‘Oh my gosh! Iyan ba iyong boyfriend ni Mesty kanina?!’ Hindi makapaniwalang napatitig si Jade sa lalaking dumating. Palipat-lipat ang mga tingin niya lalo pa noong tumayo ang mag-asawang Ong para salubungin ang lalaki. “Jared, hijo,” ani ng babaeng Ong. “Hi, Mom.” Bumeso iyong Jared sa ina. Mas lalong nalaglag ang panga ni Jade. Napakurap-kurap pa siya habang nakatitig sa mga ito. ‘Mesty’s boyfriend is our family friend?’ She still couldn’t digest the thought. Then she remembered why the guy was familiar. Kamukha ito ni Mr. Ong na nakilala niya kagabi! ‘Oh my, kaya naman pala!’ “And this is my daughter, Jade, Jared.” Nabalik lang siya sa wisyo nang lumapit ang ama sa kanya at itinuro siya. Mabilis n
อ่านเพิ่มเติม