Venus POV "Oh, I thought.." hindi ko na natuloy ang plano kong sabihin ng humalakhak si dad. Juice colored! Kinabahan ako do'n ah. "I'm sorry sweetie. Anyway, what do you think?" Tanong nito na bahagya pang nakataas ang mga kilay. Marahan akong tumango at agad na ngumiti. I guess, nami-miss nila na may inaalagaan. Sino ba naman ako para hadlangan ang kaligayahan ni mom? Ang totoo n'yan, gusto ko na ring magkaroon kami ni Sage ng anak. Ang kaso lang- hindi ko naman alam kung 'yon din ba ang gusto n'ya. Marami s'yang iniisip at iniintindi sa kumpanya. Halos hindi na nga kami magtagpo sa bahay dahil abala rin ako sa pagi-edit ng aking manuscript. "Kung hindi lang siguro nahihirapang magbuntis ang mommy mo baka may mga kapatid ka ngayon. Ang totoo n'yan- hindi ikaw ang panganay na anak, Venus.." Napahinto ako sa aking narinig, ibig sabihin ay hindi ako ang unang ipinagbuntis ni mommy? "Dalawang beses na nakunan ang mommy mo noon bago ka dumat
Last Updated : 2022-03-28 Read more