#MTDC63: Rage Pt.1Sinarado ko ang kurtina ng malaking bintana sa harapan ko nang maramdaman ang malamig na simoy ng panggabing hangin.Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko.Magdadalawang linggo na ang nakalilipas mula nang ilibing si Mama. Magdadalawang linggo ko na ring iniisip kung ano na ang gagawin ko ngayon.Hindi ko na muling nakita si Papa. As much as I want to talk to him, siya na mismo ang mailap sa akin. Palagi akong pumupunta sa bahay nila, pero palagi siyang wala. I wonder where he is staying.Is he okay now?Despite what he did to me, I still care for him. Nag-aalala pa rin ako sa kaniya. Ngayon na wala na si Mama, sana ay magkaayos na kami ni Papa.Ang isyu ng hindi pagpayag niya sa akin na dumalo sa lamay at libing ni Mama ay unti-unti nang namamatay. Pero kahit na ganoon, may iilan pa ring espekulasyon ang lumalabas.I really don’t want to mind them, but one speculation got me thinking.‘Baka kaya ayaw ni Congressman na pumunta ang anak niya kasi ayaw niyang magpa
Last Updated : 2022-05-28 Read more