Venus POV
Pareho kaming napahinto ng pumasok ang isang doktora. Hindi ito katangkaran ngunit morena at maganda ito. Agad itong ngumiti sa amin ng makita kaming dalawa ni Tristan."Oh, gising kana pala!" Agad itong lumapit sa akin at may dalang tray. "Tristan naman, bakit hindi mo ako kaagad tinawag!" Pinandilatan pa nito si Tristan ng mga mata at ngumiti naman sa akin.Ngumuso naman si Tristan at bahagya pang nagkamot sa ulo. "Sorry ha? Medyo na-carried away kasi ako sa usapan naming dalawa! Nakalimutan ko tuloy!""Sus, mukha mo! Ang sabihin mo gandang-ganda ka sa kanya!" May halong pang-aasar sa tono ng boses nito at ngumisi. "Anyway, I'm Queenette Geronimo. Personal doctor ako ng pamilya nina Tristan." Masigla nitong sabi.Tulad ng ginawa ni Tristan kanina ay nakipagkamay rin ito sa akin."I'm Venus Gabrielle Amonte-Dawson." Pakilala ko at bahagya pang nanlaki ang mga mata nito."What?! Ikaw si Mrs. Dawson? Ang asawa ng sikat na bilyonaryong negosyVenus POVIt's been two days before I decided to take a guts na puntahan si Sage sa bahay. I want him to know about my pregnancy, dahil may karapatan parin s'yang malaman ang patungkol sa pagbubuntis ko. Kahit na pinilit ako ni Tristan at Queenette na doon muna manatili sa kani-kanilang bahay kung kanino man ako magiging komportable ay mas pinili ko nalang na mag check-in sa hotel. "Ano? Handa ka na ba?" Tanong sa akin ni Queenette habang naglalakad kami patungo sa parking lot. Bumuntong hininga ako dahil ngayon palang ay kinakabahan na ako sa mga posibleng mangyari. Hangga't maaari ay kailangan kong kumalma. "H-Handa na.." may pag-aalinlangan kong sagot ngunit tinapik lamang ako nito sa aking balikat. Matapos ang mahigit isa't-kalahating oras na pag byahe namin ay nakarating na kami sa bahay namin ni Sage. Medyo sa kalayuan ipinarada ni Tristan ang sasakyan at dali-dali naman akong bumaba. Kinakabahan man ay kailangan kong lakasan ang loob ko. Sigu
Venus POVSa pangalawang pagkakataon ay nagising akong puting kisame na naman ang sumalubong sa akin. Akmang pipikit pa sana ako ng maalala ang huling nangyari na ikinataranta ko. Kinapa ko ang aking tiyan at nag-umpisa na namang uminit ang aking sulok ng mga mata."Venus?"Napatingin ako kay Tristan na nasa couch lang pala na hindi ko napansin kanina. "What's the matter? May masakit ba sayo?" Kalmado nitong tanong na ikinailing ko. Tumingala ako upang makita s'ya at halata sa itsura nito ang pag-aalala. "Yung baby ko? A-Ano.. nandito parin ba s'ya?" Natataranta kong tanong at agad kong hinawakan ang aking impis na tiyan. Bumuntong hininga ito at marahang tumango bilang tugon sa akin. "Calm down, ligtas s'ya.." Doon lamang ako nakaramdam ng pagkapanatag sa aking kalooban. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag maging ang anak ko ay hindi ko magawang ingatan. "Please, promise me na.. magiging matatag ka para sa anak mo." Wika nito na mabilis
Venus POVIt's been six months since I left the Philippines. I left them without any explanation- well, aside to my family. Alam nilang nandito ako sa America, nalaman rin nila ang nangyari sa pagitan namin ni Sage. Wala silang ideya na buntis ako. Hindi ko rin sinabi ang eksaktong lugar na kinaroroonan ko dahil ayaw kong dalawin nila ako dito. Hangga't maaari ay mananatili lamang itong sikreto dahil ayokong makarating kay Sage ang patungkol dito. Pinakiusapan ko narin silang hangga't maaari ay wala na silang pagsasabihan pa. Gusto ko munang matikman ang tahimik na buhay at umiwas sa gulo alang-alang sa pagbubuntis ko. Masasabi kong hindi naging madali ang pagbubuntis ko. Madalas akong mahilo, magsuka o kaya naman ay maging antukin sa oras ng trabaho. Oo, nagta-trabaho parin ako kahit na ayaw pumayag ni Tristan. Gusto ko kasing may magamit sa panganganak ko. Bukod pa doon ay nagamit ko rin ang inipon ko ng ilang taon noon para makabili ng bahay rito.Kahi
Venus POV"Please relax yourself Venus." Paalala sa akin ni Queenette ng lagyan nito ng gel ang aking tiyan para sa aking ultrasound. Nakatingin lamang ako sa monitor habang si Tristan naman ay ganoon rin at tutok na tutok sa monitor. "So, as you can see.. kamay 'yan ni baby! Oh- wait!" She gasped. Mas inikot nito sa aking tiyan ang hawak n'yang transducer at naramdaman ko ang paggalaw ni baby sa loob ng aking tiyan. "Oh, my! It's a baby boy!" She exclaimed. Napangiti ako ngunit agad na nangilid ang aking luha. "Totoo? Lalaki?!" Halos hindi rin makapaniwalang tanong ni Tristan na ikinatango ni Queenette. "Totoong-totoo!" Hawak ni Tristan ang resulta ng aking ultrasound at halos walang pagsidlan ang kasiyahan nito. Maging ako ay walang humpay sa pagngiti dahil sa aking nalaman. God gave me a little man. Na mamahalin ako ng buo. Na sasamahan ako kahit saan. Na magiging lakas ko, at magbibigay lakas sa akin sa bawat problemang darating. "I'm
Venus POV"Huwaw! Grabe ang ganda na!!" Nanlalaki pa ang mga mata ni Queenette ng purihin nito ang kuwarto ni baby na si Tristan mismo ang nag-ayos. Walang halong biro ang sinabi nito noon na magaling s'ya sa ganitong bagay. Kulay puti at kulay asul ang wallpaper na ginamit n'ya. Ayaw n'ya raw ng pintura at baka makasama kay baby. S'ya narin ang nag-ayos ng mga gamit at talaga namang nakasalansan ng maayos ang mga gamit nito magmula sa mga damit at iba pang kailangan ni baby. Mano-mano n'ya ring nilabhan ang mga napamili naming mga damit dahil gusto n'ya raw ma-experience kung paano maglaba ng hindi gumagamit ng washing machine o kaya ay ipa-laundry. "I told you guys! Expert talaga ako sa bagay na 'to!" Pagmamayabang nito sa amin kaya sabay pa kaming natawa ni Queenette dahil sa sinabi nito. "Oo na! Ikaw na ang magaling!" Natatawa kong sabi kaya mas lalo itong ngumiti na halos ikawala na ng mga singkit n'yang mga mata. Matapos naming tulungan si Trista
Venus POV"Buntis! Bangon na! Maglalakad-lakad na tayo ulit!" Sigaw ni Tristan sa labas. Nitong nakaraang araw ay sinabayan ako ni Tristan na mag zumba kaya naman hanggang ngayon ay medyo mas masakit ang mga hita at singit ko. Agad na bumukas ang pinto at agad ako nitong inalalayan ng makitang nahihirapan akong makaupo. "Naghanda na ako ng breakfast. Kumain muna tayo." Usal nito na ikinatango ko naman. Nauna itong lumabas habang ako naman ay pumunta muna ng banyo upang makapaghilamos at makapag mumog."Nga pala, naihanda na namin ni Queenette ang mga gamit na dadalhin mo sa ospital. Ang sabi n'ya, kapag nakaramdam ka ng pananakit ng tiyan ay tawagan raw agad s'ya." Saad nito at nilagyan ng bacon ang pinggan ko. Masyado talaga silang hands-on pagdating sa akin. Alagang-alaga ako. "Wala pa naman akong nararamdaman. Isa pa, malayo pa ang due date ko-"Napahinto ako ng maramdamang bigla nalang may bumulwak mula sa aking puwerta! Napahinto rin si
Venus POV "Hey, baby Lucius.. you're so cute." Queenette giggled when she touched Lucius tiny hands. I smiled when I saw how happy they are. Maging ako ay labis ang saya na aking nararamdaman. Karga-karga ni Tristan si baby Lucius at nakangiti lamang ito. "He got your nose, Venus.." komento ni Tristan kaya mas lalo akong napangiti. "Oo nga! Pero.. the rest puro na sa asawa mo.." nag-aalangan namang sabat ni Queenette. "But he's handsome! Aside from that.. super duper cutie!" Lucius Rae Amonte. Iyan ang ipinangalan ko sa kanya. Hindi ko na itinuloy ang unang pangalan na naisip ko dahil mas napag-isip-isip kong dumating sa buhay ko si Lucius sa pinakamadilim na parte ng buhay ko. He light up my world and he give me hope. Ngayon palang ay panatag na ang loob ko. Hindi na ako matatakot na mag-isa sa buhay ng dahil sa kanya. Ngayon ay mayroon na akong pagkukuhanan ng lakas at panibagong pag-asa sa buhay. Matapos ang mahigit dalawang linggo na pananatili sa
Venus POVBeing a mother is not easy. I've seen a different stage of Lucius. Magmula sa pagiging iyakin n'ya at sa iba pang bagay. I must say that, you need a lot of patience to survive each day of being a mother. Pero sa lahat ng pagod, puyat o ano pa mang sakripisyo ay hindi naman matatawaran ang sayang dala n'ya sa aming lahat. My baby is growing too fast! Sana ay wala akong mapag-iwanan sa paglaki n'ya. Gusto kong ako ang unang maka-saksi sa lahat ng mga bagay na magagawa n'ya. Mula sa monthly miles stone n'ya. Pagdapa, paggapang, paglalakad at pagsasalita. Hanggang sa lumaki s'ya at maging sa mga future achievements na makukuha n'ya. He is not perfect. At iyon ang dapat na maintindihan ng lahat sa kanilang mga anak. Tanggapin ang mga kakulangan nito. I don't want him to put on pressure- lalong-lalo na sa pag-aaral. As long as na natututo sya, it's enough for me. Kung ano man ang mga pangarap n'ya.. I'll make sure that I'll be his number one fan! I'll be
"Here she is!"Hinalikan ko si Venus sa noo nang ipatong sa kanyang dibdib si baby. Iyak ito nang iyak ngunit tumahan rin ng maramdaman ang kanyang ina. Napahikbi na lamang ako sa tuwa. This is the most awaited moment! Finally, after of how many months! I hold her little hand. Her soft skin make me shivers. She's so beautiful! My baby is so damn beautiful! "Amaris Serenity. That will be her name." Bulong ko at ngumiti naman sa akin si Venus. "Amaris. It's beautiful."Makalipas ang ilang oras ay karga-karga ko lamang si baby Amaris. Tulog lamang ito at para bang kumportableng-kumportable dahil karga ko. "Oh my! She's so beautiful, hijo!" Komento ni lola at marahan itong hinaplos. "Indeed, la." Tugon ko at marahan s'yang isinayaw. "Mi amore? Do you want to eat more?" Rinig kong tanong ni Lucius dahil sinusubuan nito ang kanyang mommy ng apple. How sweet. Talagang big boy na ang aking unico hijo. "Thank you so much, mahal!" Nakangiti saad ni Venus at tumango. "You're welcome,
When I was young, I noticed to myself na marami pa ding kulang sa akin despite of everything I have. Nag rebelde? Yes. Naranasan ko iyan. But years after, gusto ko nang magseryoso sa buhay. "You're so lucky hijo. You found Venus. You have her. Keep her until the end." My lolo commented. Napangiti ako habang tinitingnan ang aking asawa na abala sa pakikipagkuwentuhan sa aming ilan pang mga kaibigan. Naisip kasi ni lola na mag celebrate dahil kabuwanan na nga ni Venus. Dito na rin sa mansyon ginanap ang munting salo-salo para sa aming lahat. "I know lo. Ako na ata ang pinakamasuweteng lalaki sa buong mundo." Nakangiti kong saad. Nakita ko ang pagsimsim ni lolo ng red wine at napangiti rin ito. "You know why I forced you to get married years ago?" Tanong nito kaya napahinto ako. Wala akong ibang ideya kung hindi para lamang sa mamanahin ko noon. Iyon lang naman ang nakikita kong rason kung bakit ako nais ipakasal ni lolo? "Dahil sa mamanahin ko?" Halos bulong ko nang saad at nar
Venus POV"Sage! Wake up!" Malakas kong inalog ang katawan nito habang nasa mahimbing na pagtulog upang agad s'yang magising. Napatingin ako sa orasan at pasado alas-dos na pala ng madaling araw. "W-What is it wife?" Tanong nito at marahang bumangon at naupo. "Gusto ko ng kamias.." nakanguso kong saad at para bang awtomatikong nawala ang antok nito dahil sa narinig. "Nang alas-dos ng madaling araw, wife?" Gulat pa nitong tanong kaya marahan akong tumango. "Alright, if that's what my baby want- my baby gets."Ani nito at agad na tumayo at humalik muna sa akin bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Maya-maya pa ay narinig ko na ang makina ng sasakyan nito paalis kaya agad akong sumilip sa bintana at nagdarasal na sana ay may mahanap s'yang kamias. Hihikab-hikab akong lumabas nang kuwarto at isa-isang binubuksan ang mga ilaw sa aking dinadaanan. I am now ten weeks pregnant. Noong nakaraang linggo lang namin nalaman ni Sage na buntis na pala ako kaya sobrang sensitive ko- maging sa pang
Venus POV "Napakaganda mo anak!"Napangiti ako nang makita ko si dad. Namumula ang mga mata nito na tanda na galing sa pag-iyak. "Salamat dad!" Nakangiti kong saad at hinawakan nito ang aking kanang kamay. "I dreamed about this for you, sweetheart. I want you to be happy, I want your heart to be happy.." bulong nito kaya marahan akong napatango. Nangilid ang aking luha kaya naman tumingala ako upang maiwasan ang pagbagsak ng tubig mula sa aking mata."Oh my! I'm so happy baby!" Impit na tili ni mommy ngunit kalalip no'n ay ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. "Ang tagal kong hinintay ito, Venus. Seeing you with that wedding dress- sari-saring emosyon ang nararamdaman ko.." Alam kong napakasaya nila sa araw na ito. Maging ako rin ay samut-saring emosyon ang nararamdaman. Pakiramdam ko ay may kung anong kakaiba sa loob nang aking tiyan. Hindi ako mapakali. "Thank you mom and dad! Salamat dahil nandyan kayo!" Agad ko silang niyakap. Ang akala ko noon ay hindi ko na mararanasa
Venus POVMarahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit agad rin akong napapikit nang tumama sa aking mata ang nakakasilaw na liwanag mula sa kisame. Bahagya pa akong napahawak sa aking talukap dahil sa panunubig ng aking mga mata dulot ng paghapdi. Muli kong sinubukang dahan-dahang dumilat. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng paligid, tama nga ang nasa isip kong nasa ospital ako-"Doc! She's awake!"Napatingin ako sa pinto at doon ay nakita ko ang isang matangkad na babae na medyo may katabaan. Nakaputi ito na uniporme at agad na tinakbo ang direksyon ko. She's checking me out. Pumasok rin sa loob ang doctor na tinawag nito sa labas at bahagya pa itong ngumiti sa akin. "I'm glad that you're awake Mrs. Dawson.." malumanay nitong saad ngunit hindi ito ako umimik. I tried to open my mouth, ngunit agad ko rin isinara nang makaramdam ako ng paghapdi sa aking lalamunan. "I'll get some water doc!" Ani naman ng isang nurse na ikinatango ng doktor. "It's normal na mamalat ang lala
Venus POV Namuo ang pawis sa aking buong katawan. Nakita ko kung paano dahan-dahang bumagsak sa sahig katawan ni Aira. Dilat ang mga mata nito at hindi na gumagalaw at butas rin ang noo nito dahil sa bala ng baril na pagmamay-ari ni Barron! "Oh? Ano pang tinutunganga n'yo? Iligpit n'yo 'to!" Sigaw nito habang nanlalaki ang mga mata at pawisan ang kanyang noo. Ni hindi man lang ito kumurap ng binaral n'ya si Aira sa mismong noo nito! Agad na nagsikilos ang ilan n'yang mga tauhan at tsaka naman ibinaling ang tingin sa akin. Ngumisi ito at agad na inilagay sa kanyang tagiliran ang baril na ginamit sa pagpatay. "Nakaganti ka na Venus! Siguro naman ay hahayaan mo na akong angkinin ka?" Nakakapangilabot nitong sabi kaya bahagya akong napaatras. "Hayop ka talaga!" Singhal ko at ngumisi lamang ito sa akin. Agad itong tumalikod sa akin t hinarap naman ngayon si KD. Galit na tumingin sa kanya sa KD at agad naman s'yang nakatikim ng suntok sa simura habang hawak si KD ng dalawang lalaki.
Venus POV"Hoy! Gumising ka!"Agad akong napamulat ng mga mata ng maramdaman ang mabigat na palad na dumampi sa aking pisngi. "H'wag mo 'kong tingnan ng ganyan baka tukusin ko 'yang mga mata mo! Pabalik na rito si Barron, kaya dapat lang na imulat mo na 'yang mga mata mo!" Singhal sa akin ni Aira- ang kaibigan ni Barron. Inis ko lamang iniwas ang aking mga mata at inilibot sa paligid ang aking paningin. Tatlong araw na akong nakakulong rito. Wala silang ibang ginawa kundi ang bugbugin ako at sapilitang ipainom sa akin ang kung ano man gamot ang basta na lamang nilang isinasalpak sa aking bibig. "Ano namang meron? Kapag ba dumating si Barron ay maiisipan n'yo na akong palayain? Wala naman atang magbabago!" Inis kong saad ngunit narinig ko ang pagak na pagtawa ni Aira at marahas na hinawakan ang aking buhok."Wala nga! Dahil mabubulok ka na rito! Kung puwede nga lang kitang ilibing ng buhay ay baka ginawa ko na! Tutal wala ka namang silbi!" Aniya at agad na binitawan ang aking buhok.
Venus POV"Anong pakiramdam na malapit ko ng makuha ang paghihiganti na gusto kong mangyari?" Nakangising tanong ni Barron habang habang ang isang sigarilyo sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay nito ay may hawak na baril. Napalunok na lamang ako dahil baka bigla na lamang ako nitong maisipang barilin. Gusto ko pang mabuhay. "Tumigil ka na lang Barron. Magbago ka na!" Singhal ko ngunit namayani lamang ang boses nito sa buong kuwarto. "Magbago? Magkamatayan na pero hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyan Venus! Ipinusta ko na rito ang buhay ko! Kaya hinding-hindi ako papayag na hindi mangyari ang mga planong inihanda ko!" Sigaw nito at agad na humithit sa sigarilyo habang nanlalaki pa ang mga mata sa galit. "W-Wala akong kasalanan sayo! Pero paulit-ulit mo akong ginugulo!"Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko dahil hindi na kayang dalhin ng puso ko ang labis na emosyon. Naninikip anh dibdib ko sa mga oras na ito at pagkamuhi ang labis na aking nararamdaman sa tuwing titingin
Venus POVNagulat ako nang bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok na naman ang dalawang lalaki na naglagay sa akin dito. "A-Anong kailangan n'yo?" Tanong ko at mas lalo pa akong nagsumiksik sa sulok. May hawak silang isang mahabang lubid kaya mas lalo akong nakaramdam nang kaba sa aking dibdib. "Dumating na si boss! Gusto ka raw n'yang makitang humihinga!" Sagot ng isa sa kanila at muling naghalakhakan. Marahas akong dinampot nang mga ito at sapilitang itinayo. Kahit anong panlalabang gawin ko ay wala ring silbi dahil mas malalaki ang katawan nila kumpara sa akin at mas malakas. Agad nila akong kinaladkad palabas. Napakahigpit nang pagkakahawak nila sa akin at halos matisod na ako sa paglalakad ngunit wala silang pakialam. May narinig akong mga tawanan. Hanggang sa palakas ito nang palakas. Nakita ko ang ilang kalalakihan na nag iinuman at agad kaming huminto sa paglalakad. "Boss!" Tawag ang lalaking mataba na may hawak sa akin. Dahan-dahang humarap sa amin ang bukod tan