LABIS ang pag-aalala ng mag-asawang Mr. and Mrs. De Guzman nang madatnan nila si Heilena na nag-eempake na ng mga gamit nito. Hindi napigilan ng mommy niya ang kanyang emosyon niya nang maabutan niya si Heilena na pababa na ng hagdan.
"H-Heilena, saan ka pupunta? A-Anong ginagawa mo?" nag-aalala nitong tanong. Naguguluhan siya sa nangyayari.
"Mom, h'wag niyo na akong pigilan. Ako na lang po ang aalis. Kami ng anak ko. Ayaw ko pong mas lalo lang magkagulo dito. Hayaan na lang natin na makasama niyo rito si Ate Heilen. Mas matagal niyo siyang hindi nakasama. She needs to stay here. Saka, gusto ko po munang ilayo sa masyadong maraming masasamang kaganapan ang anak ko. Masyado pa siyang bata para maranasan at masaksihan ang mga ganito. This is not the life that I dreamed for her." Pagpapaliwanag ni Heilena.
Kalmado lang siya dahil ayaw niyang biglain ang mommy niya. Gusto niyang maipaliwanag dito ng maayos. Nang hindi ito magtanim ng sama ng loo
KARARATING lang nina Heilena sa Laguna nang salubungin agad siya ng malamig na samyo ng hangin. Napayakap siya sa sarili niya. Binalot niya ng kanyang malong ang kanyang magkabilang braso. Nakasuot naman si Tinsley ng sweat shirt kaya hindi nito naramdaman ang kakaibang lamig na naramdaman niya."Ito ang rest house namin dito sa Laguna. Malapit ito sa isang pond. We can have a picnic there if you want." Suhestyon ni Xander habang binubuksan ang napakataas na gate papasok sa rest house.Napagod sila sa biyahe pero imbes na iyon ang isipin ni Heilena ay si Timothy ang tumatakbo sa isipan niya. Nasasaktan rin siya nang makita niya itong umiiyak nang iwanan nila. But who will she blame? Noong una pa lang, sinabihan na niya ni Heilena. But he chose the wrong person rather than his own child. Okay lang naman kay Heilena kahit hindi sya nito piliin, e. Pero kahit anak man lang sana nila. But the time na napahamak na si Tisnley sa kamay nito,
MAHIGIT isang linggo na ang nakalilipas pero hindi pa rin gumigising si Timothy kung saan siya na hospitalize. Sa lakas ng pagkakabunggo sa kanya ay wala silang ideya maging ang doktor kung kailan ito magigising. Si Heilen ang aligaga sa pag-aalaga dito para sa paglalatag ng mga kakailanganin nito. Hindi rin ma-contact si Heilena ng pamilya niya dahil walang signal sa Laguna kung nasaan pansamantalang nanuluyan ang mga ito. Sa madaling salita ay walang kaalam-alam si Heilena sa nangyari. "Heilen, sure ka ba na dito ka na muna? Puwede ka namang palitan ni Carlo para pansamantala kang makapagpahinga," wika ng mommy niya. Nagsalubong ang kilay ni Heilen. "Mom, ayaw ko! Ako ang dapat na makita niya paggising niya. What if magising siya nang wala ako? Ako ang dapat na nandito." Pagdidiin pa nito. Ni katiting ay wala siyang balak na umalis. Kahit na magpuyat pa siya at mangayayat. Hindi niya iiwan sj Timothy. Gano'n siya dito kabaliw. "Pero anak,
PAGOD NA PAGOD na ibinagsak ni Heilena ang katawan niya sa kanyang kama. Umuwi na muna sila ni Tinsley sa bahay nila. How she wish ayos lang si Xander mag-isa. Bukas na bukas rin, baka dalawin na lang nila si Timothy for the last time. Para man lang kay Tinsley. At pagkatapos no'n, handa na siyang lumayo na lang muna. Mukhang sign na rin naman ito na hindi talaga sila para sa isa't isa. "Anak?" wika ng mommy niya sa may bandang pintuan. Kumatok pa ito ng tatlong beses matapos niyang magsalita. Nakayakap lang siya sa unan niya habang pinagmamasdan ang anak niyang nahihimbing sa pagtulog at pagod na pagod sa kaiiyak. "Anak, buksan mo naman itong pinto at mag-usap tayo." Pakiusap ng mommy niya mula sa labas. Kahit na halos mugto na ang mga mata niya kaiiyak, she stood up and walked twowards the door. Bakit siya mahihiya na harapin ang mommy niya looking like this? It's not shameful to be weak in front of them. "Mom." Iy
"I HEARD ABOUT EVERYTHING." Panimula ni Xander habang inaayos ang buhok ng dalaga.He's really not into doing this kind of stuff pero kung kapalit naman no'n ay kumalma ang babaeng mahal niya, even though how corny he would look like, ayos lang."I-I don't know what to do," sagot ni Heilena. Nawawalan na siya tuluyan ng pag-asa. He has been by her side all the time pero iba 'yung estado nito ngayon. Masasabi niya talaga na nasasaktan ito. And hindi niya kayang nakikita siyang ganito lang."Heilena, you know what to do. You are just blinded by pain. But, I am here, I can always be your shoulder to cry on. You know that.""Salamat, Xander. I know I am hurting you, please forgive me.""Hey, don't say that. Ayos lang ako. H'wag ako ang isipin mo but yourself. I love you." He whispered to calm her."Mom
Mabigat man sa dibdib ni Heilena, mukhang kailangan na nga niyang hayaan na muna si Timothy sa pangangalaga ng kakambal niya. Wala siyang habol ngayon kahit pa may anak sila ng binata dahil ni hindi man lang nito sila maalala. Siguro nga, dapat na lang niyang panindigan ang paglayo nila. Iyon naman talaga ang plano noong umpisa. Sign na nga siguro ito."Mom, balik na ho muna kami kay Xander." Muling paalam nito."E, anak hahayaan mo na lang ba talaga na si Heilen ang mag-alaga kay Tim?" nag-aalala na tanong ng mommy niya. Maging sila kasi ay hindi kumbinsido na maiiwan sa pangangalaga ni Heilen ang binata. Duda sila na mapapabilis ang paggaling nito."Mom, wala naman ho ako o tayong magagawa kung iyon ang gusto ni Tim, e. Isa pa, nasa crucial stage siya ngayon. Siguro, kailangan na lang nating ipagdasal na maaalagaan siya ng maayos ni Ate Heilen, kahit na medyo malabo."Inisa-isa na nitong dinampot ang kanilang mga bagahe. Busina ng kotse ni X
NANGINGINIG pa ang mga kamay ni Xander habang hawak-hawak niya ang resulta ng kanyang check-up. HIndi niya matanggap. Ayaw niyang tanggapin. Kailan man, hindi pa siya nagkakasakit ng malubha sa tanang buhay niya. Ngayon pa ba? Ngayon pa kung kailan malapit na siya kay Heilena? Minsan iniisip na lang niya na baka pinagbibigyan lang siya ni Lord dahil hindi niya alam kung hanggang kailan siya mananatili.Napabuntong-hininga siya. Bumukas ang pinto at natigil ang pagmumuni-muni niya nang iluwa non si Heilena. Mabilis niyang itinago sa likuran niya ang resulta ng kanyang check-up."O, Xander. Are you okay?" tanong niya. Napansin niya kasi na tila kanina pa ito sa kuwarto at hindi na nalabas matapos nilang mamili. She was worried kaya pinuntahan na niya ito sa kwarto to check on him. Lagi na lang kasing si Xander ang nag-aalala sa kanya. This time, gusto niya namang ibalik ang lahat ng mga nagawa nitong maganda.Namutla ang binata at bahagyang napaa
MAGAAN at maganda ang pakiramdam ni Heilena nang gumising siya. Nakangiti pa siya habang nagtutupi ng mga kumot na ginamit nila ni Tinsley. Wala na ang bata sa tabi niya as she woke up. Siguro, na kay Xander na naman iyon at nambulabog na naman agad sa kuwarto nito habang natutulog.Sa kanyang kyuryosidad, matapos niyang magligpit ng higaan ay nagpasya siyang sumilip sa kuwarto ni Xander. Nasanay na siya na siya ang nagliligpit ng higaan niya. Hindi por que may pera ay iaasa na lang niya ang lahat sa katulong. That does not work for her. Naniniwala siya na kailangan din ng disiplina sa sarili.Napansin niyang bukas ang pinto ng kuwarto ni Xander kaya hindi na siya kumatok pa. Mula sa labas ay sumilip siya. Naabutan pa niyang nakasandal ang binata sa head board ng kama nito. Nakapikit. He looks sick. O baka siya lang ang nag-iisip no'n? But why does he look so pale today?"Good morning, Xander. Are you awake?"
MALL ang sumunod na pinuntahan nina Timothy at Heilen. She wants to buy him new stuffs at kung ano-anu pang mga kailangan nilang dalawa. Pakiramdam niya nga ay mag-asawa na sila ni Timothy dahil feel na feel niya na sa iisang bahay na sila sa Laguna tutuloy ngayon. Just as where Heilena and Xander currently live in. "Saka, come to think of it, Tim. If Heilena really loves you, ipaglalaban ka niya. Hindi siya sasama sa ibang lalaki. Kahit pa sabihin na mabuting lalaki rin si Xander. "But her eyes. Whenever I look at those, I can feel that she's saying the truth." Nang dahil doon ay uminit ang ulo ni Heilen. Bwiset. Kami na nga ang magkasama, sinisingit pa rin nito si Heilena. Bakit kasi hindi na lang maglaho ang babaeng 'yon, e. Inis na wika nito sa isipan. "Bakit ba siya ang pinag-uusapan natin dito, Tim? Can't we talk about us and our wedding?" inis na wika nito. Hindi niya itinago na galit siya nang malaman
HINDI sapat ang salitang busy para ilarawan ang nangyayari ngayon sa bahay nina Heilena. It's been three months since Timothy proposed to her and today, the most awaited wedding is about to take place. Naiiyak siya habang suot ang wedding gown niya. Sinukat na niya iyon ng halos sampung beses na. Hindi siya naniniwala sa sinasabi ng mga matatanda na kasabihang bawal daw isukat ang gown bago ikasal. Wala na sila sa sinaunang panahon kaya ayaw na niyang magpapaniwala sa ganoi'n. She glanced at herself in the mirror. She looks glamorous. Her white mermaid gown comes with a slit. It was paired with a pearl pair or earings. Hindi siya makapaniwala. Ito na 'yon. Ito na ang hinihintay ng lahat ng pagkatagal-tagal. Wala nang atrasan. Magiging isang buong pamilya na sila nina Timothy. Matagal na niyang pangarap na matawag na Mrs. Silvestre. Napakasarap sa tenga. Maluha-luhang lumapit sa kanya ang mommy niya habang nire-retouch n
EVERYTHING went back to normal. Sobrang bilis ng mga pangyayari na nagdaan sa kani-kanilang mga buhay to the point na naranasan na nila halos lahat. Saya, lungkot, pighati, pag-iyak at kung anu-ano pang mga bagay. Nalampasan na nila Heilena ang malaking dagok sa pagiging magkapatid nila ni Heilen. Hindi niya man masasabi na happy ending na sila ng kaisa-isang lalaking mahal niyang si Timothy, she's pretty sure kung ano ang patutunguhan ng lahat ng paghihirap nila. Habang nakatulala mula sa labas ng kotse ay isinuot ni Heilena ang kanyang shades. Papunta sila ngayon sa sementeryo para dalawin ang puntod ng kaibigan niyang si Xander. Sinamahan naman siya ni Timothy. Maging si Tinsley ay dala dala rin nilang dalawa. Ang sabi kasi nito ay gusto niyang makita ang Daddy Xander niya dahil miss na miss niya raw ito. "Mommy, will Daddy Xander be happy when he see me?" kyuryosong tanong ng bata sa kanya. She cleared her t
“THIS CALLS FOR A CELEBRATION! YUHOO!” masiglang sigaw ni Heilena. Pakiramdam niya ay nabalik na naman ang party goer self niya. Nakakatuwa lng dahil magaling na ang daddy niya. Bati na rin sila ng Ate Heilen niya. Walang mapagsidlan ang tuwa niya sa dibdib. Katatapos lang kasi nilang maghapunan kaya masigla na naman si Heilena. Puno pa siya ng enerhiya ngayong kakakain niya lang. "Oh my gosh! I like that!" Pagsang-ayon naman ng ate niya. "Mag-bar kaya tayo?" nakangisi nitong suhestiyon. Lumapad ang ngiti ni Heilena. She missed the bar, she swear! Matagal-tagal na rin simula nang huling beses siyang nag-enjoy sa bar. Iyong tipong mawawala siya sa sarili niya sa sobrang saya. "I want to have some fun too, Mommy!" ani ng munting tinig. Si Tinsley. Itong batang 'to bigla-bigla na lang din sumusulpot. Palibhasa, miss na miss na nito ang mommy niya dahil madalang na lang silang magkasama simula nang nangyari. Naiiwan siya lagi sa bahay
NAGMAMADALI ring sumugod ang mommy nina Heilena sa hospital after she knew what happened. Hindi talaga malalaman kung kailan ang aksidente. Naaawa siya sa Daddy niya. Masyado na kasi silang wala sa bahay. Madalas nasa labas. Ni hindi na nila napagtutuunan ng pansin ang mommy at daddy nila na walang kasama sa bahay. Naaawa siya sa sinapit nito. Hindi niya maipagkakaila na tumatanda na rin ang mga magulang nila. Hindi na kasing lakas ng dati. Nakakalungkot lang na kung saan naman dapat iisa sila bilang pamilya, doon naman sila nagkakasira-sira. "Wala pa rin ba kayong contact sa kakambal mo?" nag-aalalang tanong ng mommy ni Heilena sa kanya. Namumugto ang mata nito kaiiyak. Siya rin kasi ang nagpuyat kababantay sa daddy nila. Heilena just bitterly glanced at her mom and answered, "Not yet. Si Timothy na ang bahala na mag-contact sa kanya. I am not sure if she's going to believe me that's why. Kilala mo naman iyon. She's head over heels with Ti
Isang linggo matapos ang insidenteng iyon sa restaurant ay umulan ang viral video ng kambal sa internet. Ang daming nagbigay ng kani-kanilang konklusyon at mga haka-haka. Hindi naman bulag at bingi si Heilena para hindi niya iyon malaman. She also has her social media account at maingay nga ang social media dahil sa nangyari. Hindi niya akalain na magva-viral iyon kahit na aware siya na maraming nag-shoot ng insidenteng iyon sa restaurant. "SIS!" Bungad agad ni Bea kay Heilena pagpasok nito sa opisina. Hanggang ngayon kasi ay ito ang nag-take over muna pansamantala sa pamamahala ng business ni Heilena since naka-focus siya sa pag-aalaga muna kay Timothy at sobrang daming bagay rin na nangyari lately samahan pa ng pagkamatay ni Xander. "Alam mo na ba 'yung kumakalat na viral video niyo?" aligaga nitong tanong. Na-stress lang talaga si Bea kasi sa dami ng namba-bash na ngayon kay Heilena, nabawasan din ang mga clients nila. Karamihan sa mga ito a
HEILENA feels so good waking up in the morning na nasa tabi nya si Timothy. Hindi niya akalain na darating sila sa puntong ito. Waking up beside the man she loves is just a dream come true for her. Nauna siyang nagising sa binata kaya malaya niyang napagmasdan ang maamo nitong mukha. Hindi na siya makapaghintay pa na bumalik ang mga alaala nito tungkol sa kanya. Alam niyang darating din silasa puntong iyon pero she's just too excited about it. Dahan-dahan siyang bumaba sa kama kung saan siya nakahiga. She's totally naked. Hinanap agad ng mga mata niya kung saan na napunta ang mga damit niya. Mabilis niya iyong sinuot saka siya lumabas ng kuwarto. Kilala naman siya ng mga katulong nina Timothy dahil noon pa man, noong sina Heilen pa at Tim ay nagpupunta rin siya rito. "Manang, tulungan ko na ho kayo sa pagluluto," wika niya sa isang katulong. Medyo may katandaan na rin ito pero dito pa rin at tapat na nagsisilbi sa mga Silvestre kahit na si Timothy na lan
"DITO!" panimula ni Heilena. Malawak ang ngiti niya. Nasa bar kasi silang dalawa ngayon ni Timothy.Nag-effort pa si Bea na yayain ang lahat ng mga nakainuman nila noong gabing iyon para makisama sa kanila at makipagtulungan sa pagbabalik ng mga alaala ni Timothy na nabura."W-What happened here?" hindi siguradong tanong ni Tim sa kanya."Wala ka bang naaalala kahit konti?"Umiling-iling ang binata. "Malabo, e. Ano bang nangyari dito?"Ngumisi si Heilena. "Well, dito mo lang naman ako hinatak. Can you remember these guys?" tanong muli nito sabay turo sa mga kalalakihan na kasama nila sa table."Hi, dude.""Hi, pre." Bati ng mga ito.Nag-aalangang kumaway si Timothy."Not like that. Una mong inagaw sa akin ang isang shot na para sana sa 'kin. Tapos bigla mo akong hinatak at binuhat." Pagtatama ni Heilena.Ginawa nila iyon muli. Kahit na mukha silang mga ewan. "Shot, shot, shot!" sigaw ng mga kalalakihan na kasama n
NAIWAN sa pangangalaga ni Heilena si Timothy. Buong gabi siyang nakaalalay at nagbabantay sa binata dahil natatakot siya sa kung ano pang mga possibleng mangyari. Magdamag rin siyang walang tulog. Mabuti na lang at maagang nagpahinga ang anak niya. Kay Timothy muna siya ngayon. Naaawa siya rito. He is suffering because of what her twin did. Hindi niya alam kung pagmamahal pa ba iyon o kabaliwan na. Nahihimbing na ngayon sa pagtulog ang binata. Kita sa mukha nito ang stress. Napaisip tuloy siya kung inalagaan naman ba ng Ate Heilen niya si Tim ng tama o baka sa pagsasama nilang dalawa ay puro pagmamanipula ang ginawa nito. Kawawang Timothy. Biktima na siya at mas lalo pang nabiktima. "Tim, h'wag mong madaliing bumalik ang memorya mo. Maghihintay kami ni Tinsley kung kailan mo kami maaalala. Ang mahalaga, mas ligtas ka na ngayon sa mga kamay ko." Tulog ang binata kaya malakas ang loob niyang kausapin ito. Napatiti
SARIWA pa rin ang pagkamatay ni Xander sa kanilang lahat. Hindi alam ni Heilena kung paanong magpapatuloy gayong labis labis ang pag-iyak rin ng anak niya nang malaman nito ang totoo. Na kailan man ay hindi na babalik si Xander. Kinilala niya na rin itong Daddy kahit sa sandaling oras lang. Imbes na ilang araw na sana ng magiging kasal nina Heilen ay napaatras ang tentative date nito dahil sa pagkawala ni Xander. Patatapusin na lang nila ang burol bilang respeto na rin sa lahat dahil halos lahat sila ay nagluluksa pa rin."Bad trip naman, e. Bakit ba kasi kailangan pa tayong madamay diyan sa pagkamatay ni Xander? Anong kinalaman ng burol niya sa kasal ko?" Bakit ako ang kailangang mag-adjust?" Mainit na naman ang ulo ni Heilen. Pabalik-balik siya sa paglalakad at hindi mapakali nang makiusap ang mommy at daddy niya na i-move na lang muna ang kasal nila ni Timothy hanggang sa mailibing si Xander. Kaya heto ngayon si Heilen, kulang na lang ay bumuga ng apoy.