Ang sakit po ng katawan ko,” naiiyak na wika ni Alexander, nakatingala lamang siya kay Letitia habang pinipigilang lumuha.“Shh, it's okay. I'm here, tatawagin lang muna namin ang doctor para ma-check ka, all right?” sabi ni Letitia sa kaniyang pamangkin, hinawakan niya ang kamay nito saka mahinang pinisil.Tumango lang si Alexander at inilipat ang kaniyang paningin sa binatang nakatayo sa kabilang bahagi ng kama niy

    Last Updated : 2022-01-25
  • Their Broken Dreams   CHAPTER 4: The Talk

    “WHAT?!” sabay na sigaw ng dalawa nang kanilang marinig ang sinabi ni Andrea.'Marriage? Okay lang ba si tita? Baka nauntog 'to tapos naalog ang utak kaya wala sa sarili,' wika ni Letitia sa kaniyang sarili“Mom?! Marriage? Hindi po 'yon puwede!” wika naman ni Andrew habang nakakunot ang kaniyang noo at nakasimangot, bakas sa kaniyang mukha ang 'di pagpayag.Napatingin naman si Letitia kay Andrew saka agad na nalipat ang tingin kay Andrea. “Tama! Hindi po 'yon maaaring mangyari! Wala akong balak at ayokong magpakasal at kung magpapakasal man ako.” Bumalik kay Andrew ang tingin ni Letitia saka siya muling nagsalita. “Never and I mean never! Siyang magiging option o masasama sa choices ko!” wika ni Letitia nang may diin ang bawat salita habang nakaturo kay Andrew.Tumaas naman ang kilay ni Andrew sa sinabi ni Letitia. Humarap ito sa kaniya saka ngum

    Last Updated : 2022-02-10
  • Their Broken Dreams   CHAPTER 5: Hateful

    “WHAT?!” sabay na sigaw ni Andrew at Letitia nang kanilang marinig ang suhestyon ng ina niya.‘Marriage? Why do we have to get married?!’ wika ni Andrew sa kaniyang sarili saka tumingin sa dalagang nasa tabi lamang niya.Lumipat ang kaniyang paningin sa ina na nakaupo at umiinom ng kape. “Mom?! Marriage? Hindi po 'yon puwede!” wika ni Andrew habang nakakunot ang noo at bakas sa kaniyang mukha ang 'di pagpayag.“Tama! Hindi po 'yon maaaring mangyari! Wala akong balak at ayokong magpakasal at kung magpapakasal man ako,“ wika ng dalaga saka ito tumingin kay Andrew at nanuro. “Never and I mean never! Siyang magiging option o masasama sa choices ko!”Tumaas ang kilay ng binata sa mga sinabi ni Letitia ngunit makalipas ang ilang sandali'y ngumisi ito at saka nagsalita. “Oh? Really? Well then that's great! Kasi wala ka rin naman sa opti

    Last Updated : 2022-02-11
  • Their Broken Dreams   CHAPTER 6: Selfish?

    Gulat at hindi makapaniwala si Letitia sa kaniyang nakita. Ngayon lamang kasi niya nakitang galit si Andrea, madalas kasing wala itong ekspresyon o nagpapanggap na masaya kapag kasama sila.Huminto ang ama ni Letitia sa pinto ngunit iba ang plano ni Letitia.Lumakad siya papalapit sa mag-ina at nagulat siya sa kaniyang nakita. Umiiyak si Andrew habang ito'y nakangiti na para bang mga devasted na bida sa pelikula.“What the hell is going on? Shit. Are you crying?” tanong ni Letitia sa dalawa, nakatuon ang atensyon niya sa binata at siya ay nagpipigil ng kaniyang tawa.‘No, shit. Stop it, hold your fucking horses, Letitia. This is not the right time para tumawa. You are a shitty person but not this shitty so hold your fucking horses and swallow that laugh. We don't celebrate someone's misery even if they are the most despicable person in this whole wide world,’ wika niya sa kaniyang sarili saka mariin na kinagat ang

    Last Updated : 2022-02-12

Latest chapter

  • Their Broken Dreams   CHAPTER 1: Laughter To Tears

    Malakas at nakakabinging tugtog ng nakakaindak na musika ang sumasalubong sa mga tao na pumapasok sa nightclub na pagmamay-ari ni Letitia Ellis.Maraming mga tao ang pumupunta sa nightclub upang makihalubilo sa ibang tao, makipagkita sa kanilang mga kaibigan o ano pang ibang dahilan upang sila ay makapagsaya na umaabot pa hanggang madaling araw.Ang mga tao ay nagtatawanan kasama ang kani-kanilang kaibigan, ang iba ay nasa dance floor at masayang umiindak o nagsasayaw habang ang karamihan ay nasa kanilang lamesa at nag-iinuman na para bang wala ng bukas."YOLO o You only live once" sabi nga sa karatula na nasa labas lang ng nightclub ni Letitia.“Hey, miss. What's up?” bati naman ng isang gwapo at matipunong lalaki kay Letitia, nakatayo ito habang nakatanday ang isa niyang siko sa mataas na lamesa.Liningon naman siya ni Letitia saka tinitigan, sinuri ni Letitia ang k

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status