Venus POV
"Buntis! Bangon na! Maglalakad-lakad na tayo ulit!" Sigaw ni Tristan sa labas.Nitong nakaraang araw ay sinabayan ako ni Tristan na mag zumba kaya naman hanggang ngayon ay medyo mas masakit ang mga hita at singit ko.Agad na bumukas ang pinto at agad ako nitong inalalayan ng makitang nahihirapan akong makaupo."Naghanda na ako ng breakfast. Kumain muna tayo." Usal nito na ikinatango ko naman.Nauna itong lumabas habang ako naman ay pumunta muna ng banyo upang makapaghilamos at makapag mumog."Nga pala, naihanda na namin ni Queenette ang mga gamit na dadalhin mo sa ospital. Ang sabi n'ya, kapag nakaramdam ka ng pananakit ng tiyan ay tawagan raw agad s'ya." Saad nito at nilagyan ng bacon ang pinggan ko.Masyado talaga silang hands-on pagdating sa akin. Alagang-alaga ako."Wala pa naman akong nararamdaman. Isa pa, malayo pa ang due date ko-"Napahinto ako ng maramdamang bigla nalang may bumulwak mula sa aking puwerta! Napahinto rin siVenus POV "Hey, baby Lucius.. you're so cute." Queenette giggled when she touched Lucius tiny hands. I smiled when I saw how happy they are. Maging ako ay labis ang saya na aking nararamdaman. Karga-karga ni Tristan si baby Lucius at nakangiti lamang ito. "He got your nose, Venus.." komento ni Tristan kaya mas lalo akong napangiti. "Oo nga! Pero.. the rest puro na sa asawa mo.." nag-aalangan namang sabat ni Queenette. "But he's handsome! Aside from that.. super duper cutie!" Lucius Rae Amonte. Iyan ang ipinangalan ko sa kanya. Hindi ko na itinuloy ang unang pangalan na naisip ko dahil mas napag-isip-isip kong dumating sa buhay ko si Lucius sa pinakamadilim na parte ng buhay ko. He light up my world and he give me hope. Ngayon palang ay panatag na ang loob ko. Hindi na ako matatakot na mag-isa sa buhay ng dahil sa kanya. Ngayon ay mayroon na akong pagkukuhanan ng lakas at panibagong pag-asa sa buhay. Matapos ang mahigit dalawang linggo na pananatili sa
Venus POVBeing a mother is not easy. I've seen a different stage of Lucius. Magmula sa pagiging iyakin n'ya at sa iba pang bagay. I must say that, you need a lot of patience to survive each day of being a mother. Pero sa lahat ng pagod, puyat o ano pa mang sakripisyo ay hindi naman matatawaran ang sayang dala n'ya sa aming lahat. My baby is growing too fast! Sana ay wala akong mapag-iwanan sa paglaki n'ya. Gusto kong ako ang unang maka-saksi sa lahat ng mga bagay na magagawa n'ya. Mula sa monthly miles stone n'ya. Pagdapa, paggapang, paglalakad at pagsasalita. Hanggang sa lumaki s'ya at maging sa mga future achievements na makukuha n'ya. He is not perfect. At iyon ang dapat na maintindihan ng lahat sa kanilang mga anak. Tanggapin ang mga kakulangan nito. I don't want him to put on pressure- lalong-lalo na sa pag-aaral. As long as na natututo sya, it's enough for me. Kung ano man ang mga pangarap n'ya.. I'll make sure that I'll be his number one fan! I'll be
Chapter 36.1 Venus POV "Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday our dear Lucius, happy birthday to you!" Sabay-sabay kaming pumalakpak matapos n'yang hipan ang kandila at kumalat ang usok nito sa kabuuan ng lugar. "Happy birthday anak!" Masaya kong bati sa kanya. Agad kong niyakap ito ng mahigpit at agad naman n'yang ipinulupot ang maliit na kamay sa aking katawan. Habang si Queenette naman ay abala sa pagkuha sa amin ng larawan. "Thank you mi amor!" Tugon nito kaya mas lalo akong napangiti. "Time flies so fast, seven birthday mo na pala! Hindi naman puwedeng si amore lang ang yayakapin mo!" Kunwari namang nagtatampong saad ni Tristan at humalukipkip pa. Agad itong kumalas sa akin ng yakap at nilapitan si Tristan. Sabay silang ngumiti ng mayakap ang isa't-isa. "Happy seventh birthday Lucius the pogi!" Natatawang saad ni Tristan at agad na kinarga si Lucius. "Oh, no! Put me down uncle! Sabi mo po last night hindi
Venus POV"Mi amore, can I go with you? Please.. I'll carry all the stuff you'll going to buy!" He eyes getting smaller when he smiled from ear to ear. I pinched his nose and kissed him in his forehead. "I'm sorry mahal, but you can't go with me. But, I can buy a chocolate ice cream for you!" Nakangiti kong saad and his eyes widened. "Really Mi amore? Then, buy me a chocolate ice cream! I promise that I'll clean this house together with tito Tristan!" Itinaas pa nito ang kanyang kamay at itinuro ang buong kabahayan. Napangiti naman si Tristan na mataman kaming pinapanuod."Talaga lang bata ha? Kapag nagpapalakas kasama ako?" Natatawang sabat pa nito kaya napangisi na ako. Plano ko kasing mag grocery ngayon. Ang kaso nga lang, gustong sumama ni Lucius na hindi ko talaga pinapayagan. Paminsan-minsan naman ay isinasama namin s'ya, kapag kasama ko sina Tristan at Queenette. "Take care mi amore, if something bad happen just call me right a way!" Huma
Venus POVMatapos ang mahigit tatlong araw ay hindi ko na ulit nakita o nakausap pa si Cindy. Napapitlag ako ako ng marinig na may kumalabog sa aking kuwarto at dali-daling itinigil ang ginagawa kong pagtipa sa aking keyboard. Agad kong tinungo ang aking kuwarto at dali-dali kong binuksan ang pinto. Tumambad sa akin si Lucius na prente lamang na nakaupo habang gamit ang aking lumang laptop. "Mi amore?" Tumingin ito sa akin na bahagya pang nakakunot ang mga noo. Papalit-palit ang tingin ko sa kanya at sa laptop na gamit n'ya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tumabi. Napalabi na lamang ako ng makitang nakatingin na pala s'ya sa larawan ni Sage! "I saw him mommy." Panimula nito na ikinahinto ko. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga sa aking dibdib. N-Nakita n'ya si S-Sage? Ngunit paano? Bakit hindi ito nabanggit sa akin ni Tristan?"Sa balita. They said that he's one of the famous billionaire! Magaling raw s'yang businessman mi amore!" His ey
Venus POVNakangiti kong ibinaba ang tawag ng isa sa mga aking bagong kasamahan sa upwork habang aking inaayos ang mga manuscript na ni-request ni Miss Yves nitong nakaraang araw. Wala si Lucius dito ngayon. Kasama s'ya ni Tristan at Queenette sa lakad ng mga ito at planong igala dahil nga malungkot ang bata. Pinapayagan ko lamang s'yang gumala kapag kasama si Queenette at Tristan. Dahil wala naman sigurong mag-aakalang hindi nila anak si Lucius. Nag-iingat parin ako sa mga posibilidad na baka bigla nalang kaming matagpuan ni Sage. Alam kong si Tristan din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi n'ya kami mahanap-hanap. Alam kong simula ng dumating si Lucius sa buhay namin ay wala s'yang pagsidlan ng saya sa bawat oras na kasama n'ya kami ng anak ko. Matagal ng hiwalay ang mga magulang ni Tristan. May katandaan narin ang mga ito kaya nanatili na lamang rito sa America ngunit hindi magkasundo at nagkaroon nang kanya-kanyang pamilya simula ng mag-divorc
Venus POVLibo-libong kaba ang aking nadarama ng makababa na kami sa eroplanong aming sinakyan. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang kumilos at nanlalamig ang aking mga kamay at paa dahil matapos ang ilang taon- nandito akong muli sa pilipinas. "It's good to be back!" Masayang saad ni Queenette at mukhang enjoy na enjoy pa ito. "Wow, I'm so excited mi amore! Mabuti nalang tito Tristan and tita Queenette taught me how to speak tagalog!" My son exclaimed and smiled from ear to ear. Napalunok ako at bumuntong hininga. I should've enjoy this moment- hindi 'yong nilalamon ako ng kaba! "Relax! Wala naman s'ya rito.." bulong ni Tristan sa akin at tanging tango na lamang ang naging tugon ko. "For sure, matutuwa sina mama at papa kapag nakita itong si Lucius! Matagal na kaya nilang hinihirit sa akin na makita ng personal si Lucius!" Rinig ko pang saad ni Queenette. Agad na humawak si Lucius sa kamay nito at mukhang masayang-masaya dahil natupad rin ang gusto nit
Venus POVNang makarating kami sa condo unit ay agad kong inihiga si Lucius sa malambot na kama. Napagod kasi ito sa buong biyahe at paniguradong kinulang sa tulog. Agad namang pumasok si Jeron bitbit ang mga bagahe kasama si Queenette at Tristan. Tinulungan ko na silang magligpit. Marami rin kasing pinadalang baon ang mga magulang ni Queenette para sa mahabang biyahe namin. "Anyway, I think kukuha nalang ako ng panibagong unit.." mahinang saad ni Tristan at sabay pa kaming napatingin sa kanya. "Ha? Bakit naman kuya Tristan, kasya naman tayong lahat dito ah?" May halong pagtatakang tanong ni Jeron. "What I mean is, dati pa akong may nagmamay-ari ng isang condo rito. I guess doon nalang muna ako mag s-stay sa ngayon. May kailangan rin kasi akong asikasuhin.." paliwanag nito at bitbit ang kanyang maleta na lumabas. "Hayaan n'yo na. Baka may dalaw ngayon si Tristan!" Natatawang saad ni Queenette ngunit hindi nakatulong iyon upang maalis ang aking pag-aalala
"Here she is!"Hinalikan ko si Venus sa noo nang ipatong sa kanyang dibdib si baby. Iyak ito nang iyak ngunit tumahan rin ng maramdaman ang kanyang ina. Napahikbi na lamang ako sa tuwa. This is the most awaited moment! Finally, after of how many months! I hold her little hand. Her soft skin make me shivers. She's so beautiful! My baby is so damn beautiful! "Amaris Serenity. That will be her name." Bulong ko at ngumiti naman sa akin si Venus. "Amaris. It's beautiful."Makalipas ang ilang oras ay karga-karga ko lamang si baby Amaris. Tulog lamang ito at para bang kumportableng-kumportable dahil karga ko. "Oh my! She's so beautiful, hijo!" Komento ni lola at marahan itong hinaplos. "Indeed, la." Tugon ko at marahan s'yang isinayaw. "Mi amore? Do you want to eat more?" Rinig kong tanong ni Lucius dahil sinusubuan nito ang kanyang mommy ng apple. How sweet. Talagang big boy na ang aking unico hijo. "Thank you so much, mahal!" Nakangiti saad ni Venus at tumango. "You're welcome,
When I was young, I noticed to myself na marami pa ding kulang sa akin despite of everything I have. Nag rebelde? Yes. Naranasan ko iyan. But years after, gusto ko nang magseryoso sa buhay. "You're so lucky hijo. You found Venus. You have her. Keep her until the end." My lolo commented. Napangiti ako habang tinitingnan ang aking asawa na abala sa pakikipagkuwentuhan sa aming ilan pang mga kaibigan. Naisip kasi ni lola na mag celebrate dahil kabuwanan na nga ni Venus. Dito na rin sa mansyon ginanap ang munting salo-salo para sa aming lahat. "I know lo. Ako na ata ang pinakamasuweteng lalaki sa buong mundo." Nakangiti kong saad. Nakita ko ang pagsimsim ni lolo ng red wine at napangiti rin ito. "You know why I forced you to get married years ago?" Tanong nito kaya napahinto ako. Wala akong ibang ideya kung hindi para lamang sa mamanahin ko noon. Iyon lang naman ang nakikita kong rason kung bakit ako nais ipakasal ni lolo? "Dahil sa mamanahin ko?" Halos bulong ko nang saad at nar
Venus POV"Sage! Wake up!" Malakas kong inalog ang katawan nito habang nasa mahimbing na pagtulog upang agad s'yang magising. Napatingin ako sa orasan at pasado alas-dos na pala ng madaling araw. "W-What is it wife?" Tanong nito at marahang bumangon at naupo. "Gusto ko ng kamias.." nakanguso kong saad at para bang awtomatikong nawala ang antok nito dahil sa narinig. "Nang alas-dos ng madaling araw, wife?" Gulat pa nitong tanong kaya marahan akong tumango. "Alright, if that's what my baby want- my baby gets."Ani nito at agad na tumayo at humalik muna sa akin bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Maya-maya pa ay narinig ko na ang makina ng sasakyan nito paalis kaya agad akong sumilip sa bintana at nagdarasal na sana ay may mahanap s'yang kamias. Hihikab-hikab akong lumabas nang kuwarto at isa-isang binubuksan ang mga ilaw sa aking dinadaanan. I am now ten weeks pregnant. Noong nakaraang linggo lang namin nalaman ni Sage na buntis na pala ako kaya sobrang sensitive ko- maging sa pang
Venus POV "Napakaganda mo anak!"Napangiti ako nang makita ko si dad. Namumula ang mga mata nito na tanda na galing sa pag-iyak. "Salamat dad!" Nakangiti kong saad at hinawakan nito ang aking kanang kamay. "I dreamed about this for you, sweetheart. I want you to be happy, I want your heart to be happy.." bulong nito kaya marahan akong napatango. Nangilid ang aking luha kaya naman tumingala ako upang maiwasan ang pagbagsak ng tubig mula sa aking mata."Oh my! I'm so happy baby!" Impit na tili ni mommy ngunit kalalip no'n ay ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. "Ang tagal kong hinintay ito, Venus. Seeing you with that wedding dress- sari-saring emosyon ang nararamdaman ko.." Alam kong napakasaya nila sa araw na ito. Maging ako rin ay samut-saring emosyon ang nararamdaman. Pakiramdam ko ay may kung anong kakaiba sa loob nang aking tiyan. Hindi ako mapakali. "Thank you mom and dad! Salamat dahil nandyan kayo!" Agad ko silang niyakap. Ang akala ko noon ay hindi ko na mararanasa
Venus POVMarahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit agad rin akong napapikit nang tumama sa aking mata ang nakakasilaw na liwanag mula sa kisame. Bahagya pa akong napahawak sa aking talukap dahil sa panunubig ng aking mga mata dulot ng paghapdi. Muli kong sinubukang dahan-dahang dumilat. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng paligid, tama nga ang nasa isip kong nasa ospital ako-"Doc! She's awake!"Napatingin ako sa pinto at doon ay nakita ko ang isang matangkad na babae na medyo may katabaan. Nakaputi ito na uniporme at agad na tinakbo ang direksyon ko. She's checking me out. Pumasok rin sa loob ang doctor na tinawag nito sa labas at bahagya pa itong ngumiti sa akin. "I'm glad that you're awake Mrs. Dawson.." malumanay nitong saad ngunit hindi ito ako umimik. I tried to open my mouth, ngunit agad ko rin isinara nang makaramdam ako ng paghapdi sa aking lalamunan. "I'll get some water doc!" Ani naman ng isang nurse na ikinatango ng doktor. "It's normal na mamalat ang lala
Venus POV Namuo ang pawis sa aking buong katawan. Nakita ko kung paano dahan-dahang bumagsak sa sahig katawan ni Aira. Dilat ang mga mata nito at hindi na gumagalaw at butas rin ang noo nito dahil sa bala ng baril na pagmamay-ari ni Barron! "Oh? Ano pang tinutunganga n'yo? Iligpit n'yo 'to!" Sigaw nito habang nanlalaki ang mga mata at pawisan ang kanyang noo. Ni hindi man lang ito kumurap ng binaral n'ya si Aira sa mismong noo nito! Agad na nagsikilos ang ilan n'yang mga tauhan at tsaka naman ibinaling ang tingin sa akin. Ngumisi ito at agad na inilagay sa kanyang tagiliran ang baril na ginamit sa pagpatay. "Nakaganti ka na Venus! Siguro naman ay hahayaan mo na akong angkinin ka?" Nakakapangilabot nitong sabi kaya bahagya akong napaatras. "Hayop ka talaga!" Singhal ko at ngumisi lamang ito sa akin. Agad itong tumalikod sa akin t hinarap naman ngayon si KD. Galit na tumingin sa kanya sa KD at agad naman s'yang nakatikim ng suntok sa simura habang hawak si KD ng dalawang lalaki.
Venus POV"Hoy! Gumising ka!"Agad akong napamulat ng mga mata ng maramdaman ang mabigat na palad na dumampi sa aking pisngi. "H'wag mo 'kong tingnan ng ganyan baka tukusin ko 'yang mga mata mo! Pabalik na rito si Barron, kaya dapat lang na imulat mo na 'yang mga mata mo!" Singhal sa akin ni Aira- ang kaibigan ni Barron. Inis ko lamang iniwas ang aking mga mata at inilibot sa paligid ang aking paningin. Tatlong araw na akong nakakulong rito. Wala silang ibang ginawa kundi ang bugbugin ako at sapilitang ipainom sa akin ang kung ano man gamot ang basta na lamang nilang isinasalpak sa aking bibig. "Ano namang meron? Kapag ba dumating si Barron ay maiisipan n'yo na akong palayain? Wala naman atang magbabago!" Inis kong saad ngunit narinig ko ang pagak na pagtawa ni Aira at marahas na hinawakan ang aking buhok."Wala nga! Dahil mabubulok ka na rito! Kung puwede nga lang kitang ilibing ng buhay ay baka ginawa ko na! Tutal wala ka namang silbi!" Aniya at agad na binitawan ang aking buhok.
Venus POV"Anong pakiramdam na malapit ko ng makuha ang paghihiganti na gusto kong mangyari?" Nakangising tanong ni Barron habang habang ang isang sigarilyo sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay nito ay may hawak na baril. Napalunok na lamang ako dahil baka bigla na lamang ako nitong maisipang barilin. Gusto ko pang mabuhay. "Tumigil ka na lang Barron. Magbago ka na!" Singhal ko ngunit namayani lamang ang boses nito sa buong kuwarto. "Magbago? Magkamatayan na pero hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyan Venus! Ipinusta ko na rito ang buhay ko! Kaya hinding-hindi ako papayag na hindi mangyari ang mga planong inihanda ko!" Sigaw nito at agad na humithit sa sigarilyo habang nanlalaki pa ang mga mata sa galit. "W-Wala akong kasalanan sayo! Pero paulit-ulit mo akong ginugulo!"Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko dahil hindi na kayang dalhin ng puso ko ang labis na emosyon. Naninikip anh dibdib ko sa mga oras na ito at pagkamuhi ang labis na aking nararamdaman sa tuwing titingin
Venus POVNagulat ako nang bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok na naman ang dalawang lalaki na naglagay sa akin dito. "A-Anong kailangan n'yo?" Tanong ko at mas lalo pa akong nagsumiksik sa sulok. May hawak silang isang mahabang lubid kaya mas lalo akong nakaramdam nang kaba sa aking dibdib. "Dumating na si boss! Gusto ka raw n'yang makitang humihinga!" Sagot ng isa sa kanila at muling naghalakhakan. Marahas akong dinampot nang mga ito at sapilitang itinayo. Kahit anong panlalabang gawin ko ay wala ring silbi dahil mas malalaki ang katawan nila kumpara sa akin at mas malakas. Agad nila akong kinaladkad palabas. Napakahigpit nang pagkakahawak nila sa akin at halos matisod na ako sa paglalakad ngunit wala silang pakialam. May narinig akong mga tawanan. Hanggang sa palakas ito nang palakas. Nakita ko ang ilang kalalakihan na nag iinuman at agad kaming huminto sa paglalakad. "Boss!" Tawag ang lalaking mataba na may hawak sa akin. Dahan-dahang humarap sa amin ang bukod tan