“Nami, ako na muna rito. May pasok ka pa ngayon, ‘di ba? Baka mahuli ka,” saad sa akin ni ate Margie. Saglit ko munang tinitigan si tita bago siya binalingan. Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kaniya dahil sa kabila ng lahat, narito pa rin siya at handa kaming tulungan. Nasabi ko na sa kaniya kagabi ang tungkol sa kalagayan ni tita. Nasabi ko na sa kaniya ang lahat ng sinabi sa akin ng doktor. Kahit siya ay lubos na hindi makapaniwala. Kahit labas naman na sana siya sa aming problema, dinamayan niya pa rin kami. Malalim akong bumuga ng hininga saka nginitian siya. “Salamat po talaga, ate. Huwag ka pong mag-alala, gagawin ko po ang lahat para mabayaran ka.” Lumapit siya sa akin at tinapik ako sa aking balikat. “Naku, huwag mo muna ‘yang isipin. Malaki na rin ang naitulong ni tita Cecilia sa akin noon pa man. Kaya isipin mo na lang muna na ito ang aking kabayaran sa kaniyang kabutihan,” mahaba
Last Updated : 2022-01-28 Read more