Venus POV
Nang makarating kami sa condo unit ay agad kong inihiga si Lucius sa malambot na kama. Napagod kasi ito sa buong biyahe at paniguradong kinulang sa tulog.Agad namang pumasok si Jeron bitbit ang mga bagahe kasama si Queenette at Tristan. Tinulungan ko na silang magligpit. Marami rin kasing pinadalang baon ang mga magulang ni Queenette para sa mahabang biyahe namin."Anyway, I think kukuha nalang ako ng panibagong unit.." mahinang saad ni Tristan at sabay pa kaming napatingin sa kanya."Ha? Bakit naman kuya Tristan, kasya naman tayong lahat dito ah?" May halong pagtatakang tanong ni Jeron."What I mean is, dati pa akong may nagmamay-ari ng isang condo rito. I guess doon nalang muna ako mag s-stay sa ngayon. May kailangan rin kasi akong asikasuhin.." paliwanag nito at bitbit ang kanyang maleta na lumabas."Hayaan n'yo na. Baka may dalaw ngayon si Tristan!" Natatawang saad ni Queenette ngunit hindi nakatulong iyon upang maalis ang aking pag-aalalaVenus POVDahan-dahan akong humarap sa kanila at agad na namutawi ang ngiti sa kanilang mga labi. Ngunit, hindi lamang iyon- maging ang kanilang mga mata ay nag-umpisa ng mabasa ng dahil sa kanilang mga luha. "Ikaw nga!"Agad akong niyakap ng mga ito ng walang pag-aalinlangan. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga oras na ito. "Ang tagal ka naming hinintay! Hinanap ka namin kung saan-saan ni Hailey! Araw-araw na nga akong nagdadasal eh!" Emosyonal na saad ni Penny ng kumalas ito sa pagkakayakap. "Saan ka ba nagpunta ha?! Pinagtataguan mo siguro talaga kami 'no?! Anim na taon iyon, Venus!" Makahulugan pang saad ni Hailey. I have nothing to say. Pakiramdam ko ay napakalayo ko na sa kanila. Kung sa gitna ng gulong ito ay sa akin parin ba sila hahawak at kakapit? O baka- kay Sage na? "Oy! Magsalita ka naman d'yan! H'wag na h'wag ka talagang magde-deny sa amin na hindi ikaw si Venus ha?! Kilalang-kilala kita magmula ulo hanggang paa!" Dagda
Venus POV "Do you have an any appointment ma'am?"Mabilis akong umiling at bahagyang ngumiti. Agad itong nag-angat ng tingin sa akin at mukhang namukhaan naman ako nito. "I-Ikaw po pala," she said in a sweet tone of her voice and immediately smiled. "You can go directly to the CEO's office." Aniya. Tumango lamang ako at agad na naglakad. Bakit pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayaring maganda ngayon? May namumuo kasing kaba sa aking dibdib at nanlalamig rin ang aking mga kamay sa hindi malamang dahilan. Parang gusto ko nalang tuloy lumabas sa kumpanyang ito at umuwi, but it's now or never. Ito naman talaga ang dahilan kung bakit kami bumalik rito sa pilipinas. Ayoko namang magsayang pa ng oras para makabalik kami agad sa America. Agad akong napahinto ng makarating sa opisina. Masyadong tahimik kaya para akong nabibingi sa sariling tibok ng puso. Napalunok ako bago tuluyang kumatok ng tatlong beses. "Come in!"Napakunot ang noo ko nang ma
Venus POVPinakatitigan ko ang aking anak habang mahimbing lamang itong natutulog. Masama man ang aking loob dahil kay Sage ay nagawa parin itong pakalmahin ni Lucius. "A-Aalis ka ba ulit?" Tanong ni Tristan. Mukha na naman itong matamlay. Mas naging maputla ang kanyang mga balat at para bang s'ya ay pumayat kaya naman bahagyang nangunot ang noo ko ng makitang nakasuot ito ng hoodie samantalang napaka-init naman ng panahon. "May sakit ka ba, Tristan?" Tanong ko habang nakakunot ang mga noo dahil sa pag-aalala. "Kung ano-anu na namang iniisip mo. Ilagay mo na nga 'yang si Lucius sa kuwarto! Para ka talagang nanay ko eh!" Komento nito at napairap na lamang. Bumuntong hininga na lamang ako dahil ayaw na ayaw n'yang nag-aalala kami ni Lucius pagdating sa kanya. Ito rin ata ang unang pagkakataon na hindi n'ya kinuha si Lucius sa akin upang ilipat sa kuwarto. O baka naman, masyado lang akong nasanay na lagi s'yang nandyan para sa akin kaya masyado akong paranoid
Venus POV Napahinto ako ng bigla na lamang bumukas ang pinto. Agad akong lumingon sa aking likuran at halos hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan ng makita sila- "Sage-"Maging sila ay nagulat rin ng makita ako rito. Marahil ay hindi nila inaasahang makita ako rito sa opisina ng lalaking ito. "V-Venus? Oh my! Ikaw ngaa!! Long time no see hija!!"Hindi ako nakagalaw ng yakapin ako ni lola Maxima. Pinlano ba ito ni Sage? "I'm surprised to see you here! Saan ka ba nanggaling? Ang tagal mong nawala! As per as David, gusto mo munang.. magpakalayo-layo- which I understand. Pasensya na hija, masyado lang ako na-excite na makasama ka ulit!" Lintaya nito. Napatingin ako kay Don Arthur na seryoso lamang ang ekspresyon at tanging tango lang ang itinugon sa akin. "Masaya akong makita ka ulit, l-lola.." nag-aalangan kong sabi at punong-puno ng kaba ang aking dibdib. Bumuntong hininga ito bago sinipat si Sage sa swivel chair. Malamang ay alam narin nil
Venus POV "Don't worry, iingatan namin itong si Lucius mare!" Saad ni Queenette habang bitbit na ang bag ni Lucius na may lamang mga pagkain nito. "Kaya nga! Pumayag kana kasi., Ngayon lang namin makakasama si Lucius 'no!" Nakanguso namang saad ni Penny. "Don't worry ate Venus. Babantayan namin ng maige si Lucius!" Si Jeron din ay nakisali na. Talagang full force na sila ah. "Mi amore, please! I really wanted to go outside.." Nagpuppy eyes pa ang batang ito kaya naman nagtawanan sila. Napabuntong hininga na lamang ako dahil ano pa nga bang magagawa ko. "O, siya! Sige! Basta mag-iingat kayo ha? Itong si Lucius ingatan n'yo!" Paalala ko at sabay-sabay pa silang napangiti. "Yehey!" Naiiling na lamang ako at talaga namang handang-handa silang mamasyal. Bago umalis ay humalik muna sa aking pisngi si Lucius. "Te queiro mucho, mi amore.." yumakap itong ng mahigpit sa akin kaya mahigpit ko rin itong niyakap. Ngumiti ako bago s'ya ginawa
Venus POV "I'm sorry Venus! H-Hindi talaga namin s'ya namalayan na.. na nakalayo na pala!" Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko mula sa narinig kay Queenette sa kabilang linya. Nangunot naman ang noo ni Tristan dahil wala itong ideya sa mga nangyayari. "Hey, what's going on? Pauwi na raw ba sila?" Seryosong tanong nito na ikinailing ko. "N-Nawawala raw si Lucius.." halos bulong ko ng sabi at nanlaki ang mga mata nito sa narinig. "Ano?! Damn! Let's go!" Singhal nito at walang pasabing hinatak na lang ako bigla. Agad nitong dinampot ang susi ng kanyang sasakyan. May nabangga pa s'yang tao sa pagmamadali. Tuluyan ng nangilid ang luha ko dahil sa pag-aalala. Hindi ko na alam kung ano pang mas mabisang gawin upang mahanap si Lucius! Matapos ang mahigit isang oras na biyahe ay agad naming narating ang park na pinasyalan nina Queenette. Nakita ko pa si Jeron na gulo-gulo ang buhok at bahagyang namumula ang mga mata. "Nasaan sila?!" Galit na tanong ni
Venus POV"Naku, kung sino man ang nakakita kay Lucius malamang at mabuting tao iyan! Pagpapasalamatan ko talaga 'yan ng husto!" Masayang saad ni Hailey. "Ako rin, aba! Kailangan pasalamatan natin ng husto dahil deserve n'ya 'yon!" Ani ni Queenette na kakatapos lamang kumalma. Tahimik lang din si Tristan habang nagda-drive at walang imik. Si Jeron naman ay nakatulog marahil sa sobrang pagod. Habang ako ay mulat na mulat at excited na makitang muli si Lucius. I badly want to see him. Kapag nakuha ko s'ya ay aalis kami agad. Ipapaayos ko kay Tristan ang mga papeles namin. There's no reason para magtagal pa. Nang makarating kami sa isang maganda at para bang isang mansyon ay napatulala na lamang kami sa ganda. This place is so damn perfect! Magmula sa mga magagandang halaman, pati na sa mga puno. Agad kong napansin ang kulay itim na sasakyan. Napakaganda ng isang 'yon! "Dito ba talaga iyong address? Mayaman pala ang nakakita kay Lucius!" Komento ni Queenette.
Venus POVWalang pasabi itong lumabas at iniwan akong nag-iisang luhaan rito. Agad ko s'yang hinabol at agad na hinawakan s'ya sa kamay. Napahinto ito at hindi inaasahang nasa harap na n'ya ako. Umiiling ako habang humihikbi. Hindi ko na kinaya ang emosyon at muli na namang nangilid ang aking mga luha. Nakita ko rin sina Hailey na nanunuod sa amin ngunit wala na akong pakialam! Wala na akong pakialam sa mga makikita nila-"S-Sage, h'wag ang anak ko.. h'wag si Lucius.." pagmamakaawa ngunit mas lalo lamang dumilim ang ekspresyon nito. Ramdam ko ang paghapdi ng aking mga mata ngunit kahit anong pigil ko ay patuloy lamang sa pagpatak ang aking mga luha. "Anak ko rin s'ya, Venus! May karapatan rin ako sa kanya! Don't be so selfish!" Singhal nito at akmang iwawaksi ang kamay ko. Bago pa man mangyari iyon ay agad na may humatak sa akin paharap mula sa likod. Hindi ko inaasahan ang isang malakas na sampal mula kay mommy! Literal akong napahinto dahil ra
"Here she is!"Hinalikan ko si Venus sa noo nang ipatong sa kanyang dibdib si baby. Iyak ito nang iyak ngunit tumahan rin ng maramdaman ang kanyang ina. Napahikbi na lamang ako sa tuwa. This is the most awaited moment! Finally, after of how many months! I hold her little hand. Her soft skin make me shivers. She's so beautiful! My baby is so damn beautiful! "Amaris Serenity. That will be her name." Bulong ko at ngumiti naman sa akin si Venus. "Amaris. It's beautiful."Makalipas ang ilang oras ay karga-karga ko lamang si baby Amaris. Tulog lamang ito at para bang kumportableng-kumportable dahil karga ko. "Oh my! She's so beautiful, hijo!" Komento ni lola at marahan itong hinaplos. "Indeed, la." Tugon ko at marahan s'yang isinayaw. "Mi amore? Do you want to eat more?" Rinig kong tanong ni Lucius dahil sinusubuan nito ang kanyang mommy ng apple. How sweet. Talagang big boy na ang aking unico hijo. "Thank you so much, mahal!" Nakangiti saad ni Venus at tumango. "You're welcome,
When I was young, I noticed to myself na marami pa ding kulang sa akin despite of everything I have. Nag rebelde? Yes. Naranasan ko iyan. But years after, gusto ko nang magseryoso sa buhay. "You're so lucky hijo. You found Venus. You have her. Keep her until the end." My lolo commented. Napangiti ako habang tinitingnan ang aking asawa na abala sa pakikipagkuwentuhan sa aming ilan pang mga kaibigan. Naisip kasi ni lola na mag celebrate dahil kabuwanan na nga ni Venus. Dito na rin sa mansyon ginanap ang munting salo-salo para sa aming lahat. "I know lo. Ako na ata ang pinakamasuweteng lalaki sa buong mundo." Nakangiti kong saad. Nakita ko ang pagsimsim ni lolo ng red wine at napangiti rin ito. "You know why I forced you to get married years ago?" Tanong nito kaya napahinto ako. Wala akong ibang ideya kung hindi para lamang sa mamanahin ko noon. Iyon lang naman ang nakikita kong rason kung bakit ako nais ipakasal ni lolo? "Dahil sa mamanahin ko?" Halos bulong ko nang saad at nar
Venus POV"Sage! Wake up!" Malakas kong inalog ang katawan nito habang nasa mahimbing na pagtulog upang agad s'yang magising. Napatingin ako sa orasan at pasado alas-dos na pala ng madaling araw. "W-What is it wife?" Tanong nito at marahang bumangon at naupo. "Gusto ko ng kamias.." nakanguso kong saad at para bang awtomatikong nawala ang antok nito dahil sa narinig. "Nang alas-dos ng madaling araw, wife?" Gulat pa nitong tanong kaya marahan akong tumango. "Alright, if that's what my baby want- my baby gets."Ani nito at agad na tumayo at humalik muna sa akin bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Maya-maya pa ay narinig ko na ang makina ng sasakyan nito paalis kaya agad akong sumilip sa bintana at nagdarasal na sana ay may mahanap s'yang kamias. Hihikab-hikab akong lumabas nang kuwarto at isa-isang binubuksan ang mga ilaw sa aking dinadaanan. I am now ten weeks pregnant. Noong nakaraang linggo lang namin nalaman ni Sage na buntis na pala ako kaya sobrang sensitive ko- maging sa pang
Venus POV "Napakaganda mo anak!"Napangiti ako nang makita ko si dad. Namumula ang mga mata nito na tanda na galing sa pag-iyak. "Salamat dad!" Nakangiti kong saad at hinawakan nito ang aking kanang kamay. "I dreamed about this for you, sweetheart. I want you to be happy, I want your heart to be happy.." bulong nito kaya marahan akong napatango. Nangilid ang aking luha kaya naman tumingala ako upang maiwasan ang pagbagsak ng tubig mula sa aking mata."Oh my! I'm so happy baby!" Impit na tili ni mommy ngunit kalalip no'n ay ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. "Ang tagal kong hinintay ito, Venus. Seeing you with that wedding dress- sari-saring emosyon ang nararamdaman ko.." Alam kong napakasaya nila sa araw na ito. Maging ako rin ay samut-saring emosyon ang nararamdaman. Pakiramdam ko ay may kung anong kakaiba sa loob nang aking tiyan. Hindi ako mapakali. "Thank you mom and dad! Salamat dahil nandyan kayo!" Agad ko silang niyakap. Ang akala ko noon ay hindi ko na mararanasa
Venus POVMarahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit agad rin akong napapikit nang tumama sa aking mata ang nakakasilaw na liwanag mula sa kisame. Bahagya pa akong napahawak sa aking talukap dahil sa panunubig ng aking mga mata dulot ng paghapdi. Muli kong sinubukang dahan-dahang dumilat. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng paligid, tama nga ang nasa isip kong nasa ospital ako-"Doc! She's awake!"Napatingin ako sa pinto at doon ay nakita ko ang isang matangkad na babae na medyo may katabaan. Nakaputi ito na uniporme at agad na tinakbo ang direksyon ko. She's checking me out. Pumasok rin sa loob ang doctor na tinawag nito sa labas at bahagya pa itong ngumiti sa akin. "I'm glad that you're awake Mrs. Dawson.." malumanay nitong saad ngunit hindi ito ako umimik. I tried to open my mouth, ngunit agad ko rin isinara nang makaramdam ako ng paghapdi sa aking lalamunan. "I'll get some water doc!" Ani naman ng isang nurse na ikinatango ng doktor. "It's normal na mamalat ang lala
Venus POV Namuo ang pawis sa aking buong katawan. Nakita ko kung paano dahan-dahang bumagsak sa sahig katawan ni Aira. Dilat ang mga mata nito at hindi na gumagalaw at butas rin ang noo nito dahil sa bala ng baril na pagmamay-ari ni Barron! "Oh? Ano pang tinutunganga n'yo? Iligpit n'yo 'to!" Sigaw nito habang nanlalaki ang mga mata at pawisan ang kanyang noo. Ni hindi man lang ito kumurap ng binaral n'ya si Aira sa mismong noo nito! Agad na nagsikilos ang ilan n'yang mga tauhan at tsaka naman ibinaling ang tingin sa akin. Ngumisi ito at agad na inilagay sa kanyang tagiliran ang baril na ginamit sa pagpatay. "Nakaganti ka na Venus! Siguro naman ay hahayaan mo na akong angkinin ka?" Nakakapangilabot nitong sabi kaya bahagya akong napaatras. "Hayop ka talaga!" Singhal ko at ngumisi lamang ito sa akin. Agad itong tumalikod sa akin t hinarap naman ngayon si KD. Galit na tumingin sa kanya sa KD at agad naman s'yang nakatikim ng suntok sa simura habang hawak si KD ng dalawang lalaki.
Venus POV"Hoy! Gumising ka!"Agad akong napamulat ng mga mata ng maramdaman ang mabigat na palad na dumampi sa aking pisngi. "H'wag mo 'kong tingnan ng ganyan baka tukusin ko 'yang mga mata mo! Pabalik na rito si Barron, kaya dapat lang na imulat mo na 'yang mga mata mo!" Singhal sa akin ni Aira- ang kaibigan ni Barron. Inis ko lamang iniwas ang aking mga mata at inilibot sa paligid ang aking paningin. Tatlong araw na akong nakakulong rito. Wala silang ibang ginawa kundi ang bugbugin ako at sapilitang ipainom sa akin ang kung ano man gamot ang basta na lamang nilang isinasalpak sa aking bibig. "Ano namang meron? Kapag ba dumating si Barron ay maiisipan n'yo na akong palayain? Wala naman atang magbabago!" Inis kong saad ngunit narinig ko ang pagak na pagtawa ni Aira at marahas na hinawakan ang aking buhok."Wala nga! Dahil mabubulok ka na rito! Kung puwede nga lang kitang ilibing ng buhay ay baka ginawa ko na! Tutal wala ka namang silbi!" Aniya at agad na binitawan ang aking buhok.
Venus POV"Anong pakiramdam na malapit ko ng makuha ang paghihiganti na gusto kong mangyari?" Nakangising tanong ni Barron habang habang ang isang sigarilyo sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay nito ay may hawak na baril. Napalunok na lamang ako dahil baka bigla na lamang ako nitong maisipang barilin. Gusto ko pang mabuhay. "Tumigil ka na lang Barron. Magbago ka na!" Singhal ko ngunit namayani lamang ang boses nito sa buong kuwarto. "Magbago? Magkamatayan na pero hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyan Venus! Ipinusta ko na rito ang buhay ko! Kaya hinding-hindi ako papayag na hindi mangyari ang mga planong inihanda ko!" Sigaw nito at agad na humithit sa sigarilyo habang nanlalaki pa ang mga mata sa galit. "W-Wala akong kasalanan sayo! Pero paulit-ulit mo akong ginugulo!"Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko dahil hindi na kayang dalhin ng puso ko ang labis na emosyon. Naninikip anh dibdib ko sa mga oras na ito at pagkamuhi ang labis na aking nararamdaman sa tuwing titingin
Venus POVNagulat ako nang bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok na naman ang dalawang lalaki na naglagay sa akin dito. "A-Anong kailangan n'yo?" Tanong ko at mas lalo pa akong nagsumiksik sa sulok. May hawak silang isang mahabang lubid kaya mas lalo akong nakaramdam nang kaba sa aking dibdib. "Dumating na si boss! Gusto ka raw n'yang makitang humihinga!" Sagot ng isa sa kanila at muling naghalakhakan. Marahas akong dinampot nang mga ito at sapilitang itinayo. Kahit anong panlalabang gawin ko ay wala ring silbi dahil mas malalaki ang katawan nila kumpara sa akin at mas malakas. Agad nila akong kinaladkad palabas. Napakahigpit nang pagkakahawak nila sa akin at halos matisod na ako sa paglalakad ngunit wala silang pakialam. May narinig akong mga tawanan. Hanggang sa palakas ito nang palakas. Nakita ko ang ilang kalalakihan na nag iinuman at agad kaming huminto sa paglalakad. "Boss!" Tawag ang lalaking mataba na may hawak sa akin. Dahan-dahang humarap sa amin ang bukod tan