Home / Romance / Dela Vega's Surrogate Wife / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Dela Vega's Surrogate Wife: Chapter 51 - Chapter 60

95 Chapters

Chapter 48 (Part 1)

Sandro was cursing nonstop inside his vehicle. Kung pwede lamang niyang sapakin ang sarili ay ginawa na niya. Of all the days he could mess up, ngayon pa talagang araw na ito.  Kasalukuyan niyang binabagtas ang kahabaan ng kalye papuntang Hacienda Dela Vega, ang pagdadausan ng gender reveal party nila. He was supposed to have traveled a little over an hour ago to ensure he would arrive in time. But being a total prick, he decided to hang on to the last minute thinking that the travel time would not be that long. Nagagawa niya ito sa loob ng dalawang oras. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkaroon ng aksidente sa kahabaan ng South Superhighway na nagresulta ng hindi inaasahang pagbigat ng trapiko. Nag-init na naman ang kanyang ulo sa tuwing maaalala ang kapalpakan niya. Nais niyang magsisi na nagbukas pa siya ng email ni
Read more

Chapter 48 (Part 2)

Mula sa kinatatayuan, natanaw niya ang asawa habang nakaupo sa isang silya at pinapaypayan ni Ate Marissa. Nang mapansin ang presensya niya, agad itong napatayo at tinapunan siya ng isang napakatamis ng ngiti. He gasped after laying his eyes on her.  He swear to god, she was the most beautiful girl he had ever seen in his life!  The pregnant woman carrying his heirs was wearing a white, crochet, cold-shoulder mini dress. The slightly loose dress made her feel vibrant as the floral embroidered fabric hugged her body. Her hair was tied into a one-sided, slightly messy, fishtail braid. Her lips were painted with subtle lipstick while her cheeks were slightly pinkish due to the blush she was wearing. She finished the look by wearing a pair of white, flat, spartan sandals.  
Read more

Chapter 48 (Part 3)

Lyv, for the nth time, gave him a reassuring smile before saying, “Ready!”  Then, they unconsciously held hands as they wait. Nagsimulang mapuno ng iba’t-iba’t ibang ilaw ang kalangitan. Sa kalidad at disenyo ng mga naturang pailaw, hindi maikakailang ang mga ito ay hindi lamang basta-bastang klase ng mga paputok. Kagaya ng mga expensive fireworks display na madalas mapanood sa telebisyon tuwing magpapalit ng taon, manghang-mangha ang mga bisita sa kanilang nakikita.  “Oh my god! This is beautiful, Anastacia!” ani ng isang amiga ni Madam Dela Vega. Halos mapanganga ito katititig sa langit. Nagsimula namang magtanguan ang iba pangnakatatanda sa paligid ng donya bilang pagsang-ayon.  
Read more

Chapter 48 (Part 4)

Ito na ang hudyat upang ianunsyo sa lahat ang isa pa nilang sorpresa. Napuno ng bulungan ang kabuuan ng venue. Bawat isa ay walang ideya kung ano ang nangyayari. Kabado namang napasulyap si Lyv sa asawa. Kinindatan lamang siya ng lalaki bilang ganti.  “Halaa! May pasabog na naman!” bulong ng kasambahay na si Kristina kay Ate Marissa. Maang silang nakikiramdam kung ano ang nangyayari. “May alam ka ba rito, Nana Marissa. Hindi ba’t ikaw ang personal na alalay ng senyorita?” “Hoy, Kristina! Anong akala mo sa akin, ginagamit ang posisyon ko bilang pinakamalapit na kasambahay kay senyorita Lyv para maki-chismis? Hindi ako Marites for your information!” ismid na turan naman ni Ate Marissa sabay alis sa braso ng nakababatang katulong s
Read more

Chapter 49 (Part 1)

 Sa ilalim ng liwanag ng buwan, kitang-kita ang isang nilalang. Kasalukuyan siyang nakatanaw sa kabuuan ng plantasyon ng niyog na pag-aari ng pamilya ng kanyang yumaong asawa. Sa kanyang kanang kamay, nakalagay ang isang kopita. Laman nito ay ang alak na nagmula sa pinatandang katas ng ubas.  Ang kanyang mukha ay larawan ng mahabang taon. Sa kabila ng pamumuti ng buhok at bahagyang pangungulubot na balat, hindi maikakaila ang kagandahan sa kanyang kabuuan. Minsan pa, idinikit niya ang labi ng baso sa kanyang bibig at nilagok ang natitirang likido sa loob niyon. Maya-maya, isang lalaki ang pumukaw sa kanyang malalim na pag-iisip.  “Senyora, lumalalim na po ang gabi. Mas makabubuting bumalik na kayo sa inyong silid. Malamig po ang simoy ng hangin. Baka po kayo ay sipunin.” Tinig iyon ng kanyang sekret
Read more

Chapter 49 (Part 2)

 Imposible. Maaaring nananaginip lamang siya!  Mariing tiningnan ng estrangherong binata si Goryo. Tinapunan niya siya ng isang mapanuring tingin mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang mga paa, bagay na ikinailang ng binata.  Aaminin niya, nakaramdam siya ng panliliit. Sapat na ang mga tingin nito upang mapagtanto niyang hindi ito naniniwala sa mga pananalita ng dalaga. Sino ba naman ang nasa tamang pag-iisip na sasakyan ang mga salitang iyon ng babae? Sino ba siya kumpara sa anak ng kanyang amo? Nagbaba ng ulo si Goryo. Sa suot pa lang niya, hindi maikakailang naghihikahos sila sa buhay. Bakas kasi sa suot niyang lumang polo at kukupasing pantalon ang kanilang kahirapan. Nang marinig ng ina na sasama siya sa baylehan sa bayan, agad itong naghalungkat
Read more

Chapter 49 (Part 3)

Sigurado siya sa isang bagay, tuluyan nang mawawala si Tasing sa kanya!  “Goryo..” Ipinikit ni Goryo ang kanyang mga mata. Ito na ang katapusan ng kanyang pantasya. Ito na ang kabayaran sa paghahangad niyang abutin ang isang malayong bituin.  Dahan-dahang humakbang papalapit si Anastacia sa kanyang kinaroroonan. Bagamat nasa lupa pa rin ang tingin, tanaw niya ang kulay itim nitong sapatos na nakaumang sa kinatatayuan niya. Ang ga-dangkal nilang layo sa isa’t-isa ang lalong nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.  “Tumingin ka sa akin, Goryo,” utos ng dalaga. Nang hindi pa rin siya tumitinag, iniangat ng dalaga ang ulo niya gamit ang mga kamay nito. “Pagmasdan mo ang ak
Read more

Chapter 49 (Part 4)

Sa huli, walang nagawa ang dalaga kundi ang umiyak at ipagdasal ang kanyang kapalaran. Kay lupit ng tadhana sa kanya! Sa kabilang banda, mabilis na kumalat sa buong azukarera ang lihim na pag-iibigan nina Anastacia at Goryo. Ang resulta, kaagad nilisan si Goryo ang hacienda at nagtago sa kalapit na nayon upang makawala sa hagupit ng galit ng don. Ayaw man niyang iwan si Anastacia ay wala siyang nagawa. Nakarating kay Goryo ang kalagayan ng minamahal sa kamay ng sariling ama. Napag-alaman din niyang ipakakasal ang dalaga ang ama sa anak ng isang negosyante sa Maynila. Kapag nagkataon, tuluyan nang mawawala sa kanya ang kasintahan.  Lumipas ang mga araw at nanatiling magkahiwalay ang magkatipan. Sa pamamagitan ng mga kaibigan na patuloy na nagta-trabaho sa hacienda, nakak
Read more

Chapter 49 (Part 5)

“Mamili ka, Anastacia, magpapakasal ka sa tagapagmana ng mga Dela Vega o bubutasin ko ang bungo ng lalaking ito?”“Pakiusap, Papa. Huwag n’yo pong gawin iyan. Maawa po kayo kay Goryo. Wala po siyang kasalanan. Ako na lang, ako na lang ang parusahan n’yo!” Subalit imbes na matinag, umalingawngaw ang marahas na pagkasa ng baril ng don. Pinilit namang idilat ni Goryo ang kanyang mga mata.  “An-as-ta-cia..” paputol-putol niyang untag. Nagsimula nang bumilis ang paghinga ng dalaga at nagpalipat-lipat ang tingin sa ama at sa kasintahan.  “Bibilang ako ng tatlo, Anastacia. Nasa iyong pagpapasya ang magiging kapalaran ng hampaslupang ito.” 
Read more

Chapter 50

“Business magnate Sandro Dela Vega and wife, expecting twins.” Laman ng lahat ng pahayagan ang nangyaring gender reveal party ng mag-asawang Dela Vega. Bagamat naging intimate ang selebrasyon, naglabas naman ng mga opisyal na larawan ang DVE Group of Companies. Hindi kasi maitatago na maraming kasosyo ang nais bumati sa mag-asawa. Ang balitang iyon ay lalong nagpatibay ng kapit ng kanilang negosyo sa business world. Masasabing lalong tumaas ang value ng kanilang stocks sa Stock Market dahil doon.  Dahil naisapubliko ang nagdaang selebrasyon, isa sa mga narating ng balita ay ang tahanan ni Vana Enriquez. Halos magdugo ang kanyang labi sa pagkakakagat niya dahil sa panggigigil. Hawak niya kasi ang dyaryo na naglalaman ng detalye tungkol sa event. Lalong nagpakulo ng kanyang dugo ang larawan ng kasintahan habang kahalik
Read more
PREV
1
...
45678
...
10
DMCA.com Protection Status