Sa buong buhay ko, hindi ko pinangarap na maranasan ang ganito. Hindi ko ginusto na dahil sa akin ay magtatalo-talo ang tatlong lalaki na malapit sa akin. Yes, they are all special to me, kaya naman hindi ko matanggap na parang magpapatayan na sila kung makatingin sa isa’t isa.“Teka nga. Please lang, bitawan niyo ako,” sabi ko dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. Halos karamihan ay lumabas na ng bar para lang makiusyoso sa nangyayari sa amin dito sa labas. “No, I won’t let you go,” Julian said.Leander scoffed. Si Liam ay tahimik lang sa isang tabi pero nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Pinandidilatan ko siya ng mata pero hindi pa rin siya natitinag. Ano bang problema nila sa buhay?“Kung hindi bibitaw ang lalaking ito, hindi rin kita bibitawan,” palaban na saad ni Leander. Lumakas pa ang bulung-bulungan ng mga taong nasa paligid. Ang ibang naglalakad ay humihinto pa para lang pagma
Last Updated : 2022-03-25 Read more