Home / All / The Lotto Winners are Ex-Lovers / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of The Lotto Winners are Ex-Lovers : Chapter 21 - Chapter 30

57 Chapters

Kabanata Dalawampu

Masakit ang ulo niya ng magising. Para bang may pumupukpok ng martilyo sa loob ng bungo niya.Anna took a deep breath. Napaubo siya nang malakas  nang tila magbara ang hangin sa kanyang lalamunan.“Hon!” narinig niyang tawag ni Janus sa kanya. Parang napakalayo nito mula sa kinaroroonan niya.Biglang gumaan ang pakiramdam niya. Tila ba naglahong parang bula ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.‘Nasaan nga ba ako? Teka, ano ba ang nangyari? Bakit para akong nakalutang? Wala akong maramdaman.’Sinubukan niyang ibuka ang kanyang bibig upang magsalita.“J-a-nus,” hirap na hirap na balik-tawag niya rito, “na-saan…ka? Hon, w-wala akonggh… mak-i-taahh.”Wala siyang narinig na sagot. Tila naman may kung anong humihila sa diwa niya patungo sa kung saan.Pakiramdam niya ay lumilipad siya sa dilim. May kung anong pwersa ang humihigop sa kanya paimbulog sa kaitaasan.&ls
last updateLast Updated : 2022-02-01
Read more

Kabanata Dalawampu't Isa

Parang pinipiga ang puso ni Janus habang nakatunghay sa natutulog na si Anna. She looks troubled kahit sa pagtulog.Nakakunot ang noo nito at malikot ang galaw ng mga talukap ng matang nakasara. Wari niya ay pinipilit nitong gumising ngunit hindi kinakaya ng sariling katawan.Maputlang maputla ang kulay nito at nagsisimula nang maging dry ang balat dahil sa dehydration.“Boss Jan, nakahanda na ang pagkain. Sumubo ka na muna kahit kaunti. Kaninang umaga pa walang laman ang tiyan mo,” pukaw ng pansin niya ng kanyang kaibigan at katrabaho na si Reiner, “hindi rin makakatulong kung ikaw naman ang magka-ka-sakit.”“A-anong oras na ba? Wala pa ba si Dra. Pepito?” Sa halip na sumunod sa mungkahi ng kaibigan at tanong niyang hindi man lamang sumulyap sa inihanda nitong pagkain sa dining table.He doesn’t feel like eating lalo na ngayong may nababakas na siyang pag-asa na magkakamalay na si Anna.Gusto niya a
last updateLast Updated : 2022-02-02
Read more

Kabanata Dalawampu't-Dalawa

Nagdilat ng kanyang mga mata si Anna. Una niyang napansin ang puting kisame.Napatitig siya rito at wari ba ay iniisip kung nasaan na siya at kung bakit naroon siya.“Hon!” Sumilip ang pamilyar na mukha ni Janus, ang kanyang live-in partner na ama ng kanyang mga anak.‘Ang mga anak ko!’ Biglang sigaw niya sa isip at sinubukang buksan ang bibig upang magtanong ngunit tila ba napakabigat ng kanyang mga labi.Nakapagkit ang mga iyon at ramdam niya ang hapdi dulot ng pagkatuyot ng manipis niyang labi. Bahagya lamang niyang naigalaw ang bibig.“It’s okay, hon. Andito si Dra. Pepito to check on you.” Tumingin ito sa bahagi nito kung nasaan nakita ni Anna na nakatayo at pormal na nakamasid ang doktora.May iba pang mga taong naroon na pamilyar rin sa kanya ngunit hindi niya mahagilap sa isip ang pangalan ng mga ito. Napakunot-noo siya.Mayroong iisa at magkakatulad na ekspresyon sa mukha ang mga ito.
last updateLast Updated : 2022-02-05
Read more

Kabanata Dalawamput-Tatlo

Panay na lamang ang buntong-hininga ni Janus habang tahimik na pinakikinggan ang pagtangis ni Anna sa loob ng kotse. He could not dare lift a finger to try to comfort her at wala rin siyang maapuhap na tamang salita para mapatahan ang babae.He feels useless at lalo lamang iyong nagdaragdag ng bigat sa kanyang puso.Halos ay isang oras na sila sa parking lot ng kilalang columbarium na iyon kung nasaan ang cremated remains ng kanilang mga anak.“Have a drink, hon.” Abot ni Janus ng isang bottled mineral water kay Anna.Humihikbing tinanggap iyon ng babae at agad na ininom ang malamig na tubig. Hindi niya namamalayang naubos na niya ang laman ng 200mL ng mineral water sa isang lagukan lamang.Napatitig lang si Janus na bakas ang pagkamangha ngunit hindi pa rin nagsasalita.“Thank you! Gusto ko nang umuwi.” Kapagdaka’y sabi ni Anna.Walang nagawa si Janus kundi sundin ang hiling nito. He drove the car home.
last updateLast Updated : 2022-02-06
Read more

Kabanata Dalawamput-Apat

Anna’s condition relatively improved after ng madramang eksena nila sa pool. Naging open na uli ang babae sa pakikipag-communicate kay Janus.At times ay nagagawa na nitong makipagtawanan sa kanya especially kapag nanonood sila ng comedy film. At pumayag na rin itong bumalik sa hospital para magpa-check up na noong una ay hindi alam ni Janus kung paano i-sa suggest sa dalaga nang hindi ito magpa-panic.Nakapagpa-schedule na siya kay Nurse Jean the day after tomorrow. Panatag ang loob niyang nakikipag-kuwentuhan kay Anna ngayon, as they watch the re-run ng comedy movie ni Rowan Atkinson known as Mr. Bean entitled Rat Race.Punom-puno ng katatawanan at kalokohan ang palabas na iyon kaya naman ay halos sumakit na ang mga tiyan nila sa katatawa hindi lamang sa ingenuis tactics and luck ni Enrico Pollini na ginampanan nga ng komedyanteng paborito ni Anna, kundi pati na rin ang mga katatawa-tawang aksidente na dinanas ng ibang karakter sa pelikulang iyon.
last updateLast Updated : 2022-02-06
Read more

Kabanata Dalawamput-Lima

 “Ang sakit-sakit… tol… hik! Para akong… hik… pinagsakluban ng langit at lupa. N-nawala na sa akin ang lahat… hik… i-ni-wannn… hik… na nila akong lahat!”Hindi magkanda-ugaga si Ronaldo sa pag-alalay sa lasing na niyang kaibigan. For the first time mula nang magkakilala sila at maging magkaibigan hanggang sa inuman ay ngayon niya lang ito nakitang lugmok at halos ay mawala sa katinuan.Kung hindi pa napaaga ang pagbisita niya sa bahay nito na halos ay isang linggo nang hindi lumalabas at palagi lang nag-iinom ng alak sa sulok ay baka hindi na niya ito naabutang may malay.Kahapon ay tinawagan siya ni Reiner at ibinalita ang masamang nangyari. Lumayas na si Anna nang biglaan at wala man lang paalam sa kanyang kaibigan.Matapos ang apat na araw nang walang humpay na paghahagilap sa babae ay bumigay na ang katawan ni Janus at naratay sa higaan. Nang bahagyang maka-recover ay nil
last updateLast Updated : 2022-02-08
Read more

Kabanata Dalawamput-Anim

“What? Isasara mo na itong auto shop?”Sigaw-tanong na iyon ni Reiner nang after three days mula nang makalabas ng ospital ang boss ay pumasok ito sa shop for the first time.All of them, his employees there, were gaping at him dahil sa pagkabigla.“Teka… Boss Janus… sandali lang. Baka naman nabibigla ka lang? Pag-isipan mo muna nang mabuti. Paano naman kaming mawawalan ng trabaho?” Dagdag pang sabat ni Lilibeth na may naguguluhan ring ekspresyon sa mukha.Batid ni Janus ang gimbal ng lahat. Wala ni isa man sa mga ito ang pinagsabihan niya ng pinaplano.Hindi niya rin naman masisisi ang mga ito. Maayos kasi ang takbo ng negosyo at sa loob ng ilang taon lang ay may masugid na silang mga parokyano.Samakatuwid ay stable na ang auto shop na ito at ang mga regular niyang empleyado ay gamay na ang pasikot-sikot ng pagpapatakbo nito kahit wala siya.Katunayan ang ilang buwan na ring pagpapabaya niya sa
last updateLast Updated : 2022-02-08
Read more

Kabanata Dalawamput-Pito

“Bet Na!”May sampung katao na pawang mga mananaya ang nakapalibot sa isang mahabang mesa. Naroon sa gitna ang lalaking may hawak na deck of cards.Base sa suot nitong uniform ay ito ang bumabangka sa baccarat na nilalaro ngayon ni Janus sa malaking casino na iyon sa Pampanga. Bagamat wala siyang gaanong maintindihan sa larong iyon ay inusog niya ang ilang green chips sa tabi ng nakataob niyang baraha para tumaya.“Bet.”Pinaikot niya ang tingin sa mga tao sa paligid niya. Halos ay pawang kalalakihan silang naroon maliban sa ilang waitress at meron ding mga mukhang matronang tumataya sa mga slot machines roon.“Bet All!”Nagulat pa siya sa biglang pagsigaw na iyon ng katabing manong sa gawing kaliwa niya na sinabayan pa ng malakas na tawa.Halos ay araw-araw na niyang naririnig ang nakakabinging boses na iyon ngunit hindi pa rin talaga masanay ang tainga niya.Napailing na lamang siya at mata
last updateLast Updated : 2022-02-09
Read more

Kabanata Dalawamput-Walo

   “Nasa Singapore si Anna. She’s now working as a chambermaid sa isang hotel roon.” Nabigla si Janus sa sinabi ni Mr. Madera. Kumakain sila noon ng late lunch sa mansion nito. Maaga siyang tinawagan nito para  papuntahin roon. Ang akala niya ay dating gawi na susunduin niya ito at sasamahan sa casino, and stay there for days hanggang sa maubos ang baon nilang pera. Nasanay na siyang ganun kung kaya naman ay nabigla siya ng biglang ayain na mananghalian kasalo ng pamilya. He should have known dahil nakapambahay lamang si Mr. Madera when he came, meaning hindi o wala itong balak na lumabas ng bahay. “I would have told you earlier, pero totoo ang sinabi kong wala akong alam kung saan siya nagpunta after leaving your house. I did not even got a chance to meet her again. Nabalitaan ko lang kahapon sa ninang nito na n
last updateLast Updated : 2022-02-10
Read more

Kabanata Dalawamput-Siyam

  “Ladies and gentlemen, welcome to Singapore Changi Airport! Local time is 4:25 in the afternoon and the temperature is 25°C. For your safety and comfort, please remain seated with your seatbelt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about. Please check around your seat for any personal belongings you may have brought on board with you and please use caution when opening the overhead bins, as heavy articles may have shifted around during the flight. If you require deplaning assistance, please remain in your seat until all other passengers have deplaned. One of our crew members will then be pleased to assist you. On behalf of Singapore Airlines and the entire crew, I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again on the near future. Have a nice stay!”Ito ang mah
last updateLast Updated : 2022-02-11
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status