"Ang asawa ko?!" Tanong ni Charline sa bodyguard na nakaupo sa monoblock, na nakabantay sa kaniya. Tila wala pa itong tulog. Napakamot ito sa ulo. "Ricky?!" Sigaw ni Charline, gusto niyang magwala. Nakikinita niya pa rin ang malakas na apoy na nasa harapan ng Gallore Building. Naririnig ang malakas na pagsabog. Tumayo ang bodyguard at akmang pakakalmahin siya. "Putang-in@! Nagtatanong ako!" Humulagpos ang galit niya at gusto niyang ibuhos sa bodyguard. "Nandito ako hon-" Bumungad mula sa pinto ng silid si Xander. Nakahinga ng maluwag si Charline. Mabilis na nilapitan ang asawa at niyakap. "Anong nangyari?!" Tumingala siya rito at dinampian ng halik sa pisnge ang asawa. "Please calm, hon. Maayos ang lahat." Kalmado ito na tila walang masamang trahedyang nangyari sa Gallore. "Ang magninang?" Iniwan niya ang asawa at mabibilis ang hakbang na pinuntahan ang silid ng anak. Mahimbing na natutulog ang dalawa, napasandal siya sa pinto at napabuntong-hininga. "Hon, wala kang dapat ipa
Last Updated : 2023-01-24 Read more