Niyakap ni Alyssa ang inaanak saka pinahid ang luha. "Hindi ka ba sasama Ninang?" Nag-umpisa na ring umiyak si Aj. Umiling si Alyssa. Panahon na para ibigay niya sa inaanak ang karapatan nitong makasama ang mga lolo't lola nito. Isasama ang inaanak niya papuntang America kung saan kasalukuyang nagpapagaling si Xander. Matapos kasing ma-comatose ito dahil sa matinding pinsala na tinamo mula sa pagkaka-hampas ng baril sa ulo ay dinala na ito sa ibang bansa ng pamilya nito. "Susunod kami ng Mommy mo." Pagsisinungaling niya rito. Tiningnan niya si Mrs. Vergara na tinanguan lang siya saka iginiya na ang apo para isabay sa paglalakad papasok sa International Airport. Wala silang planong ipagtapat kay Aj na may pinagdadaanan ang pamilya nito. Masyado pa itong bata para maintindihan ang sitwasyon ng mga magulang."MA'AM Alyssa...Umuwi na ho tayo." Untag ni Emildan, isa sa mga bodyguard na hinired ni Xander para bantayan silang mag-ninang. Team-buddy ni Choi na isa sa mapagkakatiwalaan ng mg
Napamaang si Charline sa bumungad sa kaniyang harapan, malamlam ang liwanag sa loob ng silid na pinagdalhan sa kaniya ni Walter tila isang pribadong silid sa ilalim ng isang basement. Nagtatanong ang mga matang nilingon niya ito.Ngumisi lang ito at deretsong pumasok sa silid at komportableng umupo sa sofa. Biglang kinabahan si Charline, nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawang tauhan nito sa gawing likuran ni Walter. Nagbabakasakaling may sumagot sa tanong niya. Ngunit napanatili ng mga ito ang tila blangko at malamig na ekspresyon ng mukha bago lumabas ng silid."W-walter anong ibig sabihin nito?" Nagsimula nang gumiling sa harapan nito ang dalawang seksi at naggagandahang babae. Sinabayan ang saliw ng maharot na tugtugin. Halos wala na itong saplot sa suot nitong T-back undies. Si Charline na ang nahiya para sa mga kapwa-babaeng nagbebenta ng aliw. Nakalantad ang malulusog na dibdib na nagpakiwal-kiwal at umindayog sa gitna ng silid. "Mga lasing ba sila?" Pakiramdam ni Charline nasa
Deretso ang tingin na naglakad si Xander papasok sa main entrance ng Gallore, nakasunod ang mga bodyguard habang nakatingin ang lahat ng empleyado na nagulat sa biglang pagdating ng CEO ng kompanya. "Black coffe, Kimberly!" Utos nito sa sekretarya pagkaupo nito sa swivel chair. Natataranta namang sumunod ang sekretarya nito. "Gusto kong mabawi ang asawa ko," Baling nito sa personal bodyguard. Tumango lang ang mga ito saka lumabas ng silid. Hindi na nito kailangang ulit-ulitin ang ipinag-uutos nito dahil alam nilang lalo lang iinit ang ulo nito. Kabisado na nila ang temper ng amo. "S-sir coffe n'yo po..." ani Kimberly na nakikiramdam sa tensyong dulot ng Boss. Tila mainit ang ulo nito, at ang ganitong mood ni Xander ay hindi nila papangaraping masaksihan. Kung kelan naman kababalik lang nito mula sa America dahil sa ilang buwang bakasyon, saka naman naging aburido? Baka problema kaya ang mag-asawa? Tanong ng isip ni Kimberly na syempre hindi niya naman pwedeng isatinig. "Ayusin mo
Pumikit si Charline, saka humugot ng malalim na hangin. Kinakabahang sinulyapan ang natutulog na si Walter. Hubad itong nakadapa sa kama, katatapos lang magparaos sa katabi nitong babae na madalas nitong pagparausan. At gusto niyang ipagpasalamat dahil naiiwasan na nitong hawakan ang katawan niya. Nakuntento na ito na panoorin niya na lang habang nakikipagtalik sa iba. Tila sarap na sarap ito kapag nakikita nitong nakatingin siya rito habang nagpapakasasa sa alindog ng kaniig nito. Napatutop ang palad niya sa bibig nang bahagya itong gumalaw, sumapo ang palad sa dibdib ng katabing babae. Napaka-libog talaga ni Walter. Aniya ng isip niya. Pinihit ni Charline ang seradura ng pinto, nagpalinga-linga nang makalabas. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala ang mga tauhan ni Xander. Maingat ang bawat paghakbang, tinawid niya ang kahabaan ng hallway. Parang sasabog ang dibdib niya sa matinding kaba. Tiyak mapapatay siya ni Walter. Napasandal siya sa wall nang makita ang isa nitong tauha
"Buhay ang katumbas sa bawat kapalpakan!" Umalingawngaw ang putok ng baril kasabay ng paghandusay ng walang buhay na katawan ng isa sa mga tauhan ni Walter. "Alisin n'yo na sa harapan ko ang basurang iyan!" Utos nito. Mabilis namang sumunod ang mga tauhan nito. Tahimik na nakamasid si Galaps at iba pang tauhan nito. Alam nitong maging siya ay kaya nitong patayin ano mang oras."W-wala na akong Reyna, aanhin ko pa ang palasyong ito?!" Parang baliw na kinakausap nito ang sarile. "Nandito ako Walter-" Nakangiting bungad ni Celeste mula sa pinto. Napatingin rito ang lahat. Ang nakakaakit na kagandahan ni Celeste ay kayang magpahinto ng mundo ng mga lalake. Nakasuot ito ng knitted-dress na bareback na may mababang neckline. Nakaluwa ang kalahating dibdib. Halos wala na itong tinakpan sa katawan. Umimbay ang balakang habang papalapit kay Walter. Napapalunok ng tuyong-laway ang mga tauhan ni Walter. Si Celeste pa rin ang nangungunang pantasya ng bayan. Dumagdag lang sa karisma nito ang rep
"Ma'am Charline?!" Masayang bulalas ni Anna habang nakangiti. Ibinalik rito ni Charline ang matamis nitong ngiti. Binati ang ilang empleyadong naroon na natuwa dahil sa pagbabalik niya sa Gallore. "Babalik ka na po?" Tanong ni Mary Gen, hindi makapaniwalang pinayagan ito ng asawang bilyonaryo. "Yes, Gen. Naiinip na din kasi ako sa bahay eh." Sinsero niyang pag-amin. Hindi naman kasi pwedeng habang-buhay siyang magpadala sa takot dahil sa mga pinagdaanan niya. Ipinagpapasalamat niyang pinayagan siya ng asawa na bumalik sa Gallore bilang Chef. "Ma'am nasa labas lang po kami." Sabad ni Ricky. Napatingin rito ang lahat, tila ngayon lang napansin ang presensya ng bodyguard ni Charline na laging nakabuntot rito. "Ay bet!" Palatak ni Gen. "Ang sosyal! Pinayagan nga may bantay naman." Nakangiti nitong biro. Natatawang napailing si Charline. Naiintindihan niya naman ang asawa para sa seguridad niya naman ang pagbuntot-buntot ng dalawang bodyguard."Sige, Ricky. Tatawagin lang kita kapag m
"Boss, dumating na ang hinihintay mo!" Bungad ni Galaps sa nakabukas na maluwang na pinto ng malaking opisina ni Walter. Nag-angat ng tingin si Walter saka ngumisi. Maganda at inosente ang mala-anghel na mukha ng babaeng kasunod ni Galaps. Simpleng pananamit na nagbigay ng kakaibang karisma rito. Mayumi itong umupo sa upuang nasa harapan ni Walter. Iniabot ni Walter ang tsekeng kanina pa inihanda. "Salamat po." Sumilay ang ngiti nito sa labi. Nanlaki ang mata nito nang makita ang halaga ng tseke. "Hindi mo kikitain 'yan sa Gallore kahit magtrabaho ka pa ng isang taon ng hindi na natutulog." Wika ni Walter. "P-paano po kung mabuking ako, Boss?" May pag-aalalang sagot nito. "Akong bahala sa pamilya mo." Huminga ng malalim si Alexa. Pinaka-masarap na salitang narinig niya. Ang kasiguraduhan para mabigyan ng maayos na buhay ang mga magulang at mga nakababatang kapatid. Kahit pa kumapit siya sa patalim. "Balitaan mo ako kapag tuluyan ka ng nakapasok sa buhay ng mga Vergara, Alexa.
Saffron risotto with forest mushroom, Chicken tagine makful, British classic slow-cooked spaghetti bolognese, Spring carbonara, East Lothian beef, braised truffle barley and scottish girolles. Napangiti si Charline habang tinitingnan ang main course na nakahain para sa mga darating na special guests ng Hotel. Nag ikot-ikot pa siya at tiningnan ang mga desserts sa isa pang long-table na naroon. Chocolate baked custard, White chocolate Raspberry cheesecake, Lemon cake doberge, Molten chocolate lava cake at chocolate fondae. Lahat nakakatakam. Pero wala siyang hilig sa sweets kaya napanatili niya ang magandang hubog ng katawan dahil wala siyang hilig sa matatamis na pagkain. "Ms. Cha!" Nilingon niya ang isa pang Chef ng Hotel na si Anna. Hindi na ito OJT kundi kasalukuyan ng regular Chef ng Gallore. "May kailangan pa po bang idagdag?" Nakangiti nitong tanong. Umiling si Charline. Satisfied siya sa inihain ng mga ito. Nginitian niya ang mga waiters at waitresses. Maayos ang lahat kaya
ISANG malakas na pagsabog sa harap ng mansyon ni Walter, kasabay ng magkakasunod na putok ng baril. Mabilis na kumilos ang mga tauhan niyang nagkalat sa paligid. Handa sa nakaambang digmaan sa pagitan ng dalawang maimpluwensyang tao."Ang sasakyan mo Boss!" ani Galaps na nakatingin sa monitor ng CCTV. Nagliliyab na ang dalawang mamahaling sasakyan nito. Ngumisi lang si Walter. "Pulbusin n'yo ang mga 'yan!" mariin nitong utos. Nakapalibot na sa paligid ng mansyon ang mga sundalo at pulis, grupo ng Swat Team na masusing pinag-aralan ang Dynamite Syndicate. Mas malakas na pwersa para sa grupo ni Walter. Kailangang higitan ng doble ang lakas ng grupo nito. "Sir Xander, lulusob na sa loob ng bakuran ang team ko." saad ni General Bacoza. Tumango lang si Xander. Walang mababasang emosyon. Handa sa pinapasok na panganib ang grupo ng mga ito kaya buo ang tiwala niya na maililigtas ang pamilya niya ng ligtas. Maingat ngunit aral ang bawat kilos na nakipagsabayan ang grupong mula sa Gobyerno
DUMAUSDOS ang likod ng palad ni Walter sa pisnge ni Charline, napahugot siya ng malalim na hangin. Pilit nilalabanan ang takot. Ang matinding kilabot."Please, gusto ko ng makita ang magninang." Pakiusap niya. Ngumisi si Walter. Dumako ang palad nito sa umbok ng tiyan ni Charline. Humaplos. "Malapit nang lumabas ang baby natin, mahal ko." Nanlaki ang mga mata ni Charline. "H-huwag ang mga anak ko Walter, wala silang mga kasalanan." naluluhang pilit na tinitigan ni Charline ang mukha ng lalakeng baliw na baliw sa kaniya."Hindi ko sila sasaktan, mahal ko. Magiging mga anak ko na din sila. Bubuo tayo ng pamilya." Masuyo na nitong hinahaplos ang mahabang buhok ni Charline. Gumapang na ang kilabot sa buong-katawan ni Charline, naglandas ang luha sa pisnge ang mga luha. Ngunit patuloy na pilit na pinagana ang utak kung paano maililigtas ang magninang. "Walter-" "Magiging malaya ka sa Xander na iyon, mahal ko. Pangako." Natigilan si Charline, tiyak nakita na ni Xander ang ipinadala n
MAINGAT ang bawat paghakbang ni Charline habang bumababa ng hagdan, napatingala siya sa CCTV at natitigilang nagkunwaring pupunta ng kusina. "Ma'am, iutos n'yo na lang ang kailangan n'yo." tinig mula sa likuran niya. Napapitlag si Charline saka nawawalan na ng pag-asa na makakalabas pa ng bahay. Humigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng isang kotse ni Xander. "Kailangan ko din namang gumagalaw-galaw, Ricky." Pagdadahilan niya. Pero gusto niya talagang tumakas para puntahan ang magninang. Ibinigay ni Walter ang eksaktong address ng hide-out nito na nagkataong nasa Batangas din. "Anong gusto n'yong miryenda, ipapabili ko ho." Magalang na tanong ni Ricky. "Pakibilhan ako ng custard cake with blueberries." Sagot niya na nakahinga ng maluwag. Siguro naman hindi siya nahalata nito na may pinaplano siya. Hindi siya mapakali, wala siyang natatanggap na update man lang mula sa asawa. Nakita niyang umalis ang isang sasakyan ni Xander sakay ang ilang tauhan nito. Nagtungo siya sa kitchen at
MALUWANG ang mataas na bakuran ng bahay-bakasyunan ni Xander sa Batangas. Nasa pinaka-dulong bahagi na ng Bauan, Batangas na may mangilan-ngilang kapit-bahay na halatang hindi naman naglalagi doon ang mga nagmamay-ari kundi tanging bakasyunan lang din. "Xander, si Aj?" Hindi niya na kinakaya ang pag-aalala sa anak. "Walang masamang mangyayari sa anak natin." Kinabig ni Xander ang asawa payakap saka hinalikan sa noo para kumalma. Gustong magwala ni Charline. Paano siya kakalma ngayong nasa kamay ni Walter ang magninang? "Ako ang kailangan ni Walter. Ako lang ang makakapagligtas sa buhay ng magninang, Xander." Desperada na siyang masigurong ligtas ang mga ito. Alam niyang siya ang kahinaan ni Walter. Napatiim-bagang si Xander. Hindi niya papayagan iyon, mamamatay na muna siya. "Hindi niya magagawang saktan ang magninang." paniniyak ni Xander. "Kailangan niya muna akong patayin." Naluluhang kinagat ni Charline ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagpatak ng luha. Dama niya ang
BUMULAGA sa harapan ni Alyssa ang duguang tauhan ni Xander, napatili siya at tumakbo papasok sa loob ng bahay. "Aj!" Hinihingal na umakyat siya sa ikalawang palapag ng Mansyon. Mabilis na hinawakan si Aj sa braso at patakbong lumabas ng silid."Ninang, saan po tayo pupunta?" nagtatakang tanong ng bata."Huwag ka munang magtanong!" Halos kaladkarin na ni Alyssa ang inaanak para tawirin ang hallway ng mansyon. Lakad-takbo na halos madapa na silang magninang. "Ninang," napahinto sila sa pagtakbo nang makita ang mga armadong kalalakihan na nakaharang sa daraanan nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Alyssa sa munting bisig ng inaanak. "A-anong kailangan n'yo?!" Sinubukan niyang magpakita ng katapangan. Hindi siya sinagot ng mga ito na mabilis silang hinawakan ni Aj sa braso at nagmamadaling iginiya pababa sa hagdan. Pakaladkad."Ano ba, bitiwan n'yo nga kami!" Hinanap ng paningin ni Alyssa ang asawa. Napatili siya nang makitang duguan ang ulo nito habang nakadapa sa sahig. Nagpumiglas siya
"BUHAY si Xander?! Ang tatanga n'yo!" Umalingawngaw ang baritonong tinig ni Walter at nanlilisik ang mga matang isa-isang tinitigan ang mga tauhan. "Boss, madadamay ho si Ma'am Charline," sagot ni Emman. Ang pinaka-tirador na hitman ng grupo ni Galaps. "Ang bobo n'yo kasi! Akala ko ba pinag-aralan n'yo na ang pasikot-sikot sa Gallore?!" Inihagis nito ang hawak na baso ng alak, nagkapira-piraso sa sahig at nagkalat ang bubog. Itinanim nila ang bomba sa mismong opisina ni Xander ngunit higit na mas matalino ang mga bodyguard ni Xander na naglagay ng hidden camera sa bawat sulok ng building. "Anong nangyari sa mahal ko?" Kalmado na si Walter. "Dinugo Boss, muntik makunan." sagot ni Mark. Ito ang pinaka-magaling namang spy sa grupo at naka-monitor sa bawat galaw ng mga empleyado ng Gallore. Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Walter sa mukha nito. Pinahid ng likod ng palad nito ang dugo sa pumutok nitong labi. "Papatayin n'yo ang babaeng mahal ko?! Magsilayas kayo sa harapan ko!
ISANG malakas na pagsabog ang nagpabalikwas kay Charline mula sa pagkakahiga. Nahihilo siya kaya pinili niya sanang magpahinga sa Room 101 ng Gallore. Nahintakutang bumangon siya at napatakbo sa labas. "Ricky, anong nangyayari?!" Alerto naman ang mga itong inalalayan na siyang makalabas. Nakita niya ang nagkakagulo at natatarantang pagtakbo ng maraming guest at empleyado. "Ma'am, dadalhin namin kayo sa ligtas na lugar." Hindi na siya sumagot pa dahil kumakapal na ang usok sa buong establisiyemento. Nagsimula na siyang umubo ng umubo dahil sa usok. Nakita niya ang mga bodyguard ni Xander sa 'di kalayuan. "Ang asawa ko?!" Kinakabahan niyang sigaw. "Sina Choi na po ang bahala, Ma'am!" Hindi maintindihan ni Charline kung saan humuhugot ng pagiging kalmado ang mga ito sa kabila ng nangyayari? Sumabay sila sa hugos ng maraming tao papalabas ng building. Umikot ang tingin ni Charline sa paligid at hinanap ang asawa pero wala si Xander. "Ang asawa ko?!" Wala siyang narinig na sagot, igi
"Kumusta?" Baritonong tinig na mabilis na nagpakabog sa dibdib ni Charline. Mabilis na nagpalingon sa kaniya ang pinagmulan ng tinig. Napaatras siya sa wall at mabilis na rumehistro ang takot sa mukha. "W-walter?" Umikot ang paningin niya sa paligid. Nasa ikatlong palapag siya ng Gallore. Nas'an si Ricky? Ang bodyguard niya? Humigpit ang pagkakahawak niya sa sling-bag at kahit pa halos mangatog na siya sa takot ay iniisip niya pa ring tumakbo palayo. Ngumisi si Walter. Ngunit mabilis na naging masuyo ang mga tingin nito kay Charline. Napatili si Charline nang hilain siya nito palapit sa katawan nito. Halos mabingi siya sa lakas ng pagkabog ng dibdib. Langhap niya ang hininga ni Walter. "Mabilis lang ito, namiss lang kita." Mabilis na sumapo sa dibdib niya ang kamay nito, gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Charline, ang takot na hatid ng bawat dantay ng palad ni Walter. "Wag-" Iniwas ni Charline ang katawan tila nag udyok lang kay Walter na damahin pa ang pa ito. Nagpumiglas
"Ipatumba n'yo na si Alexa! Lahat ng walang silbi sa organisasyon, alisin sa landas ng samahan!" Tumango si Galaps at sumenyas sa tauhan. Mabilis namang tumalima ang mga ito na alam na ang gagawin. "Anong gagawin namin kay Celeste, Boss?" Bungad nang kapapasok lang ng isa pang tauhan ni Walter. "Ibaon n'yo ng buhay!" Nagtagis ang bagang ni Walter. Natuklasan nito ang pagtatraydor ni Celeste at pakikipagsabwatan kay Dan. Ang ginawang pagtatangka ni Dan kay Charline ay hindi niya matatanggap. Lahat ay ipapapatay niya! "Masusunod Boss!" Inihulog sa malawak na ilog ang wala ng buhay ng katawan ni Celeste. Walang awang iniwan nang mabilis ng grupo ng mga tauhan ni Walter na nagpalutang-lutang sa tubig. NAGKIKISLAPAN ang mga camera habang ini-interview si Xander ng mga reporter. Matapos mapabalita ang magkakasunod na pagkatuklas sa pagkamatay nina Dan at Celeste tila naging mas mainit na pinag-usapan ang Kahlvati Gallore Empire. Naging kontrobersyal ang pagkakadawit ng mga ito sa gin