Home / Romance / Dela Vega's Surrogate Wife / Chapter 49 (Part 1)

Share

Chapter 49 (Part 1)

last update Last Updated: 2022-03-27 23:58:55

Sa ilalim ng liwanag ng buwan, kitang-kita ang isang nilalang. Kasalukuyan siyang nakatanaw sa kabuuan ng plantasyon ng niyog na pag-aari ng pamilya ng kanyang yumaong asawa. Sa kanyang kanang kamay, nakalagay ang isang kopita. Laman nito ay ang alak na nagmula sa pinatandang katas ng ubas. 

Ang kanyang mukha ay larawan ng mahabang taon. Sa kabila ng pamumuti ng buhok at bahagyang pangungulubot na balat, hindi maikakaila ang kagandahan sa kanyang kabuuan. Minsan pa, idinikit niya ang labi ng baso sa kanyang bibig at nilagok ang natitirang likido sa loob niyon. Maya-maya, isang lalaki ang pumukaw sa kanyang malalim na pag-iisip. 

“Senyora, lumalalim na po ang gabi. Mas makabubuting bumalik na kayo sa inyong silid. Malamig po ang simoy ng hangin. Baka po kayo ay sipunin.” Tinig iyon ng kanyang sekret

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 49 (Part 2)

    Imposible. Maaaring nananaginip lamang siya!Mariing tiningnan ng estrangherong binata si Goryo. Tinapunan niya siya ng isang mapanuring tingin mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang mga paa, bagay na ikinailang ng binata.Aaminin niya, nakaramdam siya ng panliliit. Sapat na ang mga tingin nito upang mapagtanto niyang hindi ito naniniwala sa mga pananalita ng dalaga. Sino ba naman ang nasa tamang pag-iisip na sasakyan ang mga salitang iyon ng babae? Sino ba siya kumpara sa anak ng kanyang amo?Nagbaba ng ulo si Goryo. Sa suot pa lang niya, hindi maikakailang naghihikahos sila sa buhay. Bakas kasi sa suot niyang lumang polo at kukupasing pantalon ang kanilang kahirapan. Nang marinig ng ina na sasama siya sa baylehan sa bayan, agad itong naghalungkat

    Last Updated : 2022-03-28
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 49 (Part 3)

    Sigurado siya sa isang bagay, tuluyan nang mawawala si Tasing sa kanya!“Goryo..”Ipinikit ni Goryo ang kanyang mga mata. Ito na ang katapusan ng kanyang pantasya. Ito na ang kabayaran sa paghahangad niyang abutin ang isang malayong bituin.Dahan-dahang humakbang papalapit si Anastacia sa kanyang kinaroroonan. Bagamat nasa lupa pa rin ang tingin, tanaw niya ang kulay itim nitong sapatos na nakaumang sa kinatatayuan niya. Ang ga-dangkal nilang layo sa isa’t-isa ang lalong nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.“Tumingin ka sa akin, Goryo,” utos ng dalaga. Nang hindi pa rin siya tumitinag, iniangat ng dalaga ang ulo niya gamit ang mga kamay nito. “Pagmasdan mo ang ak

    Last Updated : 2022-03-28
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 49 (Part 4)

    Sa huli, walang nagawa ang dalaga kundi ang umiyak at ipagdasal ang kanyang kapalaran. Kay lupit ng tadhana sa kanya!Sa kabilang banda, mabilis na kumalat sa buong azukarera ang lihim na pag-iibigan nina Anastacia at Goryo. Ang resulta, kaagad nilisan si Goryo ang hacienda at nagtago sa kalapit na nayon upang makawala sa hagupit ng galit ng don. Ayaw man niyang iwan si Anastacia ay wala siyang nagawa.Nakarating kay Goryo ang kalagayan ng minamahal sa kamay ng sariling ama. Napag-alaman din niyang ipakakasal ang dalaga ang ama sa anak ng isang negosyante sa Maynila. Kapag nagkataon, tuluyan nang mawawala sa kanya ang kasintahan.Lumipas ang mga araw at nanatiling magkahiwalay ang magkatipan. Sa pamamagitan ng mga kaibigan na patuloy na nagta-trabaho sa hacienda, nakak

    Last Updated : 2022-03-28
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 49 (Part 5)

    “Mamili ka, Anastacia, magpapakasal ka sa tagapagmana ng mga Dela Vega o bubutasin ko ang bungo ng lalaking ito?”“Pakiusap, Papa. Huwag n’yo pong gawin iyan. Maawa po kayo kay Goryo. Wala po siyang kasalanan. Ako na lang, ako na lang ang parusahan n’yo!”Subalit imbes na matinag, umalingawngaw ang marahas na pagkasa ng baril ng don. Pinilit namang idilat ni Goryo ang kanyang mga mata.“An-as-ta-cia..” paputol-putol niyang untag. Nagsimula nang bumilis ang paghinga ng dalaga at nagpalipat-lipat ang tingin sa ama at sa kasintahan.“Bibilang ako ng tatlo, Anastacia. Nasa iyong pagpapasya ang magiging kapalaran ng hampaslupang ito.”

    Last Updated : 2022-03-28
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 50

    “Business magnate Sandro Dela Vega and wife, expecting twins.”Laman ng lahat ng pahayagan ang nangyaring gender reveal party ng mag-asawang Dela Vega. Bagamat naging intimate ang selebrasyon, naglabas naman ng mga opisyal na larawan ang DVE Group of Companies. Hindi kasi maitatago na maraming kasosyo ang nais bumati sa mag-asawa. Ang balitang iyon ay lalong nagpatibay ng kapit ng kanilang negosyo sa business world. Masasabing lalong tumaas ang value ng kanilang stocks sa Stock Market dahil doon.Dahil naisapubliko ang nagdaang selebrasyon, isa sa mga narating ng balita ay ang tahanan ni Vana Enriquez. Halos magdugo ang kanyang labi sa pagkakakagat niya dahil sa panggigigil. Hawak niya kasi ang dyaryo na naglalaman ng detalye tungkol sa event. Lalong nagpakulo ng kanyang dugo ang larawan ng kasintahan habang kahalik

    Last Updated : 2022-03-28
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 51 (Part 1)

    It has been 10 days since Aylo became a fugitive. And he never dared to look back.Kasabay ng desisyon na tuluyang sumama sa grupo ni Camilo, ay ang kanyang pagtalikod sa kanyang kinagisnang buhay. Nagsimula na niyang ibaon sa limot ang lahat ng kanyang pinagdaanan sa nakaraan.Lahat ng sakit, paghihirap at pasakit na napilitan siyang harapin ..Lahat ng masasayang alaala..Lahat ng taong nakasalamuha niya..Ang desisyong ito ay makatutulong sa kanya upang tuluyan nang yakapin ang buhay kriminal. Napangiwi si Aylo nang isiping iyon. Mapait pa rin sa kanyang panlasa ang tawagin ang sarili ng gano’n at mahanay sa grupo ng mga taong halang an

    Last Updated : 2022-03-29
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 51 (Part 2)

    “The books are open,” untag ni Camilo. Iyon na ang hudyat na magsisimula na ang ritwal na magsisimento sa katayuan ni Aylo sa kanilang organisasyon.Iginalaw ni Camilo ang kamay upang kuhanin ang papel na may logo. Inilagay niya ito sa gitna ng lamesa habang iniumang ang kamay upang abutin ang kay Aylo. Balot man ng pangamba, lakas loob na sumunod si Aylo. Nang mahawakan ng boss ang kanyang kamay, kasunod niyang hinawakan ang punyal.Maya-maya pa ay sinugatan nito ang palad ng binata. Napangiwi ang binata sa sakit subalit nanatili siyang walang imik. Tumagas ang pulang likido mula sa kanyang sugat. Kasabay niyon ay ang pagtulo nito sa ibabaw ng papel.“As this blood flows, the doors of the Golden Pistons Brotherhood will be ope

    Last Updated : 2022-03-29
  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 51 (Part 3)

    “Time to prove your worth, muchacho.”Bahagyang naiawang ni Aylo ang bibig sa gulat. Panandaliang dumako ang kanyang tingin sa baril. Pagkatapos, iniangat niyang muli ang mata at tumingin sa boss. Ang bahagyang pagtango nito ay hudyat na hindi ito nagbibiro.Nanginginig ang kamay na kinuha niya ang baril. Ito ang unang pagkakataon na dumampi ang malamig na bakal na armas sa kanyang balat. May kabigatan pala ang isang tunay na baril. Dahan-dahan niya itong iniangat at napalunok.Kahit noong bata pa siya, walang dating sa kanya ang mga laruang baril. Mas gusto niyang laruin ang lego at mga robot. Hindi siya nagkainteres sa mga laruang armas gaya ng espada at baril. Ewan ba niya sa sarili. Basta hindi niya gusto ang ideya ng sakitan at patayan kahit noon

    Last Updated : 2022-03-29

Latest chapter

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Epilogue

    EpilogueIsang lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo ang ngayon ay prenteng nakaupo sa loob ng isang pribadong eroplano. Walang anumang emosyon ang mababakas sa kanyang mukha. Seryoso siyang nakatitig sa labas ng bintana…ibinababad ang isip sa kawalan. “Kapag nagutom kayo, Sir, huwag po kayong mag-atubili na sabihin sa akin. Nakahanda na po ang inyong makakain. Kung gusto niyo po matulog ay ipaalam po ninyo sa akin,” sambit ng stewardess. Buong-giliw ito sa pagngiti sa kanya. Tango lamang ang kanyang isinagot dito kasabay ng pagsuot ng itim na salamin sa kanyang mga mata.Sa isang gilid naman ay nakaupo ang kaniyang sekretarya. Wala itong tigil sa pasasalita. Mula sa hawak na tablet, isa-isa niyang binabasa ang mga napipinto niyang appointments para sa araw na iyon. Sa totoo lang, gusto na muna niyang magpahinga. Nais muna niyang sulitin ang pagkakataong muli siyang tutuntong sa lupang sinilangan. “You are invited to a party tonight at 7:30 PM, Sir. Then, you will have a meeting tom

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 81

    Mahalaga ang araw na ito para kay Sandro. Isang taon na rin pala ang lumipas simula nang mangyari ang pinakamasakit na trahedya sa buhay niya. Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya pero ginagawa niya ang kaniyang makakaya upang maitawid ng maayos ang bawat araw. When Sandro started to recall that fateful night, his tears fell. He never expected that he could lose her. Ni sa hingap ay naisip niyang mawawala siya sa buhay niya. Isang taon niya ring ininda ang sakit ng kaniyang pagkawala. And he doesn’t think na mawawala ang sakit. He will probably mourn her passing for the rest of his life. Noon una, halos hindi siya makatulog kaiisip kung bakit kailangan na mangyari ang bagay na iyon. Alam niya sa sariling ginawa niya ang lahat upang mailigtas sila. Subalit ganoon pa rin ang kinahinatnan. May namatay pa rin, bagay na nahihirapan siyang tanggapin hanggang ngayon. Napabuntong-hininga na lamang si Sandro habang hawak ang isang palumpon ng puting bulaklak. Siguro, kahit anong gawin

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 80

    Mula sa loob ay rinig na rinig niya ang matinis na wang-wang ng sasakyan. Nakakatulig iyon, masakit sa tainga, subalit hindi iyon sapat para mainis siya sa tunog na iyon. Sa katunayan, lahat ng kumpiyansa at pang-unawang pwede niyang ibigay ay walang pag-aalinlangan niyang ibubuhos sa mga sandaling iyon. Lahat ay gagawin niya, kahit pa magbabad sa walang katapusang ingay ng isang wang-wang, makaligtas lamang ang mag-iina niya. “Can this ambulance be any faster?” sigaw niya, nagbabakasakaling may ibibilis pa ang sasakyan na lulan ang pagal at naghihirap na katawan ng asawa. Batid niyang ginagawa ng mga emergency responders ang lahat ng kanilang makakaya matulungan lamang si Lyv subalit hindi pa rin niya maiwasan ang matinding pag-aalala. Kahit naman sinong makakita sa namumutla at namimilipit na asawa, imposibleng hindi nila kaawaan ang kalagayan ng babae.Sa pagkakataong iyon, wala siyang magawa kundi hawakan ng mahigpit ang kamay ng asawa habang abala ang emergency responder sa pagk

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 79

    Napalingon si Vana sa direksyon ni Sandro nang maluha-luha.Kitang-kita niya ang galit sa mga mata ni Sandro. Naaalala niyang ni isang beses ay hindi ito nagalit sa kanya. Hindi siya nito pinanlilisikan ng mga mata. Ang dating pagmamahal na pinagsasaluhan nila ay napalitan na ng poot. Hindi na niya kilala ang lalaki.Oo nga naman at iba na ang nilalaman ng puso nito. Kaya't napuno siya ng poot at naisipang gawin ang lahat ng ito. Hindi niya matanggap na sa isang iglap ay napalitan na siya sa puso ni Sandro. Hindi niya papayagang magsama ang mga ito nang maligaya!Ngunit nag-iba ang lahat nang malaman niya ang tunay na katauhan ni Dimitri. Hindi niya akalain na ang kuya niyang matagal na niyang hinahanap ay ang mismong itinuturing na kapatid ng kanyang karibal. Hindi na niya alam kung alin ang uunahin. Ngunit nagpakitang muli si Sandro at nanumbalik na naman ang poot sa kanyang puso."Stop this nonsense, Vana! The place was already surrounded by the police. Surrender yourself if you kn

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 78

    Hindi na labis maintindihan ni Lyv ang mga kaganapan na nasa kanyang harapan. Habang pinakikinggan ang usapan nina Tri at Vana, parang walang laman ang kanyang ulo. Litong-lito na siya sa mga naririnig. Para siyang nabingi bigla nang marinig ang kwento ng kapatid. Hindi naman iyon maaari, hindi ba? Imposible. Napakaimposible na paglihiman siya ni Tri lalo na at sa ganoon kaseryosong bagay. Hindi niya iyon magagawa sa kanya. Kilala niya ang kapatid. Siya nga ba? Nais niyang tanungin ang tadhana kung paanong nangyari na ang kinilala niyang kapatid ay hindi pala niya kadugo. Ang masaklap pa, ang taong lubus-lubos ang pagkamuhi sa kanya ang siya nitong totoong kapamilya. Sadyang napakaliit ng mundo sapagkat pinagtagpo silang tatlo sa ganitong klaseng pagkakataon. Ilang beses nagpakurap-kurap ang kanyang mga mata. Hanggang sa patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha. Sa mga pagkakataong ito, napalingon siya sa kinaroroonan ng kaibigan subalit ibang klaseng pagtitig ang iniukol nito sa

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 77

    Habang tumatagal, patindi ang patindi ang mga kaganapang nangyayari sa abandunadong lugar na iyon. Kanina lamang ay puno ito ng mga sigaw at iyak ng pagmamakaawa. Subalit ngayon, matinding pagkagulat ang namamayani sa paligid. Bakit nga hindi? Isang di inaasahang bisita ang bumulaga sa kanilang lahat.“At sino na ka namang asungot ka?” banat ni Steve. Bakas sa kanyang mga mata ang matinding pagkairita. Matagal na niyang inaasam-asam na matapos ang ikalawang bahagi ng kanyang nakakadiring pelikula. Kaya naman nang maistorbo, malulutong ng mura ang umalingawngaw mula sa kanya. Subalit hindi nagpatinag ang estranghero. Bagkus, hinarap nito si Vana nang buong katapangan. “Nakikiusap ako sa iyo, itigil mo na ito.”Natawa ng pagak ang dalaga. Umirap ang kanyang mga mata pagkatapos ay nagwika, “At bakit ko naman gagawin iyon? Can’t you see I am having some fun here?”“You have to,” Benjamin reasoned. “It is not too late. Maaayos mo pa ang buhay mo.”Natawa pa si Vana habang pinagmamasdan an

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 76

    Ilang sandali pa ay nag-ring nang muli ang telepono ni Sandro.Rumagasa ang kaba sa kanyang dibdib nang makilala ang number. Si Vana!Agad niya itong sinagot habang ang IT expert ay nakaantabay lang sa gilid niya."Hello, Vana?" pagbati niya."Aw! Wala man lang kalambing-lambing sa boses mo, baby," komento nito saka tumawa. "So, ano? Nakapagdesisyon ka na ba?"Napatiim-bagang pa siya at napabuga ng hangin nang marahan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata bago siya tumango. "O-oo. Pumapayag na ako sa kondisyon mo. Kalayaan ko kapalit ng kalayaan ng asawa ko," sa wakas ay sambit niya. Hindi niya halos masikmura ang isipin na sasama siya sa babaeng ito sa gayong ipinahamak nito ang kanyang asawa. Ang gusto niyang gawin ngayon ay ang sakalin ito at patayin! Hinding-hindi niya mapapatawad si Vana sa ginawa nito.Napahalakhak nang malakas si Vana mula sa kabilang linya. Sa puntong iyon, nakangisi na si Vana habang nakatingin kay Lyv na nakatali at nakabusal sa may bakal na upuan. Pawisan ito

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 75

    Hawak-hawak ang masakit na ulo mula sa pag-iyak ay matagal-tagal bago napagpasyahan ni Sandro na sagutin ang kanina pa tawag nang tawag na numero sa kanyang cellphone.Pinahid niya ang mga luha gamit ang braso at umakto nang maayos."Hello?" iyon ang bating panimula niya. Kinakabahan siya. Paano kung si Vana na pala ang tumatawag at hindi niya man lang ito nasagot kaagad?Sinipat niya ng tingin ang ilang kapulisan na nakatambay sa kanyang salas."Hello, Sandro dela Vega? Ikaw ba 'to?"Tila nanigas si Sandro nang dahil sa narinig. Hindi siya maaaring magkamali sa boses na iyon. Paano ba niya malilimutan ang boses na ito kung isa ito sa pinaka importanteng tao sa buhay nila ni Lyv.Ngunit, paanong nangyari ito?"Alam kong gulat ka, dela Vega. Pero ako talaga ito. Si Tri," pag-amin naman ng lalaki sa kanya mula sa kabilang linya.Ang kanyang kausap ay walang iba kundi si Atty Dimitri Castillo.Ngunit, paano ito nangyari? Namatay na si Tri. Kitang kita ng dalawang mga mata niya ang duguan

  • Dela Vega's Surrogate Wife   Chapter 74

    “Pakawalan mo na ako, please. Maawa ka sa mga anak ko. Wala silang kasalanan.”Hindi na mabilang ni Lyv kung makailang-ulit na niyang sinasabi ito. Halos nawawalan na rin siya ng boses sa kakasigaw. Tuyong-tuyo na rin ang lalamunan niya sa sobrang uhaw. Nanghihina na rin ang kanyang katawan sapagkat ang huling kain pa niya ay kaninang tanghalian. “Vana Enriquez…Nagmamakaawa ako. Inosente ang mga anak ko. Wala silang kamuwang-muwang sa lahat nang ito,” minsan pa ay ibinuka ng kanyang bibig. Pagod na ang kanyang katawan at isipan subalit hindi ang kanyang puso. Kakayanin niya, alang-alang sa kanyang mga mirasol.“Please, Vana,” untag niya gamit ang isang basag na boses. “Huwag ang mga anak ko…Ako na lang…Ako na lang ang saktan mo, huwag na sila.”Pagkatapos nito, marahas na humarap sa kanya ang dalagang may hawak ng kanyang buhay. Nanlilisik ang mga mata nitong lumapit sa kanyang kinaroroonan. Dinaklot nito ang kanyang magkabilang pisngi gamit ang kanan niyang kamay. Ramdam na ramdam n

DMCA.com Protection Status