Home / Romance / Dela Vega's Surrogate Wife / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Dela Vega's Surrogate Wife: Chapter 31 - Chapter 40

95 Chapters

Chapter 31 (Part 1)

Chapter 31 (Part 1))“Here are the things that you want me to get from your house,” wika ni Jhaz habang inilalapag ang ilang papeles at mga gamit sa ibabaw ng lamesa. May bahid ng sarkasmo ang kanyang tinig. “Anything else that you might need?”Nilingon ni Benjamin ang kasintahan sabay ngumuso sa hangin na animo’y magbibigay ng halik. “That’s all, hon. I love you!”  “Psh! Nambola ka pa! Dy’an ka na nga!” Natatawang wika ng babae. Tuluyan na itong pumasok sa loob ng bahay pagkatapos. Nang maiwang nag-iisa sa terrace ng bahay na pansamantala nilang inuupahan, idinako ni Benjamin ang kanyang paningin sa isang lumang kahon ng sapatos. Ang ngiting mababanaag sa kanyang mga labi ay pansamantalang na
Read more

Chapter 31 (Part 2)

“Ako si Demetrio Castillo,” sagot nito. “At magmula ngayon, ako na ang magiging daddy mo.” “Daddy? Gusto n’yo pong maging daddy ko? Wala ba kayong anak?”  Maang na napatingin si ginoong Castillo sa bata. Panandalian siyang natahimik. Bakas sa kanyang mukha ang di mawaring reaksyon. Makalipas ang ilang segundo, muli itong nagwika, “Meron akong anak pero wala na siya. Kasalukuyang buntis ang aking asawa at nasa maselang kondisyon. Kung hindi mo ako tutulungan, pwede rin silang mawala sa akin. Gaya mo, maiiwan din akong mag-isa.” “Hindi ko po kayo maintindihan, sir,” buong pagtatapat na wika ng bata. Habang tumatagal lalong nagiging komplikado ang lahat sa kanyang murang kaisip
Read more

Chapter 32

Kasalukuyang nasa malawak na field si Aylo kasama ang iba pang mga preso. Ito kasi ang oras kung saan pinapayagan silang lumabas ng kanilang selda upang makalasap ng liwanag ng araw. Isa ito sa mga oras na pinakahihintay niya. Dito kasi, malaya niyang pinaglalakbay ang kanyang isip kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin sa kanyang paligid.  “You!” agaw-atensyon ng isang jail guard sa kanya. “Somebody visit. Want to see you.” “Me? Are you sure it’s me?” maang niyang tanong. Hindi siya makapaniwala na sa tinagal-tagal niya sa kulungan na iyon, may magtatangka pang dumalaw sa kanya.  “Cào nǐ mā (fuck your mother), You come or not?” 
Read more

Chapter 33

“Here’s your coffee, Sir. Anything else you might need?” “No, that’s all. Thank you!” mahinang usal ni Sandro. Kaagad namang nagpaalam ang lalaking nag-serve ng kanyang in-order na kape. Nang maiwang nag-iisa sa sulok ng Cafe Valentino, kinuha ni Sandro ang kanyang paboritong all-weather notebook at nagsimulang sumulat ng review. Humugot din siya ng ilang pirasong lilibuhin sa kanyang wallet upang paghatian ng mga crew ng naturang coffee shop. He loved giving credits when due. This was his way of appreciating the quality service provided to him the moment he set foot in that establishment.  Cafe Valentino was a coffee shop that brought a blend of comfort food and vegan-inspired dishes in a cozy, picture-perfect facade. No wonder dito napiling mag-meet ng kanyang ka-meeting ngayon. Atty. Vern M
Read more

Chapter 34

It was a typical day in the Dela Vega mansion.  As always, she started her day doing her daily devotion. Magmula nang mapunta sa tahanan ng kanyang bagong pamilya, sinusigurado niyang uunahin niya ang Diyos sa lahat ng pagkakataon. Aminado ang babae na hindi siya ganito kasipag magbasa ng bible noong dalaga pa siya. For some reason, her morning prayer and bible reading became her source of strength and endurance na animo’y inihahanda na siya sa mga pagdadaanan niyang pagsubok sa buhay. Ang pinakahuli nga ay ang biglaang pagpanaw ng kapatid.  After eating her breakfast, she readied herself for a very special meeting. Allaine and her team would visit the mansion to discuss the details about her gender reveal party. Syempre, sino pa ba ang kukuhanin niyang coordinator kundi ang kompanya ng kaibigan. Tuwang-tuwa ang huli
Read more

Chapter 35

Durug na durog.  Durug na durog na si Aylo. Naubos na ang lahat ng pag-asa at pagnanais niyang ituloy ang buhay. Masakit man ay tuluyan na siyang sumuko.  Tapos na ang laban. Tanggap na niya na dito na siya sa China malalagutan ng hininga. Aylo scanned the prison yard. May mangilan-ngilang preso na naglalaro ng basketball sa isang bahagi ng bakuran. Ang iba naman ay naglalakad-lakad o nagja-jogging. Mayroon din namang gaya niya na mas piniling maupo sa mga mahahaba at bakal na upuan upang magmuni-muni.  Aylo bit his lips thinking about his past. Kung tutuusin, hindi na bago sa kanya ang salitang paghihirap. Buong buhay niya yata, ito lang ang nararanasan niya. Magmula nang ipinanganak siya hanggang sa
Read more

Chapter 36

“Bakla! Kailangan ba talagang kasama natin ‘tong mga goons na ‘to? Nakakailang kasi,” Tinig iyon ni Allaine. Panakaw niyang tinitingnan ang dalawang nakapolong lalaki na kasalukuyang nagkakape sa lamesang ilang pulgada lamang ang layo mula sa kinaroroonan nila.  As usual, nag-crave na naman ng tinapay at hot choco ang buntis. Kaya naman agad silang tumungo sa pinakamalapit na cafe sa kanilang lokasyon.  Dalawang araw bago ang nakatakdang gender reveal party, nagpasya sina Allaine at Lyv na pumunta sa mall upang magliwaliw. Halos dalawang linggo na rin kasi silang pagod kakaayos ng mga dapat kailanganin sa party.  Kung tutuusin, kayang-kaya naman na ng kopmpanya na nire-representa ni Allaine na asikasuhin ang lahat. Si Lyv lang ang mapilit. Nais kasi ng huli na maging hands on sa
Read more

Chapter 37

“Smile, shine, and take it one day at a time.” As usual, Lyv was in her favorite part of the Dela Vega mansion, the garden. She was wearing a floral maxi dress paired with the sunflower hat she purchased on their trip to the sunflower farm a little over a month ago. Meanwhile, Ate Marissa held an umbrella on top of her head while she watched the gardener Mang Krispin work his magic through the isles of flowering plants.  “Ate Marissa, huwag n’yo na po akong payungan. Alas-nueve pa lang po ng umaga. I need my vitamin D,” ani ni Lyv habang pinapakiusapan ang kasambahay. Umiling-iling naman ito habang sinusundan ang kanyang bawat galaw hawak ang nakabukas na payong.  “Hindi maaari, senyorita Lyv. Kabilin-bilinan ni Madam, huwag ka n
Read more

Chapter 38

Husto na. Hindi na siya magiging biktima.  Buong gilas na gumagalaw sa kusina si Vana. Ngayong araw, plano niyang dalawin si Sandro sa kanyang opisina upang magdala ng pagkain. Pagod na siyang maghintay. Pagod na siyang umamot ng atensyon mula rito. Sawa na siyang umasa sa mga pangakong palagi na lamang napapako.  Oras na para bawiin kung ano ang pagmamay-ari niya. Oras na para muling makuha si Sandro.  Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Hindi na rin mahalaga kung malagay sa alanganin ang reputasyon ni Sandro. The hell with all of them! Hindi na importante kung pagpyestahan pa siya ng media.  Hindi na baleng tawagin siyang kabit. Hindi na niya problema iyon dahil alam niya at ni Sandro
Read more

Chapter 39

In today’s day and age, everything can be learned online. Sa kulang tatlong oras na pagbababad sa internet, nakagawa ng obra si Lyv sa kusina. Aminado ang dalaga na hindi talaga siya expert pagdating sa pagluluto. Kaya naman niya ang mga simpleng lutuin kagaya ng pritong pagkain, nilaga, adobo at iba pa subalit ang mga ito ay pawang pambahay lamang. Nasanay siyang pinagsisilbihan ng kanyang Kuya Tri. Sa kanilang magkapatid, ito kasi ang in charge sa paghahanda ng kanilang pagkain.  Isa sa mga bagay na naa-appreciate niya sa mga tagasilbi ng mga Dela Vega ay ang pagiging resourceful ng mga ito. Bawat pinabibili at pinapahanap niyang sangkap o gamit ay kaya ng mga itong i-produce. Sa kulang tatlong oras niyang pagmamaniobra sa kusina, wala ni isa sa kaniyang hiningi ang hindi naibigay ng mga ito.  
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status