KUNG kanina ay excited pa si Heilena na magpunta sa fishing village para masubukang mamingwit ng isda, ngayon ay tila nagbago na ang isip niya. Natanaw niya mula sa hindi kalayuan ang dalawang pamilyar na mukha. Hindi lang niya ito basta kilala dahil kilalang kilala niya ang mga ito sa tindig at ayos pa lang. "A-Ah, Xander, h'wag na kaya tayong tumuloy? Doon na lang tayo sa ibang site." Pag-iiba niya. Nangunot ang noo ni Xander. "Bakit? Kanina, alam ko na excited ka magpunta tayo sa fishing village, e. Tuturuan kita mamingwit. Tara na!" Napakamot ng batok si Heilena. Bigla na lang bumigat ang mga paa niya. "E, k-kasi, a-ano kasi. . ." Pinasadahan ni Xander ng tingin ang tinatanaw ni Heilena sa hindi kalayuan at doon niya lang naintindihan kung bakit bigla itong umaatras ngayon. "Ah, sila pa la." He uttered. Pero imbes na mag-back out din ay hinawakan niya pa ang kamay nito. Nagitla
Huling Na-update : 2022-03-09 Magbasa pa