Saffron risotto with forest mushroom, Chicken tagine makful, British classic slow-cooked spaghetti bolognese, Spring carbonara, East Lothian beef, braised truffle barley and scottish girolles. Napangiti si Charline habang tinitingnan ang main course na nakahain para sa mga darating na special guests ng Hotel. Nag ikot-ikot pa siya at tiningnan ang mga desserts sa isa pang long-table na naroon. Chocolate baked custard, White chocolate Raspberry cheesecake, Lemon cake doberge, Molten chocolate lava cake at chocolate fondae. Lahat nakakatakam. Pero wala siyang hilig sa sweets kaya napanatili niya ang magandang hubog ng katawan dahil wala siyang hilig sa matatamis na pagkain. "Ms. Cha!" Nilingon niya ang isa pang Chef ng Hotel na si Anna. Hindi na ito OJT kundi kasalukuyan ng regular Chef ng Gallore. "May kailangan pa po bang idagdag?" Nakangiti nitong tanong. Umiling si Charline. Satisfied siya sa inihain ng mga ito. Nginitian niya ang mga waiters at waitresses. Maayos ang lahat kaya
Last Updated : 2023-01-12 Read more